Element 32: Katelyn

The Four Elements

Element 32

--

"Balak nilang kunin ang kapangyarihan ko."

Alam niya ang plano nila? Pero bakit ganun? Why isn't she hiding?

"It's because I can't hide forever. I need to be strong in order to surpass this challenge." she answered me. So her elder sister was right, even is she's too young, she thinks maturely. "Besides, what's the point of hiding if they knew where I am?" she added.

"You're right." sabi ni ate Desty.

I really thought that Miss Rhailen was the strongest element user. Pero mali ako, sobrang mali. Yes, she completed the four elements but she only have four supporting element plus her unique ability. But this young girl here, who acts like an eighteen year old woman, does contain all the elements.

Isang matagal na katahimikan ang bumalot sa buong paligid pero agad rin iyong nasira nang marinig ko ang boses ni Rallen.

"Sakin galing ang kapangyarihan niyo."

I suddenly felt chills in my spine when she spoke coldly through our minds. Na kahit hindi ako nakakabasa ng isip ay tumagos sa akin ang sinabi niya. Her voice sounds like Leader's voice at mas nakakatakot pa ang boses niya kesa dito.

We don't know what's happening but I suddenly felt an unexplainable feeling. Lahat kami ay nalito sa sinabi niya. Paano nangyari 'yun kung gayong mas bata pa siya sa amin? Paano niya naibigay ang kapangyarihan niya?

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Miruh. Alam kong parehas kaming lahat na naguguluhan kaya ang lahat ay nakikinig ng maayos.

"Ako ang gumawa ng lahat nang bagay na ito." Mas lalo akong naguluhan sa ipinahayag niya samin. Hindi ko makuha ang punto niya.

Isang rosas ang tumubo sa harapan niya. Yumuko siya ng kaunti at pinitas ang nag-iisang rosas na biglaang tumubo sa harapan namin.

"This is where my power came from. This rose contains all my powers and if this will wither, it means I'm gone." sabi niya. At dun ko lang napansin na may kakaiba sa rosas na 'yun. There is a yellow crystal fragments in it and it has a strong aura. Parang kung mag-a-attempt ka na sirain ito, babalik sayo ang atakeng ginawa mo.

Tinuro niya ang bahay nila Hunter at biglang lumabas si Hunter na tangay-tangay lang ng hangin. Nakasunod naman si Freeze sa kanya dahil baka akala niya kung anong nangyari. Nanlaki naman ang mga mata niya nang makita ang ginagawa ni Rallen.

Gumawa agad siya ng upuan na mula sa kahoy at inupo si Hunter 'dun. Pinabuka niya ang bibig nito tapos ipwinesto niya ang palad niya dito at maya-maya ay may lumabas na isang kulay violet na yelo.

"I solidified the poison to make him feel better. Magiging ayos na din ang pakiramdam niya." sabi niya. Nawalan naman ng malay si Hunter kaya sinalo siya ni kuya Xyper. He sure looks worried with his twin. "'Yung nakita mong devil shadow, Greya, she left a dark power that could make Hunter lose his control."

Agad naman niyang ibinaling muli ang atensyon niya sa amin. She smiled at us but there is a hint of sadness in her eyes. Her brother and sister looks confused on what her eyes are saying, too. Of course, kapatid nila si Rallen, alam nila kung kelan ito may problema o wala.

Ngunit biglang nawala sa paningin namin si Arlie at Arlen. Nagulat naman kami pero si Rallen, hindi manlang nagulat. May ngiti pa kaming nasilayan sa kanya.

"You're happy that your siblings are gone?" tanong ni John sa kanya. She shook her head.

"Aren't you aware that I can create illusion?" she said then her words bumped into my head. W-What? Does that means ... Arlie and Arlen are just an illusion?

I looked at her as if I was waiting for a confirmation. Then she nodded at me and that moment, I know she wasn't lying.

The Helmmingjens' sister confusingly faced her but she still smiled enthusiastically. Mukhang binasa niya ang nasa isipan nila Miss Rhailen at Leader.

"I did it on purpose." Nanlaki naman ang mga mata ni Leader at tinuro si Rallen.

"Y-You.. How did you read my mind? I tightly closed it. And how come I can't read your mind?" she lost her cool as she was asking that. Again, Rallen just smiled at her and continued.

"Have you ever forgotten that I contain all the powers? My telepathy is closed by default and I can still read other's mind even they closed it. Well, kung by default ang pagka-close nito, hindi ko mababasa." Parang wala lang 'yung sinabi niya kasi cool na cool niyang in-explain samin. Wow, I can't believe this twelve year old girl could gain my respect. She looks superior and strong.

"S-So hindi totoong may kapatid ka?" tanong ni Miruh. She slightly laughed.

"May kapatid ako pero hindi ko sila kasama. Besides, they don't have any idea I have this powers." sabi niya tapos nagkibit-balikat pa siya. Hindi nila alam? Pano 'yun? Hindi ba sila napapahamak?

Then I remembered, she's superior. Kumpleto niya ang Four Elements pati nadin ang Ten Supporting Elements. Which means hindi siya madaling mapabagsak.

But what is her agenda? Bakit niya kami nilinlang? Panlilinlang naman siguro ang tawag sa paggawa ng illusyon diba?

Natahimik ang lahat. Tila nag-iisip kung ano ang sasabihin nila. Hindi ko din alam kung bakit ang gaan-gaan ng loob ko dito kay Rallen. Parang nakikita ko si mama sa kanya kahit na napaka-imposible 'non kasi twelve years old palang siya at wala akong ibang kapatid maliban kay ate Desty.

Naglabas siya ng isang supot mula sa bulsa niya at inabot niya sa amin. Kinuha naman 'yun ni Miss Rhailen at nagtanong.

"Para saan 'to?"

"Healing candies, magagamit niyo 'yan sa laban niyo sa Dark District. Oh, I heard you Katelyn, you asked why did I create those illusions, right? And you even asked what is my agenda? It's because Future Element Leaders are the only guild that can knock those jerks down. Gusto ko kayong tulungan at bigyan ng mga clue sa mangyayari." napatango naman ako.

"Take good care of this rose. Kung magiging red ice siya pagkatapos ng laban niyo sa pagitan ng Dark District, it means you won. They can't spread evilness anymore."

"What if we didn't? What will happen to the rose?" pagtatanong ni Freeze. Napabuntong-hininga naman si Rallen.

"Kasabay ng pagbagsak ng inyong bandera ay ang pagkamatay ko kaya k-kung mananalo kayo ay mabubuhay ako. N-Nasa inyo din nakasalalay ang buhay ko. P-Pero sinasabi ko sa inyo, may mamatay sa laban." nanlaki naman ang mata ko at nakita kong sabay na napamura si Leader at Freeze. Halos manginig naman ako dahil anlamig at seryoso na naman ng ekspresyon nilang dalawa.

Matapos namin siyang makausap, nag-offer kami ng papasukin siya sa bahay nila Hunter. Pumasok naman siya pero mukhang paranoid siya kasi ayaw niyang humawak sa mga bagay nila Hunter. Tinanong ko siya kung anong problema at ang sagot niya ay ayaw niya lang daw makasira ng gamit. Kasalukuyan raw kasing nag-aaway ang mga element niya sa loob niya which means papalapit na daw ang nasabing laban.

I actually felt pity for her. Nasasaktan siya sa emotionally at phsically. Emotionally kasi hindi niya nakakasama ang pamilya niya dahil sa misyon din niya at physically dahil nasasaktan siya sa mismong kapangyarihan niya. Pero iwinawaksi ko sa isipan ko na kaawaan siya kasi mas lalo siyang masasaktan.

Inalala ko naman ang lahat ng ten supporting elements.

Plant Element,
Mind Element (Telepathy),
Poison Element,
Lightning Element,
Earth Element,
Traveling Element (Teleportation),
Precising Element (Predicting),
Radar Element,
Healing Element,
Science and Technology Element (Identifying)

Sobrang dami nang sampung supporting element tapos medyo bata pa ang nakakuha nito. That's too hard to handle. Kung ako nga, baka nabaliw na ako, eh. Dati, I kept wishing na sana katulad ako kela Leader pero I now realized that having those elements is a great responsibility. Hindi lamang ito pang basta-basta. This is not for bragging purposes, para ito sa lahat. If you have one of these powers o kahit ilan pa, it means it's your responsibility to protect and take good care of everyone around you.

Katulad nalang ni Leader, kahit gaano pa siya ka-cold sa amin, kahit hindi siya showy o ano man, I can say she really cares for us. Na nag-aalala din siya para sa amin, in a silent way nga lang.

The more you have more elements, the greater responsibility you receive. And I know it is a hurt to your ego if you would disagree or disapprove it.

'You are a great kid, you also think maturely.'

Bigla akong nakarinig ng isang boses na hindi pamilyar sa akin. Ang nakakapagtaka nga lang, tuwing nakakarinig ako ng boses ay sumasakit ang ulo ko pero ngayon, ang gaan lang ng pakiramdam ko. Lumingon ako sa paligid ko pero may kanya-kanya silang ginagawa. Kahit si Rallen nakatulog dahil sa sakit ng katawan.

'Get outside, honey. I'm waiting.' boses babae siya at ewan ko ba kung bakit sumunod ako sa sinasabi nitong boses na'to.

Lumabas nga ako ng bahay at nagpaalam kila Leader na magpapahangin ako. Sabi nila na bumalik raw agad ako dahil magte-training raw kami ulit.

I look around pero wala naman akong nakikita.

'Psst.' nakarinig naman ako ng sitsit at nagsitaasan ang balhibo ko. Di kaya multo 'to? Wala naman kasi akong nakikitang tao dito sa labas! Huhu, nakakatakot.

Nakarinig naman ako ng mahinang pagtawa kaya mas lalo akong natakot.

'Psst.' at may sumitsit ulit. Waah! Ate! Ayoko na dito, papasok na ako!

Tatakbo na sana ako papasok ulit ng bahay ng may nagsalita ulit sa isip ko.

'Haha, eto naman binibiro ka lang. Humarap ka sakin. I mean talikod pala. Ay ewan ko.' at ako naman ang natawa pero nawala ulit ang ngiti ko dahil nakaramdam ako ng takot. Humarap ako sa kanya pero patalikod (medyo nakakalito) at mariin na nakapikit ang mga mata ko.

'Imulat mo ang mga mata mo.' dahan-dahan ko namang iminulat ang mata ko at nakakita ako ng isang napakagandang dilag. Hala, natitibo ata ako sa ganda niya!

"S-Sino ka?" tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin.

'Ako at ang whip mo ay isa, bale espirito ko ito. Ay parang horror naman pakinggan. Basta 'yun na yon!' Siya at ang whip ko raw ay iisa? Bale para siyang..

"Isa kang Goddess, g-ganun?" tumango naman siya agad.

'Nadale mo! Ang talino mo talaga! Hihi.' Ang weird naman nitong Goddess na 'to, napaka-playful. Akala ko pa naman mga serious type ang mga ganun.

"A-Anong kailangan mo at bigla ka nalang l-lumabas?" tanong ko. Medyo nauutal pa ako kasi natatakot parin ako ng konti.

Nakita ko namang nagseryoso ang itsura niya. Saka siya tumingin sakin ng mata sa mata.

'Magiging isa tayo at habang mataas ang fighting spirit mo, tutulungan kita sa laban niyo.' Teka, naguguluhan ako. Anong ibig niyang sabihin?

"Anong ibig mong sabihin?" kunot-noong tanong ko uli sa kanya.

'Magiging isa tayo meaning sasanib ako sayo. Hindi ka naman mababaliw, sa halip ay lalakas ka pa. Medyo masakit nga lang ang proseso.' sagot niya. Tumango naman ako.

"Tutulungan mo ako sa laban namin, diba?" tumango naman siya. "Kung ganon, okay lang sa akin na maging isa tayo." nanlaki naman ang mata niya at mukhang hindi makapaniwala.

Agad naman siyang umayos at bigla nalang akong nakaramdam ng pananakit sa may puso. Argh, tama nga siya, medyo masakit nga ang proseso! Hindi lang pala medyo, masakit talaga! Pakiramdam ko inaatake ako sa puso.

Unti-unti siyang nagfe-fade sa harapan ko pero ngumiti siya sakin, isang sincere na ngiti. Napasigaw naman ako nang makaramdam ulit ako ng sakit. Takte, parang nilalamutak ang puso ko. Ang sakit!

Napaupo naman ako ng muli akong makaramdam ng sakit at patuloy padin ako sa pagsigaw. Napapikit pa ako ng konti at maya-maya ay naramdaman ko ang presensya ni Leader at ni Rallen.

"What the hell is happening?!" sigaw niya. Matatakot na sana ako pero mas lamang talaga ang sakit ng puso ko. Argh, ansakit talaga! Hanggang ilang minuto ba 'to! Hindi ko na kaya!

'Konti nalang, Katelyn. Pasensya ka na, ah? Talagang masakit ang prosesong ito.' narinig ko ulit ang boses ng Goddess ng whip ko. Medyo kumalma ako pero masakit parin talaga. Ramdam ko din ang sincereness sa boses niya.

Bumulong naman ako sa sarili ko. "O-Okay lang, para sa atin naman ito."

"Freeze! Ice! Heal, Kae!" rinig ko ulit ang pagsigaw ni Leader. Muli naman akong nakaramdam ng pananakit sa puso.

Napalingon naman ako sa direksyon kung saan tumatakbo papunta sakin si Freeze at akmang hahawakan sana ako.

"Huwag! Her weapon's goddess is entering her! Hayaan niyo muna siya!" sigaw ni Rallen. Napatigil naman si Freeze kaya ngumiti nalang ako sa kanya. 'Yung ngiting nanghihina?

Wala siyang nagawa kundi sumunod kay Rallen kahit sigaw na ako ng sigaw. Wala din naman silang magagawa, eh. Mawawala din naman 'tong sakit nito pagkatapos nang proseso.

Sigaw lang ako ng sigaw pero maya-maya ay naramdaman ko ang pagwala ng kirot. Narinig kong muli ang boses ng Goddess.

'Salamat sa pagiging matapang, Kae. Sorry ulit.'

"Okay lang." bulong ko sa sarili ko. Nagbigay naman ng pahintulot si Rallen na pwede na silang lumapit sakin.

Itinayo naman nila ako dahil hindi ako makatayong mag-isa dahil nanghihina ako. Pero kahit ganun, pakiramdam ko mas naging buo ako dahil sa Goddess. Pakiramdam ko mas lumakas din ako. Pero ang pinakatumatak sa isipan ko ay;

I felt a cold sensation after the process. And my eyes turns into dark blue.

I upgraded.

****


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top