Element 8: Desty
The Four Elements
Element 8
Ang sakit ng ulo ko. Pakiramdam ko any minute mahihimatay uli ako.
"Finally, you're awake."unti-unti kong idinilat ang mga mata ko para makita kung sino ang nagsalita pero sana pala hindi ko na lang ginawa 'yon. Si Ice, sobrang lapit ng mukha niya sakin. Pakiramdam ko naduduling ako at parang magkakapalit na kami ng mukha sa sobrang lapit. I didn't dare to move.
"I-Ice, a-ano..uhm pwe-pwede bang..uhm a-ano.." Parang 'Pwede bang lumayo ka ng kaunti' di ko masabi-sabi! What is happening to me?! Grr.
"Pwede bang?"he smiled playfully. Pakiramdam ko may masamang binabalak 'to. Takte. Kinagat niya yung lower lip niya kaya napalunok ako. Napatingin naman siya sa may labi ko pagkatapos ay tinignan ako ng diretso sa mata. Inaakit ba'ko nito? Kasi kung oo, napaka-effective, super.
"A-ano.. hehe..w-wag kang ga-ganyan..." utal-utal na sabi ko. Nilapit niya pa lalo yung mukha niya sa mukha ko. Napaatras naman ako sa foam. Hanggang sa *gulp* trap na ako. Hindi na ako makakatakas pa.
"Are you afraid of me?"Ang husky ng boses niya. Nakakaakit tapos yung lips niya napakapinkish. Ay tae! Bakit ganito ang iniisip ko? Erase erase! -_-
"H-hell no!" Tapang ko'no? Huhu pero ang totoo kinakabahan ako. Bakit kasi nasa kwarto pa kami? Walang makakakita o makakasalba sakin!
"Really?"nilapit niya pa lalo ang mukha niya. Halos sumakit uli ang ulo ko dahil naduduling ako sa lapit ng mukha niya. Pero kahit ganun, di ko pa rin pinipikit ang mata ko. Baka sabihan ako ng feelingera nito.
"A-alam ko...na-namang di m-mo... gagawin y-yan..."sabi ko sa kanya. Umiling naman siya at... hindi ko alam na..
Hindi ko alam na...
Hindi ko alam na...
ITUTULOY TALAGA NIYA.
WALANG PAG-ALINLANGAN NIYANG NILAPIT LALO ANG MUKHA NIYA AT HINALIKAN AKO!
WAAAAH!
Sobrang nashock talaga ako! Nanlaki ang mata ko habang nakalapat parin ang labi niya sa labi ko.
"Kuya gising na ba si a---oww. Oops! Sorry!"si Kae 'yun! Arggh! Tinulak ko ng napakalakas si Ice at agad na tumayo.
"Kae! Sandali!"pero shet lang, hindi nakiayon ang mga paa ko sa walk-out ko dahil natumba ako. Aalalayan sana ako ni Ice pero tinabig ko ang kamay niya. Nagulat naman siya sa inasta ko. Aminado akong sobrang taas ng pride ko pero di ko alam na may itataas pa pala!
Kaya mo yan Desty! Aja! Payteng!!
Hinawakan ko ang necklace ko at pinakiramdaman yun. Maya-maya, naramdaman kong lumutang ako dahil sa isang carpet. Sana naman hindi na panandalian ang epekto nitong ice carpet na'to.
Nakalabas naman ako ng matiwasay tapos sinara ng malakas ang pintuan leaving that jerk behind. I can't believe that he stole a kiss from me! Arggh!
"Kae!"napalingon naman si Katelyn sakin dahil sa sigaw ko.
"Oww. How was the kiss ate?"sabi niya sabay evil smile. Tsk, kainis! I need to explain it to her!
"AH!"sigaw ko at mahuhulog dapat ako dahil nawala yung epekto ng carpet pero shet na malagket! Siya na lang ba ang laging sasagip sakin?!?! OO, SI ICE NA NAMAN. DAMN!
"Ayiieeee! Harthart!"sigaw ni Kae. Pero wala ako sa mood para i-tolerate ang kabaliwan nila.
"Bitawan mo'ko! I hate you!"sigaw ko at nag-aalpas ako kag Ice.
"Why? Because of the kiss?" At aba't-----uggh! May gana pa siyang sabihin 'yon? Nakakainis!
"Alam mo, kung wala ka din namang magandang gagawin o sasabihin, mas mabuti pang wag kang magpakita sakin! Pinaglalaruan mo lang naman ata ang pakiramdam ko, e!"there. Pumutok na talaga ako. Di ko na kaya! Naiinis ako! Sobrang naiinis ako sa kanya! Haisst!
"I'm sorry.."he sounds very sincere when he said that and suddenly, nawala bigla ang galit ko. What the--!?
"I'm just torn between the two of you."sabi niya at binaba ako sa sofa tapos umalis. Torn between the two of us!? Hindi ko magets kung anong ibig niyang sabihin!
"Uggh, ang sakit ng ulo ko."daing ko. Ha! Bwisit, nakisabay pa.
"Here, take your medicine. But eat your meal first. The two of us we'll be going. Kailangan naming makakuha ng isa pang guild card."nilapag ni Greya yung tray na may nakalagay-ng pagkain, tubig at gamot. Nagpop-out naman yung sinabi ni Ice kanina.
'I'm just torn between the two of you.'
That means he likes me? Ayokong magpaka-assuming pero ganun talaga ang pagkakaintindi ko! At yung two na sinasabi niya ay ako at si Greya? Hindi maari! Pano nangyari yun? Wah?
"Hey. Okay ka lang?"kumaway pa si Greya. Nah! Di ko namalayang nagspace out ako. Kasi naman, e!
"Ahh medyo nahihilo lang ako. Good luck sa pagkuha ng last guild card na kakailanganin natin! Mag-ingat din kayo."sabi ko sa kanya sabay ngiti. Tinanguan lang niya ako tapos umalis na sila ni Freeze. Maayos na pala siya.
"Sean!"napalingon naman si Miruh ng tawagin ko siya. Lumapit naman siya sakin.
"Oh bakit?"kahit kailan talaga pa-cool 'to. May headphones kasi sa leeg niya tapos bago pa makalapit sakin, kinindatan pa ang kapatid ko. Eww, may namamagitan na sa kanila. 'Bitter?'sabi ng inner part ko. Heck no! Hindi ako bitter! Tsk.
"Ilang araw akong tulog?"
"Ahh, three days daw." Eh? Bakit daw?
"Bakit "daw"?"
"Kakagising ko lang kahapon. Pagkagabi nung hinimatay ka, naabutan ko din ang extent mo. Ganun din yung kapatid mo."napatango naman ako. Pinasalamatan ko naman siya. Tumango lang siya at sinuot uli ang headphones sa tenga niya.
Kinain ko na yung binigay ni Greya sakin pagkatapos ay ininom yung gamot. Umidlip muna ako saglit. Maya-maya ay sinubukan kong maglakad at mukhang okay na ako kaya pumunta ako sa garden. Naabutan ko naman si Ice dun na mukhang galit na galit sa sarili niya.
Sinuntok niya yung puno at nagkasugat siya sa kamay pero nawala din agad dahil siguro sa healing element niya.
"H-hey!"hindi ko mapigilang hindi mag-ingay kasi ako yung nasasaktan sa ginagawa niya.
"W-why are you here?"mahinahong tanong niya sakin. Walang bakas ng galit sa tono ng boses niya.
Instead of answering his question, I hugged him.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top