CHAPTER 78

REINO DO FOGO...

PRINCE RHYS' P.O.V

"I-Ikaw ang nagmamay-ari niyan?!" Nabibiglang tanong ni Sephtis nang ipakita ni Flame ang kanyang Fera. Nagulat din naman kami dahil sa nakikita namin ngayon na isang Chimera ang Fera ni kuya.

"P-Paanong napunta sa iyo ang Chimera Flame? Ang pagkaka-alam ko ay isang Flaming Titanoboa ang Fera mo." Tanong ko maman sa kanya. Binigyan lang naman niya ako ng isang pilyong ngiti.

"Gusto mo bang malaman?" Tanong nito sa akin na may pilyong ngiti.

"Gusto namin." Sabat naman ni Sephtis. Shet, naiilang kong tumingin sa kanya.

"Ganun ba, Li?" Tanong naman ni Flame.

"Oo, bilisan mo." Walang emosyon na saad ni Sephtis. Ang laki na ng pinagbago ng aking pinakamamahal. Oo alam kong sinabihan niya na akong lumayo – ngunit kahit nasa malayo ako ay hindi naman lalayo ang pag-ibig ko sa kanya. Siya lang ang mamahalin ko habang buhay at walang papalit sa kanya rito sa puso ko.

"Okay, sabi mo eh, pero bago ang lahat, Boa, bumalik ka muna sa dati mong anyo." Utos ni Flame sa Chimera. Wait, Boa? Name yun ng Fera niya ah. Bigla nabalutan ng apoy ang Chinera at ilang oras pa ay lumitaw ang nag-aalab na napakalaking ahas. Ito ang Fera ni Flame ah, pero wala akong matandaan na may kakayahang magbago ng anyo ang Fera niya, lalo na at ang ginaya niya kanina ay isang Deus-like Fera.

"P-Paano nagawa ni Boa na gayahin ang itsura ng isang Deus-like Fera?" Tanong ko.

"Simple lang. Gamit ito." Sagot naman ni Flame sabay taas ng isang kwintas at may kulay gintong pendant na balahibo ito.

"Ano yan mahal na prinsepe?" Tanong naman ni Xavier.

"Ito ang tinatawang nilang, "The Feather of Chimera." Haha." Masayang sagot naman ni Flame. Napanga-nga naman kami. Pwera kay Sephtis at doon sa kuya nila. P-Paabong natalo ni Flame ang isang Chimera. Sinasabing isang milliong Fantasian na ang sumubok na kalabanin at kumuha kahit isang balahibo lang ng Chimera, ngunit lahat sila ay hindi na nakabalik ng buhat, kung may nakaligtas man ay sunog ang kalahati ng katawan nito.

"Paano mong nakuga iyan Flame?" Tanong ko, ngumisi naman ito.

"Well, dahil sa tulong ni Kuya Burnt." Sagot ni Flame habang tinataas-baba niya ang kanyang kilang. Literal namang lumuwa ang mata ko. Never pa kaming tinulungan ni Kuya Burnt sa kahit anong bagay, paanong tinulungan niya itong pilyo naming kapatid?

"Anong pangba-black mail ang ginawa mo kay Kuya Burnt at tinulungan ka niya?" Tanong ko sa kanya habang nililiitan siya ng mata.

"Well, sabi ko, hindi na ako lalaban sa gaganaping pagpapasa ng trono ng ating amang hari sa susunod na linggo. Kaya ayun ti ulungan niya ako haha." Sagot niya habang tumatawa.

"Ano?! Bakit mo naman sinuko ng ganon-ganon lang ang iyong karapatan?!" Galit na tanong ko kay Flame.

"Well, wala naman akong pakialam kung maging hari ako o hinde. Ang mahalaga sa akin ay makapaglakbay ako sa buong Mundo da Fantasia at sa iba pang mga Mundo." Sagot ni Flame habang nakangiti ng malapad. Tsk, tsk, tsk. Kung ako bever kong isusuko ang trono, nais kong pagharian ang buong Reino do Fogo kaya lalaban ako sa susunod na linggo para makuha ang trono.

"Sige, atleast, mababawasan ako ng isang katunggali." Kibit-balikat na saad ko.

"Kung gayon ay iyan pala ang makukuha mong makukuha basbas sa Feather of Chimera. Ang panggaya ng kanyang anyo, tama ba?" Tanong ni Adgura kay Flame.

"Hindi lang iyon binibini, makukuha mo rin ang eksaktong kapangyarihan mayroon ang Chimera, ngunit gumagana lamang ito sa mga Fera at hindi ito gumagana sa mga Fantasian." Sagot naman ni Flame sa kanya. Tumango-tango naman si Adhira.

"Kung wala ng mga tanong ay maari na siguro tayong lumipad upang malagpasan ang lawa ng apoy na ito." Saad naman ni Flame.

"Paano kaming may Fera na walang kakayahan sa paglipad kuya?" Tanong naman ni Glenn kay Flame.

"Ay, oo nga bakit hindi ko naisip iyan. Sige ganito na lang. Yung mga Fera na tanging sa Lupa lang pwede ay maari niyo ng pabalikin sa mga held niyo at makisakay na lang sa mga Owner na may Fera na may kakayahang lumipad." Suhesyon naman ni Flame. Walang ano-ano ay agad tinago nila Glenn at Shaine ang kanilang Fera.

Nagtaka naman kaming mga Royalties kung bakit hindi tinago nila Adhira, Lucian, at Xavier ang kanilang mga Fera. "Kayo. Bakit hindi niyo itago ang sa inyo?" Tanong ni Nirvana.

"Bakit namin sila itatago kung may kakayahan din silang lumipad?" Matigas na saad ni Adhira kay Nirvana.

"Uh! How is that possible? Walang mga pakpak ang inyong mga Fera at isa pa, mukha silang mahihina." Sarkastikong panghahamak ni Nirvana.

"Gusto mo putulin ko ang ulo ng bubuyog na iyan?" Nagulat naman kami ng biglang magsalita ang Fera ni Xavier na isang nine tailed fox na nagpaluwa ng aming mga mata. Sa pagkaka-alam ko ay ang mga Deus-like Fera lang na tulad nila Abadon at Fuchsia ang may kakayahang magsalita.

"P-Paanong-"

"Bitch, kung wala kang magandang sasabihin ay huwag ka na lang magsalita." Saad ni Sephtis na nagpaputol sa sasabihin dapat ni Nirvana. Humarap naman ito kay Flame.

"Prince Flame, tara na." Walang emosyon na utos nito at na-una ng lumipad. Sabagay, alam naman pala ni Fuchsia kung nasaan ang aming kaharian. Kaya sumunod at lumipad narin kami. Tumingin naman ako sa Fera nila Adhira, Lucian, at Xavier at masasabi kong kakaiba nga ang kanilang mga Fera sa pagkat kahit wala silang pakpak ay nakakalipad parin sila sa pamamagitan ng pagtapak sa hangin. Kakaiba talaga ang pamilya ni Sephtis, kaya nagtataka ako kung minsan kung saan ba talaga sila nagmula.

Ngayon nga na nasa himpapawid na kami ay talaga namang masasabi mong kamangha-mangha ang lawa ng apoy, dahil sa mga naggagandahang mga Sirena ng Bulkan na naninirahan rito – kulay apoy ang buong katawan nila, tila ba'y isa silang buhay na magma dahil sa kulay nila. Nang mapatingin naman ako kay Sephtid ay kita ko ring nagmamasif ito sa paligid habang nakangiti. Ngayon ko lang ulit nakitang ngumiti si Sephtis at nakatutuwang isipin na dahil iyon sa tanawin ng lugar na pinagmulan ko. Hinihiling kong ako sana ang rason sa mga ngiting makikita sa iyong labi aking mahal. Nagulat naman ako ng mapatingin ito sa akin at nawala ang kanyang ngiti kaya nman tinanggal ko ma ang pagkakatitig ko sa kanya at tinuon na lamg ang pansin sa magandang tanawin ng Reino do Fogo.

...

KALI'S P.O.V

Napansin kong parang may nakatingin sa akin habang nagmamasid ako sa paligid, kaya nagpalinga-linga ako at doon ko nga nakita si Rhys na nakatitig sa akin habang may mapait na ngiti sa kanyang labi. Nang mapainsin niyang nakatingin na ako sa kanya ay umiwas siya ng tingin at tinuon na lang ang kanyang pansin sa tanawin. Hays, sa tingin ko ay kailangan ko ng nilalang na pagtutuunan ng pa sin para mawala na sa puso ko si Rhys. Alam kong kapag lumaban lang ako ay parehas lang kaming mahihirapan...

...

Sa ilang oras na paglipad namin ay matatanaw na mula tito ang isang napakalaki, napakaganda, at napakagarang harian na pinalilihiran ng lava. Siguro ginagamit nila ang lava upang walang makapasok na taga Dark Continent sa kanila.

"Maligayang pagdating sa aming kaharian, ang Reino do Fogo!" Sigaw ni Flame.

"Wow! Ate Adhira matutupad narin ang ating kahilingan na mabisita ang ilan sa mga Kaharian ng Mundo da Fantasia!" Masayang sigaw ni Guia kay Ate Adhira.

"Oo nga Guia, sana susunod naman nating mapuntahan ay ang Kaharian ng Estados de brisa Unidos!" Sigaw din naman ni Ate Adhira kay Guia.

"Huwag kayong mag-alala Ate Adhira, kapag mayroon tayong libreng oras ay dadalhin ko kayo roon." Nakangiting sabat naman ni Princess Zen. Kaya ayun si Ate Adhira at Guia ay halos tumalon na sa lawa ng apoy sa sobrang tuwa.

"SALAMAT PRINCESS ZEN!" Sabay na sigaw ni Ate Adhira at Guia, kaya ayun pinagtawanan sila ng Royalties. Gusto ko rin ngang matawa kaso pinpigilan ko.

Ilang saglit pa ay natanaw na namin sa malapit ang Kaharian. Napakaganda nga talaga nito lalo na sa malapitan. "Ngayon, maari na tayong bumaba roon sa likod ng kaharian upang hindi tayo magdulot ng komusyon sa mga Fanyasian!" Utos naman sa amin ni Prince Flame. Agad naman naming sinunod iyon at doon nga ay sumadsad kami sa likuran ng kaharian.

"Ngayon, maari niyo ng pbalikin sa inyong kabya-kanyang Held ang inyonv mga Fera, para makapaglakad na tayo." Utos naman ulit ni Prince Flame, sinunod din namin iyon. Kaya ng maibalik na ang aming kanya-kanyang Fera ay nagpati-unang naglakad si Prince Flame papuntang harapan ng Kaharian. Bawat nadadaanan naman naming mga Fabtasian ay todo ang sigaw at papuri sa mga Royalties.

"Maligayang pagbabalik aming mga kamahalan!"

"Nawa'y pagpalain kayo ng ating nga Deus at Dea!"

"Anakan mo ako Prince Flame!"

"Ako naman anakan mo Prince Breeze!"

"Maligayang pagbabalik!"

Ilan lang iyan sa mga naririnig kong papuri at kalandiang sigaw ng nga Fantasian.

Ilang saglit pa ay tumigil si Flame sa isang napakalaking tarangkahan nagawa sa purong ginto.

"Ako, si Prince Fyro Flame Hugh, ang ikalawang prinsipe at humihingi ng pahintulot upang pumasok!" Sigaw nito sa harap ng tarangkahan. Bigala namang umuga ang tarangkahan at unti-unti itong bumukas at nang tuluyan itong bumukas ay nakita naman ang napakaganda at napakagarang pulang karpet, ngunit..

"DAPA!"

..

Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )

Para naman maka-usap niyo ako ng matino para sa mga updates sa mga story ko, you can add me on facebook, search niyo lang po ang "Dandiv" naka-one name po ako ngayon thanks.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top