Element 34: Katelyn

The Four Elements

Element 34

Ipinasok nila ako sa loob ng bahay. Tinanong ko kung asan sila kasi walang tao sa loob. Pinagtraining daw nila 'yung kambal saka si ate Desty at John raw ang nagbabantay sa kanila.

"Kamusta ang pakiramdam mo, Katelyn?"tanong ni Rallen sakin.

"Okay lang. Pwede ba akong makipag-usap kay ate?" Tumango naman sila saka tinawag si ate. Umalis nadin si Leader, si Freeze, at si Rallen dahil babantayan daw nila ang training nila Hunter at Xyper. Ang naiwan dito ay si kuya Ice.

"You upgraded, I'm sure Desty will be happy."sabi niya. Nagkibit-balikat lang ako sa kanya. Maya-maya ay dumating na din si ate.

"Anong nangyari sa'yo? Nag-upgrade ka na raw? Ayos lang ba pakiramdam mo?" sunud-sunod na tanong ni ate.

"I'm perfectly fine but.."

"But?"

"My whip's Goddess isn't." I told her. Ramdam kong hindi okay ang pakiramdam ng Goddess ng whip ko. She sure looks afraid kaya nagtago siya sa loob ko. Though I can feel that I upgraded and I'm stronger than before. Dahil siguro sa pag-merge ng sub-soul niya at nang soul ko. May power becames invisible but dangerous.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Which means I need to do an intensive training just like Freeze's."sagot ko. Tumango naman siya at dinala ako papunta kela Leader.

~

Andito ako ngayon sa basement ng bahay at nag-li-lifting. Naabutan ko din 'yung kambal sa ganoong posisyon at nasabi na ni ate na kailangang intensive training ang gawin ko.

Sobrang bigat ng mga bracelets pero hindi ako nagreklamo. Ako ang nagsabi nito kaya kailangan kong panindigan.

Ang advantage ko sa kambal ay kahit medyo malayo na sila ay naabutan ko pa sila. Nakita kong nanlumo ng sobra si Xyper nung maabutan or should I say, nalagpasan ko sila. I guess, mas lumakas nga ako. But I need more training and practice cause being powerful is useless if I'm not physically strong.

Nasa push-ups na ako 'nun nang sit-ups na ang sinusubukan ni Hunter at Xyper. Nahirapan akong magpush-up dahil sa hindi ko maibalanse ng maayos ang katawan ko dahil sa mga bracelets. Minsan dire-diretso akong napupunta sa lapag imbis na halfway lang.

Inabot ako nang kalahating oras bago makalabas sa exit habang ang kambal ay nangangalahati pa, nasa body streching palang sila. Isa't-kalahating oras na sila pero hindi padin sila tapos.

Lumabas na nga ako pero suot-suot ko parin yung bracelets. May agenda daw sila kaya nila ginawa 'yon.

"Just trust us..."sabi nila sakin. Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi magtiwala? Alam ko namang maganda ang kinalalabasan nito.

Medyo nahirapan ako sa pag-akyat kaya inabot pa ako ng pitong minuto. Agad akong humiga sa sofa nila at mabilis na nakatulog.

--

I saw a figure but her image is blurred. I can't see her clearly.

"Katelyn, you're the least strongest among the three ice element holder. I'm not discouraging you, this is to test you where can you stand. Please do everything you can to save the whole word from darkness and evilness." That voice, I'm sure it's my mom's voice.

"Mommy.."

"I need to go. Be strong and do what is right. Don't lose hope, fight against evil and never let them to win. I love you so much, Mandy. I'm so proud of you."

I will never lose against evilness mom. I don't want to give more burden to you. I will do everything I can, for all of you. For all of us.

--

Nagising ako at naalala ko ang panaginip ko. Naalala ko ang mga sinabi ni mommy, pero hindi ko maalala kung anong sinasabi ko. Ang nakagising talaga sakin ay ang lamig na nararamdaman ko. Ang lamig-lamig ng paligid ko, parang pakiramdam ko nasa Mt. Everest ako sa lamig. Walang halong biro, sobrang lamig talaga.

Nakarinig ako ng mahinang kuskos sa gilid ko kaya lumingon ako at nakita ko si Freeze, her hands are literally freezing . The whole house is full of snowflakes, too. She's just looking at her hands and it's shaking then I saw how here eyes turns into dark deep crystal blue. Bigla siyang lumingon sa gawi ko at ngumiti siya, ngiting punong-puno ng lungkot.

"A-Anong problema? Asan sila?" Sa wakas, nagawa kong magsalita. I was really amaze of what I saw that I became speechless. She sighed then a tear suddenly fell from her eye.

This is the first time I saw her serious while crying at the same time. Yes, she's physically and emotionally strong but she's still a human, she still feels loneliness.

"Umalis sila para maghanap ng pagkain.." sagot niya. Hinintay ko naman siyang dugtungan ang sasabihin niya.

"My power.. it's getting out of control. I'm afraid, I might do something I don't want to." Once again, she wiped her tears to stop them but no use, her tears just keeps on falling. Lumapit ako sa kanya at akmang hahawakan ang kamay niya.

Iniwas niya 'yun. "Bakit?" tanong ko.

"I-I... might hurt you." she said. I looked straightly at her eyes pero iniwas niya ang tingin niya.

"You won't, just trust me.." Wow, it's my time to say this. At first, she's hesitant but at the end, napilit ko siya. Nang mahawakan ko ang kamay niya, kakaibang enerhiya ang naramdaman ko. Pakiramdam ko may sumaksak sa tagiliran ko.

This.... this feeling... I know this feeling. This is like when I first held my whip, this extraordinary feeling is the same.

And for the first time, I told her something she didn't know yet. Something that I could only be the one who could tell.

"Your power's Goddess.. she's merging with your power."

"Really?" she asked. I nodded. Ngumiti naman siya, but I'm sure her smile isn't fake now.

"Ayos nene, ah! Ikaw na ang sumasagot sa katanungan namin ngayon!" And we both laughed.

~

Hindi padin nawawala yung yelo sa kamay ni Freeze kahit nung dumating na sila Leader. Sinabi ko naman sa kanila yung nangyayari sa kanya at tumango lang sila. Leader was about to melt the ice using her fire but I stopped her at napaexplain ako ng mahaba dahil mukhang hindi siya kumbinsido nung first. Alam niyo naman si Leader, kelangan magaling ka sa reasoning skills.

Nag-offer si YanYan ng soup sakin para kahit papaano daw ay uminit ang pakiramdam ko. Sinubuan pa nga niya ako eh hindi naman ako lumpo. Pft. Pero di naman ako nagreklamo, lel.

Matapos kong kumain na sinubuan ako ni YanYan, bumalik ulit kami sa basement para ituloy ang training. Suot pa pala naming tatlo (Hunter, Xyper, ako) yung bracelets pero medyo magaan na siya igalaw ngayon. Siguro nasasanay na ako ng konti, ganun din naman daw sila. Kahit nung naglakad-lakad daw sila, suot-suot nila yung bracelet pero yung nasa kamay lang. Considerate daw si Leader kasi hindi na pinasuot yung sa paa. Hahaha.

'It's not like that, ayaw ko lang silang maging pabigat.' singit ni Leader habang nag-iisip ako. Dapat pala isara ko na ang utak ko para hindi niya mabasa kung anong iniisip ko. Hahaha.

'Whatever.' sabi niya ulit. Tinawanan ko lang ulit siya sa isipan ko. Hahahaha.

"Okay, start the training. You see that barbel? Lift that with your bracelets."sabi ni Leader. Woah, seryoso ba siya? That weight 25 kgs at may apat na 20 kgs pa kami sa katawan namin. Madadala ba yun ng isang 36 kgs na taong katulad ko? Naman, oh.

"Seryoso ka?!" tanong ni Xyper.

"Kelan ba hindi?"pansusupalpal ni Leader sa kanya. Napailing nalang ako.

Napatingin naman ako sa gilid ko at nakita ko si Ate Desty na nakathumbs-up.

Kakayanin ko 'to.

****


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top