Element 31: Rallen

The Four Elements

Element 31

/Greya/

That's what you've got for following me..

"T-Teka! Anong ginagawa mo, Greya?" sabi niya sakin. Ngumisi naman ako ng nakakaloko at nakita ko kung paano nagtaas baba ang adam's apple niya.

"Something naughty, I guess?" At mas lalo pang lumaki ang ngisi ko. Wooh! I never expected I could seduce someone. Well, I did it so I guess I really have a so-called charm? Nah.

I pushed my face into his and I can see that he's blushing. Cute, eh? Wait, did I really say that? If yes, just don't mind it!

I can feel that he's tense so I went nearer and I act that as if I'm going to kiss him but I just landed my lips on the side of his right ear and whispered at him.

"Lesson learned. Never disobey me, 'kay?" Unconciously, he nodded.

I'm not going to kiss him anyway cause I'm a fire element holder and he's a water element holder.

We both might drown.

T H I R D P E R S O N's P O V

Kasalukuyang naglalakad sila Greya at Xyper papunta sa gubat. Naramdaman kasi ni Greya ang aura ng devil shadow sa gawin iyon ngunit maingat din siyang nagmamasid sa paligid dahil anumang oras ay maari siyang sugurin nito. Alam niya na ang tanging pakay ng aninong 'yun na hinala niya ay galing sa Dark District, ay ang magkapatid na sina Hunter at Xyper. Maaring nalaman nila ang mission nang Future Element Leaders na pabagsakin ang distritong kinasusuklamahan ng lahat. Ang distritong pumatay ng libo-libong tao mula sa iba't-ibang distrito.

Napatigil silang dalawa sa paglalakad nang biglang may narinig silang isang mahinang ingay kaya naalarma si Greya at marahan na tumitingin-tingin sa paligid. Tumingin din si Xyper sa bandang kanan niya at halos manlamig siya ng may nakatayong lalake sa tabi niya na punong-puno nang dugo ang damit. Dahil sa labis na takot ay kinulbit niya si Greya na kasalukuyang nagko-concentrate.

"What?-- Fuck!" napamura si Greya nang makita niya ang tinuro ni Xyper sa kanya. Bahagyang napaatras pa siya. Unti-unting lumubog papasok sa utak niya ang kanyang nakita. Akala niya isang multo ang nagisnan niya! Isa pala itong lalakeng sobrang daming sugat!

Ngunit dahil sa naalala niyang ang devil shadow, gumawa muna siya ng barrier bago tuluyang lumapit sa lalake. Sinigurado niyang hindi sila magagalaw nang taong 'yun. Syempre, nasa loob din si Xyper.

"Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ni Xyper sa kanya nang biglang pumikit si Greya at medyo umangat ang barrier na gawa-gawa niya.

"I'm feeling if he had this evil aura, so shut up or I'll burn you into ashes!" sagot nito sakanya kaya wala nang nagawa ang binata. Nung walang naramdaman si Greya ay iwinalang bisa niya ang barrier at mukhang nakalimutan niyang nasa ere na pala sila kaya nahulog silang dalawa. Syempre, lumutang pa si Greya dahil sa wind element niya bago siya mapunta sa lupa ngunit dire-diretsong nahulog si Xyper.

"Ansakit ng pwet ko." bulong ni Xyper sa sarili niya na syempre narinig ni Greya.

"Noob, you should've made a net out of water. Tss." sabi ng dalaga saka nilapitan 'yung lalake. Hinang-hina na siya at nakayuko pa siyang nakaluhod. Umangat din ang ulo ng lalake ng kontrolin ni Greya ang galaw nito gamit ang isang puno.

Napadaing pa ang lalake dahil natamaan ang mga sugat niya. Napailing nalang si Xyper at nanatiling poker-faced si Greya habang pinapalipad sa himpapawid ang lalake gamit ang wind element niya.

Medyo malayo na pala ang nalakad nila kaya tinamad si Greya at pumitas siya ng dahon sa isang puno at pinalaki ito.

"Step into the leaf." she said and Xyper immediately followed her. Without even a word, Greya controlled the leaf's movement in the air. Mas madali silang nakarating sa bahay ng mga Cipriano. Pero halos mahilo si Xyper sa technique na iyon. Ang bilis kasi nang pagpapatakbo ni Greya sa dahon. Pagkalapag na pagkalapag nila sa lupa ay bumalik na sa pagiging maliit na dahon ang dahong ginamit nila.

Greya immediately lay the man in the bench and then called Ice and Freeze out using telepathy. They heard it and went outside. There they saw Greya and Xyper with the man who's full of bruises and blood.

"Sino 'yan? Ba't puro galos?" pagtatanong ni Freeze sa kanila. Nagkibit-balikat lang si Greya. Si Xyper naman ang sumagot dahil mukhang walang planong sumagot ng matino si Greya.

"Nakita namin sa gubat, wala naman daw'ng naramdamang evil aura si Greya kaya dinala niya dito." sabi ni Xyper. Tumango naman si Freeze pero bigla niyang naalala si Hunter.

"Ah kuya! Ikaw na gumamot sa kanya, may gagawin lang ako! Bye!" at mabilis na tumakbo si Freeze papasok sa bahay. Napa-mental facepalm nalang si Ice saka sinimulang gamutin 'yung lalake. Unti-unting naghilom ang sugat nung lalake.

"S-salamat.." nauutal na sambit nito. Nabigla naman si Ice dahil gising pala ito. Nakapikit lang sa sobrang pagod.

Sumenyas naman si Greya na ipasok sa loob ng bahay 'yung lalake kaya naman wala silang nagawa kundi sumunod.

/Xyper/

Pinagsisihan kong sumunod ako sa kanya.

Sobrang pinagsisihan ko dahil sa inakit niya ako kanina. Sobrang pagpipigil ang ginawa ko para lang hindi ko siya masunggaban--este mahalikan. Maganda siya, sobrang ganda niya. Medyo bossy nga lang at cold.

Pero lalake ako, kaya naakit ako sa kanya. Buti nalang! Buti nalang talaga at napigilan ko. Putspa! Pagtripan ba naman ako?

At mas lalo akong nagsisi dahil sa unang beses sa buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng grabeng takot. Parang kukulbitin mo lang siya, bubulyawan ka agad. Mukha akong bakla kasi tumitiklop ako.

Eto nga, sinenyasan niya kaming dalawa nitong Ice ang pangalan. Wala kaming nagawa kundi sumunod at ipasok nga 'tong lalakeng 'to.

Pinaupo naman namin siya sa kahoy na upuan.

"Salamat ulit sa inyo." sabi niya. Tumango naman si Greya at nagsilapitan 'yung iba samin. Tila ba may mangyayaring meeting dito. Wala nga lang 'yung Tredle dahil pinabalik siya sa mansyon, pati na din 'yung Nico daw. Sila Freeze at Hunter, nagbabantayan este-- binabantayan ni Freeze si Hunter.

"What will you say, Jem?" tanong nung Miss Rhailen kay Greya. Ngumisi naman si Greya, 'yung nakakatakot na ngiti.

"Parang nakakatakot 'yung ngiti niya, 'pre." bulong ko kay Ice. Bahagya namang natawa 'yung Desty at bumulong din sakin. "Masanay ka na, ganyan talaga si Greya." tumango naman ako at nakinig sa sasabihin ni Greya.

"Let us search for the devil."

BABALIK NA NAMAN KAMI SA GUBAT NA 'YON?!

T H I R D P E R S O N's P O V

"Okay! It would be cool." Rhailen exclaimed. "But first, we need to ask this man behind me." dugtong pa nito saka tinignan ang lalakeng kilala naman niya dahil nakita niya ang impormasyon sa utak niya ngunit gusto niyang ang lalake mismo ang magsabi. Tumango naman si Greya saka nagtanong.

"Pangalan?" bored na tanong ni Greya. sabay sandal ng ulo niya sa sandalan.

"Arlie." tipid na sagot nung lalake. Magtatanong na sana si Greya ulit nang itaas nung Arlie ang kamay niya.

"Ipapaliwanag ko ang lahat." tumango naman ang lahat. Huminga muna siya ng malalim saka bumalik sa pagsasalita. "Naligaw kami ng mga kapatid ko. Lima kami lahat. Si kuya Ranel ang panganay, tapos si kuya Arnel, ako, si Arlen at si Rallen. Napunta kami sa isang gubat na kung saan niyo ko natagpuan. Kaya ako puno ng sugat dahil ipinagtanggol namin ng mga kuya ko ang mga kapatid naming babae mula sa isang tao. Tumilapon kaming mga lalake sa kung saan dahil sa malakas na pagsabog kaya kami nagkahiwa-hiwalay. Tulungan niyo ako, please." sabi nito.

"Ano ba ang itsura nung kumalaban sa inyo?" tanong ni Miruh.

"Hindi ko matukoy pero pulang-pula ang kulay ng mata nito." sagot nitong muli. Ibinagsak ni Greya ang kamay nito sa lamesa na naging dahilan upang masira ito ngunit wala siyang pakielam.

"Devil shadow... I swear we need to find that fuckin' shadow! Madami na silang nabibiktima!" sigaw ni Greya. Pero biglang nagtaas ng kamay si Kae kaya pinagsalita siya nila.

"Why aren't you afraid of us? I guess nasaksihan mo na, na may kapangyarihan kami." sabi nito.

"Ang totoo niyan, nininyerbyos lang ako at hindi natatakot. Alam ko naman kasing wala kayong gagawing masama sakin kasi tinulungan niyo pa nga ako. Isa pa, may kapangyarihan din ang bunso naming kapatid na si Rallen." sagot nito na nagpabigla sa mga taong andirito.

"Eh anong kapangyarihan niya?" tanong ni Desty. Sasagot na sana si Arlie nang makarinig sila ng pagsabog sa labas. Agad silang nagpunta sa direksyon ng pagsabog at nakita nila ang isang batang babae na may bitbit na ka-edad lang nilang babae.

"Parlie!" sigaw nung bata at mabilis na tumakbo patungo sa direksyon nila.

"R-Rallen." naiiling na sambit ni Arlie. Naguguluhan man, nagtanong muli si Desty sa kaniya.

"Siya ba ang kapatid mo? Sino 'yung bitbit niya?"

"Oo, siya si Rallen at yung bitbit niya, si Arlen." sagot nito.

"Who are they? And where's kuya Ranel and Arnel? We need to find them!" naiinis na sambit ni Rallen saka ibinaba ang babaeng bitbit-bitbit niya at whoa, medyo magkahawig sila.

Lumapit naman si Johnzie kay Rallen saka inabot ang kamay niya. Makikipagshake-hands sana siya.

"Aanhin ko 'yan?" mataray na sabi ni Rallen kay Johnzie. "Tss, anyways, alam ko na kung asan ang devil shadow." sabi nito. Napataas naman ang kilay ni Kae.

"Talaga bata?" halos pumutok naman sa galit si Rallen nung tawagin siyang bata kaya naman agad siyang hinarangan ni Arlie at ni Arlen. Umubo naman si Arlen bago magsalita.

"Pagpasensyahan niyo na si bunso, ayaw lang talaga niyang natatawag na bata kahit twelve palang siya. Masyado na kasing advance ang utak niya, eh." sabi nito.

/Greya/

I can feel something different in this little girl. Everytime I attempt to read her mind, kumikirot ang ulo ko pero hindi ko nalang sinasabi sa kanila.

I must say she's an extraordinary girl. Masyadong malakas ang pwersa ng aura niya at mukhang mas malakas pa siya samin ni ate.

'Greya, she contains all the elements.' sabi ni ate sakin.

'You mean the four elements?'

'No, she contains ALL the elements which means even the ten supporting element.'

'W-Wait, my prediction tells me that she's in danger! At siya talaga ang target nang Dark District.'

"Hey Rallen, your life is in danger." I told her. She sighed

"I know." she said. "Balak nilang kunin ang kapangyarihan ko."

****

A/N: New characters ba sila? And kahit walang nagtatanong, the new names are my siblings name. At bunso talaga ako. Ge (---/\---) Happy 2.3K reads \m/ Thanks for making this poster iamhaynah ^____^





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top