Element 15: Freeze

The Four Elements

Element 15

Alam niyo ba yung natatakot ka pero pinipigilan mo lang na wag sumigaw? Eto 'yun, eh. Langya, hindi ko alam na nakakatakot na training pala ang sasapitin ko. SASAPITIN NAMIN.

Hindi ko alam na grabe pala ang training instructor ko. Isa sa element leader ng Lightning Element. Dito pala siya naka-assign sa mansion at parang tagapagtanggol ng mansion ang peg niya. Klein ang pangalan niya at matanda lang siya ng isang taon sa'kin. Pero anak ng tinapay na may ariel, pagkapasok na pagkapasok ko sa kwartong pagtetraining'an ko, agad akong sinunggaban ng leche--este, sinugod ako. Hindi ako prepared kaya malamang nasugatan ako. Bwisit na bwisit tuloy ako.

Pinipilit kong matamaan siya kahit na nagkandasugat-sugat na ang katawan ko kasi inis ako sa kanya pero leche talaga! Hindi ko manlang matamaan! San ba 'to pinaglihi? Kay The Flash ba kaya sobrang bilis gumalaw? Aba naman.

"End of training. Next meeting, I'll teach you how to move fast and control your elements faster than before."Ayan lang ang tanging sinabi niya at iniwan akong nanghihina sa loob ng kwarto. Ay waaaw! Ang gentleman niya, ha? Alam ko namang instructor ko siya pero hindi manlang ako tinulungan?

Pinilit ko na lang gumawa ng ice carpet at sumakay ako dun para makalabas. Pero dahil nga nanghihina ako, nalagyan ko ng kaunting electricity para makagalaw yun kaya BOOM! Nabuksan ko lang ang pintuan saka automatic na nagshut off ang lahat ng abilities ko tapos nahulog na ako. Buti na lang nadaan si kuya 'nun sa kwartong 'yun.

Pagkapasok sakin ni kuya sa kwarto namin, lumabas siya kasi bibihisan raw ako nila Kae at Desty. Si Greya naman, tulog. Napagod din ata siya sa training niya sa ate niya, e. Ayon sa kanya, ni hindi manlang niya natamaan ang ate niya. Siya lang raw lagi ang natatamaan. Parehas pala kami ng sinapit. Ang lulupit ng mga tao dito e, imba!

Matapos akong bihisan nung dalawa, pinapasok na nila si kuya at Miruh. Gagamutin raw ni kuya 'yung sugat ko. Nagpasalamat naman ako tapos sinabi ko sa kanilang pupunta muna ako sa garden ng mansyon. Ayaw nga sana nila akong payagan pero sabi ko na okay na ako saka makakabuti ang sariwang hangin para sakin.

Pagkapunta ko dun, agad namang narefresh ang utak ko sa ganda ng paligid. Umupo ako sa bench tapos huminga ako ng malalim. Fresh air~

May fountain sa may gitna ng garden tapos napapalibutan ng trees at kung anong klase ng bulaklak with different sizes and colors. Parang nasa fairytale ka. Ang magical ng paligid.

"Enjoying the view?"nabigla naman ako nang may nagsalita sa tabi ko. Akala ko puno si Klein lang pala pero akala ko suplado 'to? Well, first impression isn't always right. Saka buti hindi siya matipid magsalita at yeah, I admit. Gwapo siya.
"Uhm, yeah."akward na sagot ko. Hindi ko alam, baka may mali akong masabi at sugudin ako bigla. Hindi dapat ako maging komportable sa kanya dahil instructor ko siya. -_-
"Good. 7 AM, the same room. Training."sabi niya tapos umalis na siya. Ay naku! Binabawi ko na na sinabi kong hindi siya tipid kung magsalita! Nakakaloka.
'Pero hindi mo binawi na gwapo siya?' Hala? Boses ba yun ni Greya? Pano nangyari 'yun e nasa kwarto siya?
'Loko. Andito ako sa likod mo.' Dahan-dahan naman akong lumingon sa likod ko at nakita ko si Greya na cool na nakasandal sa puno. Kahit kailan lalake talaga 'to kumilos.

Sinamaan naman niya ako ng tingin. Oops, nakabukas pala ang mind ability ko. Hahaha!

"Nagkakamabutihan na ba kayo ni Klein?"sabi ni Greya sabay ngiti ng napakaloko.

"Ang weird mo lately. Lagi ka ng nakatawa."sabi ko. Bigla namang nagpoker-face uli ang mukha ni Greya. Bigla namang nagtaasan ang balahibo ko kasi serious mode siya. Hala, on second thought, mas mabuti pa yung nakangiti or smirk siya, ajujuju.

"Joke lang! He-he-he."poker-faced pa rin siya. Hay nako. I ruined her mood pero okay na din, kesa naman sagutin ko yung nakakaloko niyang tanong.

It turned out na kaya pala nagpunta din si Greya sa garden dahil gusto din niyang magpahangin at kausapin ako.

Natanong niya kung anong klaseng training ba ang ipinagawa sakin. Kinwento ko naman tapos sabi niya na bukas pa magsisimula ang tunay na ensayo. Gusto daw niyang matalo ang ate niya kaya kailangan niyang mag-ensayo ng husto. Napangiti na lang ako sa fighting spirit ng babae'ng to.

Nung nabored na siya (oo, siya talaga), bumalik na kami sa loob ng mansyon pero bago 'yun, may inilagay siya sa ilalim nung puno. Hindi ko alam kung anong inilagay niya pero hindi ko na lang pinansin.

It turned out, sakto lang pala ang pagpasok namin dahil ready na daw ang merienda. Grabe dito, 5 times a day ang kainan e. Pero masaya kasi ang sasarap ng foooooooooods~

Yung merienda ay orange juice, strawberry shortcake at blueberry cheesecake. Sakto! Favorite namin ni kuya ang blueberry cheesecake at sakto rin dahil favorite ni Greya at ni Miss Rhailen ang strawberry shortcake. Kawawa tuloy si Miruh kasi napapalibutan siya ng magkakapatid. lol.

Pagkatapos ng merienda, pumanik na kami papuntang kwarto namin pero maya-maya ay tinawag si Miruh ng head butler. Mukhang sasabak din ata sa training si bata. Good luck sa kanya.

Nag-usap lang kami habang nagstastrum si kuya sa guitar na nakita niya sa room. Nakadapa naman si Greya sa higaan tapos nagsusulat ng kung anu-ano. Binatuhan ko naman ng napakaraming tanong si Desty about sa kanila ni kuya tapos ginatungan pa ni Kae. Tawang-tawa tuloy ako kasi pulang-pula siya. Bwahahaha! Sabi na e, may hidden connection talaga sila ni kuya. At first, I thought si Greya ang gusto ni kuya pero si Desty pala talaga. Hurray! HAHAHA.

Nung makarecover na sa pagbablush si Desty, si Kae naman ang inaasar-asar namin pero bigla silang nahinto tapos tumingin sakin sabay ngiting nakakaloko.

"Eh? Nakakatakot yang ngiti niyo ha?"sabi ko. Bigla namang umupo sa tabi nila si Greya at nakisabay sa ngiti nila. What the hell is happening? May milagro! o__o

"Attracted ata kay Sir Klein si Freeze, I read her mind the earlier. She admit that Sir is handsome."sabi ni Greya sabay wink. O-kay?

"AYIIEEEEEEEE!"sigaw ni Kae tapos hinampas pa ako sa braso ko. Si Desty naman laging naka-"uuuy" sakin. Si Greya naman, matapos niyang sabihin 'yun, bumalik ulit sa pagsusulat. Ang weird nila, sobra. Huhuhu.

Si kuya naman, parang walang naririnig kahit alam kong deep inside, rinding-rindi na siya. Continous lang ang strumming niya, ang calm nga ng melody e.

Di nagtagal, biglang naform into familiar tune yung strumming ni kuya. Napangiti naman ako, alala niya pa pala na favorite ko ang kantang 'yun.

Napakanta tuloy ako, buti na lang hindi ako sintunado.

The Only Exception (Paramore)

When I was younger I saw my daddy cry and curse at the wind
He broke his own heart and I watch as he tried to re-assemble it
And my momma swore that she would never let herself forget
And that was that the day that I promised
I'd never sing of love if it doesn't exist, but darling

You are the only exception
You are the only exception
You are the only exception
You are the only exception

Maybe I know somewhere deep in my soul that love never last
And we've got to find other ways to make it alone, keep a straight a face
And I've always lived like this, keeping a comfortable distance
And up until now I had sworn to myself that I'm content with loneliness
Because none of it was ever worth the risk

You are the only exception
You are the only exception
You are the only exception
You are the only exception

And I'm on my way to believing...

Pagkatapos naming magkantahan, nabalot ng katahimikan ang lahat.

Ako lang kasi ang nakanta at feel na feel ko pa na parang ako si Hayley ng Paramore.

Bigla naman silang pumalakpak tapos inasar-asar nila ako na maganda daw pala boses ko.

Bumukas naman ang pinto at iniluwa 'nun si Miruh na ang daming pasa at sugat sa katawan. Lahat kaming nagtraining, may sugat a. Grabe talaga ang mga instructors namin.

Tumakbo naman agad si Kae papunta sa kanya tapos pinabihis namin siya ng damit saka namin pinagamot kay kuya ang mga sugat niya. Hindi nawala yung pasa pero gumaling na yung sugat. Black mark lang daw yung pasa pero hindi na masakit sabi ni Miruh. Tinanong naman namin siya kung anong nangyari.

"Yung instructor ko, mahinhin kasi magsalita. Nasabi ko yung salitang 'bakla' sa isipan ko na nabasa ata niya kaya nagalit. Pinipilit kong tamaan siya pero ang bilis umiwas. Hindi ako tinatantanan kung hindi lang siya nakita nung girlpren niya e. Takte, ansakit ng katawan ko."

Ayan ang sinagot niya. Napafacepalm tuloy ako.

Lahat ng sumabak sa training, grabeng pasa at sugay ang natamo. Naman 'yan, pano namin sila matatalo kung wala pa sa kalahati ang lakas namin kesa sa kanila?

'We can do it. I know we will.' Nabasa ko bigla ang isipan ni Greya. Yan ang paulit-ulit na chinachant niya sa sarili niya.

Sana nga, sana nga kayanin namin.

***

A/N: Next update, Saturday.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top