CHAPTER 77

FREED...

ARIOCH'S P.O.V

"Ipatawag ang aking ministro, mga maharlika at ang aking mga anak!" Utos ko sa isa sa aking kawal. Yumuko naman ito ata saka dagliang umalis.

"Mahal, ano bang nais mong pag-usapan natin?" Tanong naman ng aking asawa.

"Maghintay ka Olivia. Mamayang kumpleto na ang mga maharlika at may matataas na katungkulan sa Dark Continent." Sagot ko naman. Hahaha, sa wakas. Nagtagumpay din ang Deus Lucifero sa kanyang plano HAHAHA.

Ilang minuto pa ang lumupas at narito na sa aking harapan ang lahat ng may natataas na katungkulan sa Dark Continent. Tulad ng aking kanan kamay na si Akuji Berno Aluv, ang aking ministro na si Akuji Albeo Nanika, ang aking anak na lalaki na si Prinsepe Akuji Phobes Equinox, Prinsesa Akuji Allure Equinox, at ang aking bastardang si Akuji Lilith Equinox.

"Ano pong nais ng aking mahal na ama at ipinatawag niya kami?" Magalang na tanong ni Allure. Ngumiti naman ako dahil sa inakyo ng aking anak.

"Nais ko sanang ipaalam sa inyo na, nagtagumpay ang Deus Lucifero sa kanyang planong pagsira sa Himlayan ng mga Sempiternal. HAHAHA." Pagbabalita ko sa kanila. Nakita ko namang sakanilang mukha ang pagkabigla, sumunod naman naring ang napakaraming halak-hakan.

"Sa atin na ang tagumpay mahal na hari!" Sigaw ni Albeo na aking ministro.

"Gayon nga ang aking ina-asahan Albeo HAHAHA." Tawang-tawang sagot ko kay Berno.

"Ano na ang susunod nating plano ama? Papatayin na ba natin lahat ng nananampalataya sa mga Deus at Dea? HAHAHA gusto ko ng mabahiran ng dugo ang mga kamay ko HAHAHA, ama! Bigyan mo ako ng maraming dugo! Dugo! Dugo! HAHA." Maligalig na saad ng aking prinsepe. Ito ang gusto ko sa kanya, laging uhaw sa pagpatay, kaya naman ipinagmamalaki kong naging anak ko siya HAHAHA.

"Maghintay ka lang anak, humanap pa tayo ng tamang tiyempo." Sagot ko. "Basta ipangako mo ama na sa akin ang ulo ni Princess Zen. HAHAHA nais ko siyang idagdag sa koleksyon ko HAHAHA." Tawang-tawa saad nito na lalo ko namang ikinatuwa.

"Oo anak, iyong-iyo ang ulo ng prinsesa ng Estados de brisa Unidos." Saad ko sa kanya. Ngumiti naman ito ng sobrang lapad.

"Kung magkagayon man mahal na hari. Uumpisahan ko ng ipaalam sa mga heneral ng mga hukbo na simulan na ang pag-eensayo ng kanilang mga hukbo." Walang emosyon na suhesyon ng aking  kanang kamay na si Berno.

"Magandang suhesyon iyan. Sige gawin mo na ang nais mong gawin." Utos ko sa kanya. Yumuko naman ito at saka lumakad palabas ng trono.

"Ama, natutuwa po ako sa tagumpay ng ating Deus." Sabat naman ni Lilith. Nag-init naman bigla ang ulo ko dahil sa boses niya. Ayaw kong naririnig ang boses ng bastardang iyan.

"Ako naman ay hindi natutuwang nabuhay ka Akuji!" Pang-iinsulto ko sa kanya. Ka-ugalian sa aming mga Pessoas Mas at mga outcast na may Akuji sa unahan ng aming pangalan at kapag tinawag kang Akuji ng isang nilalang. Nangangahulugang basura lang ang tingin niya sa iyo.

"Akuji, kapag hindi ka hinihingan ng opinion, pwede bang huwag kang makisabat! Umalis ka na rito at bumalik sa kwarto mo!" Galit na sigaw naman ng aking asawa kay Lilith. Alam niya kasing ako ang gagawa ng inuutos niya kapag hindi pa siya nagsalita. Agad namang tumakbo si Lilith palabas.

"Ama, maaari ko bang kunin ang ulo ni Akuji?" Tanong ni Phobes sa akin.

"Hindi pa pwede sa ngayon anak, magagamit pa natin siya." Saad ko naman dito. Kita ko namang ang mga luhang pumatak sa kanyang mukha na naging sanhi para magtakbuhan palabas ang mga kawal na nasa loob ng palasyo.

"Iligtas niyo ang sarili niyo!"

"Narito na naman ang kamatayan!"

"Umalis na muna tayo!"

Sigawan ng kawal ngunit napatigil na lang silang lahat ng tumahan sa pag-iyak si Phobes.

"HAHAHA kung ayaw ibigay ni ama ang hinihiling ko, kaya kayo na lang magiging kapalit!" Sigaw ni Phobes at saka nito linabas ang kanayang palakol. Nawala siya sa paningin namin ngunit ng lumitaw ito sa may harap ko ay ngumiti ito at niyakap ako.

"Gagawin ko ang lahat para makuha ang ulo ni Zen." Bulong niya sa akin. Katapos ng bulong na iyo ay bigla na lang nahati sa tagdadalawa ang mga katawan ng isang daang kawal na nasa loob ng palasyo at doon nagkalat ang dugo.

"Oo anak, sa iyo ang ulo ni Zen, pangako HAHAHA." Napakaswerte kong may anak akong hayok na hayok sa dugo HAHAHA.

...

KALI'S P.O.V

Narito ako ngayon sa labas ng Barkong panghimpapawid na pinapahila ngayon sa white dragon ni Prince Elior. Ine-enjoy ko lang ang view dito sa taas, lalo pa at malapit na naman ang pagdayaw ni Deus Solis at Dea Lua para sa paglubog ng solis o araw.

"Sephtis, maaari na tayong mag-usap?" Pagtawag sa akin ng isang boses na kilalang-kilala ko.

"Anong pag-uusapan natin Rhys?" Tanong ko rito.

"Sephtis, mahal kita." Saad niya. Aaminin kong tumibok ng sobrang ang puso at parang nay mga paro-paro sa loob ng tiyan ko ngayon – Ngunit nilalabanan ko. Alam kong may fiancè si Rhys kaya ako na ang gumagawa ng paraan para hindi ako mahulog sa kanya. Alam ko kase nag mararamdamang sakit ni Nirvana kung sa kaling iwan siya ni Rhys.

"Rhys, matagal ko ng alam na mahal mo ako at alam kong nararamdaman mong mahal na rin kita, ngunit may nakatali na sa iyo. May fiancè kana. Kaya please huwag mong pahirapan ang sarili mo at ako." Seryosong saad ko sa kanya. Nakita ko namang lumungkot ang mata nito.

"Ganon lang, Sephtis? Bibitawan mo na ako dahil lang doon? Hindi mo man lang subukang lumaban? Sasamahan naman kita sa laban, Sephtis." Umiiyak na saad nito sa akin kaya naman niyakap ko siya at hinalikan sa labi.

"Rhys, pareho lang nating pahihirapan ang isa't isa kung ipaglalaban natin ang nararamdaman natin." Saad ko habang umiiyak na rin.

"Sige, Sephtis, kung 'yan ang gusto mo at tingin mong mas makakabuti sa atin. Bibitawan na kita kahit masakit." Saad niya sabay tulak ng mahina sa akin at saka lumakad palayo sa akin. Nagpunas naman ako ng luha at tinuon na lang ang pansin ko sa panonood sa pagpapalit ng solis at lua.

...

Makalipas ang ilang oras ay tahimik lang akong nakatingin sa lua at naiisip ang nangyari kanina nang biglang tawagin ako ni Prince Flame. "Li, oras na para lumapag tayo. Hindi natin pwedeng ipasok ang Barkong panghimpapawid." Pagtawag sa akin ni Prince Flame kaya agad-agad akong naglakad papasok ng barko. Nakita ko ngang naka-upo na ngayon ang lahat at naka-seatbelt na sila. Kita ko namang naghahalikan ngayon sila Nirvana at Rhys. Masakit? Oo sobrang sakit – ngunit kailangan kong magpakamanhid, dahil para lang sa ikabubuti naming dalawa ito.

Umupo na ako sa upuan ko na katabi si Guia at Ate Adhira. Naglagay na rin ako ng seatbelt para safe ang paglanding namin. Ilang saglit pa ay naramdaman ko naman ang pagbaba ng barko, kaya kumapit ako sa aking seatbelt...

Ilang saglit pa ay naramdaman ko namang nag-stable na ang barko na nangangahulugang nakasad-sad na ng maayos ang barko sa lupa.

"Ngayon maaari niyo ng tanggalin ang inyong mga seatbelt at sabay-sabay na tayong bumaba." Utos naman ni Prince Flame na agad naming ginawa.

Nang makababa na kaming lahat ay nagsihingahan kami ng malalim. "Hays, Prince Flame, bakit dito mo nilapag ang barko? Bakit wala yung kaharian?" Tanong naman ni Guia kay Prince Flame.

"Kase isa sa mga golden rules sa kaharian namin na hindi pwedeng ipasok ang kahit anong sasakyan, kahit kami pang nga Royalties ang may-ari." Sagot naman ni Prince Flame.

"Bakit hindi pwede?" Tanong ko naman.

"Kase, Li, nasakop kami ng mga taga-Dark Continent, dahil sa barkong panghangin ng isa sa mga Royalties na taksil, kaya simula noon ay ipinagbawal na ang kahit anong sasakyan." Paliwanag naman ni Prince Flame. Napatango-tango naman ako dahil doon.

"So let's go." Aya sa amin ni Prince Flame. Kaya naglakad lang kami ng naglakad sa kagubatanan...

Napakaraming puno at mga Fera  na ngayon ko lang nakita. Mas kakaiba ang gubat na ito kesa sa Floresta Encantada.

Ilang oras pa kaming naglakad hangang sa patanaw namin ang lawa ng apoy. "Teka paano tayo makakaraan diyan?" Tanong ni Ate Adhira.

"Simple lang. Kailangan nating languyin ang nagbabagang lawang iyan, katapos kase ng lawang ito ay nandoon na ang kaharian namin." Sagot naman ni Prince Flame na nagpanga-nga sa aming lahat, pwera sa mga Royalties at kay Kuya Lucian.

"Pero huwag kayong mag-alala. Alam ko namang nakakamatay ang paglangoy diyan, kaya naman, gagamit tayo ng mga Bosom Fera natin," saad naman ni Prince Flame. Gumaan naman ang loob ko dahil doon. Potek akala ko tototohanin namin ang paglangoy sa lawa ng apoy na ito.

"Sige, kayo na mauna, nais ko ring makita ang kanya-kanyang Bosom Fera niyo." Dugtong pa niya. Agad namang namang inilabas ng mga Royalties ang kanilang kanya-kanyang mga Held na kung saan naninirahan ang kanilang mga Bosom Fera.

"APPEAR!" Sabay-sabay na sigaw nila. Sumunod naman doon ang paglitaw ng isang parang portal sa dulo ng kanilang mga Held at doon nga lumabas ang kanilang mga Bosom Fera – unang kumabas ang Bosom Fera ni Rhys na isang blue phoenix, sumunod naman ang kay Elior na white dragon, sunod naman ang kay Nirvana na isang Giant Queen Bee, sumunod naman ang kay Shaine na isang Dark Dryad, sumunod naman ang kay Glenn na isang Ancient Golem, sumunod naman ang kay Guen na Seven headed snake, sumunod ang kay Breeze na isang Kraken, at ang panghuli ang Griffin ni Zen.

"Wow!" Nabibilib na saad ni Prince Flame habang pumapalakpak pa.

"Napakagaganda at napakalalakas ng mga nakuha niyong Bosom Fera, o eh kayo Li, anong sa inyo?" Saad nito sabay namang tanong sa amin. Nginisian naman namin siya.

"APPEAR!" Sabay-sabay na sigaw namin nila Ate Adhira, Kuya Lucian, Xavier, Guia, at ako – doon ay lumitaw sila, Fuchsia, Abadon, dalawang nine tailed fox nila Kuya Lucian at Xavier, at ang Kelphy ni Ate Adhira. Kita naman namin na halos bumagsak na ang panga ni Prince Flame sa pagkanga-nga.

"W-Wow, Abadon? Fuchsia? P-Paano niyo sila nakuha?" Tanong nito sa amin.

"Well, hindi namin sila kinuha, kung hindi, sila ang pumili sa amin." Nakangising sagot ko naman.

"O-Okay, ako naman ngayon. APPEAR!" Sigaw nito sabay may namuong portal sa dulo ng kanyang Held.

Nang lumabas na ito ng tuluyan ay nagulat kaming lahat. Pati na ang mga Royalties ay nagulat sa nakikita namin ngayon.

"I-Ikaw ang nagmamay-ari niyan?!" ....

...

Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )

Para naman maka-usap niyo ako ng matino para sa mga updates sa mga story ko, you can add me on facebook, search niyo lang po ang "Dandiv" naka-one name po ako ngayon thanks.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top