CHAPTER 85
ASKED...
GUIA'S P.O.V
"Mga Lauma, aalis na kami. Paalam!" Paalam ko naman sa mga Lauma.
"Paalam!"
"Paalam!"
"Nawa'y gabayan kayo ng mga Deus at Dea."
"Mag-iingat kayo!"
Sunod-sunod na pagpapaalam naman nila. Katapos nun ay nagpatuloy na kami sa paglalakad.
"Sa tansya mo Gi, mga hanggang kailan magpapakaprinsesa si Kali?" Bulong naman sa akin ni Ate Adhira. Napasamid naman ako dahil sa sinabi niya. "Feel ko susulitin niya 'yan haha. De joke lang ate baka patayin tayo niyan kapag nagising at malaman pinag-uusapan natin – tansya ko isang araw bago siya magising." Saad ko naman kay Ate Adhira. Natawa naman ito ng kaunti.
"Magsihanda na kayo, dahil nakatapak na tayo ngayon sa paanan ng ikalawang bundok; ang bundok ng mga ghoul. Kaya ilabas niyo na ang inyong mga Held." Paalala naman ni Prince Burnt na buhat-buhat ngayon si Kuya Kali. Nilabas namin mga Held namin at nag-umpisa nang magmasid-masid.
(SHOOOT)
"AHHH!" Sigaw naman bigla ng isa sa mga prinsepe katapos naming marinig ang tunog ng isang palaso.
"Tan-tan!" Sigaw naman ng mga Royalties. Kaya agaran akong tumingin kay Prince Elior, doon nga ay nakita kong may nakatawak na palaso sa kanyang binti at dumaragos ang dugo mula rito. Kaya naman nilapitan ko siya.
"Prince Elior, umupo muna kayo." Utos ko na agad naman niyang sinunod. "Sino may dalang kahit anong tela riyan?" Tanong ko naman, dahil sa gusto kong itali ang may sugat niyang binti para nedyo tumigil ang pagdurugo. Walang sumasagot pero nakikita ko namang may kabya-kanyang panyo ang mga Royalties.
"Mga punyeta kayo, may kanya-kanya kayong panyo pero di niyo maaphiram sa kasama niyo!" Galit na sigaw ko sa kanila. "H-Hindi kase nila pwedeng bahiran ng dugo ang kanilang mga panyo, dahil labag ito sa batas ng mga Royalties." Nahihirapang saad naman ni Prince Elior. Kaya naman pinunit ki na lang ang hood ng aking cloak. Kita ko naman ang gulat sa kanilang lahat, pero 'di ko na lang sila pinansin at itinali ko na panga ng pinunit kong hood ng cloak ko sa binti ni Prince Elior.
"Guia, 'di mo ba alam na bawal punitin ang cloak ng Campo de Iris Academy?" Tanong ni Prince Elior. "Wala akong pake. Hueag ka na ngang magsalita, ipunin mo na lang ang lakas mo." Utos ko naman sa kanya.
(SHOOOT)
Isang apnan naman ang narinig namin, pero this time tumama ito sa puno dahil naramdaman ng lahat iyon, kaya napa-iwas kami.
"Sino ka! Magpakita ka!" Sigaw naman ni Prince Flame. "Ay shit! Mga kamahalan kayo ba iyan?" Saad naman ng isang lalaki na nasa lumabas mula sa puno. Gwapo rin ito na may morenong kulay ng balat at nakasuot ito ng isang kimono.
"What the! Ikaw lang pala iyan Gener. Pinasundan ba kami ni ama sa iyo?" Walang ganang tanong naman ni Prince Flame sa lalaking nagngangalang Gener.
"Guys! Merong itim na kumakalat sa balat ni Tan-tan!" Nagpapanic na sigaw naman ni Princess Guen. Kaya naman napatingin kami sa kanya at doon ngannaming nakita ang nangingitim na balat ni Prince Elior na pumapanhik na sa kanya ulo.
"Shit! Sorry, natamaan ko ba siya? Naku, may lason pa anamn ng Basilisk yun. Lagot isang oras lang ay maaari siyang mamatay." Nangangambang saad din no Gener. "Dapat kase sinisigurado mo muna kung sinong pinapana mo." Saad naman sa kanya ni Prince Flame. Kaya napayuko na lang ito.
"Ano pwede nating gawin?" Tanong naman ni Princess Guen. "Ano raw maari nating gawin, Gener?" Pag-uulit na tanong naman ni Prince Flame.
"Ano, uhm, meron ba kayong healer dito?" Tanong nito. "Oo, meron, si Guia at si Rhys." Sagot naman ni Prince Flame.
"Kuya, kaya ko lang magpagaling gamit ang halik. Ano hahalikan ko si Tan-tan?" Tanong naman nito habang nakataas ang kilay. "Ayun sakto, kailangan mong sip-sipin ang ang bibig ni Prince Elior, upang mailabas niya ang lason." Saad naman ni Gener. Grabe naman. "Heck no!" Sigaw naman ni Kuya Rhys.
"A-Ako ba hindi pwede?" Singit na tanong naman ni Princess Guen. "Sad to say, Princess Guen, pero ang mga healer lang ang maaaring gumawa nun." Sagot naman ni Gener.
"Si Guia na lang!" Sigaw bigla ni Ate Adhira na nagpagulat sa akin. Tumingin naman ako ng masama sa kanya, pero ngisi lang ang iginanti nito.
"A-Ayoko nga." Nauutal na saad ko naman. "Guia, please, ikaw lamg ang healer na maaaring gumawa nun. Di talaga ako pwede." Paki-usap naman ni Kuya Rhys.
"Ihhh, bata pa ako. Virgin pa lips ko at ayaw kong mawala iyon." Saad ko naman. Bigla namang lumapit sa akin si Ate Adhira at bumulong.
"Hoy, Guia, gaga ka. Nakita ko kayo sa Garden of Lepidoptera na naghahalikan niyan, kaya gawin mo na o isusumbong kita kay Kali kagising niya." Bulong na saad naman ni Ate Adhira na nagpabigla sa akin. Hala paano niya nakita iyon, nakakahiya. Pa-virgin pa naman ako kanina.
"S-Sige na nga." Inis na saad ko at saka ako lumapit kay Prince Elior. Lumuhod na nga ako ngayon para makapantay ko siya at unti-unti ko ng nilalapit ang labi ko...
...
KALI'S P.O.V
"Kali! Gising na hoy! Kali!" Dinig ko namang pagtawag sa akin ng pamilyar na boses kaya dahan-dahan kong ibinuka ang aking mga mata at tumambad sa akin ang isang demonyo. Kaya sa takot ko ay napatayo at napa-atras ako. Tumawa naman ito ng tumawa at doon ko napagtantong si Death nga pala ito.
"Hays, triste, Death, potek 'di pa talaga ako sanay sa bagong itsura mo." Saad ko naman habang tumatayo. "Naku, Owner, wala lang sa akin iyon." Saad naman ni Death.
"Oh bakit mo pala ako dinala rito?" Tanong ko naman sa kanya. "Naisip ko lang na habang naka-activate pa ang side effect ng Hold Power mo eh, ipapa-alam ko lang sa iyo ang mga nagbago at ang mga nadagdag sa mga Hold Power mo." Paliwanag naman no Death. Kaya naman tumango-tango ako.
"Sige na umpisahan mo na." Utos ko naman sa kanya.
"Bale an ng Disaster Hold Power mo ay nawalan na ng side effect – pero 'di nawala side effect ng iba, tulad ng Destructive Eye, Touch of Death. Nabawasan naman ang side effect ng Reality Destruction na kung dati ay petrification ang side effect nito, ngayon ay whole body paralysis na lang." Paliwanag naman ni Death na nakapagpangiti sa akin. Wah! Yung Disaster talaga gusto kong subukan kase kita ko ng ginamit ni Death sa akin noong kasalukuyan ko pa siyang kinukuha.
"Ano naman yung mga nadagadag?" Tanong ko naman. "Bale meron ka na ngayon Demon Aura na may side effect na 1 day of sleep. Cursed na may kapalit na isa sa emosyon mo . Death na may side effe-"
"Wait, ano naman 'yang Death na 'yan?" Putol na tanong ko sa kanya. "Pwede tayong mag-binding o maging isa, kaso lang eh fifty minutes lang siya tatagal, dahil nga sobrang laking Energia ang magagastos nito." Paliwanag naman ni Death na nagpaning-ning sa mata ko.
"Siya nga pala Death, ano nga pala sa limang emosyon ko ang nawala nang gamitin ko yung Cursed kanina?" Tanong ko. "Subukan mo ngang tumawa." Utos nito saka niya ako kiniliti.
"Hahaha." Tawa ko naman.
"Subukan mo ngang magalit." Utos ulit ni Death. Nagpalabas ito ng larawan ni Nay Aurelia at pinunit ito.
"Hoy! Bakit mo pinunit!" Galit na sigaw ko.
"Subukan mo ngang umiyak." Utos nito sabay pinagsusuntok niya ako ng ilang beses, ngunit walang luha ang pumatak kahit sinusubukan ko at wala rin akong maramdamang sakit.
"Shit! Di nawala mga emosyon mo. Ang nawala sa iyo ay isa sa mga pakiramdam mo." Saad naman ni Death na pinagtaka ko. "Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko sa kanya. "Nawala ang pandama mo ng sakit. Bale kahit anong dakit ay hindi mo na ngayon mararamdaman." Sagot naman ni Death na nagpanganga sa akin.
"Paano na niyan?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya ng malapad. "Tanga ka Owner! Ayaw mo nun, wala ka ng mararamdaman sakit. Laking tulong nun sa mga laban na pagdadaanan mo." Nakangiting sagot naman ni Death. Ayaw ko ng ganito, nagiging mature ang isang nilalang kapag marami na itong napagdaanang sakit. Shit paano na 'to.
"Paano ba kung gusto kong ibalik iyon?" Tanong ko. "Ayaw mo ba talaga niyan?" Tanong no Death. Tumango namana ko bilang sagot. "Kapag binawi mo ang sumpang nilagay mo sa bundok, paniguradong babalik iyan." Sagot ni Death na nagpalungkot sa akin.
"Hays, kung ganyan din pala eh, huwag ko munang ibalik ang pakiramdam na iyon. Mas gusto kong maging ligtas at tahimik ang pamumuhay ng mga Lauma, kaysa maibalik ang pakiramdam ko." Sagot ko naman kay Death.
"Siya nga pala Death, may naging anak pala si Haring Dark Knight Equinox?" Tanong ko kay Death. Sumeryoso naman ang mukha nito. "Alam mo, Kali. Nagtataka rin ako kung bakit merong namunong Equinox sa Dark Continent. Kase sa pagkaka-alam ko eh, nang mamatay ang ina at ama ni Owner Dark Knight. Silang dalawa nalang ni Yolanda ang natirang Equinox, dahil sa wala naman silang kamag-anak." Takang kwento naman ni Death sa akin.
"Ano sa tingin mo. Isa lang bang huwad ang namumuno ngayon sa Dark Continent?" Tanong ko kay Death. "Hindi natin masasabing huwad nga sila at 'di rin natin masasabing tunay na mga Equinox sila." Saad naman ni Death na nagpagulo pa lalo sa isip ko.
Natinag naman kami sa pag-iisip ng biglang yumanig dito sa dimensyon ni Death. "Ano iyon Death?" Tanong ko.
"Maaaring may nangyayari sa dimensyon mo na nakaka-apekto sa aking dimensyon o maaaring may nakakaramdam ng panganib ang iyong mismong katawan mo."...
...
Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )
Para naman maka-usap niyo ako ng matino para sa mga updates sa mga story ko, you can add me on facebook, search niyo lang po ang "Dandiv" naka-one name po ako ngayon thanks.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top