CHAPTER 80

THE STORY OF SEMPITERNAL...

DIRETORA ANISHA'S P.O.V

(At Campo de Iris Academy.)

"Mahal na Diretora, narito na po lahat ng Ministro at parating na po lahat ng Sampung Anciàos Santos." Ulat ni Migs sa akin – ang aking vice. "Kung gayon ay ihanda na ang Optic's Room para sa gagamiting pagtitipon." Agad namang tumakbo paalis si Migs upang ihanda ang Optic's Room.

(Note ko lang guys. Optic's Room ay isa sa mga room na hindi pwedeng pasukin ng mga Irisian. Nasa Rules and Regulations yan sa Book#01)

Paanong nakalaya sa pagkakahimlay ang mga Sempiternal? Ang pagkaka-alam ko ay matagal na silang tinalo ng mga Deus at Dea gamit ang pinagsama-samang Hold nila ay napatay at hinimlay nila ang mga Sempiternal sa isang lugar na kung tawagin ay Himlayan ng mga Sempiternal. Ngunit paano silang nabuhay muli?

"Mahal na Diretora, narito na po ang mga Ministro at ang Sampung Anciàos Santos." Ulat naman sa akin ni Migs nanpinagtaka ko naman. "Ang Sampung Anciàos Santos mismo? At hindi gamit ang kanilang mga Fera upang makipagpulong?" Tanong ko. "Oo Diretora, sila nga." Seryosong tugon naman ni Migs. Tumango naman ako at lumakad na papuntang Optic's Room.

Ilang saglit pa nang makarating na ako sa harapang pinto ng Optic's Room ay kumatok muna ako. Bumukas naman ang pinto at doon ko na nakita ang mga Ministro at ang Sampung Anciàos Santos na naka-upo sa long table na nasa gitna ng hall, ngayon ko lang ulit masilayan ang mga mukha ng Sampung Anciàos Santos, kaytagal na ng panahon magmula ng ipinakita nila ang kanilang mukha, jaya siguro hindi sila nakikilala ng mga ministro ngayon. "Boa Noite, mga Ministro at mga Anciàos Santos, ikinagagalak ko ang inyong prisensya ngayon." Pagbati ko sabay yuko sa harapan nila.

"Anong atin Anisha?" Tanong naman ni Santos Damien, ang namumuno sa Sampung Anciàos Santos. "Marahil ay mabalitaan o nasabi na sa inyo ni Santos Esmeralda na buhay ng muli ang mga Sempiternal." Saad ko naman. Nakita ko naman ang namuong takot sa mukha ng Sampung Anciàos Santos, samantalang sa mga Ministro ay parang wala lang ito.

"Ano bang kinatatakot niyo eh, minsan na sipang gunapi ng ating mga Deus at Dea." Saad naman ng Ministro Abadel, ang Ministro ng Casa de Luz. "Mali ka riyan!" Sigaw naman ng pamilyar na boses sa may pinto. "Sino naman ang batang ito at nakikisali sa ating usapan?"  Nakataas kilay na tanong. Kita ko namang nagsitayo ang Sampung Anciàos Santos at biglang yumuko sa batang babae.

"Lapastangan!" Sigaw naman ni Damien na leader ng Anciàos Santos. "Anong karapatan mong tawagin moa kong lapastangan ah?! Hindi mo ba ako nakikilala? Ako ang Ministro ng Casa de Luz!" Galit na sigaw naman ni  Ministro Abadel.

"Ako ba nakikilala mo? Ako nga pala si Damien, ang leader ng Sampung Anciàos Santos! At ang mukhang batang babaeng sinisigawan mo ay ang aming tanyag na gurong si Òtima Màe Aurelia Picosa!" Galit na sigaw din naman Santos Damien. Kita naman ngayon ang pagkagulat sa mukha ng ministro. Ang ibang ministro at ang aking mga Apresintador naman ay nag-umpisa ng magbulong-bulungan.

"Tahimik!" Sigaw naman ng Otima, dahilan para tumahimik ang lahat. "Maaari na kayong umupo Damien, uumpisahan ko na ang pagsisiwalat ng lihim tungkol sa mga Sempiternal." Utos ng Otima na agad naman sinundan ni Santos Damien.

"Ikaw din Anisha, maaari ka ng umupo, alam kong pagod ka na ngayong araw." Nalangiting utos sa akin ni Otima na agad ko naman sinunod. Kaya lumakad ako papunta sa inilaang silya sa akin na katabi ng aking mga Apresintador.

"Ngayon sisimulan ko muna sa kwento kung paano nabuo ang mga Sempiternal. Noong unang panahon ay may isang grupo ng mga Fantasian na punamumunuan ng isang Mortal ang sinubukang sakupin ang buong Mundo da Fantasia, ngunit nabigo sila dahil sa pagdating ni Ainesh Otizam dito sa mundo. Pinatay lahat ni Ainesh Otizam ang buong grupo ng mananakop na iyon na naging sanhi para matigil ang balak nolang pananakop. At dito na nagsimula ang pagtanggi ng purgatoryo sa kanila, sa una ay nais ipaglaban ni Supreme Dea Justo ang mga ito kaya ipinadala niya ang nga iyo sa Paradiso." Kwento ng Otima at natigil siya ng may biglang nagsalita.

"At ano naman ang dahilan ng Supreme Dea Justo upang gawin iyon?" Tanong naman ni Ministro Dinagat, ang Ministro ng Republica de Agua. "Walang naka-aalam, Ministro." Sagot naman ng Otima at tinuloy na ang pagkukwento.

"Doon nga ang sinasabing pagsuka ng Paradiso sa kanila. Ngunit alam niyo ba na bago sila isuka ng Paradiso ay sinumpa sila ni Supreme Deus Solomon na magkakaroon ng pighati sa kanilang puso ng habang buhay na naging dahilan para maging imortal sila." Saad ng Otima at naputol na naman ng may nagtanong muli.

"Bakit naman binigyan ng Amang Solomon ng nganoong napakagandang basbas ang mga ganoong mga nilalang?" Tanong ni Ministro Alab, ang Ministro ng Reino do Fogo. "Sinabi sa akin ng Deus Mar Fluindo na ginawa raw iyon ng kanilang ama, upang mabigyan kaparusahan ng walang hanggang pagdurusa ang mga ito." Sagot ng Otima.

"At nang itapon naman sila ulit ng impyerno sa Mundo da Fantasia, sa kadahilanang halos mapantayan nila ang lakas ng mga Heneral na tagapagparusa ng Imoyerno at punangalanan silang Sempiternal o walang kamatayan." Putol ulit sa kwento ni Otima ng magtaas ng kamay ang isa sa mga Anciàos Santos. Napatampal na lang sa noo si Otima.

"Ano iyon Brix?" Tanong ni Otima kay Santos Brix, ang pinaka bata sa mga Santos, na nasa sixty pa lang ang edad. "Uhm, mahal kong guro, hindi ba't ayon sa kwento ay napatay ng mga Deus at Dea ng Mundo da Fantasia ang mga Sempiternal gamit ang kanilang pinagsama-samang Holds?" Tanong ng Santos.

"Hindi ko pa ba naikwento ang tunay na pangyayari sa mga Sempiternal?" Takang tanong ng Òtima. "Hindi pa mahal kong guro." Sagot naman ni Santos Brix. "Brix tigilan mo nga iyan." Nakataas-kilay na puna nama ni Otima.

"Para sagutin ang tanong mo, walang nakapatay sa mga Sempiternal, ngunit natalo sila ng mga Deus at Dea sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng sumpang makakatulog habang buhay, nang walang gumagambala sa kanila. Hanggang dito nga naputol ang sumpa at nagbalik silang muli." Pagtapos sa kwento ni Otima na nagpa-umpisa ng bulong-bulungan sa mga Ministro at mga Apresintador ko.

"Anong gagawin natin ngayon?"

"Katapusan na ng Mundo da Fantasia."

"Paano na tayo ngayon na kahit ang ating mga Deus at Dea ay walang kakayahang manalo."

"AHHH!" Sigaw naman ni Santos Esmeralda na nagpatigil sa mga komusyon. Nang mapatingin kami sa kanya ay doon namin nakita ang kanyang mga mata na umiilaw ng kulay puti na nagngangahulugang may babanggitin itong propesiya.

"AS THE SOLIS KISS LUA, ITS
FORETELL TO BATTLE AIMS"

"OATH OF FALLEN WILL RISE AND BECAME THOUGH"

"THE LIFE AND DEATH HOLDER'S LIFE WILL CLAIM"

"AND CLIMATE WILL GO ROUGH"

"BLOOD CONTAMINATE THE WATER"

"DESPAIR WILL BE THE SMELL OF WIND"

"HARVESTRY OF LIFE WILL BE IN DESTROYER"

"UNKINDLED THE FLAME AND BREAK THE SINNERS BIN"

"DARKNESS WILL SUCKS THE LIGHTS"

"AFRAID NOT, THE CHILD OF PROPECY WILL UPHEAVE"

"ENRICH BY THE KNOWLEDGE OF ENLIGHTEN"

"BRING BACK THE FALLEN AND ALL WILL BE UNCLEAVE"

Saad niya at doon bumagsak ang Santos. Agad naman siya nilapitan ng mga Apresintador na may Hold Power ng healing at sinusubukan siyang bigyan ng Energia. Nang mapatingin naman ako sa mga Misnistro ay kita ko naman ang takot sa kanilang mga mukha dahil sa pagbanggit ng Santos Esmeralda sa isang Propesiyang binanggit na niya noon labing limang taon na ang nakalilipas. Natakot din ako sa totoo lang kaya nilapitan ko ang Otima at binulungan.

"Ano ang kahulugan ng muling pagbanggit ng Santos sa Propesiya, Otima?" Tanong ko sa Otima. Tumingin naman ito ng may ngiti sa labi sa akin. "Malapit ng maganap ito Anisha, kaya sana, bago dumating ang araw na kinakatakutan natin ay handa na ang aking kambal." Nakangiting turan sa akin nito. "Makaka-asa kayo sa akin, Otima." Nakangiting sagot ko sa kanya. Nabigla naman ako nang biglang lumapit si Santos Phobus sa amin at binulungan kami.

"May traydor sa loob ng pagpupulong na ito at paniguradong naii-ulat na niya na lahat sa Dark Continent ang lahat ng mga pinag-uusapan, galaw, at kondisyon natin ngayon dito, guro." Bulong sa amin ni Santis Phobus. Malaking tulong talaga ang Hold niya na kung tawagin ay Deja Vu, na kung saan ay binibigyan siya ng kakayahang makita ang ang nakaraan.

"Sino ba sa kanila, Phobus?" Tanong ng Otima. "Ayun siya Otima, ang Ministro ng Estados de brisa Unidos." Turo ni Santos Phobus sa babaeng prenteng naka-upo katabi ng Ministro ng Soberanya das Terras.

"Paano natin siya mahuhuli, Otima?" Tanong ko naman. "Lalapitan ko muna siya para kunin ang lakas niya at doon mo isigaw na "hulihin ang taksil." Ito na lalapit na ako. Humanda ka Anisha." Utos naman sa akin ng Otima. Lumapit na nga ang Otima at hinanda ko naman ang sarili ko. Kita ko namang lumapit din si Santos Phobus sa mga kasama niya at binulungan ang mga ito. Nagtango-tango naman sila na parang may binubuong plano.

"AH! AH! AH!" Sigaw naman ng Ministro ng Estados de brisa Unidos nang haaakan siya ng Otima na nangngahulugang kailangan ko ng gawinan ang Duty ko.

"HULIHIN ANG TAKSIL!" ...

...

Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )

Para naman maka-usap niyo ako ng matino para sa mga updates sa mga story ko, you can add me on facebook, search niyo lang po ang "Dandiv" naka-one name po ako ngayon thanks.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top