Element 13: Greya

The Four Elements

Element 13

She just sit there as if she didn't do a thing. Pero ngayon, may kasama na siya. Dalawang lalake, sila yung kasama ng butler kanina. Kaibigan niya, siguro?

'So she knew you're her sister?' that voice came out from my mind and I'm sure is Freeze's.

'Think so. Let's just not waste our time here. We better sign-in.' I told her, just to change topic.

'Okay. As you say so.' after that, her current turn off so meaning, iwinala na niya ang sense na 'yon. We can deactivate and activate it anytime we want to.

Pinakita ko sa naglilista yung guild card namin.

"Future Element Leaders VS Grey Spouts. Sila kalaban niyo. Pwede na kayong pumunta sa bleachers for guilds."sabi nung naglilista kaya pumunta na nga kami dun at naupo.

"Grey Spouts? Huh. I'll surely knock them off."sabi ni Katelyn. She looks confident and ready in her case.

~

The announcer started talking so everyone stopped making some noise. They're anticipating what'll be the announcer say.

'Good luck, Jem.' A voice came out from nowhere. I just ignored it cause I was listening to the announcer.

'Oww, why are you ignoring me, Jem? It hurts.'

'Don't you know when to shut up?!' Singhal ko sa kanya but still, we're talking in our minds. She's a lil' bit far away from me though we can still talk even how far where we are.

'Highblood mo naman. Haha, basta good luck.'

'Thanks.' Halata mong I'm really annoyed.

"Okay! Let's get everything started! First battle is Hashiemiere VS Icezoned." Uggh, that's what I say, hindi ko na napakinggan ang rules! *facepalm*

'That's fine. I can always tell you when you're the one who's fighting you know.' It's Gem's voice again.

'Yeah, whatever.' I shut my reading sense so that I won't be bothered by her again. Bakit ba hindi ko naisip 'yon kanina?

Nagsimula ng maglaban ang dalawang kalahok and I must say na magaling talaga sila. The group from Hashiemere has an electrokinetic and fire power. Meaning, ang element ng group nila ay Fire Element and Supporting Lightning Element. Sa Icezoned naman, halata na sa pangalan ng group nila lahat sila ay Ice Element ang meron. Medyo nahihirapan sila sa counter attacks ng Hashiemere dahil nga napagcocombine nito ang fire and lightning at lagi itong nagca-cause ng explosion. Nagpunta yung leader ata ng Icezoned sa harapan ng Hashiemere Leader na ikinagulat ng lahat.

"Ice Metal Vessel number 14!"sigaw nung babae and woah, may lumabas na weapon sa kamay niya but it's weird cause she just chant a spell para mabuo yung weapon.

The metal vessel was made of ice (ofcourse) and the weapon was called kabokki. It's some sort of chain rope but with a knife at the edge. That weapon was pretty rare so I'm amazed from what I saw.

Sinugod niya yung leader ng Hashiemere at dahil sa natulala sa pangyayari yung leader ng Hashiemere, hindi siya nakapanlaban at nagalusan ang braso niya. Sugod lang ng sugod yung leader ng Icezoned pero nahawakan nung member ng Hashiemere yung isang miyembro ng Icezoned. Nataranta yung iba sa kanila kaya bigla silang nagpasabog ng parang gas kaya hindi na masyadong kita yung sa baba. Inorganize ko yung mata ko at nakita ko na ang nangyayari sa baba kahit gaano pa ka-foggy ang gas.

Sobrang bilis ng pangyayari dahil pagkawala ng epekto nung gas, tumba na ang lahat ng miyembro ng Hashiemere at ang nanalo ay ang Icezoned. Napalakpakan naman ang mga ibang guild at ang mga nanunuod sa kanila. Cool way of ripping the enemies huh?

"Congratulations Icezoned! Next guild battle is Koori Goddesses and Ichiko Kurazaki!" Koori Goddesses? Isn't Koori is a japanese term for Ice? Cool guild name.

Pagkasabi ng 'Go!' ng announcer ay sabay na sumugod yung members Ichiko Kurazaki na guild. Ang weird ng guild name nila, sa totoo lang. But who cares? Wala sa name 'yan, it's in the power and energy.

Ang cool nung apat na babae from Koori Goddesses Guild, inilagan lang nila yun and sinuntok yung anim na lalake without using any element.

Sinuntok nung isang babae yung lalakeng lumapit sa kanya at parang may isinaksak sa likod nito. Ice needles ata yung sinaksak niya sa likod ng lalake kaya napatumba yun.

May tatlong nagsilapit sa leader nila pero hinawakan lang niya ang mga balikat nung lalake at pinisil tapos pumilipit na sila sa sakit. Nakakapaglabas siya ng ice mismo sa katawan niya. I think she made those boys fell for just 34 seconds.

May dalawa pang babae sa KG na guild and parang nasa fourteen to fifteen ang edad, ka-edad ata ni Katelyn. Yung isang babae ay pinapaikot yung chain whip niya tapos umaktong lalapit yung lalake sa kanya kaya inenclose niya yung whip sa paa nung lalake kaya natumba 'yon. Yung isa naman babae ay kumakanta lang pero namimilipit na sa sakit yung kinakantahan niya at nagyeyelo ang paligid niya. Hindi panget ang boses niya, sa halip ay sobrang ganda nitong pakinggan atsaka ang lamig-lamig ng boses niya. Sobrang sarap sa tenga.

In the end, yung Koori Goddesses parin ang nanalo. Puro ice troops ang nanalo, ah.

~

Kami na ang susunod pagkatapos ng last na laban na'to. Hindi ko alam kung bakit pinakahuli pa kaming maglalaban. Narinig ko kanina na wala pa daw'ng talo yung Grey Spouts na 'yon. Ganun ba talaga sila kagaling para maging huli talaga?

"Grey, pare, ganda nung leader ng kalaban natin oh. Jowa-in mo kaya."sabi nung mukhang unggoy na kasama niya.

"Mamaya na pagkatapos ng laban."saka lumingon sa'kin yung gunggong na leader nila na Grey ata ang pangalan sakin at kinindatan ako. Eww! Jowa-in? Mas prefer ko pang hindi kumain ng sampung araw kesa magkaroon ng relasyon sa gunggong na'to.

Inannounce na yung winner tapos tinawag na ang guild namin. Sinenyasan ko naman yung mga kasama ko na kami na ang lalaban dahil sobrang focused sila sa kinakain nila na wala na silang alam sa nangyayari. Hanggang dito pinaiiril ang katakawan. At dahil din sa tinamaan kami ng katamaran, gumawa kami ng ice carpet at pinapunta dun sa battle arena.

"Future Element Leaders VS Grey Spouts!"pumwesto na kami sa battle arena and I can hear an uproar. Hindi talaga ako kinakabahan, ewan ko kung bakit.

"Hi babe, pwede ka pa namang magback-out habang may oras pa." Babe? Kadiri. Saka back-out? Iniinsulto ba'ko nito? Sarap bangasan ng pagmumukha eh. Pero dahil hindi pa sila nag-'Go!', kinalma ko ang sarili ko at inichapwera lang siya.

"Suplada mo naman."still, hindi ko pa siya kinikibo.

"Good luck."wala pa rin. Hindi ko pa rin siya pinapansin.

"Atleast say thank you diba?" At dahil nga naiinis na ako sa kanya, sinagot ko siya in a very cold tone of voice.

"I don't need your good luck. I know that we'll win this battle and this will be your first lose. Shut the fuck up." Sinunog ko naman yung damit niya kaya nataranta siya. Iwinala ko din 'yon nung nagsignal na ng 'Go!' yung referee.

I open my preferences at binuksan ko ang lahat ng element ko except the effect of my eye. I can feel that my aura change at there is some vibration flowing in my body.

Nauna silang sumugod pero umiwas lang kami, that's our team's tactic. I shoot some fire balls at him, tumalon siya para maiwasan yun pero nahihirapan siya dahil ginamit ko ang wind element ko para masundan ang mga galaw niya at yey! Nasaktan na siya!

"Ice Metal Vessel: Subordinating Knives."sabi nung isa kaya naman napangisi si Desty at binasa ko ang nasa isipan niya.

'Alam kong naririnig mo'ko, Greya. Ako na bahala sa isang 'to.' tumango lang ako kahit di ko siya kaharap. I'm sure nakita niya 'yon dahil sinipa niya yung lalake at pinaikot ang kutsilyo niya itinapon yun.

Naalala ko naman si Ice dahil nga sa supporting elements lang ang meron siya pero naalala ko ding may 50% of water element pala siya. Nakita ko siyang tinitirahan niya yung lalake ng water stones habang nakaupo lang. Si Kae naman, iniiwasan yung mga arrows na tinitira sa kanya using her ice chain whip. Binalik niya yung tira ng arrows at yung lalake ang nasaktan.

Si Miruh naman, palipad-lipad lang-- 'Jem! Watch out! May plano ata yang gunggong sayo.' narinig ko ang boses ni Rhailenkhaniea kaya naalarma ako at napalabas ko bigla ang ice sword ko. Nasugatan ko naman siya pero nasaksak na din niya ako sa may braso ko.

'Freeze! Ikaw muna ang bahala sa gunggong na'to, please! Bubuksan ko na lahat ng senses ko.' sabi ko kay Freeze sa isipan ko. Pumikit naman ako at nag-indian sit na ikinagulat nung Grey. Nagvavibrate na yung buong katawan ko at sumasakit yung kamay ko. Pinapalabas ko na yung 'katsuri' ko. Kelangan ko yung weapon na yun ngayon.

Naramdaman kong sasaksakin na sana ako nung gunggong pero napaatras siya. Nag-activate si Freeze ng lightning na nakapaligid sakin para hindi nila ako masaktan.

'Thanks, Freeze!'

'No problem, Greya!'

*swissh! swiish! swiish!*

Nagbanggaan yung sword nung lalake at arnis stick ni Miruh. Gumagaling na din si Miruh, ah.

Naramdaman kong nag-iba na ang kulay ng mata ko. From reddish-gray to pink, green, blue and red. Nabigla naman yung miyembro ng Grey Spouts.
"C-characters of a C-crystal Ro-royalty."mautal-utal na sabi nung kaaway ni Miruh. Ginrab ng mga kasama ko ang chance na nakitingin sila sa akin at inatake na yung kalaban.

Nang matapos na ako sa upgrading, itinaas ko na ang katsuri ko at sinaksak ito sa lupa na naging dahilan ng paggalaw ng tinatayuan namin.

"Mananalo kami!"sigaw ko and an explosion happen. Pumutok yung ice crystals na kulay red sa taas namin at nagshower 'yun.

Hindi kami nasasaktan pero yung Grey Spouts ay sigaw ng sigaw habang namimilipit. Natumba naman sila at...

*ting ting ting!*

"And the winner is, Future Element Leaders!"napatalon naman ako. Yey! Panalo kami! Natalo rin sa unang pagkakataon ang Grey Spouts!

Pero halos mayanig ang mundo ko ng may nagtakbuhang mga press papunta sakin.

"Pano mo nagawa 'yun?"

"Are you a Crystal Royalty?"

"Ang galing mo!"

What the heck?! Naisip nilang Crystal Royalty nga ako?

"Please excuse us."nasabi ko na lang tapos hinawakan silang lahat at pinuntahan si Rhailenkhaniea--err 'ate Rhailenkhaniea' perhaps.

"Oww, hi my dear sister! Congratulations!"sabi niya sabay hug niya sa akin.

"Sister? Magkapatid sila?" At napuno ang buong arena ng ingay ng mga tao.

"Attention everyone!"sigaw ni ate Rhailen kaya napalingon ang lahat sa kanya. "I want you to know, that this girl here is Element Superior Young Mistress Greyalinkhaniea Jem Katrraine Helmmingjens. My long lost sister."nag-gasp naman ang mga tao habang ngumiti lang yung mga kasama ko sa akin.

"ES GM RGLH, I can't go with you right now. I need to celebrate our victory."

"ES YM GJKH, you can celebrate that in the palace. Let's go, Head Butler Anston."niyakap niya kami lahat and in just a blink of an eye, nasa palasyo na kami.

"That must be your friends right? Ipapakilala ko ang kaibigan ko sayo. Pareng Nico! Pareng John! Tara nga dito!"

"Yan na ba ang kapatid mo, Khani? Ganda ah!"sabi nung John.

"Syempre naman, 'no! Upo muna kayo dyan,"sabi ni ate(?) at pinaikot ang kamay niya. Nagsigalawan naman yung mga bulaklak na nasa flower pots at inutusan niya ito.

"Kindly tell the head butler, Anston, to bring some snacks here."tumango naman yung bulaklak at tumalon palabas. Ayos ah, nauutusan niya yung mga tanim.

"Tamad mo talaga, Rhailen."sabi nung Nico. Nagblush naman si ate. Ha? Nagblush? May gusto ba'to sa Nico'ng ito?

'I know what your thinking, hindi ko siya gusto! Ano..uhh...ano, naiinitan lang ako kaya ako namula! Oo, ganun nga!' sabi niya sakin through mind communication.

'Hahahaha!' narinig ko ang tawa ni Freeze.

'Hindi mo boses yun, Jem diba?'-Rhailenkhaniea

'Of course. It was Freeze' voice. She also can read others mind.' tumango naman siya at dumating na yung butler na may dala-dalang iba't-ibang pagkain.

"Young Mistress, would you please stay here?"sabi nung butler. Pero *gulp* Young Mistress? Ako na 'yun? Dito na nila ako patitirahin? Pano na ang mga kaibigan ko? Ayaw ko silang iwanan!

****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top