Element 3: Greya

The Four Elements

Element 3

"She's my stepsister and she's supposed to be in prison." Katelyn said. 

"May element ba siya?"tanong ni Freeze. 

"Oo, parehas kaming ice element." sagot niya. 

"Ano bang ginawa niya at nakulong siya?" tanong ko. 

"Pinipilit kasing agawin ng mga kaklase niya dati yung legendary necklace na bigay sa kanya ni Daddy dati. Without that necklace, she can't be able to control her element. To defend herself she did something which caused a severe injury to her two classmates. Hindi naman kasi alam ng mga kaklase niya na hindi siya normal na tao atsaka lagi siyang binubully dahil sa disguise niya as nerd." Oh, what? She has the legendary necklace so that means, their father is a high-end protector of Element District perhaps?

"Ten years ang sentence sa kanya pero ikalawang taon palang niya ngayon. Kaya nakakapagtaka kung bakit siya nakalabas."tuloy ni Kae.

"Kae?!" Her stepsister suddenly shouted. I decided to face her because she seems interesting so I safely landed our carpet. Pagkalapag namin sa lupa, agad na lumapit si Katelyn sa kanya.

"Ate, tumakas ka ba?" seryosong tanong nito sa kanya. Umiling naman ito.

"Pinalabas na ako ng police officer dahil magaling na daw ulit ang mukha nung mga kaklase ko dati. Maganda na raw ulit sila. Hmp, as if naman maganda talaga sila. Iyon naman ang kasunduan diba? Pagmaayos na silang dalawa, pwede na akong makalabas saka kasalanan din nilang tinangka nilang kunin ang kwintas ko." pagkwekwento nito. She disguised as a nerd that's why she was bullied, but look at her right now. She looks like a princess wearing a normal human's clothes.

"I assume you are a guild with elements, right?" I nodded. "Can I join?" she asked.

"Sure you can." I answered. 

"Hmm, Kae, ano ba elements ng leader niyo?" tanong niya kay Katelyn. Sinagot naman ni Katelyn si Desty kaya okay na, di ko na kailangang magsalita pa.

"Oww, that's pretty cool. No doubt kaya ikaw ang naging leader nila--I mean natin."sabi ni Desty kaya ningitian ko lang siya.

Tumawa naman ng napakalakas si Freeze nung marinig niyang tumunog ang tiyan ko. Oo, tumunog yung tiyan ko. Dyahe naman, oh. Ngayon pa ko ginutom.

Ibinaba ko na lang muna yung carpet dahil hindi ko na kinaya. Gagawa na lang siguro ako prutas, hindi na aabot pagpupunta pa kami sa kainan. Gutom na talaga ako, eh.

"Cool mo talaga, nakakagawa ka ng prutas na gawa sa plant element." sabi ni Freeze. "Tara, maglakad nalang tayo dahil baka maubos ang enerhiya mo. Kanina mo pa ginagamit ang wind element mo eh, saka alam kong masyadong nakakaubos ng enerhiya yang paggawa ng prutas." pagpapatuloy ni Freeze. Tumango nalang ako. I really like Freeze to be my partner, she's intelligent but sometimes, she had this crazy personality. -_-

"I saw a guild and their boss is the man holding a riffle." Biglang sumingit si Ice. Naglakad na lang ako at may nakita nga akong guild na malayo dito. Grabe, nakita niya yun? Sabagay may radar element kasi siya.

"K." sabay na sabi naming mga babae. Nakakatawa pala, siya lang yung lalake? Unless, she's one of the girls din. Okay, that's quite impossible. But, who knows? 

"Give me your guild's card if you don't want to die." sinabi ko yan sa guild na nakaharap namin ngayon gamit ang malamig kong boses. I'm expressionless. Blankspace kumbaga.

"Would why we?" Nag-English pa, wrong grammar naman. Nakakabadtrip. Pero mukhang wala namang mga elements 'tong mga 'to. Okay sa alright din.

"Okay then." Ginamit ko yung wind element ko na nagpatumba sa ilan niyang kasamahan. Gumawa naman ako ng illusionary pit kaya akala nila nahuhulog sila sa bangin. Nagpakawala naman ako ng tubig sa kamay ko kaya akala nila nalulunod sila. Then I surround the illusionary pit with fire kaya hindi sila makalabas. As usual, I can't use my ice element kaya kinuha ko ang kamay nila Freeze at Kae. Pinahawak ko naman kay Kae si Desty and I made a big ball of ice. I throw it into the air at pinaputok yun sa pamamagitan ng pagtapon ng fire balls. The boys were showered with ice crystals.

"Freeze, get their guild's card. We need to went further away from here."sinunod naman niya agad tapos tumapak na siya sa carpet. I used my wind element to make it fly again. Nung nakalayo na kami sa kanila, winala ko na yung epekto ng tubig, yelo at apoy para naman makatayo na sila kahit papaano. Mabait pa rin naman ako, no. Di ako ganon ka-harsh.

"Yay! One card to go and we'll make our own guild's card, too!"sigaw ni Kae na parang batang binigyan ng kendi. Kung sabagay bata pa naman talaga siya. Haha!!

"Oh yiz my dir."sabi ni Freeze, nakakatawa yung accent niya. Pinabagsak na malalim kasi.

"Magpahinga ka muna, Greya. Don't use all your wind energy. Let's just walk for awhile."sabi ni Desty kaya tumango na lang ako at ibinaba yung carpet. Hindi pa masyadong malayo ang nalalakad namin ng may marinig akong sigaw mula sa likuran namin.

"Sino kayo at paano kayo napunta dito?!"Boses batang lalake kaya nilingon naman namin yung taong may boses ng bata.

"Sagutin niyo 'ko!" sabi niya at pwinesto yung kamay niya na parang ready ng mag-kamehame wave.

"Calm down kiddo, okay?" sabi ni Kae, kung maka-kiddo to parang di rin siya bata, ah. Magkasing-edad nga lang ata sila nitong lalakeng 'to, eh.

"Don't call me kiddo!" sigaw nito. Aamba na sana 'to ng suntok kay Kae pero hinawakan ko ang kamay niya. Oh, I get it. He have one of the four elements. The wind element.

"Wha-what the?"nashock ata siya kasi hindi man lang ako nasaktan sa atake niya.

"You have wind element. Cool, huh?"sabi ni Ice. Tse! Naunahan niya ako! Ako sana magsasabi nun, eh! Hmpf.

"Pa-pano mo--"

"Hmm, we also have our ability, too. We also have elements." Desty told him.

"Isa ka lang, bata. Lima kami. Sasali ka ba samin or you'll die?"sabi ni Freeze. Natawa naman ako sa isipan ko. Kung iisipin, may pagkabrutal si Freeze. Tinakot ba naman?

"Sasali? Bakit? Guild ba kayo?"tanong ni bata.

"Hindi ba obvious? Duh."pambabara ni Kae sa kanya. Natawa tuloy ako.

"Eh sinong leader sa inyo? Mukha naman kayong mga weak, eh." Maka-weak naman 'tong batang 'to, mas mukha pa nga siyang weak kesa sa amin, eh.

"Both of you, stop it. Bata 'yan, wag niyong patulan." sita ko kina Freeze at Desty. Bigla nalang kasi hinampas yung bata, isip-bata rin 'tong mga kasama ko. Tss, nako naman.

"Yes, Leader. Pasensya na."sabi ni Freeze tapos yumuko pa siya.

"Okay Greya."sabi naman ni Desty.

"Ikaw pala yung leader? Uhh okay. Anong element mo?" tanong nung bata sakin.

"Correction kiddo. Your question should be, 'Anong MGA element mo?'. That should be your question to her."sabi naman ni Kae.

"You have more than one element? Hindi niyo ako maloloko." tanong nito habang matawa-tawa. I don't know but it triggered me to fight with him.

"You don't believe me? Okay then."sabi ko tapos pinaliyab ko ang paligid niya. Nawala naman yung apoy because of his wind element.

"Ha. Fire element ka pala?" That was his wrong move, panandalian lang nawala ang mga apoy ko. Bumalik ito maya-maya dahil oxygen ang kino-consume ng apoy. Palakas ng palakas ang apoy na nagagawa ko hanggang sa malapit na siyang maupok ng apoy. Gumawa ako ng espadang gawa sa ice na hindi kayang tupukin ng apoy. Hindi ko alam kung paano ko nagawa ito, considering that my ice element is still weak. I don't know, maybe because of the desire of wanting to prove him something.

"Leader! Stop it! Mapapatay mo siya!" sigaw ni Freeze. Nabalik ako sa wisyo dahil sa sigaw niya. 

"Ikaw kasi, eh! Prinovoke mo si Leader! Yan napapala mo, bata!"sigaw ni Kae dun sa batang lalake na parang nag-aalala. May masasaksihan ba akong love story dito? Tsk. I helped him to stand up and winala ko yung epekto nung ginawa ko kanina.

"Pakielam mo ba?" inis na sabi nito kay Kae. "Pero alam mo Leader nila, ang galing mo talaga ah. Marami ka nga talagang elements. Sasali na ako sa guild niyo." dagdag pa nung batang lalake.

"Okay. Anong pangalan mo?"tanong ko.

"Miruh." (Pronounced as Mee-ru)

"Okay, kasali ka na sa guild namin."sabi ko.

"Ano palang pangalan ng guild niyo?"tanong ni Miruh. Pangalan? Oo nga no? Di pa kami nakaisip. Nako naman.

"Wala pa, eh. Mamaya na lang siguro pagmakuha na natin yung last card na kailangan natin." Tumango-tango naman siya.

"Leader, kung Elementary kaya?"sabi ni Freeze. Hindi ko alam kung may saltik ba sa utak 'to si Freeze o sadyang isip-bata lang siya para maisip niya 'yun.

"What the heck, Freeze."sabi ni Ice sa kanya.

"What? Wala naman akong ginagawang masama, ah. I'm just suggesting."

"And your suggestion is corny." Wow, ansama talaga nitong Ice na 'to. Buti nga nagsuggest si Freeze, siya nga wala. Pero inaamin ko, ang corny naman talaga ng suggestion ni Freeze. Wag kayong maingay, okay? Admit it to yourselves too, corny naman talaga.

"Great kuya. Great. Palibhasa crush mo si Grey--- este Grey! Christian Grey! Bakla kasi tong si kuya, eh--Aray! Bwisit ka talaga kuya! Tch." Napatigil lang si Freeze ng batukan siya ni Ice.

"Anong bakla? Ulol."sabi ni Ice. Tignan mo 'tong isang 'to, ansama ng lumalabas sa bibig. Mabuti pang tumahimik na lang siya forever. But on second thought, that won't do because he is useful because of his radar element.

"Hot, icy, cold."suggest ni Kae. Toinks! Para kaming kape, ice cream at frappe 'nyan.

"Element Lords and Goddesses." Cool naman 'yung naisip ni Desty pero masyadong mahaba.

Bigla naman akong may naisip na ideya.

"Ah! Alam ko na!"

"Ano?" sabay na tanong nilang lahat sakin.

"Future Element Leader."

"Cool!"-Kae

"Nice one!"-Freeze

"Yun na lang!"- Miruh

"Ayos!"-Desty

"Buti nakaisip ka."- Ice na napakawalang silbi at nakakainis sa lahat. Grrr

"So it's settled, Future Element Leader na ang pangalan ng guild natin."

****

A/N: Everyday update 'to kaya no problem.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top