CHAPTER 90

KALI'S BACK...

KALI'S P.O.V

"Kali, anak, maaari mo ng idilat ang iyong mga mata." Dinig kong pagtawag sa akin ng isang pamilyar na boses. Kaya naman agad kong sinunod ang sinabi ng pamilyar na tinig at binuksan ko ng dahan-dahan ang aking mga mata...

Doon nga ay nakita ko ang Mahal na Supreme Dea Justo habang nakangiting nakatitig sa akin. Tatayo na sana ako nang mapansin kong nakalutang ako kaya napatingin ako sa ilalim at doon ko nakitang karga-karga pala ako ng Dea na nagparamdam sa akin ng hiya.

Nang mapansin ng Dea na nailang ako ay ibinababa niya naman ako agad. "P-Pasensya na po Mahal na Dea." Paghingi ko naman ng paumanhin. "Ayos lang iyon, Kali." Nakangiting sagot naman nito. Ay wait nasaan si Death? At paanong napunta rito ang mahal na Dea.

"Anak, nandoon nagpapahinga si Death, nawalan siya ng malay, dahil sa ako ang kahinahan niya. Napunta naman ako rito, dahil nagmaka-awa sa akin si Death." Sagot naman bigla ng Supreme Dea sa akin. Ay oo nga pala! Kaya nga pa lang magbasa ng isip ng Dea. "Pasensya na po." Paghingi ko naman ng tawad sabay peace sign.

"Kali, masaya ka ba sa mundong ito?" Tanong bigla ng Mahal na Dea. "Opo, sobrang saya ko po, lalo na at nagtagpo na kami ng aking tunay na ina na 'di ko inakalang Fantasian." Sagot ko naman.

"Tatutuwa naman akong malaman iyan. Kumusta naman si Lucian at Adhira?" Tanong ulit ng Dea. "Ayos naman po. Ang saya po nilang kasama kahit na lagi pong busangot si Kuya Lucian haha." Masayang sagot ko naman, natawa naman ng kaunti ang Dea.

"Eh, masaya ka naman ba sa iyong pagihing genderless?" Tanong naman nito sa akin. Huminga naman ako ng malalim. "Sa totoo lang po, may part na hindi, may part ding masaya po ako." Sagot ko naman. Ngmuiti naman ang Dea. "Gusto mo na bang bigyan kita ng tunay na kasarian?" Tanong naman ng Dea na nagpagulat sa akin.

"Huwag muna po mahal na Dea, sa ngayon po ay naguguluhan pa ako sa pipiliin kong kasarian, lalo pa ngayon na may minamahal na akong Fantasian." Sagot ko naman. "Ganon ba. Sige 'di na kita iistorbohin lalo pa at kailangan ka na ngayon ng mga kasamahan mo na kasalukuyang linalabanan ang Chimera." Saad naman ng Dea na nagpabigla sa akin. Naku, sana ayos lang silang lahat. Kaya tumalikod na ako sa Dea at pumikit...

"Sige po mahal na Dea pa-"

"Sandali lamang Kali." Pagpapatigil sa akin ng Dea. Kaya humarap akong muli sa kanya. "Ano po iyon mahal na Dea?" Tanong ko.

"Nais ko lamang ipaalala sa iyo sa pagharap mo sa Chimera na, "hindi lahat ng bagay ay nagdadala sa dahas." Paalala ng Dea. "Maraming salamat po sa pagpapalala, alis na po ako." Paalam ko naman. Kaya tumalikod na ako sa Dea.

"Sige, pakisabihan na lang sila Lucian at Adhira na bawas-bawasan ang bangayna nilang magkapatid." Pahabol ng Dea bago ako tuluyang maka-alis...

...

LUCIAN'S P.O.V

Nakikita ko naman ngayon nagliliwanag ang Chimera. Anong nangyayari rito?

Ilang saglit pa ng mawala ang liwanag na bumabalot sa Chimera ay lumitaw ang tatlong nilalang na may kakaibang itsura; isang nilalang na kalahating Fantasian ang pang itaas na katawan at ahas naman ang pang-ilalim. Yung isa naman ay may katawan ng isang Fantasian sa itaas, ngunit pang-ibabang bahagi naman niya ay isang kambing, may sungay din ito na parang sa kambing. Habang ang isa naman at may mukha at pang-itaas na katawan ng isang leon, habang ang pang-ibaba naman nito ay isang Fantasian.

"Sino kayo?" Tanong ko sa tatlo. "Kami ang Chimera. Ginamit lang namin ang isa sa aming Special Energia na kung tawagin ay Humanism. Na inaayahan kaming magmukhang Fantasian o Mortal na tao." Sagot naman ng nilalang na may anyong leon. 

"Ganon b-" Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng mabilisan silang tatlong sabay-sabay na sumugod at sinuntok ako sa mukha na naging dahilan ng pagtilapon ko. Gagong mga 'to, 'di man lang ako pinatapos sa sasabihin ko.

"HAHAHA nakakatawa ka naman, bata." Tawa ng nilalang na may kalahating ahas na nagpa-init ng ulo ko. "Mga lapastangan!" Sigaw ko sa kanila sabay nagpakawala ng Death Aura.

"Ang hina naman ng Death Aura mo, mababang nilalang! HAHAHA." Tawa at pang-iinsulto naman ng nilalang na may kalahating kambing na nagpasabog ng galit ko.

"Ako? Mababang nilalang? Ako?!" Sigaw ko sa kanila. "Oo HAHAHA." Sabay-sabay na saad at tawa nila sa akin. Nginisian ko naman sila.

"Consider your self Dead!" Sigaw ko sa kanila, "SINFUL SOUL: PERFIDIOUS OF TREACHERY!" Sigaw ko. Nakaramdam naman ako ng kaka-ibang sakit ng katawan na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko. Parang pinupunit ng paunti-unti ang laman ko.

"A-AHHH!" Nasasaktang sigaw ko. "ADRIEN! AYOS KA LANG BA?!" Nag-aalalang sigaw sa akin ni Xavier, nag-thumbs up naman ako sa kanya para ipakitang okay lang ako. Tang ina! Hindi ko naman alam na ganito pala ang pagdadaanan ko kapag ginamit ko ang Sinful Soul na Leader ng iba ko pang Sinful Soul.

Ilang saglit pa ay kita ko ng humiwalay ang laman sa aking buto. Ngunit nawala naman ang nararamdaman ki g sakit kanina.

"Hays, sa wakas, gunamit mo rin ako. Owner." Saad naman ni Perfidious gamit ang TeleCom. "Gago ka. Hindi mo sinabi sa aking ganon pala ang sakit kapag ginamit kita." Inis na saad ko naman dito.

"Tanga ka pala eh. ung sinabi ko yun, gagamitin mo parin ba ang Hold ko?" Tanong nito. Napahinga naman ako ng malalim, dahil tama nga naman siya, kung alam kong ganito ang magiging pakiramdam at hindi ko talaga siya gagamitin. "Sige, panalo ka na." Pagsuko ko naman.

"HAHAHA hoy! Bakit naging buto ka na lang? Ganyan ba kalakas ang suntok naming tatlo? HAHAHA." Panghahamak nila sa akin. "Sige na, gamitan mo sila ng Word Hold ko." Utos naman ni Perfidious sa akin. Aba, ako ang Owner ako pa inuutusan.

"Decease Chimera."...

...

KALI'S P.O.V

Nang imulat ko ang mata ko ay nagulat naman ako ng makita kong nakapit at nakahalik si Rhys sa akin. Kaya naman natulak ko siya ng bahagya. Napamulat naman siya ng mata at nagkatitigan kami, pero ako ng unang umiwas. Kaya tumingin ako sa paligid at doon ko nakita sila Guia na nakapikit at mukhang nanghihina na habang ginagamit sa akin ang Hold Power nila. Nasa likod naman nila ang ibang Royalties at si Ate Adhira habang pinapasa ang kanilang Energia. Kaya naman ngumiti ako.

"Maraming salamat sa inyo at naligtas ako. Maaari na kayong magpahinga." Saad ko naman sa kanila na nagpabukas ng mata nila. Ngumiti naman si Guia sa akin at sabay-sabay na silang nawalan ng malay, kasama na rin si Rhys sa mga nahimatay na nasalo ko naman.

"Back off bitch!" Sigaw naman ni Nirvana sabay tulak at agaw kay Rhys. "Why? Are threatened by my presence?" Nakangising tanong ko rito sabay tayo at lumapit kay Guia para buhatin ito at isandal sa isang puno. Pero bago pa man ako makalapit ay si Ate Adhira na ang bumuhat sa kanya.

"Ako ng bahala, Kali, puntahan mo na lang si Lucian doon. Mukhang sumusobra na naman siya." Seryosong saad ni Ate Adhira. Kaya naman napatingin ako sa pinakaharap at soon ko nakita si Xavier na nasa form ng isang Sphere na ginamit na rin noon ni Nay Olin para protektahan kami. Kung hindi ako nagkakamali ay Alessia ang pangalan nito. Nakita ko rin naman sa nalayo ang tatlong nilalang habang linalabanan ang isa pang nilalang. Hindi ko maabinag ng maigi ang ka ilang mga itsura sa pagkat medyo malayo sila sa akin. Kaya lumapit ako kay Xavier upang magtanong.

"Xavier, sino ang mga iyon?" Tanong ko rito. Kita ko naman ang pagkagalak sa mukha ni Xavier. "Hala! Sa wakas at gising kana rin!" Masayang saad naman nito.

"Sagutin mo na tanong ko mamaya ka na lang mangamusta." Inis na saad ko naman dito. "Triste naman noh! Yung tatlong iyon ay ang Chimera na nag-anyong Fantasian. Habang yung isa soon ay si Adrien." Inis na sagit naman nito na nagpatawa ng kaunti sa akin. "Sige salamat." Saad ko naman sabay lakad.

"Teka Ka-"

"Aray!" Nasasaktan saad ko naman ng mapukpok ako sa kung ano. Nang pinakatignan ko naman ang naaaharap ko ay isang invisible barrier pala ang nasa harap ko kaya tinignan ko ng masama si Xavier. Kinakabahang ngumiti naman ito sabay mag-peace sign. "Buksan mo nga ng kaunti!" Inis na utos ko naman na agad namang ginawa ni Xavier. Kaya naman tumakbo ako ng mabilis patungo sa lugar na pinaglalabanan nila Kuya Lucian...

Naaninag ko naman ng malinaw ang tatlong kakaibang nilalang at ang isang nilalang na may mukha ng bungo at nakasuot ng isang royal mantle, may suot din naman ito ng korona; para siyang hari ng mga skeleton ito. Tingin ko ay isa ito sa mga Sinful Soul ni Kuya Lucian.

"Decease Chimera." Dinig ko namang saad ni Kuya Lucian. 

"A-AHHHHH!" Nasasaktang sigaw ng tatlong nilalang na sa tingin ko ay ang Chimera. Sunid na nagyari ay parang unti-unti silang naaagnas na parang kandila.

"Sino sa atin ngayon ang mababang nilalang?" Cold na tanong ni Kuya Lucian sa tatlong nilalang. "Kuya! Itigil mo iyan!" Sigaw ko naman kay Kuya Lucian nang tuluyan na akong makalapit sa kanya. 

"Why should I?" Cold na tanong sa akin nito. "Kase, mabubulilyaso yung mission na pinunta natin dito." Sagit ko naman. Huminga naman siya ng malalim.

"Abolish my request." Saad naman ni Kuya Lucian. Bigla namang natigil ang paglusaw ng tatlo at napaluhod ang mga ito. Naglakad naman kaming dalawa ni Kuya Lucian papunta sa kanila.

"A-Anong gagawin niyo? Huwag kayong lalapit!" Nauutal at halatang natatakot na saad saamin ng tatlo. "Kuya pwede bang mahiram ang Held mo?" Tanong ko naman kay Kuya Lucian. Agad naman niyang nilabas ang Trident of Mar Fluindo. Tumakbo naman ako sa tatlong nilalang.

"HUWAGGGGG!" Natatakot na sigaw nila na nagpangiti sa akin.

Sunod namang narinig ang pagtasak ng Held ni Kuya Lucian sa aking palad sabay luhod sa harap ng tatlong nilalang. "Patawad." Saad ko...

...

Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )

Para naman maka-usap niyo ako ng matino para sa mga updates sa mga story ko, you can add me on facebook, search niyo lang po ang "Dandiv" naka-one name po ako ngayon thanks.

PERFIDIOUS OF TREACHERY


ALESSIA OF PROTECTION

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top