Element 29: Hunter

The Four Elements

Element 29

"Okay na ang personal mission niyo Ice at Freeze. Ngayon, ang mission ng guild naman natin ang problemahin natin. So Hunter, are you willing to take a risk?"sabi nung leader ng guild na Greya ang pangalan sakin tapos inaya niya akong makipagkamay. Tinanggap ko naman at saka ako ngumiti.

"Oo, matagal ko nang hinihintay ang pagkakataong ito."sabi ko. Tinignan ko ang mga mata niya, ang lamig pero maganda. Reddish-gray ang kulay nito na bagay sa kanya. She looks so fierce.

"My eye color splits into four colors, not just reddish-gray. Just sayin though."sabi niya. Teka, mind-reader ba siya?

"Sort of, ability namin yun."sabi naman nung Freeze na napagkamalan kong si Snow. Ate niya pala si Snow kaya magkamukhang-magkamukha talaga sila. She's her sister and that boy whose name I think is Ice is his twin brother. Akala ko talaga, siya si Snow. Siya pala yung matagal ng hinahanap ni Snow na mga kapatid niya daw. Ihiniwalay kasi siya sa kanila dahil hindi niya ma-control ang kapangyarihan niya at hindi alam ng mga kapatid niya na may kapatid sila. Magkikita-kita na raw sana silang tatlo kaso namatay ang magulang nila nung War of Elements.

"Ah okay."sabi ko na lang. Bigla naman akong hinila nung Greya palabas tapos sinenyasan niya yung iba na sumunod. Sumunod naman sila tapos ako kinaladkad lang niya. Grabe, babae ba 'to? Hanep sa lakas eh! Akalain mong nakaladkad niya ako? Amp.

     Nung makarating kami sa may garden, bigla niyang inikot ang kamay niya at nakagawa siya ng upuan na galing sa punong naputol. Grabe, ibang klase talaga.

     Tinignan naman niya ako at doon ko lang talaga na-appreciate ng sobra yung mata niya. Sobrang ganda nito pero sobrang lamig, parang mayeyelo ka sa lamig ng ekspresyon ng mata niya. Pakiramdam ko nahihipnotismo ako ng mga tingin niya. Parang kino-control niya ako kahit hindi. Kahit gustong-gusto ko na umiwas ng tingin hindi ko magawa.

"Miruh.." sabi niya. Ako ba tinatawag niya? Pero Miruh daw, eh. Hunter naman ang pangalan ko diba? Sobrang layo kaya ng Hunter sa Miruh.

"Bakit boss?" sagot nung batang lalake. Ah, siya pala si Miruh. Ano kayang ability nito?

"Explain to him why do we need him." sabi nito dun kay Miruh. Tumango naman siya tapos nagsimula ng magsalita.

"May gyerang mangyayari sa pagitan ng Element District at Dark District, ang distritong siya ring sumira sa distrito niyo. Misyon ng Future Element Leaders na mapabagsak ang Dark District upang hindi matupad ang layunin nitong sakupin ang buong distrito. Base rin sa ipinahiwatig ng magulang namin sa panaganip ni boss, ikaw ang tutulong samin o ikaw ang kukumpleto sa guild na nabuo namin. Tutulungan mo kaming hadlangan ang mga masasamang balak ng Dark District." Dark District? Bakit ganun na lang ang kagustuhan nilang sakupin kami? Bakit .. ? Sila din ang distritong nagsimula ng gyera sa iba't-ibang oras pero ... ano ba talaga ang kailangan nila ?

"Naintindihan mo naman siguro ang sinabi ni bata?"tanong nung babae na katabi ni Ice (si Desty ang tinutukoy). Tumango naman ako sa kanya tapos nagthumbs up siya.

"May training kang pagdaraanan para mas mapalakas mo pa ang ability mo. Kailangan mong sumailalim sa matinding pagsasanay."sabi naman nung batang babae na katabi ni Miruh. (si Kae yung tinutukoy)

"Uhm guys?"singit naman nung isang babaeng nakasuot ng magarang damit. Para siyang prinsesa sa suot niya at mukha naman talaga siyang prinsesa. (Rhailen)

"Bakit Pareng Khani?"sabi nung lalakeng nasa may dulo. (John) So, Khani pala pangalan nung babae? Bakit parang panlalake?

"Hindi pa niya tayo kilala kaya dapat magpakilala tayo. Kung anu-ano na tinatawag niya satin sa utak niya."sabi nito habang natatawa pa. Pati siya nababasa niya rin ang isipan ko? Ang imba naman nito! "Sinong mauuna?"dagdag pa niya.

"Ikaw nakaisip, ikaw mauna."bored na sabi ni Greya dun sa babae. Medyo magkamukha sila, magkapatid kaya sila? Pero kung oo, anlayo naman ng ugali nila sa isa't-isa.

"Sungit mo talaga, Jem."sabi nung babae tapos nagpout siya. Kala ko ba Greya nga ang pangalan niya, ba't naging Jem?

"I'm Rhailenkhaniea Gem Lorraine Helmmingjens or Rhailen for short, letter G yung Gem ko."sabi nung babae. Ang haba naman ng pangalan niya pero teka nga-- pamilyar yung pangalan niya.

"Element Superior G-Great Mistress?" Hindi mapakaniwalang tanong ko. Tumango naman siya. Siya yung laging kinukwento ni Snow sakin dati na kumupkop daw sa kanya o nagpatira sa kanya sa mansion. Kaya naman pala mukha siyang prinsesa kasi prinsesa talaga siya.

"Greyalinkhaniea Jem Katrraine Helmmingjens is the name."sabi nung Greya kaya pala Jem ang tawag sa kanya ni Miss Rhailen kanina. "Letter J ang Jem niya, hahaha." dagdag nung batang babae. Umirap lang si Greya tapos pumikit. Nakaupo nga pala kami dun sa upuang ginawa niya kanina.

"Freeze Waiyen Ariveria!" jolly na pagpapakilala ni Freeze. Talagang nasigaw pa siya.

"Ice Waiden Ariveria." Ang imba magpangalan nila tito at tita, ah. Sinunod na nga sa malamig na panahon ang pangalan, puro pa 'Wai'. Waiden, Waizen tapos Waiyen.

"Destiny Samantha Ferrer." pagpapakilala nung babaeng katabi ni Ice. So Destiny pala ang pangalan niya. "Pero Desty na lang ang itawag mo sakin, okay?" dugtong pa niya kaya tumango ako.

"Katelyn Amanda Ferrer here." sabi naman nung batang babae. Magkapatid pala sila. "Kae na lang po, for short." sabi pa nito kaya tumango ulit ako. Hindi sa nape-pedophile ako pero maganda siya ha.

"Miruh Sean Dalves." sabi naman nung batang lalake. Tumango lang din ako sa kanila. Wala nang sunod nagpakilala pero tinuro ko yung tatlong lalaki na nasa tabi lang. Huwag niyong sabihing bodyguard lang sila?

"Oy, Nico, magpakilala kayo. Napagkamalan kayong bodyguard." sabi ni Miss Rhailen kaya lumapit sakin yung isang lalake tapos inabot ang kamay niya pero nanlilisik yung mga mata niya. Tinanggap ko naman ito kahit parang nakakatakot siya tignan.

"Chadryn Tredle Rock Instantino nga pala, pre." sabi niya.

"Uhh-- Hunter Travis Cipriano ?" sabi ko din. Tumango naman siya. Naka-cross arms lang yung isa lalake habang sobrang nakapoker face ang mukha.

"Nicoli Jared Kurt Instantino." magkapatid din ata sila nung Chadryn. Huli namang nagpakilala yung isang lalake na all smiles pa talaga. Parang wala kang makikitang negatibong kaanyuan.

"Siya si kuyang mayabang!"sigaw naman ni Kae tapos napaikot pa siya ng mata. Tumawa lang yung iba pero ipinagpatuloy na niya yung isa.

"Johnzie Michael Herrera." nakipagshake-hands naman siya pero pakiramdam ko masisira ata ang buto ko sa higpit ng hawak niya. Nakangiti naman siya pero yung mata niya parang nagbabanta.

    Pagkatapos nilang magpakilala samin, bigla na lang lumabas si Xyper.

"Ano ba yan, dapat ako din! Ako nga pala si Xyper Travis Cipriano!" sigaw naman nung mokong pero napahiya siya kasi inisnob lang siya.

Nag-aya naman ako na kumain muna kami ng tanghalian na tinanggap naman nila. May dala pala silang mga pagkain kaya hindi na kailangang magluto saka wala akong lulutuin. Sapat na lang yung stock ng pagkain para sa aming dalawa ni Xyper.

Ang kukulit pala nila saka andami nilang nakwento sakin. Nasabi rin nila kung anu-ano ang abilities nila pati narin weapon of ability. Sabi pa nila na kailangan raw mapalabas ang weapon of ability ko.

GREYA--- Fire, Ice, Water, Wind, Plant, Mental Telepathy, Teleportation, Predicting/ weapon; sword, chain rope, needles, katsuri

RHAILENKHANIEA--- Fire, Ice, Water, Wind, Plant, Healing, Stone, Mental Telepathy, Teleportation, Identifying/ weapon; sword, darts, kakkuri, chain whip, knives

FREEZE--- Ice, Lightning, Mental Telepathy, Healing/ weapon; needles, arrows

ICE--- Water, Healing, Radar/ weapon; needles

DESTY--- Ice/ weapon; knives

KAE--- Ice/ weapon; chain whip

MIRUH--- Wind/ weapon; stick

NICO--- Wind, Healing/ weapon; darts

TREDLE--- Fire, Lightning, Mental Telepathy/ weapon; sword

JOHN--- Water/ weapon; chain whip

Ang gara nga kasi natandaan ko lahat eh medyo makalilimutin pa naman ako. Pero hindi ako ulyanin, hindi bagay sa gwapo ang maging ulyanin. ;)

Nasa labas ulit kami ng bahay at hindi parin tinatanggal yung kahoy na upuan, kaming lahat ang andirito. Nagpapahangin habang nakatingin sa langit. Nakatingin lang ako kay Greya na kasalukuyang nakapikit ang mga mata.

Nagulat naman ako nung biglang dumilat si Greya tapos tinignan na naman ako ng straight sa mata. Tumayo siya mula sa pagkakaupo tapos hinila niya ako patayo.

"You said you are willing to take the oppurtunity right?" sabi niya. Teka, ba't bigla na lang niyang natanong?

"Answer!" sigaw niya. Natakot naman ako ng konti pero hindi ko pinahalata.

"O-Oo naman!" sigaw ko din at medyo nauutal pa ako. Grabe yung aura niya, nakakatakot.

"Good. Then show me what you've got." sabi niya at bigla siyang sumipa sa may mukha ko. Dahil sa pagkabigla ay nakaiwas ako.

Paano na lang kung hindi ako nakaiwas nun? Baka tumilapon na ako dahil mukhang malakas yung pagkasipa niya. Kung nagkataon, nasira na ang napakagwapo kong mukha.

Pakiusap, gabayan nawa ninyo ako. Ayoko pang ma-evict sa mundong ibabaw.

****

A/N: New character, yay! *Q* HAHAHAHA! Bukas na naman ang next update. Happy 1.9K reads, konting push na lang, magiging 2K na! \(^o^)/






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top