CHAPTER 89
REVEAL...
ADHIRA'S P.O.V
"MAGSIHANDA KAYO! SINUSUGOD TAYO NG MGA DESPERADO!" Sigaw na utos ni Prince Burnt sa amin na nagpa-alerto sa amin. Ilang saglit pa ay may mga nilalang na nakasuot ng Ninija Armor. Ano ang mga ito?
"Ano ang mga iyan, mahal na prinsepe?" Tanong ko sa prinsepe. "Ang tawag sa kanila ay Desperado, isa silang grupo ng mga bandido rito sa bundok ng Chimera. Ninanakawan nila ang kanilang mga biktima, pagkatapos nun ay papatayin na nila ito at ipapakain sa Chimera." Sagot naman ni Prince Burnt sa akin. Shit na mga 'to, napakabrutal. Hays patumbahin ko na nga agad. Baka makagulo pa sila sa ginagawang pagbabalik kay Kali.
"KAMINARI!" Sigaw ko. "Anong gagawin mo?" Tanong naman ni Prince Burnt. Bigla namang dumilim ang kalangitan, makikita at maririnig ang kidlat at kulog ngayon sa kalangitan. Kaya tinaas ko ang kamay ko. "Basta, ako ng bahala." Sagot ko naman sa prinsepe. Doon nga ay mabilisang tumama sa aking ang kidlat.
"HOY ADHIRA!" Nag-aalalang sigaw ng prinsepe sa akin. Nang mawala na ang nagngangalit na kidlat ay doon naman lumitaw ang aking dalawang pakpak na gawa sa kidlat.
"Sige, maya na lang." Saad ko sabay humarap sa mga Desperado na pasugod na ngayon.
"LIGHTNING LURE!" Sigaw ko sabay may lumabas na bala ng baril na gawa sa kidlat na tumama sa mga pasugod sa amin. Nang matamaan sila ay nanginig at nagkalasog-lasog ang kanilang mga suot, doon mga ay nakita ko ng maigi ang kanilang mga itsura; may iba't ibang ulo sila, tulad ng leon, kambing at ahas ang mga ulo nila na may katawan ng isang tao. Ano ang mga nilalang na ito?
"Prince Burnt. Anong klaseng mga nilalang ito?" Tanong ko sa prinsepe. Lumapit naman ito at pinakatignan ang mga nakatumbang katawan.
"Hindi ko alam, ngayon ko lang nakita ang itsura ng mga Desperado na walang takip sa mukha." Sagot naman ng prinsepe sa akin. Nagulat naman kami ng maging usok ang mga nakatumbang katawan at nagsamasama sila. Nang mamuo ang usok ay bigla namang sumabog ito na nagresulta ng pagkakaroon ng usok sa buong paligid.
Ilang saglit pa ay nakarinig na kami ng tatlong malalakas at magkaka-ibang sigaw ng leon, ahas, at kambing.
"Iyan na ang Chimera." Saad naman bigla ni Prince Burnt.
"Paanong nangyaring lumitaw ang Chimera?" Tanong ko naman. "Maaaring totoo nga ang sinabi ng isa sa mga nakaligtas sa pagsagupa sa mga Desperado na isang pagbabalat-kayo lamang ng Chimera ang mga Desperado." Sagot naman ni Prince Burnt sa akin.
"KUYA!" Sigaw naman ni Princess Zen, ngunit dahil sa usok ay hindi namin siya masyadong makita. "ZEN! NASAAN KA ZEN!" Kinakabahang sigaw naman ni Prince Burnt.
"Paano natin matatanggal 'tong usok na ito?" Tanong sa akin ng prinsepe. "Ako ng bahala." Saad ko naman.
"Sou eu, um de seus sobrinhos. Dea do Vento, dê-nos ventos que possam repelir esta fumaça." Pag-chant ko mh Enchanment na tamging ang mga Semi-Deus lang ang nakagagawa. Bigla namang may malakas na hangin ang umihip at tinangay ang usok na bumabalot sa kapaligiran. Doon nga ay nakita namin si Princess Zen na pinapaluputan ng Ahas na bundot ng Chimera, habang sa gawi naman nila kali ay kasalukuyan ng nagbubuga ng apoy ang dalawang ulo nito.
[Translation: Ako ito, ang isa sa iyong pamangkin. Diyosa ng Hangin, bigyan mo kami mg hangin na maaaring magtaboy sa usok na ito.]
"ZEN!"
"PRINCESS ZEN!"
Sigaw naman ng mga Royalties at ng iba ko pang kasamahan nang makita namin ang kalagayan ng prinsesa.
"Ano ng gaggawin natin, Adhira?" Tanong sa akin ni Prince Burnt. "Putulin muna natin ang ulo ng ahas na nakapalupot kay Princess Zen." Sagot ko naman.
"Kumapit ka sa akin." Utos ko naman. "Bakit?" Tanong naman ng prinsepe. "Para bumilis din ang galaw mo." Sagot ko naman kaya kumapit na siya sa akin. Kaya agad ko namang ginamit ang lightning speed para mapunta sa buntot ng Chimera na may anyong ahas. Puputulin na sana namin ito, ngunit nabigla na lamg kami ng may bola ng apoy ang biglang pabulusok sa amin.
"Shet! Hindi ata tayo makaka-iwas." Saad ko naman sa prinsepe. Ngunit bago pa man tumama ang bola ng apoy sa amin ay nagulat na lang ako na nandito na naman kami ng mahal na prinsepe sa pinagmulan namin kanina.
"A-Anong nangyari?" Tanong ko sa prinsepe. "Ginamit ko ang ejection." Sagot naman ng prinsepe. Ah yung teleportation ability nila.
"AHHH!" Sigaw naman ni Princess Zen kaya napatingin kami sa kanya at doon namin nakit na hinihigpitan na ng ahas ang pagpalupot sa prinsesa, habang ang dalawang ulo naman ng Chimera ay nagbubuga ng apoy na pinapatama sa gawi nila Kali, ngunit sinasangga naman ni Xavier na nasa Sphere Form niya, habang si Lucian at ang ibang Royalties naman ay nag-tatransfer ng Energia sa mga kasamahan naming ginagamitan ng Hold si Kali. Mukha na kasing pagod ang iba sa kanila at halos si Guia na lang ang gumagamit ng napataas na Healing Hold. Paano ko na sabi? Well, kita naman sa Life Force na nilalabas niya.
[Life Force- Kabaligtaran ng Death Aura; ginagamit na aura ng mga Healing, Light, Elemental Holder.]
"AH! Shit! Wala man lang akong magawa!" Galit na sigaw ng prinsepe habang sinisisi ang kanyang sarili. "Huwag mong sisihin ang iyong sarili, mahal na prinsepe. Hahanap tayo ng paraan para mailigtas si Zen." Pagpapagaan ng loob na saad ko sa prinsepe, ngumiti naman ito sa akin.
"Tara subukan natin ulit?" Tanong ko. "Ngunit 'di ko na kayang ulitin ang ejection, dahil nagamit ko lang ito ng biglaan kanina at maraming Energia ang nawala sa akin." Saad naman ng prinsepe. "Okay lang iyan, 'di naman siguro tayo mapapansin nung dalawang ulo, dahil binubugahan nila ngayon ng apoy ang gawi nila Kali, kaya tara na." Saad ko naman, tumango naman ang prinsepe at kumapit na sa akin. Madalian naman akong gumamit ng Lighting Speed.
Nang mapunta kami sa may buntot ng Chimera ay gumamit na kami ng Hold.
"WHITE FIRE: FIERY SLASH!"
"LIGHTNING CUT!"
Sigaw namin. Tumama naman ng direkta ang aming atake. Sunod naman naming narinig ang pag-atungal ng leon, kambing, at ahas na parang nasasaktan ang mga ito. Nabitawan naman ng ahas si Princess Zen. Kaya agad ko namang ginamit ang Lightning Speed at sinalo ang prinsesa na wala ng malay ngayon.
"Kapit." Utos ko sa prinsepe na sinunod naman nito agad at saka ko ginamit ang lightning speed. "Xavier! Buksan mo ng kaunti ang harang para makapasok kami!" Sigaw ko naman kay Xavier habang tumatakbo. Ngunit nabigla na lang ako ng biglang may magliwanag sa likuran ko kaya tumingin muna ako saglit at doon ko nakita ang dalawang bola ng apoy at isang bola ng lason na patungo sa amin.
"AHHH!" Sigaw ko na lang sa sobrang takot, dahil malapit ng tumama ito. Mas binilisan ko pa ang takbo – pero wala na ata kaming kawala sa tatlong bola ng kamatayan na papunta sa amin. Kaya tumakbo na langa ko ng nakapikit at nananalangin sa aking ina at sa aking mga kamag-anak na Deus at Dea na magkaroon ng himala.
(BOGSH~)
Dinig ko namang may sumabog kaya naman napadilat ako ng mata at doon ko nakita si Lucian sa kanyang Sinful Form. Sa pagkaka-alam ko, ang pangalan ng gamit niyang Sinful Soul ngayon ay Chaos of Violence. Paano ko na laman? Well, simabi niya sa akin. Ang itsura ni Cahos ay may apat na sungay ito, may dalawang mukha ito sa harapan – isang mukha ng inosenteng bata at isang mukha ng isang bungo ng demonyo na nasa taas ng mukha ng bata, medyo slim ang katawan nito at may bibig ito sa bandang puso, matutulis din ang kuko nito, may isang pares ito ng pakpak ng demonyo at may mga kadenang nakakapit sa katawan nito. Ngunit kalahati lang ang katawan, dahil anv kalahati nito ay mga nilalang na mukhang lobo na umaapoy.
"Kaminari! Bakit 'di mo pa ba gamitin ang Command Hold mo!" Galit na sigaw sa akin ni Lucian. "Aba, sinabi ko na sa iyo noon na kapag suot ko ang pakpak ko ay tanging Lightning Hold lang ang magagamit ko!" Sigaw na paliwanag ko naman dito.
"Weak." Saad naman nito sabay sugod sa Chimera. Shit na 'to! Ate ako oh! Ate ako! Tawagin ba naman akong weak! Sumbong ko talaga 'to kay mama.
Kinagat naman ng nga lobong nagliliyab ang Chimera at nagsusumigaw naman ang Chimera sa sobrang sakit na nararamdaman niya. Grabe nakakatakot din ang pinagpalit na kapangyarihan sa kanya ni Tito Saintee.
"Hoy! Ano pang tinutunganga mo riyan! Dalhin mo na sila sa loob ng barrier at tumulong ka sa pag-tatransfer ng Energia sa mga tumutulong kay Kali!" Inis na utos naman sa akin ng kapatid kong demonyo. Hays. Kaya naman ginamit ko na ulit ang ang Lightning Speed para makatakbo ng mabilis...
Nang makapasok na ako ay agad ko namang isinandal sa puno si Princess Zen.
"Tara, tumulong tayo mahal na prinsepe." Pagyaya ko naman sa prinsepe. Tumango naman ito, kaya namanlumakad na kami papunta sa kinalalagyan nila Kali. Nang biglang may nakakasilaw na ilaw ang nakakuha ng aming pansin na nagmumula sa labas ng barrier, kaya naman tumingin kami sa pinagmumulan nun...
Pagkatingin namin ay nakita naman naming umiilaw ngayon ang Chimera. "Anong nangyayare?"...
...
Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )
Para naman maka-usap niyo ako ng matino para sa mga updates sa mga story ko, you can add me on facebook, search niyo lang po ang "Dandiv" naka-one name po ako ngayon thanks.
CHIMERA
CHAOS OF VIOLENCE
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top