CHAPTER 75

FLAME...

KALI'S P.O.V

Narito kami ng grupo ko ngayon sa Diretora's Office kasama ang mga Royalties para una naming misyon.

"So, ano po ang una naming misyon, Diretora?" Tanong ko sa Diretora, ngumisi naman ito na nagpalunok sa akin. Bigla naman itong itong naglapag ng isang papel na may nakalagay na...

"Kunin ang"The Feather of Chimera." - Reward: 5,000 000."

Yan ang nakalagay sa papel at naka-ukit doon ang imahe ng isang isang nilalang na may katawan at ulo ng leon, may ikalawang ulo rin naman ito na may itsura ng kambing, may buntot din ito ng ahas at isang pares ng pak-pak ng ibon. Creepy!

"Ah! Gusto niyo po ba kaming patayin, Diretora?!" Galit na sigaw ni Rhys na pinagtaka ko. Aba ngayon ko lang nakitang ganito kagalit si Rhys ah.

"Uminahon ka mahal na prinsepe, meron namang sasama sa inyo na may expirience na sa pagkalaban sa Chimera," nakangiting pagpapa-inahom ng Diretora kay Rhys. Uminahon naman si Rhys at huminga ng malalim.

"Sino naman po?" Tanong naman ni Rhys.

"Walang iba kung hindi si Prinsepe Fyro Flame Hugh - ang iyong kuya mahal na prinsepe." Sagot naman ng Diretora na nagpabigla sa aming magkakagrupo habang nagsaya at nagtatalon naman ang mga Royalties, pwera kay Rhys na nakabusangot kaya napangiti ang ng konti dahil, ang cute niya pala kapag ganya- ay wait! Pota! Kali erase-erase!

Nakaramdam naman ako ng pagsiko sa balakang ko, nang tignan ko ito ay doon ko nakita si Guia habang taas-baba ang kilay na nakatingin sa akin. Bigla namang gumaslaw ang mata ko dahil doon.

"Uy, kuya, ano yung pangiti-ngiti mo habang nakatingin kay Kuya Rhys ah?" Malisyosang tanong ni Guia na nagpakaba sa akin, kaya ang ginawa ko ay nag-snob ako sa kanya at hindi na lang siya kinibuan. Tumahimik naman ang gaga nang wala siyang makuhang sagot mula sa akin, hays.

"Guys! Sa wakas ma-memeet na natin ulit si Kuya Fyro!" Maligalig na saad ni Shaine. Bigla namang bumukas ang pinto kaya napatingin kaming lahat doon.

"Ganun mo na ba ako ka-miss ah Shaine?" Tanong ng isang lalake na kakapasok lang sa pinto. Kung hindi ako nagkakamali ay siya si Prince Fyro, ang kuya ni Rhys, infairness, napakagwapo niya, pantay lang sila ni Rhys sa kakgwapuhan. Kung si Rhys ang may kulay blue na may highlights ng gold ang buhok ni Rhys, ang kuya niya naman ay may purong gintong buhok. Matipuno rin si Prince Flame, dahil bakat na bakat yung muscle niya at abs sa suot niyang puting sando. At tansya ko mga nasa 6'4 ang height niya! Pota parang higante eh.

Bigla namang napatingin ito sa akin sabay kindat na nagpatasa ng kilay ko. Ilang saglit pa ay lumapit na ito sa akin sabay abot ng kamay ko at hinalikan ito na nagpalaki ng mata ko.

"Hey, miss, nice to meet you." Nakangiting saad nito sa akin habang hawak-hawak parin ang aking kamay. Tinignan ko lang naman siya ng walang emosyon, ngunit nagulat na lang ako ng biglang may humila sa akin sabay yinakap ako kaya tinihnan ko kung sinong gumawa nito at doon ko nakita si Rhys na halatang galit na galit dahil naka-kunit noong at magkasalubong na kilay itong nakatingin sa kanyang kapatid.

"Hey bastard! Huwag mong lalapitan ang asawa ko!" Galit na sigaw ni Rhys na ngapabigla sa akin. What?! Asawa niya ako?! Kaya naman napatingin ako sa kanya na maypagtataka, kinindatan lang naman ako nito. Ngunit ilang saglit lang ay biglang tumawa ng parang wala ng katapusan si Prince Flame.

"Hahaha, are you fucking kidding me? Asawa? Hahaha, gago may fiance ka na at hindi ang magandang binibining iyan, kung hindi si Nirvana hahaha." Tawang-tawang saad ni Prince Flame. Parang may kung ano na nagpakirot sa puso ko kaya naman tinanggal ko ang yakap sa akin ni Rhys at naglakad na papuntang pinto para lumabas na.

Nang makarating na ako sa pinto ay humarap akong muli sa kanila, "tawagin niyo na lang ako gamit ang TeleCom kung aalis na tayo." Walang emosyong saad ko sabay pihit ng pinto at lumabas na.

Nang makalabas na ako ay huminga naman ako ng malalim. Ang hirap pa lang mahulog sa taong nakatali na sa iba. Nag-quick step naman ako sa may Igreja dos Deuses para manalangin, kaya pumilit na ako.

...

GUIA'S P.O.V

"Huwag na huwag kang lalapit kay Sephtis naiintindihan mo, ah flame?" Galit na sigaw ni Kuya Rhys sa kapatid, infairness kay Kuya Kali, imahaba na ata lalo ang buhok hahaha.

"Ah, so Sephtis pa la ang pangalan ng binibini." Pang-iinis pa ni Prince Flame kay Kuta Rhys. Kakalbuhin ko na talaga si Kuya Kali nito hahaha.

"Hep! Hep! Hep! Tumahimik nga kayong dalawa." Pagpapatigil ko sa kanilang dalawa, ngumiti naman si Prince sabay lapit sa akin, kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito. "Ano ang iyong ngalan, binibini?" Tanong nito sa akin na nagpabigla sa akin.

"Mahal na prinsepe, tigil-tigilan mo yang mga galawang ganyan ah. Tama na si Kuya Kali na lang ang ganyanin mo huwag na ako." Saad ko naman kay Prince Flame.

"Who's Kali?" Tanong naman nito.

"Edi yung pinag-aagawan niyo kanina, si Sephtis Kali Picosa." Sagot ko naman na nagpangiti rito.

"Guia, bakit mo sinabi?!" Galit na saad sa akin ni Kuya Rhys kaya napatakip naman ako ng bibig. Shit! Potek na bibig 'to.

"Oh... So Sephtis Kali Picosa pala ang buong name ng binibini." Mapang-uyam na saad ni Prince Flame. Teka lang ah bakit kanina pa nito tinatawag na binibini si kuya ah. Kahit genderless iyon eh, gusto parin niyang i-label siya as a male.

"Hoy, mahal na prinsepe, kanina mo pa ginagawang binibini ang Kuya Kali ko ah." Nakataas-kilay na saad ko sa kanya, napalaki naman ang mata niya, ngunit ilang saglit lang ay nagpalabas ito ng isang pilyong ngiti.

"Uhm, wala akong pakialam. Natamaan na ako sa kanya eh, ano Rhys, may the best man wins." Saad ni Prince Flame habang nakangisi parin sa kapatid at naglahad ito ng kamay-ngumisi rin naman si Kuya Rhys at nakipagkamay.

"Tapos na ba kayo sa inyong mga diskusyon mga bata?" Iritang tanong ng Diretora kaya naman napunta lahat ng pansin namin sa kanya.

"Pasensya na po Diretora Anisha, nakalimutan ko nga po pala kayong batiin." Paghingi naman ng pasensya ni Prince Flame. Huminga lang naman ng malalim ang Diretora.

"Ayos lang iyon iho, sige na samahan mo na sila at gabayan." Bilin ng Diretora.

"I surely do that, lalo pa at kasama ko sa misyon ang pinakamamahal kong kapatid at ang Fantasian na nagpapatibol sa puso ko." Saad ni Prince Flame sabay ngisi sa kapatid nito. Nginisian din naman siya ni Kuya Rhys. Go Kuya Rhys! Ikaw talaga ang boto ko para kay Kuya Kali!

"Tara na mga bata at maglalakad pa tayo palabas ng Campo de Iris Academy para sumakay sa barkong panghimpapawid." Pagyaya sa amin ni Prince Flame kaya naman lumabas na ito. Agad naman kaming sumunod sa kanya.

"By the way Diretora Anisha, mas magaan sa pakiramdam na hindi ka na nagpapalabas ng sleeping aura." Habol na saad pa ng prinsepe bago ito tuluyang makalabas. Napatawa naman ang Diretora at umiling-iling.

"Mag-iingat kayo mga bata, ang habilin ko lang sa inyo ay, "hindi lahat ng bagay ang nadadala sa dahas." Paalam gabayan nawa kayo ng mga Deus at Dea." Habilin sa amin ng Duretora bago kami tuluyang makalabas.

Nang naglalakad na kami sa corridor ng building ay tinawagan ko na si Kuya Kali katulad ng bilin nuya kanina.

"Kuya Kali, paalis na kami." Saad ko kay Kuya gamit ang TeleCom.

"Sige susunod ako, may kinaka-usap pa ako." Walang ganang sagot naman ni kuya. Hays, di parin ako sanay.

"Sige kuya. Kita na lang tayo sa gate, hintayin ka namin doon." Saad ko naman sakanya sabay putol ng connection namin.

"Uhm, matanong ko lang Flame, saan ba matatagpuan ang Chimera?" Tanong bihla ni Ate Adhira. Hahaha wala mna lang galang talaga kung magtanong si ate.

"Wow, for your information, prinsipe ang kaharap mo kaya bigyan mo namang ng formality yung pakikipag-usap mo." Sabat naman bigla ni Princess Shaine na nagpataas ng kilay ni Ate Adhira. Lagot ka mahal ng prinsesa.

"Excuse me. Do I talk to you? Kapag hindi kita kinaka-usap huwag kang sabat ng sabat ah. Oh Flame, sagutin mo ang tanong ko." Pangbabarang saad ni Ate Adhira kay Princess Shaine na nagpakunot ng noo ng prinsesa, bigla naman siyang inilingan ni Prince Glenn kaya tumahimik na ang prinsesa.

"Oo naman binibini, huwag masyadong pa-initin ang ulo mo. Ang Chimera ay matatagpuan sa lugar na sakop ng aming kaharian, kaya pupunta muna tayo sa aming palasyo, ang Reino do Fogo." Kwento naman ng Prinsepe na nagpanga-nga sa akin. Yes! Makakakita narin ako ng tunay na kaharian!

"Gi! Narinig mo iyon? Pupunta tayo sa isang kaharian!" Masayang saad sa akin ni Ate Adhira na tinanguan ko naman.

"Oo ate! Matutupad narin ang isa sa mga pangarap nating mapuntahang kaharian!" Excited na sagot ko.

"Kaya bilisan na natin ang paglalakad nang makasakay na tayo sa Barkong panghimpapawid." Saad naman ni Prince Flame sa amin.

"Gamitin na lang kaya natin ang ejection kuya para mabilis?" Tanong naman ni Princess Zen. Napasapo naman sa noo lahat ng Royalties.

"Ay oo nga nakalimutan ko. Sige tara gamitin na lang natin ang ejection. Kayo namang magkakagrupo eh kumapit na lang sa amin para masama namin kayo sa ejection." Nakangiting saad ni Prince Flame sa amin. Nasamid naman kami ni Ate Adhira dahil doon.

"No need mahal na prinsepe. May kakayahan din kaming makapag-teleport." Saad namin na nagpalaki ng mata sa prinsepe.

"Royalties din ba kayo?" Tanong nito sa amin. "Hinde, kami'y simpleng Fantasian lang, pero sabihin na lang natin na na-iiba kami sa lahat ng simpleng Fantasian." Sagot naman ni Ate Adhira.

"P-Paano niyo nagagawang mag-teleport, eh ang mga Royalties lang ang may bas-bas ng mga Deus at Dea para magawa iyon!" Di makapaniwalang tanong ni Prince Flame sa amin.

"Malalaman mo rin soon! Tama na muna mga tanong at excited na akong makita ang Reino do Fogo!" Excited na sagot naman ni Ate Adhira na nagpatawa sa aming dalawa ni Xavier.

"S-Sige tara na." Pagyaya naman ni Prince Flame sa amin. Kaya pumikit na kami...

Ilang saglit pa ng idilat namin ang aming mga mata ay narito na kami sa harapan ng gate.

"Teka lang ah, tatawagan ko lang si Kuya Kali." Saad ko sa kanila kaya naman sinubukan ko nang i-connect ang Telephaty ko kay Kuya Kali.

Ngunit parang may kung anong pumipigil dito at ilang saglit pa ay dumilim ng sobra ang kalangitan na nagpakaba sa amin.

"A-Anong nangyayare guys, bakit sobrang dilim ng kalangitan?" Tanong ni Prince Glenn.

"B-Baka susugod na naman ang mga Pessoas Mas." Simpleng sagot naman ni Xavier.

Hindi. Hindi mga taga Dark Continent ang sanhi ng pagdilim ng kalangitan. Kilalang-kilala ko ang may-ari ng Energia na nagpapadilim sa kalangitan ngayon.

"Hindi mga taga Dark Continent ang may gawa nito." Seryosong saad ko.

"Kung hindi sila sino?" Tanong naman ni Prince Flame.

"Walang iba kung hindi si Kuya Kali."...

...

Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )

Para naman maka-usap niyo ako ng matino para sa mga updates sa mga story ko, you can add me on facebook, search niyo lang po ang "Dandiv" naka-one name po ako ngayon thanks.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top