Element 21: Greya

The Four Elements

Element 21

Nagising ako mula sa pagkatulog ng may maramdaman ako sa may tiyan ko, parang may humahaplos? Saka may dumadantay sa tuhod ko. Fuck, ano yun?

Napatingin naman ako at halos mapasigaw ako nang makita ko na may katabi ako. Naalala ko naman na yung sinabi ni ate.

'The real announcement is yung partners nga kayo. Meaning, magkatabi kayong matutulog.'

Fudge! I feel weird! Sanay naman akong may katabi na lalake dati eh. Sanay din akong may yumayakap sa aking lalake kasi parang one of the boys ako pero bakit ngayon? Naiilang ako.

Naisipan kong gamitan siya ng fire element kaso nasabi niya na na nahihigop niya ang kapangyarihan ko. Pero malay ko, baka hindi yun totoo diba? Kaya naman sinubukan ko ulit at hindi nga. Tinablan talaga siya ng kapangyarihan kaya naman awtomatikong napabangon siya.

"What the fuck?!"sigaw niya. Bwisit din 'to, eh!

"What did you say? Sino ka para sabihan ako ng ganyan?! You just slept in my room and that's what all you'll gonna say?"naiinis na sabi ko sa kanya. Naiirita na talaga ako kay Tredle, sobra. Psh

"It's your sister that ordered me to sleep her in the first place."sabi niya habang inaayos ang pagtayo niya. Tinignan ko naman siya ng matalim at malamig. Expressionless na ang mukha ko kaya mukhang natakot ata siya. 'Wag niya akong babadtripin lalo kung hindi sa sementeryo agad ang bagsak niya.

"W-woah..I'm sorry, sige alis na ako. Hehe, bye."sabi niya at lalabas na sana siya pero bigla ko siyang hinila with full force kaya napasandal siya sa may pader. Inilapit ko naman ang mukha ko sa kanya sabay pakita ng evil smile. Takte, mukhang ako pa ang lalake sa pinaggagawa ko pero who cares. Atleast makakaganti na ako sa bato na 'to.

"O-oy..t-teka! Bawal gumawa ng kalokohan."napatawa naman ako. Inilapit ko pa lalo ang mukha ko sa kanya at nung malapit ng magdampi ang mga labi namin....sinipa ko siya sa tiyan niya.

"See you in the dining area, Chadryn Tredle Rock."I whispered at him and I left him there, still cursing in pain.

Buti nga sa kanya.

-

"Greya, where's Chad? Ba't di mo siya kasabay bumaba?"tanong ni ate sakin pagkaupo ko sa upuan. Nandito nadin sila Freeze pero hindi pa sila kumakain. Mukhang hinintay pa ata nila kami.

"I don't care about him. I don't have time tolerating some jerks."sabi ko sa kanya. Umiling naman siya. Teka, ayaw niyang kumain? Bahala siya.

Sasandok na sana ako nung beefsteak pero tinapik ni ate ang kamay ko-ng sunflower niya pala. Psh, ano na namang problema nito?

"Hindi tayo kakain hangga't hindi bumababa si Chad. Kaya kung gusto mo ng kumain, bumalik ka don at papuntahin mo siya dito."pinanlisikan ako ng mata ni ate pero poker-faced padin ako. Ginamit ko naman ang wind element ko para mapatayo siya. Nakikita ko din kung anong ginagawa niya sa loob ng kwarto. Pinipilit niyang buksan ang doorknob pero di niya mabuksan. Pinagalaw ko ang doorknob at hinila siya pababa.

"Oh! Kain na tayo, andito na pala si Chad. Bakit pala hindi mo kasabay si Greyalin?"pagtatanong ni ate. Pinagbabantaan ko na siya sa isipan ko pero syempre, hindi ko pinapadinig kay ate. Pero ang bwisit, ayaw magpapigil. He isn't threatened by my threats! Damn it.

"Sinipa kasi ako ng kapatid mo, Great Mistress."sabi ni Bwisit.

"Oh really?"my sister sweetly smiled at me but behind those smiles are fierce eyes as if she would kill me. Hindi naman ako nagpasindak. Mas lalong naging poker-faced ang pagmumukha ko.

"Wag kang sa akin lang magalit ate kung hindi mo alam ang buong istorya. Bahala ka kung kakampihan mo 'yan kesa sa akin. Siya naman kasi ata ang kapatid mo diba? Oo nga naman, mas nauna mo siyang nakilala kesa sa akin. Kung hindi mo nga siguro ako nakita, siya na ang magmamana ng mamanahin ko. Halata naman kung kanino ka kakampi. Saka sarili mo lang naman ang iniisip mo, eh. Sige, mawawalan ako ng gana kung dito ako kakain. Kunin ko lang 'to ah? Bye."sabi ko sa kanila tapos sumandok ng madaming kanin, madaming ulam saka kumuha na din ako ng tubig tapos tumayo na para umalis. Hindi ko na hinintay na makapagsalita pa si ate.

-

Andito ako ngayon sa garden, kumakain padin. Alam kong masama ang ginawa ko kay ate pero naiinis kasi ako. Bukod sa badtrip na ako 'nun kay Tredle, nabadtrip ako lalo dahil hinanap pa niya si Tredle.

"Psh, badtrip talaga.."bulong ko sa sarili ko. Sumubo na lang ako ng pagkain ulit para mabawasan ang pagkabadtrip ko.

Nung natapos na akong kumain, ininom ko na yung tubig tapos inilagay dun sa kahoy. Tumayo naman ako para makapaglakad-lakad.

"Psst.."may sumitsit sa akin kaya napalingon ako sa direksyong pinanggagalingan nung sitsit. Pagkalingon ko, nakita ko si Freeze na nakangiti sakin.

"Do you have any problem?"tanong ko sa kanya. Tumawa naman siya ng mahina tapos umiling.

"Hindi ako, baka ikaw. Ano ba nangyari? Bakit mo sinipa yung lalake?"napabuntong-hininga naman ako. Tumabi siya sa akin sa pagkakaupo.

"Sabi kasi ni ate, madalas na daw kaming magkakasama ni Tredle."tumango naman siya. "Sa kwarto ko siya matutulog daw. Hinila ako nung bwisit papunta sa kwarto ko tapos hinila niya ako patabi sakanya kasi matutulog raw siya. Nakatulog naman ako pero paggising ko, hinahaplos na niya yung tiyan ko tapos tinandayan pa ako. Sinunog ko siya kaya napa-"WTF." siya edi nagalit ako at sinipa ko siya."napailing naman siya.

"You know, you shouldn't do things out of impulse because it is not good for our health. Apologize to your sister or at Tredle. Make it up to them, Greya."ngumiti naman siya sakin kaya niyakap ko siya.

"I'm not vocal with my feelings but thank you, Freeze. Thank you."niyakap ko naman siya at yumakap siya pabalik.

-

Pagkatapos kong pasalamatan si Freeze, sinamahan niya naman ako papasok. Tinanong ko naman si Anston kung asan si ate at sabi niya nasa main room daw, meaning nasa bedroom siya.

Nung nasa labas na ako ng kwarto ni ate, ningitian ako ni Freeze at sabay niya na mauuna na daw siya. Nag-goodluck din siya sakin.

Kumatok naman ako sa pinto syempre.

"Sinong*sniff*a-andyan?"her voice is cracking. Is she crying?

"I-It's me Greya."

"Oh-kay, come in."pinihit ko naman ang doorknob tas pumasok na sa kwarto niya.

"S-so, what brings you here?"tanong niya habang pinipilit na palagungin ag boses niya para hindi mapansin na galing siyang umiyak. Pero mapula ang mata niya tapos may hawak siyang panyo.

Kinuha ko ang kamay niya tapos tinignan siya sa mata.

"I'm sorry if I was a stubborn. I was just reacting out of impulse. Idagdag mo pa na badtrip ako 'nun kaya I'm sorry."tumulo naman ang luha niya kaya pinunasan niya ito.

"N-No. Tama ang sinabi mo kanina sa dining area. Sarili ko lang ang iniisip ko. Wala akong konsiderasyon sa inyong dalawa. Kaya pasensya ka na din."

"Parehas tayong ma mali ate. Okay na, okay na diba?"tumango naman siya. Niyakap ko naman siya tapos nagpaalam na ako. Pumunta na ko sa kwarto ko at nakita ko si Tredle na nakahiga sa sofa tapos nakatingin sa kisame. Napalingon naman siya sa may gawi ko nang marinig niya ang ingay na gawa ng pinto.

I rushed at him and out of impulse, I hugged him and whispered.


"I'm sorry."


****


A/N: I would like to take the oppurtunity to thank her for making the new book cover. Thanks ate Ally sa paggawa pati na din sa compliments tungkol sa kathang ito. I highly appreciated it! :) So yeah, thanks for reading this chapter! :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top