Element 45: Miruh
The Four Elements
Element 45
Nabigla ako ng may lumabas mula sa sasakyan.
Isang pamilyar na mukha, sobrang pamilyar.
At doon ko napagtanto ang lahat.
"Paglaki ko po mama at papa, gusto kong sumali sa Custodonia Tribe!" sabi ni kuya kila papa. Ngumiti lang sila.
"Kuya?" napabulong ako sa sarili ko. At tila ba narinig niya ang pagtawag ko, lumingon siya sa direksyon ko at ngumiti. Isang pamilyar na ngiti na ilang taon ko ring hindi nasilayan. Fuck.
Hindi ko magawang ngumiti pabalik. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa pagkabigla na kasali na siya sa Custodonia Tribe o dahil sa matagal ko naring hindi siya nakita? O di kaya dahil nasa gitna kami ng labanan?
"Why are you here, your Highness?" tanong ni Miss RK sa kanya. He shook his head.
"There's no time to have a story telling."
Bwisit, kailangan kong mag-focus sa labanan. Bahala na muna, mamaya na pagkatapos nito. Kaso hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko pagkinausap ko siya ngayon.
Hindi ako mapakali.
"Continue what you're doing the earlier with Katelyn, Miruh." sabi ni Ice sa'kin. Sinunod ko siya pero narinig ko ang boses ni Rallen sa utak ko.
'I said stop what you're doing.' Napatingin kami ni Lyn sa isa't-isa at naguguluhan kung sino ang susundin. Napabuntong-hininga kami at tinigil ang ginagawa namin. Halos madami ng bangkay ang nakikita namin ng biglang nagkaroon ng pagyanig ng lupa. Halos matumba ako sa lakas at muntik naring matumba si Lyn kaya hinawakan ko siya. Ginagamit ko ang hangin ko para suportahan ang katawan namin ngayon.
Hindi natumba si VP, si boss, si Rallen at si Miss RK pati narin si.. yung lalake.
Dumami bigla ang mga taong nakasuot ng kulay itim na bandana. Hindi pa ba sila natatapos?!
Biglang may malaking pagsabog kaming narinig at napuno ng usok ang buong lugar. Sht, hindi ako makahinga. Kung gagamitin ko ang kapangyarihan ko para sa sarili ko, wala lang din. Kaya tinakpan ko ang ilong ni Lyn at sakanya pinasa ang lahat ng oxygen na kaya kong mapalabas.
Ubo ako ng ubo habang ginagawa ko yun at tila naman ay umaayos ang pakiramdam ni Lyn dahil nawawala na ang ekspresyon niya na nanghihina. Nabigla ako nung tinanggal niya ang kamay ko.
"Hoy! Baliw ka ba?! Bakit mo pinasa ang oxygen mo sa'kin?!" sigaw niya. Bigla akong napaupo sa lupa at inakay niya ako. Hindi ko siya sinagot, alam naman siguro niya ang sagot ko dun.
Ang hina-hina ko. Hindi man lang ako nakapagpakitang gilas dun sa lalake. Dahil lang sa usok nahihimatay na ako.
Tuluyan ng pumikit ang mga mata ko.
***
A/N: Sorry for not updating for about a month and sorry if this was a short update.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top