Element 6: Miruh
The Four Elements
Element 6
"I can't believe that my sister already reached the extent of her powers!"paulit-ulit na bulong ni Kae sa sarili niya. Hindi niya talaga matanggap na naunahan siya ni Samantha (Desty). I need to check when Sam's awake if she could already use her powers without the necklace.
"Ilang beses mo na ba yang sinabi? Kesa magreklamo ka, magsanay ka na ulit. Make me your sparring partner."sabi ko sa kanya.
"Are you sure?"tinanguan ko siya. "Okay then. Be ready, Miruh Sean Dalves."
"I'm always ready Katelyn Amanda Ferrer."she smiled. I really like her, I feel happy whenever I'm with her. I'm willing to sacrifice my life just for her. I would do anything for her. She's really beauti-- What the?! Inatake na niya ako, ni hindi ko napansin! Enough with the thoughts, I should focus to be able to reach my extent.
"You said you're always ready?"
"Tsamba lang 'yun."I smirked. I stretched my hands, yung posisyon na parang nanlilimos? Ganun yung ginagawa ko. I'm calling the wind to be one with me. I felt a spark that means we're one. I closed my eyes and poof! Success! Wonder what I did? I pushed Kae which makes her fall in the ground pero medyo biased ako dahil siniguro kong sa may maraming dahon ko siya nilapag. Tsk, mahal ko yan kaya ayaw ko yan saktan. Pero sa ngayon, kailangan ko siyang i-train. Para samin din namam 'to.
Naramdaman kong nag-iba ang aura niya, naging seryoso siya bigla. She looked at me using a sharp stare. Biglang may lumabas na matulis na bagay made of ice sa knuckles niya at tinira yun sakin. Nagtumbling ako pero nadaplisan ako sa may siko. Tinirahan lang niya ako ng tinirahan. Iwinasiwas ko ang kamay ko para liparin ng hangin yung mga ice needles na tinitira niya at gaya ng gusto kong mangyari, napunta nga yun sa ibang direksyon. Sorry Kae pero nadaplisan mo naman ako, kailangan ko 'tong gawin.
I closed my eyes and breath hard. Nagconcentrate ako at pinakiramdaman ang paligid ko. May naramdaman naman akong kuryenteng dumadaloy sakin at may bumalot na hangin sa katawan ko. Sumasakit na 'yung ulo ko. I've reach the extent of my ability. So ang extent nito ay nakakagawa ng tsunami? Ah okay.
Gamit ang wind element ko, pinalipad ko yung mga bato sa paligid at dahang-dahang gumagawa ng malaking bato. Itatapon ko na sana 'yun sa kanya kaso nauna akong batuhin ng malaking ice ball ni Kae. Tumilapon naman ako sa kabilang parte ng garden. Ayos, nagi-improve na din siya. Seseryosohin ko na nga ang laro, wala ng bias.
Inisip kong gumawa ng batong matutulis ang dulo at ititira 'yun kay Kae tapos pumikit ako. Pinakiramdaman ko ulit ang paligid ko at idinilat ang mata ko. Nagtirahan naman ang mga bato papunta sa direksyon niya. Talon lang siya ng talon pero nakikita kong nahihirapan na din siya dahil nasugatan siya sa may binti, dalawang malaking sugat. Papagamot ko na lang mamaya kay pareng Yelo.
Tira lang ng tira yung mga batong nagawa ko, parang hindi natatapos. Unlimited ang supply, lumalabas sila sa katawan ko kasama ang hangin. Lumamig naman ang buong paligid, nagyelo ang mga bato ko at natigil ang pagtira. Si Kae! Nakaluhod na siya habang patuloy pa rin ang pag-agos ng dugo galing sa sugat niya. Naglakad ako sa direkson niya pero isang yapak pa lang nakarating na ako sa kinaroroonan niya. Ang wind element ko ay nakita na ang extent ng ability nito, yun ay ang pagsama ng kapangyarihan ng kalikasan. Ibig sabihin nakakapag-teleport na ako, hindi na biro 'to.
"A-ayos ka lang?"marahan siyang tumango. Kasabay nun ang pagsakit din ng mata at ulo ko. Hinawakan ko ang kamay niya at sabay kaming bumagsak.
-----
Nagising ako na nasa sala na kami ni Kae, ginagamot kami ni Ice. Nakita ko sila Freeze at Samantha na nakahiga sa iisang foam sa sahig. Nagyeyelo yung foam. Si Kae naman nakahiga sa sofa pero katulad nila Sam at Freeze, nagyeyelo din yung sofa.
"N-nagising na ba siya?"tanong ko kay Ice. Umiling naman siya sakin at nagsalita.
"All of you reached the extent of your abilities except Greya and I." He looks disappointed with himself.
"Maabot mo rin yan, tiwala lang pre."sabi ko sa kanya. Tinanguan lang niya ako, nakita ko namang lumiko ang tingin niya. Kay Samantha.
"May gusto ka ba kay Sam--Desty?"napalingon naman siya ulit sakin.
"Wala."tipid na sagot niya sakin.
"Ano ba naman 'yan. Wag kang pa-chicks pre."
"Hi-hindi ko siya gusto. May iba akong gusto."-Ice
"Okay. Sabi mo, e."
Si Kae naman na ang ginagamot niya. Buti na lang at may healing element 'to pero pansin ko, bakit basa yung inaaply niya? Diba dapat spell lang 'yun? Mukhang ang pagsama ng tubig at ng healing element niya ang magiging extent ng ability niya. Pag-madidiskubre na niya ito, malapit na niyang macontrol ng buo ang element niya.
"Congratulations." Isang malamig na boses ang narinig ko.
"Para saan, boss?" kumunot naman ang noo niya. Eh sa hindi ko alam kung alin ang tinutukoy niya!
"Nakamit mo na ang lakas ng abilidad mo diba?" Unang beses ko lang siyang narinig na nagsalita ng malalim na tagalog. Hindi ako sanay.
"I don't care if you're not used of it. Once all of you will be awake, we need to get the last card." Ngak, nakakabasa nga pala 'to si boss ng isipan. Nagtungo na siya sa garden at isang malakas na lagapak ang narinig pagkasara niya ng pinto. Tch
Nagpaalam muna ako kay Ice na kakain ako dahil nag-aaway na ang mga bato at ahas sa tiyan ko. Galit na galit na dahil sa gutom.
Masarap yung ulam, luto daw yun ni boss. Akalain mo 'yun, may natatago palang talento sa pagluluto 'tong si boss. Hindi halata sa mukha niya, expect the unexpected talaga.
Napasandok pa ako ng mas maraming kanin at ulam. Grabe, ansarap talag saka maganda kumain pag-gutom. Mas napapasarap ang kain, eh. Wag nga lang uminom ng maraming tubig, mamaya na pagkatapos. Panapos na salta kumbaga. Hehe.
Umusog naman yung upuan at may naupo dito. Si Freeze pala, gising na pala ang isang 'to.
"Kamusta? Ayos na ba pakiramdam mo?"tanong ko sa kanya habang inaabot yung ulam at kanin.
"Ah oo, okay na ang pakiramdam ko. Ikaw? Anyare sayo habang tulog ako?" Mukhang di pa nakekwento ni pareng Yelo sa kanya. Ay, wag na akong umasa, di naman pala-salita 'yung isang 'yun.
"Kakagising ko lang din. Nakamit ko na din ang extent ng ability ko, Freeze." Nagulat naman siya sa sinabi ko.
"Ayos! Pati yung nene din? At yung ate niya?" tumango lang ako. Nagsimula naman siyang magtitili.
"Pinapunta kita sa kusina para kumain, hindi para makipag-usap."sumulpot naman bigla si Ice.
"Sorry po."sabi ni Freeze pero halata namang pinipigilan lang ang tawa niya. Matanong nga minsan si Ice kung kakailanganin nang ipamental yung kapatid niya.
"Oy ansama mo! Hindi mo'ko kailangang ipamental!"hinampas pa niya ako ng mahina.
"Pano mo nalaman yun? Nakakabasa ka ng isip?!" Pano niya nagawa yun? Nakakabasa din siya ng isipan katulad kay Leader?
"H-ha? Hindi mo ba sinabi directly 'yun?" So hindi nga niya alam?
"Hindi."
"Hindi ko rin alam. B-bigla ko na lang narinig ang boses mo." Mukhang di siya makapaniwala, hinawakan pa niya ang ulo niya.
Inabot ni Ice yung tubig sa kanya na agad naman nitong ininom. Bumalik na rin siya sa pagkain pero tulala pa rin siya at mukhang di makapaniwala sa nangyari. Kahit ako naman hindi ako makapaniwala.
****
A/N: Sorry kung walang update kahapon. Dalawa na lang ang update ngayong araw. Hintayin na lang 'yung sunod.
Dedicated sa'yo. :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top