Element 14: Greya
The Four Elements
Element 14
Hindi. Ayoko. Ayaw kong tumira dito. Nasanay na akong kasama ko sila kahit isang buwan palan 'yon. Masaya ako kapag kasama ko sila kahit hindi halata. Ngayon lang ako sumaya ng ganito, ngayon lang ako nakaranas ng saya.
"I-I.... I can't..." There, I said it. Hindi ko talaga kayang iwan ang guild namin.
"Your friends can stay here...Greyalin."sabi ni ate, as if she's begging me to stay.
"Uhh-is it fine with them?"tanong ko saka tinuro sila Freeze. Pano kung ako lang pala ang may gusto na dito sila? Tapos ayaw nila?
"Of course! I'm willing to be a knight-in-shining-stick."sagot ni Miruh. Knight in shining stick?
"Yeah..It's fine with us, Greya.."-Desty na nakangiti ng malapad. Ganun din si Kae at wow ha? Pati si Ice nangiti, natamaan ata kay Desty 'to. Hahaha!
Ang ipinagtataka ko lang, ang tahimik ni Freeze. Hindi siya sumasagot, nakatingin lang siya sa sahig.
Inangat ko ang mukha niya and...she's crying?
"Hala. What happen, Freeze?"nag-aalala na tanong ko. Mukha namang nagulat silang lahat sa expression ko. I'm expressionless at all times but today, I just showed them my caring expression.
'You're so beautiful, Katrraine.' WTF. Kaninong boses 'yon? I'm sure it wasn't Miruh's nor Ice'. Alam ko na ang tunog ng boses nila.
'Greya, okay lang ako at okay lang sakin na tumira dito kasi kasama kita. Sorry kung may paiyak-iyak effect pa ko ha? Ang OA ko naman.'
'Talaga? Payag ka? Pero hindi ka OA, 'no. Oy, ate, dito na nga kami titira.'kinausap ko si Freeze at si ate sa utak ko. Narinig ko namang nag-'mmm' si ate kaya dito na nga kami titira. Atleast, kasama ko sila. Pero sino nga yung nagsabi nung 'You're so beautiful, Katrraine.' kanina? Hindi ko naman siguro guni-guni 'yon, 'no?
"Oh! Chad! This is my sister, Grey-"naputol ang introduction ni ate don sa lalakeng nakasandal sa may pintuan at cool na cool na nakapamulsa magsalita si lalake.
"I know, she's Katrraine." That voice. I'm sure siya yung nagsabi nun kanina! I'm not assuming cause his voice sounds pretty accurate with the voice minutes ago.
"Chadryn Tredle Rock Instantino. A great pleasure to meet you, Katrraine."he smirk at pakiramdam ko nanginig ang buong katawan ko sa smirk na 'yun.
Inabot ko na lang ang kamay niya at nakipagshake hands.
"Don't you remember me, Katrraine?"
"Should I remember you?"nagtatakang tanong ko. Loko ba 'to, ngayon lang ata kami nagkita eh.
"Don't you remember, Sinulid and Karayom?" Ano? Sinulid at karayom? Wala akong matandaan. Halughugin ko muna utak ko ng sakali ay may maalala ako.
Sinulid at Karayom....Hmm?
Loading
.
.
1%
.
.
.
.
10%
.
.
.
.
50%
.
.
.
.
75%
.
.
.
99%
.
.
.
Loading Complete...
Teka? Sinulid at Karayom? Thread and Needle? TREDLE?!
Ha? Si Tredle ba ito, yung kababata kong sipunin dati? Yung kababata ko sa EastWood District? Yung nagtatanggol sakin sa mga nambubully sakin dati dahil siya lang daw ang pwedeng umaway sakin? Siya ba talaga 'yon? Kung oo, anlaking jokd nito pramis! Ang laki ng ipinagbago niya!
"Ikaw ba 'yan bwisit na kababata ko?! Laki na ng pinagbago natin ah!"nagmukha akong lalake sa inasta ko. Nagulat ulit yung mga kasama ko. Sabagay, kung makapagsalita ako at umasta ay ibang-iba sa pinapakita ko sa kanila. With matching tapik sa balikat pa 'yan ah.
Tumawa naman ng pagkalakas-lakas si Tredle habang si ate at ang mga tao dito ay nagmukhang wallflower at OP na OP samin.
"Nababaliw ka na ba? Ba't ka tumatawa?!"tanong ko na nakakunot pa ang noo. Ewan ko kung bakit, hindi ko mabasa ang nasa isipan nitong lalakeng 'to.
Umiling lang siya at umupo sa tabi ko.
~
Nag-usap lang kaming lahat don at kumain lang. Wala naman masyadong nangyari na mahalaga sa araw na'to. Except sa pagkapanalo namin, mahalaga yun sakin. Sobra.
Nalaman kong dito pala tutulog sa mansion si Tredle kasi kapatid pala siya nung Nico na gusto ata ni ate Rhailen.
May itinuro 'yung butler na kwarto samin. Doon daw kami matutulog. Ako lang mag-isa dun sa kwarto ko tapos yung guild, magkakasama. Ang daya naman, kahit sabihin nating ang ganda ng kwarto ko eh napakaboring naman dahil tahimik. Psh. Hindi din naman ako pwedeng lumabas dahil nilock na 'yung pinto.
Kung pwede lang sana akong makapunta du--
"AAAAAAH!"sigaw ko dahil pakiramdam ko nahulog ako mula sa taas. Napahawak naman ako sa ulo ko kasi ang sakit. Uggh -.-"
"Bakit ka nanggaling sa taas, Greya?"napalingon naman ako sa nagsalita at halos mapasigaw ako dahil nakita ko si Desty, Freeze, Miruh, Ice at Katelyn.
"H-Hindi ko din alam. Inisip ko lang kanina na sana makapunta ako sa kwarto niyo kasi boring sa kwarto ko. Tapos a-andito na ako."page-explain ko pero naramdaman kong sumakit uli ang ulo ko kaya napahinga ako ng malalim
"Greya! Shut off your abilities! You might explode, do it! Faster!"sigaw ni Ice kaya ipinikit ko ang mata ko at naramdaman ko na lang na nawawala ang sakit ng ulo ko pero nanghihina ako. Oh shoot, I can't manage to stand up. Nanlalambot ang tuhod ko. Ang lamig ng paa ko habang ang init ng kamay ko. Nakabukas pala lahat ng ability ko kaya naging ganito ako. Nag-away lahat ng ability ko sa katawan ko. Psh
Tinulungan nila akong maitayo at pinahiga nila ako dun sa higaan nila. Tinignan naman nila ako lahat na may halong pagtataka at pagka-amaze. Hays.
"Weird."komento ni Desty. Tumango naman si Kae at nagsecond the motion si Miruh. Habang ang magkapatid ay tahimik at parang nag-iisip. Wow, may mental telepathy kaya ang magkapatid?
Sabay ding nagtanguan si Ice at Freeze. Ayos talaga 'tong dalawa, may connection talaga sa isa't-isa eh.
Bago pa magsalita silang dalawa, inunahan ko na sila.
"It's my new found ability. The sense of ability, teleportation."fascinated na naman 'yung dalawang bata sa narinig nila. I find it very weird to have my sister's ability. Ayon sa mga libro, ang mga Crystal Element raw ay may katangi-tanging abilidad na siya lang ang mayroon. Ano kaya ang unique ability ko? Eh si ate kaya?
Malalaman ko din 'yun balang araw. Maybe not now but surely someday. I know magagawa ko rin 'yun.
--
Nagising na lang ako na nasa tabi ko si Freeze. Hindi pala panaginip 'yun. Psh, bakit ang aga kong nagising? Nasanay siguro ako nung training namin na nauuna akong magising. Maya-maya din ay nagising na si Freeze. Magkasunod talaga ang gising namin nito.
Nakarinig naman ako ng tatlong sunud-sunod na katok kaya tumayo ako at binuksan 'yun.
"Young Mistress, breakfast is served."Oh, 'yung butler pala yung kumatok. Tumango lang ako tapos umalis na siya.
Nagkatinginan naman kami at alam kong parehas kami ng iniisip kahit hindi pa namin basahin ang nasa isip ng isa't-isa. Itinaas namin ang mga kamay namin. Napatayo naman ang lahat dahil sa electric current na dumaloy sa katawan nila at dahil sa init ng apoy na ginawa ko.
"Hindi parin kayo nagbabagong dalawa. Kakaiba pa rin kayo manggising."sabi ni Desty habang kinukusot pa ang mata niya.
"Oo nga, grabe talaga kayo boss."sabi ni Miruh habang nagste-streching. Si Kae naman humihikab pa habang si Ice--
"ICE!/KUYA!"sabay kaming napasigaw ni Freeze na siyang dahilan para magising si Ice. Leshe, tumayo ba naman kasi na walang damit sa pang-itaas tapos nakaboxers lang. Psh. Si Desty naman namumulang nakatungo.
"Pasensya naman."sabi niya tapos sinuot yung shirt niya at nagsuot na din ng short.
Lumabas na nga kami para kumain ng almusal. Ang sarap ng ulam, pero masyadong pangsosyal. Ang daming kutsara sa mesa tapos andami ring baso, in different sizes. Buti na lang natutunan ko na sa class ko ito dati sa EastWood district. Syempre, may skwelahan dun atsaka nakaenroll ako dun. Naturuan kami ng proper table manners. May spoon for appetizer, may spoon for main course, may spoon for side dishes at may spoon for desserts. Yung mga kasama ko iisang kutsara lang ang ginamit pero ako sinunod ko yung tama.
"Great! Marunong ka na pala sa table etiquette!"sabi ni ate. Ngumiti lang ako sa kanya. Kasabay nga pala naming kumain si Tredle saka yung kaibigan ni ate na sila Nico at John.
Pagkatapos naming kumain, nagsiligo muna kami para fresh. Sa kwarto ko na ako naligo kasi may banyo na dun saka may damit na din ako dun na gagamitin raw.
Nakatapis na ako ng towel habang binubuksan yung closet at halos mapanganga ako.
Gowns, cocktail dresses, ruffle skirts, skater skirts, tank tops and corsets. Wtf, walang jeans at shirt! Pano na ako nito?
I ended up with a simple grayish-red dress. Below the knee siya kaya hindi akward para sa isang babaeng lalake manamit. Nag-underwear na ako ah! Baka akala niyo diretso kong sinuot ng damit!
Halos manlumo naman ako sa mga sapatos na andun. Killer heels, high-heeled boots, stilletos. Lahat may takong at walang flats. Psh, kinuha ko na lang yung boots na medyo hindi mataas yung takong. Pakiramdam ko mukha akong rockstar sa outfit ko. Wala ba naman kasing pambahay? F.
Lumabas na ako at halos malula ako sa suot ni ate. Gown at 8 inches heels. She carried it so well and patakbo-takbo pa siya. Parang hindi nagheels! o_o
"All of you will have a training. Greya, you'll be trained to use your sword properly. Miruh, you'll be trained to have some nice tactics and defense on using your stick. Freeze, you'll be trained how to make a lightning from the skies. Destiny, you'll be trained how to make high jumps and shooting skills using your knives. Katelyn, you'll be trained how to make your whip more useful than before. And Ice, you'll be trained how to make your supportive elements stronger and your 50% water element to form a weapon of ability."pambungad ni ate samin. Magtetraining kami? Saka, may weapon of ability si Ice? I thought hindi yun pwede?
"Let's start now."hinigit naman ako ni ate papunta sa isang training room. Ang daming iba't-ibang klase ng espada sa kwartong ito. Kumuha siya ng isa tapos nagtapon ng isa sa akin na buti na lang at nasambot ko. Pero ang bigat pala nun, sobra.
Tinignan ko naman siya. Parang wala lang sa kanya nung hawakan niya yung espada niya. Ang galing niya! She's definitely trained!
Nabigla naman ako nung umatake siya. Buti na lang at nakadepensa ako agad gamit ang espadang hawak ko. Nawala bigla sa isip ko ang bigat nun dahil sa nangyari.
Sugod lang siya ng sugod hanggang sa nasugatan ako sa braso. Dumudugo yung braso ko. Dapat matamaan ko siya!
Tumakbo ako papunta sa direksyon niya at akmang tutusukin siya sa may tiyan niya nang ipinandepensa niya ang espada niya. Tumalon naman siya at nagpaikot siya dun sa ere. Naglanding naman siya sa isang lamesa.
Your dress is ripped, lil sis. sabi niya. Nagwonder naman ako kung paano ko narinig ang boses niya e hindi ko naman binuksan ang ability ko.
She just smiled and attacked me again. I can hear the swords clashing with each other. Ang lakas niya. No wonder she'll be called a 'Great Mistress'. Inalis naman niya ang sword niya kaya madadaplisan na sana siya ng sword ko pero bigla siyang nawala. Napalingon ako sa likod ko at hindi na ako nakapagdepensa dahil natamaan na niya ako.
Tumilapon naman ako sa kabilang side ng kwartong 'to. I shouldn't mess with this girl cause she's so powerful and skillful.
"Hanggang jan lang muna. You need to be fast and use your equip properly."she said and she stormed out of the room. Napatingin ako sa sarili ko sa salamin na nasa gilid ko.
Sirang damit /
Maraming galos at sugat /
Nakakaawa ang mukha ko. Mukhang kailangan ko nga talagang magtraining para matumbasan ko na ang kapangyarihan niya.
--
Lumabas naman ako ng kwarto at nakita ako nila Ice at Miruh. Napaiwas naman sila ng tingin kasi nga sira-sira ang damit ko. Kita na ang bra at tiyan ko.
Nilapitan naman ako ng mga babae tapos binihisan. Nung maayos na ang damit ko, pinagamot nila ako kay Ice.
Nako naman, pano ko matatalo ang ate ko na hindi manlang nagalusan?
***
A/N: Sorry for the late update.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top