CHAPTER 83

CRACKS...

ARIOCH'S P.O.V

"Mahal na Haring Arioch, nahuli na raw po si Berno. Ano na pong hakbang ang gagawin natin? Ililigtas ba natin siya?" Pag-uulat sa akin ng aking Ministro. "Wala muna tayong gagawin ngayon HAHAHA." Tumatawang sagot ko na nagpatak sa kanya.

"Mukhang may pinaplano kayo, mahal na hari?" Nakangising tanong nito sa akin. "Huwag nating sirain ang kasiyahan, Albeo HAHAHA." Sagot ko naman ulit sa kanya.

"Sige kung iyan ang iyong nais, mahal na hari. Meron pa pala akong iuulat sa inyo na siguradong ikakatuwa niyo." Nakangising saad sa akin ni Albeo. "At ano iyon?" Tanong ko.

"Nasa bundok ng walang direksyon ngayon ang mga Royalties at kasama rin nila ang Life and Death Holder." Nakangising ulat sa akin nito na nakakuha ng buong atensyon ko. "Nangangahulugan ito na wala silang tagapagbantay." Saad ko habang nakangiti ng malapad.

"Ama! Nangangahulugan ding naroon si Zen! HAHAHAHA pupunta ako roon! Pupunta ako roon! Kukunin ko ang ulo nilang lahat! Lalong lalo na ang kay Zen!" Maligalig na sigaw ni Phobes, kaya naka-isip ako ng isang ideya upang matakot ang mga batang iyon.

"Phobes, gusto mo ba talagang makuha ang mga ulo nila, lalong lalo na ang kay Zen? Sige puntahan mo sila at ipakita ang iyong lakas HAHAHA." Utos ko sa aking anak. Ngumiti naman ito ng malapad.

"WAHHH!" Sigaw niya at sa isang pikit mata ay naubos na naman ang mga kawal na narito sa loob ng trono, dahil sa sobrang saya ni Phobes. Dahil sa sobrang bilis nito ay di ko namalayang nasa harap ko na siya at kita ngayon ang bahid ng dugo sa buong katawan niya, dahil sa mga kawal an napatay niya.

"Sige ama, paalam, hindi kita bibiguin." Nalangiting saad nito sabay naglaho.

"HAHAHAHA." Tawa ko. "Lumaking mabuting bata si Prince Phobes, mahal na hari, napalaki niuo siya ng tama." Puri ni Albeo na nginitian ko naman...

...

KALI'S P.O.V

"Sino ka?" Seryosong tanong ko rito.

"HAHAHA Ako si Phobes, Prinsepe ng Dark Continent HAHAHAHA." Pakilala nito sa akin. Bigla namang nagsigawan ang mga Lauma.

"Wah! Huwag mo kaming kainin!"

"Huwag!"

"Takbo!"

"Magsitakbo! Mga Lauma magsitago na kayo!" Sigaw ni Apo sa mga kasamahan niyang nagsisigawan na rin ngayon. Nagtaka naman kami sa mga isinisigaw ng mga Lauma na "huwag kainin?"

"HAHAHA ganyan nga mga Lauma! Matakot kayo sa akin! HAHAHA." Nakakatakot na sigaw at tawa nito. Tumingin naman ito sa akin sabay naglabas ng ngisi. "Nagpakilala na ako binibini, ikaw naman, sino ka?" Tanong nito sa akin. Nginisian ko rin naman ito at saka nagpalabas ng death aura, dahilan para mapa-atras siya at bumitaw sa pagdiin niya nv kanyang ispada sa aking payong.

"Ako? Ako nga pala si Sephtis Kali Picosa, isang hamak na Fantasian." Pakilala ko sa kanya, kita naman ngayong nagpapawis siya dahil sa kaba na naramdamdaman niya kaninang nagpalabas ako ng death aura - pero ilang saglit ap ay ngumisi na lamang ito.

"Napakagandang pangalan. Siguro mas gaganda ka kung idadagdag ko sa koleksyon ko ang ulo mo, kasama siyempre si Zen HAHAHA." Tumatawang saad nito na nagpataas ng kilay ko. Baliw ba ang lalaking ito? Nang tignan ko naman ang mga kasamahan ko ay bigla nilang pinalibutan si Zen na ngayon ay takot na takot, dahil siguro sa narinig.

"Kung iyan ang pakay mo ay hinding hindi kita papayagan sa balak mo." Seryosong babala ko rito. "HAHAHA tandaan mo, Kali, lahat ng gusto ko ay nakukuha ko!" Sigaw nito sabay sugod sa amin. Kaya hinaramgan ko naman siya gamit ang aking payong, doon nga ay nagsalpukan ang mga ito na nagsanhi para mabuwala ang ilang mga puno rito sa bundok, dahil sa impact ng pagkalansing ng aming mga sandata.

"Tutulong kami Kali!" Sigaw ni Prince Burnt, humarap naman ako sa kanya at inilingan ito.

"Huwag kayong makialam sa laban namin." Utos ko sa kanila gamit ang MassCom.

Diniinan niya pa sa payong ko ang ispada niya, kaya ng makita kong open ang pang-ibabang katawan niya ay sinipa ko ito ng malakas dahilan para mapatilapon siya. Ilang saglit pa ay dinig ang mga sigaw niya.

"AHHH! Madaya! Madaya!" Galit na sigaw nito habang pasugod sa akin. Dahil sa bilis niya ay nagulat ako kaya hindi ko napahhandahan ang pagsugod niya, buti na lang ang medyo naka-iwas ako pero nadaplisan ako sa braso.

"Kali!" Sigaw ng mga kasamahan ko sa akin. Itinaas ko naman ang kamay ko at nag-okay sign sa kanila.

"Madaya ka!" Parang batang sigaw nito sabay sugod sa akin, kaya naman napilitan na akong gumamit ng Death Aura. Nagulat naman ako sa naging resulta dahil napatigil ito sa pagsugod at napalihod ito. Ngunit ilang saglit lang ay nawala iyo sa paningin ko at sunod ko na lang namalayan ay isang malakas na suntok ang tumama sa sikmura ko. Kaya napahiga na lang ako sa lupa dahil sa lakas ng suntok na iyon.

"HAHAHA, akala mo ba ay maapektuhan ako ng mahinang Death Aura mo? Isa akong Pessoas Mas! Kaya hinding hindi ako maapektuhan ng Death Aura mo!" Sigaw nito sa akin na hindi nawawala ang nakakatakot na ngiti. Shit! Ang bilis ng baliw na 'to, di ko man lang mahulahan ang mga galaw niya, kahit na gamitin ko pa ang Short Vision.

"Kali, nais ko lang ipaalala sa iyo na nabigyan ka ng basbas ngnisang Sempiternal, kaya nagkaroon ka rin ng mga bagong kakayahan." Pagka-usap sa akin ni Death gamit ang TeleCom. "Weh? Hindi ko alam iyon ah. Ano bang marerekomenda mong maari kong gamitin sa baliw na ito?" Tanong ko kay Death.

"Meron, dahil sa sinabi niyang hindi siya naaapektuhan ng Death Aura, bakit hindi mo subukan sa kanya ang Demon Aura tapos sabayan mo ng Fallacy o ang advance form ng Delusion." Suhesyon ni Death, para bang nakikita ko itong nakangisi. "Wait wala bang side ef-"

"Madaya!" Sigaw nito sabay sundok ulit sa sikmura ko kaya napadapa na naman ako. Punyetang bastos 'to, may kausap pa ako namimigla!

"Kung itatanong mo kung anong side effect - ang side effect ng Fallacy ay makakatulog ka lang ng isang araw." Sagot ni Death. "Sige, salamat Death." Saad ko, kaya tumayo ako sabay ngisi. At saka ko inisip ang salitang "Fallacy." Katapos ay naglabas ako ng Demon Aura at tinignan siya. Bigla naman itong natulala at nagkaroon ito ng bitak-bitak sa mukha.

"K-Kuya."

"E-Etits."

"Li!"

"S-Sephtis, a-anong ginagawa mo?"

"H-Hoy!"

Dinig kong saad ng mga kasama ko kaya napatingin ako sa likuran ko at nakita kong nagkakaroon narin ng bitak sa mukha ang mga jasamahan ko at ang ibang prinsesa ay nakahandusay na kaya pinawalang bisa ko ang paggamit ko ng hold ko at lumapit sa kanila.

"Ah!" Saba- sabay na pagpapakawal nila ng buntong-hininga. "P-Patawad, di ko sinasadya." Paghingi ko ng tawad sa kanila.

"K-Kuya ang hapdi ng mukha ko." Mangiyak-ngiyak na saad ni Guia at kita nga ang mga nakabukang sugat sa kanyang mukha na mistulang nga bitak.

"Ako rin." saad naman ng mga Royalties na may malay, Ate Adhira, at Xavier, pwera sa nga prinsesang walang malay at kay Kuya Lucian na tahimik lamang habang nakatingin ng masama sa akin. Pero pansin ko rin ang mga sugat sa mukha nito.

"Kami rin!" Sabay-sabay na sigaw naman ng mga Lauma at doon ko nga nakitang nagkabitak din ang mukha nila. Naakamapinsala pala ng Aura na iyon. Ang tanga ko naman kase, di ko man lang inisip ang maaring mangyari lalo pa at first-time ko itong ginamit.

"Kaya mo bang pagalingin silang lahat, Guia?" Tanong ko. "Oo kuya, kaya ko naman, medyo matatagalan lang nga. Kaya sige na tapusin mo na ang kalaban mo bago pa siya maka-recover." Saad naman ni Guia. Agad naman niyang pina-ilaw ang nga kamay niya at sinunulang haplisin sila Ate Adhira at Xavuer gamit ang dalawang kamay niya. Naisipan ko naman na baka makatulong si Fuchsia.

"APPEAR!" Sigaw ko.

"KYEEEK!" Sigaw naman ni Fuchsia ng makalabas ito. "Ano ang iyong ipag-uutos, Owner?" Tanong nito. "Tulungan mo sa pagpapagaling si Guia." Utos ko, agad naman itong lumipad papalapit kari Guia habang ako naman ay tumakbo papalapit sa baliw na lalaki na nakaluhis parin at parang wala parin sa sarili. Kaya tumalon ako para sana sasakin ito ng biglang makita ko sa Short Vision ko ang patamang pana sa akin, kaya binuka ko ang aking payong para masangga iyon.

Pagkasara ko sa aking payong ay doon ko nakita ang medyo maukatandaan ng lalaki na mayroong itim na buhok at nakasuot ng cloak na kukay black na nakababa ang hood at ngayon ay buhat-buhat ang baliw na prinsepe.

"Hanggang sa muli, Death Holder." Saad niyo sa akin sabay naglaho silang dalawa ng baliw na prinsepe. Kaya naman tumakbo na ako papunta sa aking mga kasamahan upang matignan muli ang kanilang kalagayan.

Nang makalapit ako ay nakita ko namang may malay na ang mga prinsesang nawalan ng malay at kasalukuyan na silang pinapagaling. Ang mgaauma naman ay mgaling ng lahat dahil kay Fuchsia.

"Maayos na ba ang inyong kalagayan?" Tanong ko sa kanila.

"Walang hiya ka! Katapos mong gawin sa amin ito may lakas ka pa ng loob na sabihin sa amin iyan?" Tanong ni Nirvana, or should I say whore bitch na nagpatiim ng bagang ko. "Punyeta ka, kaya nga ako nangungumusta dahil alam kong ako ang may kasalanan, sabi ko sa iyo 'di ba? Kapag wala lang masabing tama tumahimik ka na lang!" Galit na sigaw ko sa kanya na nagpahiya sa kanya kaya ayun ang gaga nag-walk out.

"Nice, Kali, alam mo bang bukod sa akin ay ikaw lang ang nakakabara sa Nirvanang 'yon?" Tanong sa akin ni Prince Burnt. Di ko na lang siya pinansin at huminga na lang ng malalim at nilapitan muna ang aking pamilya.

"Ate Adhira, Kuya Lucian, Guia, at Xavier. Triste, 'di ko sinasadya, akala ko kase ay kaaprehas lang ang maidudulot ng Death Aura ang Demon Aura." Bulong ko sa kanila. Nangining naman ang mata ni Guia.

"Wo-"

"Shhh." Saad ko sa kanya sabay takip sa bibig niya. "Huwag kang maingay gaga! Baka may makaalam na kaya kong gumamit ng Demon Aura at isuplong tayo sa hari." Bulong na paliwanag ko sa kanila.

"Ano bang mali roon?" Tanong ni Xavier. "Nabasa ko kase sa libro na nakuha ko sa library noon na ipapataw ang parusa g kamatayan sa sino mang gumagamit ng Demon Aura, dahil sa ang mga nilalang na makasalanan lamang ang nakakagamit nito." Paliwanag ko sa kanila.

"OMD!" OA na saad ni Guia.

"Kung gayon ay isa kang makasalanan?" Tanong bigla ni Kuya Lucian na nagpagulat sa mga kasama ko, ngunit napataas naman ang kilay ko. Grabe minsan na lang ngang magsalita, hays.

"Hindi po kuya, ang makasalanan ay ang nilalang na nagbigay sa akin ng basbas. Hays sige dahil okay na kayo ay kukumustahin ko naman ang mga Royalties, bye." Paliwanag ko sa kanila sabay tayo at lakad papunta sa mga Royalties.

"Kumusta na ang lagay niyo mga Royalties, lalo na kayong mga prinsesa? Pasensya na sa aking nagawa." Malungkot na saad ko.

"Ayos lang iyon, Sephtis." Nakangiting saad ni Princess Guen sa akin.

"Oum, ayos lang po iyon Kuya Kali." Saad din naman ni Princess Zen.

"Oo, Kuya Sephtis, wala iyon!" Masayang saad naman ni Princess Shaine na ikinagulat ko kaya napatingin ako sa kanya, ngunit ng mapadapo ang mata ko sa mga kasamahan namin ay kita ko rin anv gulat sa kanilang mga mata.

"Why?" Inosenteng tanong ni Shaine sa amin. "Ah, wala wala, masaya akong magaling na kayo ng tuluyan." Nakangiting saad ko naman.

"Oh, magsitayo na tayong lahat upang makapunta na sa ikalawang nundok." Utos naman ni Prince Burnt. Ngunit may biglang lumasok sa isip ko.

"Teka lang, mga Royalties. May isang katanungan lang akong itatanong sa mga Lauma." Pigil na saad ko. "Sige lang, Kali, alam kong imporatnate ang iyong itatanong." Saad naman ng prinsepe kaya hurap ako sa mga Lauma at nakipag-eye-to-eye cobtact kay Apo.

"Apo, sabihin mo ang dahila kung bakit nkyo ginagawa sa mga manlalakbay ang panliligaw sa kanila? At higit sa lahat ay bakit nagsisigaw kayo ng "huwag mo kaming kainin." Kaninag narito ang baluw na iyon?" Sunod-sunod na tanong ko kay Apo na nagpaseryoso sa kanyang mukha.

"Iyon ay dahil kami ang Anti Hold Barrier."...

...

Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )

Para naman maka-usap niyo ako ng matino para sa mga updates sa mga story ko, you can add me on facebook, search niyo lang po ang "Dandiv" naka-one name po ako ngayon thanks.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top