CHAPTER 81

NO DIRECTION...

DIRETORA ANISHA'S P.O.V

"HULIHIN ANG TAKSIL!" Sigaw ko kaya naman nagsilapitan nagsilapitan sa Ministro ng Estados de brisa Unidos ang mga Anciàos Santos wt inilabas ang kanilang kanya-kanyang Held at itinutok ito sa leeg ng Ministro. Ngumisi naman ang Ministro at humalakhak ng sobrang lakas.

"HAHAHA." Malakas na tawa mg Ministro. Sinuntok naman siya ni Santos Esmael. Ang Clouds Holder at ang may pinakama-init na ulo sa kanila. "Huwag kang tumawa nakaka-irita! Sumuko ka na lang ng matino para wala ng gulo!" Sigaw ng Santos. Ngunit nginisian lang siya ng Ministro at bigla na lang nalusaw ng unti-unti ito hanggang sa maging itim na buhangin ito at inihip ng hangin. "Tumatakas siya! Pigila siya!" Sigaw ng Otima kaya naman dali-dali akong naglabas ng sobrang lakas na Sleeping Aura. Magsitumba naman ang ibang mga Ministro dahil hindi nila makayanan ang Aura ko at bigla namang bumalik sa dati ang Ministro.

"Maaring mapigilan mo ako sa anyong ito, ngunit paano kaya pag ito!" Sigaw nito at nabalutan ito ng itim na buhangin at doon lumitaw ang isang lalaking may malaking sugat na hiwa ang mukha, mataba at nakasuot ng itim na roba. Kilalang-kilala ko ang pigurang ito, nag pigurang pumatay sa aking ama.

"Nagkita tayong muli, Berno." Seryosong saad ni Otima Aurelia sa kanang kamay ng Hari ng Dark Continent. "Nagagalak ako na makita ka Aurelia, kay tagal na panahon simula ng makaharap kita HAHAHA." Tawang-tawang saad nito sa Otima.

"Papatayin kita!" Sigaw ko dahil sa biglang bugso ng aking emosyon. Kaya nilabas ko ang Held ko na may korteng sibat at tumalbo ako papalapit sa kanya. Ngunit nang masaksak ko na siya ay lumusot lamang sa katawan niyang mala buhangin ang aking sibat. "Tsk, tsk, tsk. Hindi mo ako mapapatay sa pipityugin mong Held, anak ni Irano. Parehas kayong walang kwenta ng iyong ama! HAHAHA." Tawang-tawang pang-iinsulto nito sa akin na lalo kong ikinagalit kaya tinadtad ko siya ng saksak na lumulusot lang sa kanyang katawan. "AHHH!" Sigaw ko habang gigil na gigil na masaksak siya.

"Anisha, tama na." Bulong naman sa akin ni Santos Emerald. Ang Utility Holder. Kumalma naman ako at itinigil ang pagsaksak ko. "HAHAHA iyon na ang kaya mong gawin?" Pang-iinsultong tanong nito sa akin.

"Mukhang lumaki ata ang ulo mo Berno? Nakakalimutan mo atang narito ang gumawa ng sugat sa iyong mukha Hahaha." Sabat naman ni Santos Andromeda. Ang Star Holder. Nakita ko namang naging takot ang ekspresyon ng mukha ni Berno nang marinig niyang magsalita ang Santos

"B-Bakit hindi kita nakita kanina Andromeda? Ah! Huwag mo akong sasaktan!" Natatakot na saad ni Berno habang nakasabunot pa sa kanyang buhok. "Hindi mo talaga ako makikita. Walang makakakita sa akin kung hindi ko pahihintulutqn ang kanilang mga mata na makita ako." Seryosong saad ni Santos Andromeda kay Berno. "Susuko ka ba o tatapusin na kita, Berno?" Nakangising tanong ni Santos Andromeda. Kita mo naman ngayon ang takot sa mukha ng Ministro. "AHHH!" Sigaw nito sabay nagpalabas siya ng Death Aura. Di naman kami matinag dahil napakahina lamang ng kanyang Death Aura.

"Yun na 'yon, Berno?" Walang ganang sagot ni Santos Andromeda. "HAHAHA hindi pa Andromeda!" Natatawang saad ni Berno at doon nga ay unti-unting naging itim na buhangin ito at doon nga ay humalo ito sa hangin at bumuo ito ng isang kulungan na kumulong saamin dito.

"Ngayon, wala na kayong magagawa dahil nakakulong na kayo rito sa loob ng aking katawan HAHAHA." Dumadagundong na tawa nito at unti-unti na naman siyang naging itim na buhangin na bumalot sa buong Optic's Room at kumulong sa amin. "Ngayon! Wala na kayong magagawa kung hindi antayin ang kamatayan niyo at mabaon sa aking katawan! Ah!" Sigaw nito sabay unti-unti kaming tintaabunan nito.

"Ano nang gagawin natin Otima?" Nga-aalalang tanong ko sa Otima. "Huwag kang mag-alala Diretora ako ng bahala." Mainahong saad sa akin ni Santos Zxhzckr. Ang Nullification Holder. Kaya tinaas nito ang kanyang kamay at umilaw ito ng kulay berde at doon ay unti-unting nawawala ang itim na buhangin na unti-unting bumabaon sa amin.

[Pronunciation of Zxhzckr: Zes-haz-che-kra]

"AHHH!" Dinig naming sigaw ni Berno na ngayon ay unti-unting bumabalik sa kanyang katawan. Nang tuluyan na siyang mabuo ay bigla itong napaluhod.

"Tsk, tsk, tsk. Hindi mo parin ba kilala ang iba sa amin at di mo parin ba alam ang kanya-kanyang Hold namin?" Iling-iling na tanong ni Santos Andromeda kay Berno. Bigla namang lumapit sa paanan ni Santos Andromeda si Berno at kumapit sa paa ng Santos habang umiiyak. "N-Nakiki-usap ako Andromeda. H-Huwag niyo akong paslangin." Umiiyak na paki-usap nito sa Santos.

"Oo naman, Berno, hindi ka namin papatayin. Hindi naman kami tulad niyo na walang puso. Damien anong gagawin natin sa kanya?" Tanong ni Santos Andromeda kay Santos Damien. "Ipatapon siya sa Prsao de dor ser fim upang doon niya mapagdusahan ang kanyang pagkakasala." Saad naman ni Santos Damien.

"Kung iyan ang desisyon niyo ay ako na ang maghahatid sa kanya." Pagprisenta ni Santos Andromeda. Tumango naman si Santos Damien. Kaya tinalian na ng Anti-Hold Chain si Berno. Nilapitan na siya ni Santos Andromeda at hinawakan - pagkahawak niya ay bigla rin silang nawala.

"May masama akong kutob sa ginawang hakbang ni Berno." Saad ni Otima na kumuha ng pansin naming lahat. "Anong ibig mong sabihin, Guro?" Tanong naman ni Santos Damien. "Wala ito, sana nagkakamali lang ako." Saad nito sabay buga ng malalim.

...

KALI'S P.O.V

"Payag ka ba, kung sabihin ko sa iyong maging asawa kita kapalit ng pagtulong?" Tanong nito na nagpalaki ng mata ko. "Eh? Baliw ka ba? Hindi noh. Kaya naman naming pumunta ng wala ka." Matigas na saad ko sa kanya sabay tayo mula sa aking pagkakaluhod. "Kung ganon naman pala ay sige, kayo na lang ang pumunta." Saad naman ni Prince Burnt na may ngisi sa kanyang labi. Nhinisian ko rin naman siya.

"Sige, aalis na kami." Matigas na saad ko sa prinsepe.

"Kali! Teka lang, hoy!"

"Sephtis, huwag ka ngang ganyan."

"Hoy! Basura napaka-mapagmataas mo!"

"Sephtis hindi natin kaya ang mga ghouls!"

"Hoy! Kali naman!"

"Kuya, ayaw ko pang mamatay!"

"Li! Lalo tayong di tutulungan niyan ni kuya eh!"

Ilan lang yan sa mga naririnig ko sa kanila kaya sa inis ko ay humarap ako sa kanila.

"Hindi niyo ba natatandaang kami ni Guia ang Life and Death Holder?" Walang ganang saad ko sa kanila. Bigla naman silang napanganga. Kita ko rin ang hari, reyna, at si Prince Burnt na gulat na gulat. Nang na-realized ko sinabi ko ay napatakip agad ako ng bibig. Naku! Shit! Bakit ko nasabi.

"K-Kayo ang Life and Death Holder?" Nauutal na tanong sa amin ni Guia ng Hari. Bigla namang lumapit si Guia at binatukan ako.

"Aray!" Sigaw ko naman, tinignan ko ng masa si Guia ngunit nakita ko anman siyang kumindat. "H-Hoy! Kuya tama na nga yang pagbibiro mo haha, b-baka akalain pa ng Hari ay totoo ang sinasabi mo hahaha." Pagsisinungaling nito. Kaya dinabayan ko na lang siya at kumamot sa aking batok. "P-Patawad pi mahal na Hari haha totoo pong nagbibiro lamang ako." Nakatawang pagsakay ko sa palusot ni Guia. Nagtango-tango naman ang Hari na nangangahulugang nakumbinsi namin ito.

"Ganon ba. Sa susunod ay huwag kang magbibiro ng ganon anak, magiging dilikado ang buhay mo kung nagkataong may makarinig sa iyo. Lalo pa at isang masamang Deus ng makakalaban ng Life and Death Holder." Babala naman ng Hari. Tumango naman kami bilang sagot. "Bilang kailangan niyo talaga ang aking anak ay ipapa-ubaya ko na siya sa inyo. Kaya, Burnt, inuutusan kitang sumama sa kanila." Utos ng hari na nagpabigla naman sa prinsepe.

"Ama, anong. Hind-"

"Huwag kang tumutol. Utos ko iyon at walang makakabali nun. Tutulong ka sa kanila o aalisan kita ng karapatang lumaban para sa trono?" Pagbabanta ng Hari sa prinsipe. Napalunok naman ang prinsepe at walang salitaang pumaba ito sa trono at naglakad papalapit sa amin.

"Humanda ka mamaya." Pagbabanta nito. Nginisian ko naman siya. "Sige, hintayin ko yan." Sarkastikong sagot ko sa kanya. Napapikit naman ito at humngi ng malalim na nagpapahiwatig na nagpipigil ng galit.

"Sige na mga Hijo at Hija. Humayo na kayo nang makarating kayo ng maaga sa unang bundok." Utos ng Hari kaya nagsiyukuan kami sa harap ng hari at reyna, katapos non ay tumalikod na kami at naglakad para lumabas.

Nang makalabas na kami ay bigla naman atinulak ni Prince Burnt at isinandal sa pader. "Hinahamon mo talaga ako, Kali." Saad nito at tinapunan niya ako ng titig na nilabanan ko naman. "Kung sabihin kong oo, ano namang magagawa mo?" Tanong ko sa prinsepe at kinagat ang pang-ilalim kong labi. Tumitig pa siya sa akin hanggang siya mismo ang umiwas at nagpati-unang naglakad. "T-Tara na at lumakad na tayo." Utos nito sa amin. Sumunod naman kami agad at naglakad narin.

Naglakad lang kami ng naglakad at bawat tahanan na nadaraanan namin ay may mga nakasungaw na pantasian at kumakaway sa amin. Kinakawayan din naman sila ng mga Royalties.

Habang tumatagal kaming naglalakad ay pawala ng pawala ang mga nakatikik na tahanan...

Nang nasa pinakadulo na kami ay biglang tumigil si Prince Burnt at humarap sa amin. "White Fire: Chain!" Sigaw ng prinsepe sabay nagpakawal ng puting apoy na may korteng kadena at tinali kami nito na pinagtaka naman namin.

"Ano ito mahal na prinsepe?" Tanong ni Ate Adhira. "Dahil sa dami natin ay di maiiwasan ang magkaroon ng aberya sa uanang bundok na tatahakin natin mamaya." Sagot naman nito na kinataas naman ng kilay ko.

"Anong palagay mo sa amin, mahal na prinsepe? Mga bata na maliligaw pa sa bundok?" Sarkastikong tanong ko sa kanya na nagpakunit naman ng noo niya. "Alam mo ba ang tawag sa bundok na tatahakin natin?" Tanong nito sa akin. "Eh, syempre hinde. Ngayon lang ako nakapunta rito." Sarkastikong sagot ko naman.

"Kung gayon ay ipapaalam ko sa iyo. Ang tawag sa bundok na iyon ay, "Ang Bundok ng Walang Diteksyon." Kung saan nag-iiba-iba ang mga direksyon sa bundok na iyon sa bawat isang minuto." Sagot naman ng prinsepe sabay bitaw ng nhisi sa akin. Kita ko naman ang pagkabigla sa mukha ni Ate Adhira, Xavier at sa ibang Royalties, pwera kari Kuya Lucian at Prince Flame.

"P-Paano tayo makakalabas doon kuya?" Natatakot na tanong ni Princess Zen.

"Walang paraan para makalabas doon, pwera sa isang bagay na dala natin." Saad naman nito. "At ano iyon?" Tanong ko. "Ang Ring Map ni Ama na may kakayahang sundan ang pababago-bagong direksyon ng bundok." Sagot naman nito na nagpanatag sa aming kalooban.

"Kaya tara na at lumakad na tayo papunta sa Bundok na walang direskyon." Utos sa amin ni Prince Burnt at naglakad na. Sonundan naman namin siya.

Ano kayang naghihintay sa amin sa bundok ng direksyon? Nag-aalala ako lalo pa at may nararamdaman akong masa nang marinig ko ang pangalan ng bundok na iyon...

...

Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top