Element 33: Xyper

The Four Elements

Element 33

Nabigla ako 'nung biglang lumabas si Hunter na nakalutang pero nakita ko na kino-control pala ni Rallen 'yung hangin. Agad din siyang gumawa ng upuan na gawa sa kahoy at inihiga siya 'dun. Matapos niyang gawin 'yun ay lumapit siya kay Hunter at ipwinesto ang palad niya sa harap ng bibig nito. Akala ko kung anong gagawin niya pero maya-maya ay lumabas na kulay ubas na yelo.

She said she solidified the poison that the dark shadow has left inside my brother's body. Nawalan naman ng malay si Hunter matapos ang prosesong 'yun.

Inilagay ko ang braso niya sa balikat mo para madala sa loob. 'Yung iba, naiwan sa loob, kasi nakikipag-usap pa sila 'dun sa imbang bata. Masyadong malakas!

Nang makapasok na kami sa loob ng bahay, inihiga ko siya 'dun sa higaan tapos iniwan siya 'dun. Gumawa nalang ako ng water net para hindi makalapit ang mga masasamang nilalang sa kanya.

Uminom na muna ako ng tubig dahil bigla akong inuhaw. Naalala ko muli ang nangyari sa distrito namin, mga apat na araw na ang nakalipas.

Nagkakasiyahan ang lahat. Maraming pagkain, maraming bisita, may sayawan, may kantahan, maraming nagtatawanan.

"Huy Travis! Gusto mo?" salubong sa akin nang aking girl bestfriend na si Desa sabay alok ng kinakain niyang strawberries.

"Oo pero 'yung hindi mo pa kinainan." sabi ko sabay tawa at ginulo ko ang buhok niya. Nairita siya kasi ayaw na ayaw niyang ginugulo ang buhok niya.

Binati ko 'yung iba pa naming kapitbahay. Nakita ko pa nga na may bisita galing sa ibang distrito. Kumakain sila at nakita ko ang isang maliit na itim na bandila. Naka-itim din silang lahat.

Ngunit, nang tumayo ang isa sa kanila ay nagpaputok sila. At doon na nagsimula ang kaguluhan.

Nagpapasabog sila ng bomba. Kaya hinila ko si Desa papalayo sa kanila.

"T-Travis, anong na-nangyayari?" tanong niya sa akin. Hindi ko naman siya pinansin at patuloy parin ako sa pagtakbo habang hila-hila siya.

"M-May tao sa likod!" sigaw niya kaya humarap ako dun at nakita kong papaputukan sana nila si Desa kaya idiniin ko ang kamay ko sa ulo niya para yumuko siya. Buti nalang at hindi siya natamaan.

Akmang ipapaputok na sana niya pero gumawa agad ako ng water balls at pinapatama ko ito sa kanya.

May isang nagpaputok kaya iwinasiwas ko ang kamay ko at bumalik sa kanya ang bala. Natumba siya kaya kinuha ko ang tsansang 'yun para mahila si Desa.

"T-Travis, na-natatakot a-ako." bulong niya. Takte! Nauutal pa siya 'nung sabihin niya 'yun. Ito ang unang beses na inamin niyang natatakot siya. Masyadong mataas ang pride nito kaya hindi ako makapaniwalang inamin niya 'to. Ibig sabihin, natatakot talaga siya! Kailangan kong gumawa ng paraan.

"Hawakan mo ang kamay ko." napatulala siya sa akin pero tumatakbo parin kami.

"S-Seryoso?" tanong niya. Ako nalang mismo ang humawak sa kamay niya at hinigpitan ko ang kapit 'nun.

"Huwag kang bibitaw, okay?"  tumango lang siya. Binilisan namin ang pagtakbo pero naabutan kami nang isang bugok.

Ngumisi siya sa amin saka niya itinututok sa akin ang baril niya. Itinago ko naman sa likod ko si Desa.

"Paalam, Cipriano." nagulat naman ako nang banggitin niya ang apelyido ko. Pumikit naman ako at hinihintay lang na paputukin 'yon. Narinig ko na ang isang pagputok pero wala akong maramdamang sakit. Iminulat ko ang mata ko at nakita ko na may nakaharang sa harapan ko.

Si Desa...

"May tagapagtanggol ka na pala ngayon, Cipriano--" Hindi na ako nakapagtimpi at gumawa agad ako ng water sword at isinaksak ko sa kanya. Pagkatapos 'nun ay yumuko ako at tinignan ko si Desa.

"Ano ka ba?! Baliw ka ba?! Bakit mo ginawa 'yun?!" tanong ko sa kanya. Umarte naman siya na parang nagagalit. Nilagyan ko naman ng tela yung sugat niya sa tagiliran. Nakita kong napangiwi siya.

"I-Ikaw na nga tinulungan, i-ikaw pa ang ga-galit? Ibang k-klase ka t-talaga, Tra-Travis." sabi niya at ramdam ko na nahihirapan siyang magsalita.

"Desa! Huwag kang pipikit, okay? Gagamutin kita!" binuhat ko naman siya at ginamit ko ang lahat ng lakas ko para mabilis na makatakbo.

"G-Gago, h-hindi nga ako pumipikit." sagot niya. Napailing nalang ako bahagya.

Natahimik naman kami pero kita ko na pinipilit niya ibuka ang mga mata niya.

"T-Travis.."

"Oh?"

"Mahal kita." Natigil naman ako sa pagtakbo 'nun kahit nakakarinig na ako ng mga pagsabog sa likuran ko.

"A-Ano?"

"S-Sabi ko ma-mahal kita." bumuntong-hininga naman siya. "I love you and I'm willing to do anything for you even it costs my life." at unti-unti na siyang pumipikit.

"Tangina, Desa! Hindi mo manlang hinintay ang sagot ko! Mahal din kita! Pucha." bulong ko.

"Sacrifice." biglang may nagsalita sa tabi ko kaya napatigil ako sa pag-iisip.

"Ano?" tanong ko sa kanya.

"Sabi ko sakripisyo. Bingi ka ba?" pambabara ni Rallen sa akin. Oo, siya nga, 'yung batang isip-matanda.

"Ewan ko sa'yo." sabi ko sa kanya at maglalakad na sana papunta sa kwarto ni Hunter nang bigla niya akong hilahin at idinikit niya ako sa pader. King ina, ang lakas-lakas niya!

Inilapit niya ang mukha niya sa akin at doon ko napansin na sobrang ganda pala niya kahit medyo bata pa siya. Nagiging pedophile na ba ako? Pero maganda talaga siya. Argh! Ano ba 'to?!

Pilit kong inilalayo ang tingin ko sa kanya dahil baka makagawa ako ng bagay na di inaasahan. Ano bang pinaggagagawa ng batang 'to? 'Wag mong sabihing... illusyon na naman 'to?

Bigla siyang nawala sa harapan ko at nakita kong nakaupo siya sa couch habang nakangisi.

"Wow, nahulaan mo na illusion lang 'yun." Illusyon nga lang 'yun? Tss.

Hindi ko nalang siya pinansin at lalabas na sana ako ng bahay dahil papasok na ang lahat. Gusto kong mapag-isa.

"Training." tipid na sabi ni Greya sa akin tapos nilampasan ako. Tsk! Oo nga pala, magte-training kami!

Pagkagising ni kuya ay pinauna na kaming magtraining dahil wala pa raw kaming masyadong alam sa pakikipaglaban. Pakiramdam ko nainsulto ako pero totoo naman.

Si Greya ang naging trainor ko habang si Freeze kay Hunter. Nasa ilalim kami ng lupa ngayon, basement daw ang tawag rito. Hindi ko alam kung paano nila nalaman na may ganito sa bahay namin. Ako nga na taga-rito, walang alam tapos sila may alam?

"We will do the basics. Lift that bracelet." tinuro niya 'yung bracelet daw na kasing-laki ng tablet. Mukha namang magaan kaya okay lang.

Binuhat na namin 'yung bracelet at pucha, hindi 'to okay lang! Sobrang bigat pala nito!

Isinuot nila din samin sa kabilang kamay ang bracelet na 'to kaya pakiramdam ko hindi na ako makakapaglakad. Sobrang bigat, napaupo ako este kami pala.

Kumuha ulit sila ng dalawa pa at napatingin ako sa kanila.

"Saan niyo isusuot 'yan?" Hindi nila ako pinansin at nilagay nila 'yun sa paa namin.

"Now start walking. Dapat makarating kayo sa exit, okay?" sabi ni Freeze saka sinubukan kong maglakad pero napaupo lang kami ng sabay ni kuya.

Para akong butiking gumagapang sa sahig dahil di ko pa kayang tumayo. Ganun din si Hunter. Ganito ba talaga ang training nila? Bakit unang proseso palang mamatay na ako?

Saka hindi naman ako sasali sa guild nila diba? Bakit pati ako nasali sa training?

****


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top