Element 17: Miruh
The Four Elements
Element 17
Nasa dining area kami ngayon, kumakain ng almusal. Maaga kaming pinagising kasi nga may training raw kami. Hindi ko ugali ang matakot kasi parang nakakabawas ng pagkalalaki 'yun lero natatakot nga talaga ako na baka hindi na mapigilan nung mukhang bakla na 'yun at baka mapatay na niya ako. Sana naman nakalimutan na niya 'yung nangyari, 'no?
Ang nakakainis lang, bakit kasi nakakabasa sila ng isipan samantalang ako hindi? Walang privacy, malalaman nila ang sunod na atake ko. Hindi ko din naman alam kung paano masasara ang mind telepathy ko. Psh
"Paabot nga 'nung kanin, Freeze."utos ni Klein kay VP. Vice President tawag ko kay Freeze kasi nga, pareho sila ni boss na magaling. Pero bakit niya inuutusan si VP? Ah, oo nga pala. Siya ang training instructor nito.
Sinunod naman ni VP 'yung utos ni Klein pero nakita kong umirap siya pagkatapos niyang gawin 'yun. Bad mood si VP, tsk.
Eto namang dalawang katabi ko, kilig na kilig kila Klein at VP. May nakakakilig ba dun? Inutusan na nga tapos kinikilig pa sila? Mga siraulo -_- Magkapatid nga silang dalawa, parehas may problema sa pag-iisip.
"Paabot ng tubig."utos ulit nung Klein kay VP. Aba, nabwibwisit na din ako a. Sino ba siya para utusan ng utusan si VP? Napaka-ungentleman. Walang pagpapahalaga sa mga babae. Instructor lang siya, mas marami lang siyang experience sa pakikipaglaban kaya mas lamang pa siya kay VP sa ngayon. Pero oras na mas lumakas at mas bumilis si VP, bahala siya sa buhay niya. Magbigti na siya dahil nakakatakot si VP makipaglaban. Tulad lang ni boss na muntik na din niya akong mapatay nung unang pagkikita namin.
"Ang sweet! Eek!"rinig kong bulong ni LynLyn na nasa kaliwa ko. Pucha, ano bang sweet dun? Hindi na nga nirerespeto si VP tapos kinikilig pa siya? Iba talaga ang utak ng mga babae. Hindi ko maintindihan -_-"
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain nitong paborito kong bacon. Oo, paborito ko 'to kasi ito ang madalas na kinakain ko nung buhay pa ang kuya ko.
Tsk, kahit ang sagwa pakinggan, miss na miss ko na ang kuya ko. Kung bakit kasi pinrotektahan niya ako sa mga gangster na 'yun. Bakit kasi hindi ko pa nadiskubre 'nun ang kapangyarihan ko? Bakit saka ko lang nalaman ang kapangyarihan at abilidad ko nung wala na ang kuya ko? Nakakagago! Siya na lang ang natitirang pamilya ko kasi namatay ang mga magulang ko dahil sa War of Attributes tapos nawala pa siya?!
Hays. Diba sinabi kong pwede akong maging knight-in-shining stick ni boss? Ang totoo niyan, we, the Dalves', are the official protectors of the royal family. It started with my grandparents and was passed to our parents. My parents died because they protected the King, which is Greya's dad. But unfortunately, hindi rin nasagip ang hari. I don't blame the royal family because of what happened. I'm blaming those who killed my parents.
"Bilisan mong kumain, twenty minutes left."sabi nung Klein kay VP habang pinupunasan ng table napkin 'yung bibig niya. Inirapan lang siya ni VP pinagpatuloy ang pagkain niya dun sa strawberry flakes pero isa na lang ang natira, hindi niya pa nakain. Hinila na kasi siya ni Klein. Bago pa nga sila makalayo narinig ko pa siya na nagsasabing, 'Bwisit. Bwisit talaga! Favorite ko pamandin 'yun.'
"Can I ask you something guys?"biglang nagsalita si Miss Rhailenkhaniea kaya napatingin kaming lahat sa kanya.
"You're already asking."pambabara ni boss kay Miss Rhailenkhaniea. Though, cool na cool parin niyang sinabi 'yun. Mukha talagang lalaki kung kumilos si boss, even the way she talks.
"Wag mo nga akong barahin, lil sis. This is very important because I just know you all by your given name. I don't know your surname."sabi ni Miss RK(Rhailenkhaniea) samin.
Nauna naman sila Desty. "Ferrer's the surname."sabi ni Desty. "So am I."dugtong ni LynLyn. Tumango naman si Miss RK tapos tinuro niya si pareng Yelo.
"Ariveria."tipid na sagot ni pareng Yelo. Nabigla si Miss pero umayos uli ang postura ng mukha niya tapos ako na naman ang tinuro niya. Natulala ako saglit. I was listening the whole time but I suddenly forgot what to say.
"Hey? Miruh? Your surname."sabi ni Desty kaya naman napaupo ako bigla ng maayos. Hays.
"Ah-eh..uhm."
"Is it really that hard to pronounce your surname that you can't even say it?"cold na sabi ni boss. Pambihira, ang seryoso ata niya ngayon. I cleared my throat and took a deep breath.
"Dalves." Oh ayan, nasabi ko na din. Bakit kasi hindi ko 'yun mabigkas-bigkas kanina?
"Andali na-"
"WHAT?!"hindi natuloy ni boss ang sasabihin sana niya dahil biglang sumigaw si Miss at napatayo mula sa kinauupuan niya. Nadanggil niya yung lamesa kaya tuloy nagsigalawan yung mga plato't baso na dahilan upang makagawa ng ingay.
"Hoy ate, ano bang problema mo? Bakit mo sinisigawan ang bata ko?"tanong ni boss pero hindi siya pinansin ni Miss. Umupo uli si Miss tapos tinignan ako. Mata sa mata.
"Are you the son of Shannen and Mhari Dalves?"tanong nito. Dahan-dahan ko namang inangat-baba ang ulo ko.
"Oh right. Tsk, what a huge trouble. You must be planning how to sabotage us, aren't you? I know you're blaming us for your parents' death."sabi niya. Ano ba tingin nito sakin? Vengeful? Hindi ako masamang tao. Hindi ko sila sinisisi sa pagkamatay ng magulang ko.
"I don't have any plans. My parents are the royal family's knight which is passed to me so I'm your protector,too. Taga-protekta nga sila diba at hindi taga-sira? Hindi ko sinisisi ang hari sa pagkamatay ng mga magulang ko."seryosong sagot ko sa kanya. Naiinis ako kasi sa tono ng boses niya, parang sinasabi niyang isa akong problema kahit wala naman akong ginagawa. Mahirap yung ginagawa kang akusado kahit wala ka namang kasalanan.
"I'm sorry if I offended you, Miruh. Hindi ko lang talaga alam ang gagawin ko kung may problema na namang dadating. Sobrang pagod na kasi ako. Please excuse me for awhile."umalis naman si Miss pero sinundan siya ni boss pati na rin nung Tredle at nung mga bespren ni Miss.
Humarap naman sakin sila LynLyn, Desty at pareng Yelo.
"What was that all about?"tanong ni Desty.
"Oo nga, YanYan. Bakit kilala niya si tita Sha at tito Mhari?"tanong din ni LynLyn. Si pareng Yelo naman tahimik lang tila ba nag-iisip.
"Yung mga magulang ko ay ang opisyal na tagapagtanggol ng royal family. A war happened between two districts, between Element District and NorthLane District. Nagtanim ng inggit ang mga taga NL District sa Element District kasi sobrang succesful ng kalakal dito. Pinlano nila na sugurin ang Element District kaya nung malaman ng mga magulang ko ang plano nila ay gumawa agad sila ng aksyon. The war was called War of Attributes. Namatay sila dahil prinotektahan nila ang hari na tatay ni boss. Namatay din ang hari. Kaya ganun siguro ang iniisip ng ate ni boss, baka akala niya nagtatanim ako ng galit sa kanila. May iba ding namatay dun, 'yung mga nagvolunteer at kawal na nakipaglaban."pagkekwento ko.
"Our parents..also died from that incident."sabi ni pareng Yelo. Teka nga.
"Teka nga pareng Yelo, Ariveria ba kamo ang apelyido niyo?"tumango naman siya. Nabuo naman yung puzzle na nasa utak ko. The Ariveria's are my parents' bestfriend. They are the legendary ice and water leaders that time. It all happened 5 years ago, when I was still eleven years old.
"I know that you remembered that my parents and your parents are bestfriend. They died because of that war."sabi sakin ni Yelo. Tumango naman ako.
"Ha? Ang hirap pala ng kaso mo, bata-batuta."komento naman ni Desty. Tsk, bata-batuta parin tawag niya sakin?
"How about kuya Shaun Mharnen, Yan?"tanong naman ni LynLyn. Ah oo nga pala, matagal na kaming hindi nagkasama. Hindi na kami nagkita matapos ng insidenteng 'yun.
"Patay na siya.."malungkot na sabi ko.
"I-I'm so--"magsosorry ata si LynLyn kaya pinutol ko ang sasabihin niya.
"Hindi mo kelangang magsorry kasi hindi naman ikaw ang dahilan ng pagkamatay ni kuya."nagsialisan na din kami dahil pinatawag na kami ng mga instructor namin.
Pumasok na ako dun room na pinagtraining-in ko kahapon. Sinalubong naman ako nung *uhurm* instructor ko tapos binigyan niya ako ng isang stick.
'Let's spar.' bigla ko siyang narinig sa isipan ko. Paano ko nagawa 'yun? E hindi naman ako nakakabasa ng isipan diba?
'I gave you 5% of my mind ability.' Ayun lang ang sinabi niya tapos sinugod naman niya ako.
Cool thing is, nakakailag na ako kahit sobrang bilis niya at natatamaan ko na rin siya.
Hingal na hingal nga akong natapos sa training. Parehas kaming may galos at pasa kaya quits lang.
Bumalik na lang ako sa kwarto pero wala palang akong nadatnan dun kaya natulog muna ako.
Nagising ako nang dumating si boss na sobrang lala ng sugat at galos. Sabi naman niya sakin, quits lang din sila ng ate niya kasi parehas sila na maraming sugat.
Dumating din si VP maya-maya pero konti lang yung sugat niya. May naghatid naman ng pagkain samin kaya kumain na din kami dahil 12 PM na. Gutom na kami.
Napalingon kami sa pintuan dahil may narinig kaming malakas na kalabog. Nakita ko naman sila LynLyn, Desty at pareng Ice na parehong hingal na hingal, mas malalang sugat kesa kay boss.
Ano ba naman 'tong mga instructors namin, mga halimaw ata.
HALIMAW SA GALING.
***
A/N: I missed Miruh Sean Dalves <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top