CHAPTER 92
BACK TO THE ACADEMY...
ARIOCH'S P.O.V
"Ama! Pabayaan mo akong putulin ngayon ang kanilang mga ulo! Maghihiganti ako! Maghihiganti ako!" Paulit-ulit na sigaw ng aking anak na si Phobes. "Anak, magtiis ka muna. Malapit ng matapos ang ginagawa ng mahal na Deus Lucifero." Sagot ko naman. Kita ko namang naluluha na ito. "AHHHH!" Sigaw naman niya nang hindi na niya mapigilan ang emosyon niya at sa isang kisap-mata ay naubos na naman niya ang isang daang kawal na nagbabantay sa trono.
"Anak, baka kapag tumagal ay maubusan na ng mga kawal ang ating kaharian sa ginagawa mo." Saad ko naman sa kanya. "Wala akong pakialam! Wala akong pakialam! Basta ang nais ko ay maghiganti! Puputulin ko ang ulo nila!" Nanggagalahiting sigaw naman nito.
"Kapatid. Kalamayin mo ang iyong sarili." Malamig na sabat naman ni Allure – ang pinakamatanda sa kanilang dalawa. Hindi ko naman anak si Akuji (Lilith) kaya hindi ko siya sinasama sa bilang ng mga anak ko. "Pero, Ate Allure! Tignan mo ang ginawa ng Kali na iyon sa mukha ko! Sinira niya ang mukha ko! Sinira niya! Sinira niya! Pupugutan ko siya ng ulo!" Sigaw ni Phobes habang umiiyak pa. Ngunit, sa halip na maawa ako ay mas kinatuwa ko pa ito, dahil mas lalong magiging hayok sa dugo si Phobes sa araw ng digmaan.
"Phobes, bakit 'di ka muna kumalma at antayin na mabuo lahat ng plano ng Deus Lucifero at ibuhos mo anv galit mo sa araw na magaganap na ang ang digmaan." Malamig na pagpapakalma ni Allure kay Phobes.
"Tama ang iyong ate, Phobes, kaunting hintay na lang at makakapaghiganti na rin tayo sa mga walang kwentang Fantasian na iyan." Saad ko naman sa kanya. Bigla namang ngumiti ito ng nakakatakot at umupo na lang sa isang tabi at dinilaan ang espada niyang puno ng dugo ng mga pinatay niyang kawal.
"Hahaha! Makukuha ko rin ang ulo mo Zen, hintay ka lang." Paulit-ulit na sa saad niya habang dinidilaan parin ang espadang puno ng dugo sa isang sulik.
"Ano na bang lagay ng plano ng Deus, ama?" Tanong sa akin ni Allure. "Malapit na, anak, malapit na." Saad ko na lang sa kanya...
...
GUIA'S P.O.V
Kasalukuyan na nga kaming naglalakad na sa bundok ng mga ghoul, akay-akay ko parin si Tan-tan, dahil nga 'di parin siya makalakad. Lahat ng madaanan namin ay kumakaway at tila ba ay may sinasabi na hindi naman naming maintindihan. Kaya kumakaway na lanvgkami ng pabalik sa kanila. Habang bumababa kami ng bundok ay bigla namang may tanong na pumasok. Sa isipan ko. Papaanong gumawa ng pananggalan si Xavier eh kasama namin siyang gumamit ng Hold Power kay Kuya Kali ah.
"Hoy, pst. Xavier, may tanong ako sa iyo." Pagtawag pansin ko naman kay Xavier na nasa likod ko. "Ano 'yon, Guia?" Tanong nito. "Hindi ba't kasama ka naming gumamit ng Hold Power kay Kuya Kali? Bakit nang kabukas ko ng aking mga mata eh nakagawa ka ng pananggalan? Hindi ba na-drain ang lakas mo?" Sunod-sunod na tanong ko kay Xavier. Tumawa lang naman ito.
"Sa totoo lang eh, noong maramdaman kong may panganib eh, bumitaw agad ako paggamit ng Hold Power kay Kali at nakipagpalit kay Nirvana." Sagot naman ni Xavier na nagpagulat sa akin. "Si Nirvana? Paanong siya?" Takang tanong ko.
"Mabait naman si Nurvana. Hindi lang talaga natin alam kung paano siya i-approach pero as sa nakita ko kanina ay masasabi ko g mabait sita kase walang kuskos-balungos siyang nakipagpalit sa akin ng sabihin kong emergency lang." Kwento naman ni Xavier na halos 'di ko mapaniwalaan. Pero dahil si Xavier ang nagkwento ay paninuwalaan ko na, thtal 'di naman marunong magsinungaling 'to.
"Totoong mabait si Ate Nirvana, ewan ko nga ba at naging ganyan ugali niyan simula ng bumalik siya mula sa mundo ng mga mortal." Sabat naman sa amin ni Tan-tan na akay-akay ko ngayon.
"Ay weh? Galing pala ang Nirvana na 'yan sa mundo ng mga mortal?" Tanong ko naman. "Oo nga at sa pagkaka-alam ko ay doon parin nakatira yung kakambal niya." Sagot naman ni Tan-tan.
"Wait lang pala, Guia, kailan mo pa tinatawag na Tan-tan ang mahal na prinsepe?" Takang tanong naman ni Xavier sa akin na nagpagaslaw ng mata ko at parang biglang pumalilit ang dila ako na naging dahilan para wala akong masabe.
"Ginusto kong tawagin niya akong Tan-tan, bilang isa narin sita sa mga kaibigan ko. Kung gusto mo Xavier, tawagin mo na rin akong Tan-tan. Siya nga pala, humihingi ako ng tawad sa nagawa ko noong nakaraan sa inyo." Nakangiting saad naman ni Tan-tan. "Naku, kalimutan na natin ang nakaraan. Pero nakaka-ilang parin po na tawagin kayo sa palayaw niyo kaya mahal na prinsepe parin po ang itatawag ko sa inyo." Saad naman ni Xavier. Napangiti at nagtitigan naman kami ni Tan-tan. Ang saya lang na nagkakasu do na ang grupo namin at ng mga Royalties.
Naglalakad na nga kami ngayon sa bundok ng mag Lauma. Kaway na naman at pamamaalam na salita ang sinasalubong nv nga nadadaanan naming Lauma at ilang lras pa ang nagdaan ay tuluyan na nga kaming nakababa sa bundok ng mga Lauma.
"Guys, alam kong napagod kayo, dagil hindi ko pinagamit ang kakayahan niyong mag-teleport sa pagkat para lanv iyon sa respeto sa tatlong bundok – pero dahil nandito na tayo ngayon sa paanan ng bundok ng walang direksyon ay pinapayagan ko na kayong gumamit ng Ejection at kung ano mang uri 'yan ng Teleportation Hold." Saad naman ni Prince Burnt na nagparamdam naman sa amin ng kagalakan. Grabe nakakapagod din kaya ang maglakad sa tatlong nundok ng ilang oras. Grave naka-dalawang araw din kami sa pagpanik ng tatlong bundok na iyon ah...
Pumikit na nga ang mga Royalties. Kaya lumikit narin kami ng mga kasama ko para makapag-quick step narin...
Ilang oras pa ng ibuka naman ang aming mga mata ay narito na nga kami sa harap ng trono ng Hari. Kita namin kase ngayon ang nakangiting mukha ng hari't reyna habang nakatingin sa amin.
"Nagagalak nama ako at ligtas kayong nakabalik at sa madalung panahon pa." Masayang saad naman ng Hari sa amin. "Siyempre naman ama, kasama ata nila ang tatlo mong anak na prinsepe." Mahangin na saad naman ni Prince Burnt. Naku, kung hindi lang nga kay Kuya Kali eh, hindi tayo nakaligtas sa baliw na prinsepe ng Dark Continent na iyon. "Iyan ang nga anak ko, lumapit nga kayong tatlo." Utos naman ng hari na agad namang sinunod ng tatlong prinsepe. Nang makalapit sila ay yinakap sila ng hari ng mahigpit.
"Hoy! Bakit kayo lang? Sama rin ako." Saad naman ng reyna na nakisama rin sa yakapan ng kanyang mag-aama. Grabe namiss ko tuloy si Nay Aurelia.
"Nais niyo bang ipaghanda ko kayo ng makakain?" Tanong naman ng hari. Bigla anmang kuamlam ang sikmura ko ng marinig ko iyon.
"Op-"
"Hindi na po mahal na hari, maraming salamat na lang po sa i yong alaok. Ngunit nagmamadali talaga kami." Saad naman ni Kuya Kali sa hari na pumutol sa sasabihin ko. Hays, si kuya nga naman. Wala naman akong magawa kapag siya na ang nagdesiayon kaya go with the flow na lang.
"Ganon ba iho. Kung iyan anv iyong nais. Flame, ihatid mo na sila." Utos naman ng hari. Kaya agarang humiwalay sa yakap si Prince Flame at naglakad papunta sa amin.
"Tara na sa aking munting barko." Saad naman ni Prince Flane at naglakad na palabas na agad anamn naming sinundan. "Paalam ama." Paalam naman ni Prince Rhys sa ama.
"Paalam po."
"Bom Dia, mahal na hari."
"Paalam po."
"Maraming salamat po.
Paalam at pagpapasalamat namin sa hari hababg sumusunod kami kay Prince Flame.
"Maraming salamat sa inyong tulong mga kamahalan." Dinig ki naman saad ni Kuya Kali bago ito tumalikod at sumunod sa amin. Naglalakad na nga ulit kami sa kalsada ng Reino do Fogo at kasalukuyan ngang kuamkaway ang mga Fantasian...
Ilabg iras pa ay tumatawid na nga kami sa lawa ng aloy gamit ang sara-sarili naming mga Bosom Fera...
At ilang minuto labg ay nakasakay na kami sa Barkong panghimpapawid ni Prince Flame. Walang nagsasalita dahil umiglip ang ilan.
"Guia, alam mo, lalo akong na-fafall sa 'yo." Bulong sa akin ni Tan-tan na magpagulat sa akin. "Ang baduy mo naman Tan." Saad ko naman, pero ramdam ko na ang pag-init ng pisngi ko. "Baduy daw, eh ang pula naman ng pisnge sa kilig." Saad naman niya na lalong nagpa-init ng pisngi ko dahil sa nadagdagan ng hiya ang nararamdaman kong kilig kanina.
"Hays bahala ka nga! Matutulog na lang ako!" Inis na saad ko sa kanya sabay sandal sa upuan at pinikit ang aking maga mata. "Sige, sweet dreams, mahal ko." Dinig ko pang saad ni Tan-tan na nagpangiti sa akin. Ilang saglit pa ay unti-unti ko ng naramdaman ang antok....
...
"Guys! Gising na! Narito na tayo sa Campo de Iris Academy!" Paggising naman sa amin ni Prince Flame. Agad naman kaming nagising lahat, dahil doon. Nang tanawin ko naman ang labas ay madilim an nangangahulugang gabi na.
"Narito na tayo sa Campo de Iris Academy, maaari na kayong bumaba." Saad naman ni Prince Flame. Agad naman kaming nagsibaba...
Nang makababa na ang lahat ay umakyat naman na si Prince Flame sa kanyang barko.
"Maraming salamat!" Pagbibigay naming lahat ng pasasalamat Kay Prince Flame.
"Mga anak!" Sigaw naman ng pamilyar na boses sa aming likuran. Kaya naman sabay-sabay kaming napatalikod. Bigla namang nangilid ang luha ko s aaking nakikita ngayon.
"Nay Aurelia!" Sigaw ni Kuya Kali...
...
Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )
Para naman maka-usap niyo ako ng matino para sa mga updates sa mga story ko, you can add me on facebook, search niyo lang po ang "Dandiv" naka-one name po ako ngayon thanks.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top