Element 19: Desty
The Four Elements
Element 19
Tinapon niya ang kutsilyo niya sakin pero bago pa ako matamaan ay tinapon ko din ang knives ko, dahilan upang makagawa ng ingay dahil nagtama sila sa isa't-isa. Tumilapon pabalik yung knives niya at ganun din 'yung akin. Parehas kaming hingal na hingal at sugatan. Walang nagpapatalo sa amin. Walang umaatras.
Kanina pa ako nakikipaglaban sa trainor ko. Ang sabi niya ay kailangan daw ito upang mapabilis ang reflex ko kung sakaling may maka-encounter ako na knife din ang weapon. Tinanong ko siya kung bakit ang kutsilyo lang ang weapon na ipinanlalaban sa akin. Ang sagot niya ay kailangan daw munang mabihasa ako sa paggamit dito at kung mangyayari na iyon, pwede na akong makipaglaban sa mga swords, stick at iba pa.
Todo bigay ako sa ensayo para naman humanga siya sakin at makita niya ang improvements ko.
Nagtapon ulit siya ng knife kaya tumalon ako pero nadaplisan ako sa may binti. Hindi ko nalang pinansin kahit kumikirot ito sa sakit. Wala akong oras para maging mahina. Kailangan kong maging malakas.
Pumunta ako sa taas ng mesa tapos tumalon at nagpaikot-ikot ako sa ere. Naglanding naman ako sa may likod niya tapos sinaksak ko siya sa tagiliran niya. Nasugatan siya pero nagyelo din yung dugo niya bago pa ito tumulo.
Napalayo naman siya sa akin at nakita kong nag-iba ang porma ng kutsilyo niya. Gumamit siya ng element equip! May ice crystals na nakapalibot sa kutsilyo niya tapos tinira 'yun sakin.
Ang bilis! Hindi ko maiwasan dahil nasugatan na ang binti ko. Puro sugat na ang buong katawan ko, pati narin ang mukha ko. Nanghihina na nga ako e. Nagmistulang dartboard ako sa dami ng saksak sa katawan ko. Hindi ako makalakad ng maayos kaya naman sinaksak ko yung may sugat na binti ko para mamanhid yun. Nahalata kong nagulat siya sa ginawa kaya pinaikot ko yung isa ko pang kutsilyo sa kamay ko at itinira sa kanya. Fortunately, I managed to strike her stomach. Napasuka tuloy siya ng dugo.
Ginamit naman niya ang skills niya sa martial arts. Akmang susuntukin na sana niya ako pero kinuha ko yung dalawang kutsilyo ko at ginawang pangdepensa. Nasugatan tuloy siya sa may kamao niya. Sinipa ko naman siya, dahilan upang matumba siya pero hindi ko inasahan ang ginawa niya.
Sinaksak niya ako sa kabilang binti ko. Napaupo tuloy ako dahil hindi ko ito maigalaw. Pati na rin yung isa ko pang binti na nasugatan kanina. Pakiramdam ko nawalan ako ng mga paa't-kamay.
Nawawala na din ang pandinig ko, nanlalabo ang mga mata ko pati hindi ko na rin maibuka ang bibig ko. Tila nawawala lahat ng senses ko.
Pero bigla ko namang narinig ang iyak ni Katelyn nung bata pa kami. Naalala ko ang mga nangyari dati. Nung wala akong magawa kundi sabihan siya na umalis na lang kami kahit sugatan na sila mama. Nung sinabi nila na umalis na lang kami upang hindi kami madamay. Masakit makitang nahihirapan na sila 'nun. Isinakripisyo nila ang buhay nila para sa amin kaya hindi ako papayag na pati kapatid ko mawala sa akin. Nagsasanay na din ang kapatid ko at alam kong sinusubukan niya ang lahat upang gumaling siya. Kaya hindi ako papayag na hanggang dito matatapos ang laban namin!!
Kahit anak lang si Katelyn sa labas, parte na siya ng pamilya namin. Anak parin siya ni papa!
'Ate, okay lang kaya sila mama?'tanong ni Katelyn sa akin. Tumango naman ako at ngumiti ng pilit sa kanya.
'Oo naman.'bigla naman akong nakarinig ng malakas na pagsabog. Labing-isang taong gulang lamang ako 'nun pero alam ko na ang nangyayari sa labas. Alam kong may kapangyarihan kami ni Katelyn. Alam kong may kapangyarihan ang mga magulang ko. Alam kong lumalaban sila para sa amin. Para hindi nila makuha ang kwintas na suot-suot ko. Ayun naman talaga ang gusto ng mga taong 'yun. Ang makuha ang kwintas na may malakas na kapangyarihan.
'A-ate..m-may sumabog. Ano y-yun?'naguguluhang tanong ni Kate.
'Wag mo na lang pansinin, Kate. Halika, kunin mo na yang bag mo at aalis tayo.'sabi ko na lang sa kanya. Nanginginig na kinuha ko din ang bag ko. Bago pa mangyari ang lahat ng ito, ibinilin sakin ni mama na mag-impake kami at alagaan ko ang sarili ko't si Kate pati na din ang kwintas.
'P-pero sila mama at papa..'pag-angal niya.
'Magiging okay din ang lahat.'tumango lang siya. Pagkatapos niyang kunin ang bag niya ay lumabas na kami.
'Kahit anong mangyari Katelyn, wag na wag kang lilingon. Naiintindihan mo ba?'sabi ko sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.
Nakarinig ako ng madaming pagsabog kaya tinakpan ko nalang ang tenga niya.
'Anak, umalis na kayo. Tumakbo na kayo..'ang boses na iyun, boses iyun ni mama. Bigla namang inalis ni Kate ang kamay ko sa tenga niya.
'Ate, narinig ko si mama.'narinig din pala niya.
'Anong sinabi niya?'
'Umalis daw tayo..at tumakbo.'
'Sundin natin siya, Katelyn.'sabi ko sa kanya. Umiling naman siya at bago ko pa siya mapigilan, napalingon na siya sa likod namin. At dun ko nakita na sobrang sira na ng distrito namin. Giba na ang mga kalsada. Madaming nakahigang katawan na punong-puno ng dugo at nakita ko din sila mama at papa.
Nagsimula ng umiyak si Katelyn at kahit ako, tumulo na din ang luha kong kanina ko pa pinipigilan.
'Mahal na mahal namin kayo..Desty..Katelyn.'sabi ni papa.
'Tandaan niyo, maging mabuti kayo. Huwag niyong hayaang may mangyaring masama sa inyo.'sabi ni mama.
'Paano na kami, ma? Pa? Iiwan niyo na naman kami?'naiiyak na tanong ko.
'I'm sorry anak pero..hindi ko na kaya.'sabi ni mama. Napaiyak ako lalo at nabigla ako ng tamaan siya ng isang batong may apoy na nakapalibot dito.
'I'm sorry mga anak..'sabi ni papa at niyakap si mama. Namatay silang dalawa. Hinigit ko si Katelyn papalayo doon kahit umiiyak kaming dalawa.
That was the first and last time I heard and talk with someone using my mind.
Nakaramdam ako ng basa sa may pisngi ko, umiiyak na namab ako. Biglang nanginig ang buong katawan ko at pinilit kong makatayo. Ibinuka ko ng maigi ang mga mata ko at nakita kong natatakot si Ashley. Inilabas ko naman lahat ng enerhiya ko para magawa ang huling atake ko. Hinawakan ko ang kwintas na suot-suot ko tapos itinaas ko ang kutsilyo ko at lumaki ito ng bahagya. Wala akong pakialam kung masaktan siya. Parehas kaming masasaktan kung nagkataon dahil ito na lang ang natitirang enerhiya ko.
"HINDI AKO SUSUKO!!!"sigaw ko at sinaksak siya. Tumilapon naman ako at nauntog sa pader.
--
Nagising ako ng maramdaman kong parang lumulutang ako. Napatingin ako sa paligid ko at nakita kong binubuhat ako ni Ice. Hindi ko alam kung paano nila nalaman na nandoon ako sa training room namin.
Si Katelyn...may galos at pasa din. Parehas kami, pero mas malala iyong sa akin. Punit-punit na din ang mga damit namin.
Si Ice...hinang-hina na siya pero pinipilit niya paring makaabot sa kwarto namin.
Naawa ako sa aming tatlo..
Sinipa naman niya yung pinto ng kwarto kaya naman bumukas yun. Nakita ko sila Greya, Freeze at Miruh na kumakain pero andami din nilang sugat at pasa. Si Miruh may cut sa gilid ng labi niya, pumutok din ata.
Kumain muna ako gaya ng sabi nila tapos pinabihis din. Ginamot naman ako ni Ice, pati na din 'yung iba tapos nagpahinga kami sa higaan.
"Kuya, dumudugo 'yung ulo mo."rinig kong sabi ni Freeze kaya napamulat ako ng mata at nakita kong dumudugo nga yung ulo ni Ice. Nagawa niya pa akong buhatin..nagawa pa niya kaming gamutin..nagawa niyang unahin kami..kesa sa sarili niya? Bakit siya ganyan? Bakit sobrang bait niya?
Nilagyan niya lang ng isang drop ng tubig na may kapangyarihan niya yung ulo niya tapos natigil ang pagdurugo 'nun. Itinuloy naman ni Freeze ang paggamot dito.
Pero pansin ko din na parang may iniisip si Ice. Kanina pa siya nakatulala habang kumakain at ginagamot kami. Kahit ngayon na ginagamot siya ni Freeze, parang may iba siyang iniisip.
"Anong iniisip mo kuya?"tanong ni Freeze sa kanya.
"My trainor...she's very weird. She said she missed me even if that was the first time I saw her."he answered her sister. She? So babae ang trainor niya? Teka nga..bakit parang...nagseselos ako? Psh! Walang panahon para magselos ngayon! Ano ba yan! -3-
"Ano ba pangalan niya? Malay mo, kakilala pala talaga natin. Tapos di mo lang maalala."sabi ng kapatid niya.
"Snow. Haven't asked her surname though. She got same powers as yours by the way."sagot niya.
"Nah. What did she do after she said she missed you?"
"She hugged me while crying. She also said..'I miss you b-br--'. What could br-- word mean?" Br? Don't tell me bra ibig sabihin 'nun? -_- Bracket? Nah, di rin.
Wait...B-br--brother?
Imposible! Wala naman silang nabanggit eh. Kaya impossible talaga.
"Baka naman she just remembered you of someone."sabi ni Freeze kaya tumango lang siya.
--
Nagpunta naman ako sa terrace ng kwarto at kitang-kita ko ang mga kahoy, bulaklak, at halaman sa ibaba. Ang gandang tignan, nakakarelax.
"Ate.."napalingon naman ako sa nagsalita. Si Katelyn.
"Oh? Bakit? May problema ba?"tanong ko.
"Wala lang. Naalala ko lang 'yung nangyari dati."sabi niya. Ngumiti naman ako sa kanya tapos inakbayan siya.
"Alam mo ba, kaya ako nagnerd disguise sa school 'nun, kasi pinaghahanap tayo ng mga taong pumatay kila mama at papa? Nasa akin kasi ang kwintas na gustong-gusto makamit ng mga tao dati sa Ruby District. Para hindi malaman na ako 'yun, nagdisguise ako. Pero hindi ko rin napigilan ang sarili ko, nasapak ko yung mga nagtangkang kuhanin ang kwintas ko. Nailabas ko din ang tunay na pagkatao ko. Kasi itong kwintas na lang ang nagsisilbing nagpoprotekta sa atin. Importante ito sa atin, dahil bigay ito ni mama at andito ang kapangyarihan nila."tumango naman si Kate tapos niyakap ako.
"Ate..salamat sa pagtanggap sa akin kahit anak lang ako sa labas--"pinutol ko naman siya.
"Walang anak-anak sa labas sa akin. Kapatid pa rin kita kahit anong mangyari, ano ka ba!"ginulo ko naman ang buhok niya tapos tumingin ako sa langit.
Ang langit. Kulay bughaw at puti. Purity. Kagaya ng yelo at tubig.
***
A/N: Ang Nakaraan #IceTy
--Destiny Samantha Ferrer
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top