Element 12: Greya

The Four Elements

Element 12

I still can't believe I'm a Crystal Royalty even though I'm the one who explained it to them, I still can't believe it. It was really unexpected but what can I do? Tsk. I don't even know if my sister will recognize or believe what I'll say.

Sa totoo lang, naiirita ako pagtinatawag akong Leader. What if tatawagin na ako sa kayhaba-haba kong pangalan? Mas lalo akong maiirita? Hindi naman sa pagiging rude pero kaya lang naman ako medyo 'mataray' dahil nabuhay ako sa pamamahay ng auntie ko na walang ibang alam kundi tarayan ako. Siguro na-adapt ko lang ang nature niya. Kahit naman ganito, masaya ako kapiling ang mga kaibigan ko dahil nailalabas ko ang tunay kong katauhan ng walang inaalala. Doon kasi sa EastWood District, kaya hindi ako nakakapagtrain dahil natatakot akong may masaktan na mga normal dun.

It's an achievement that I already discovered the weapons of my ability. Pero hindi pa ito sapat. What if a great war will happen? Pano ko magagamit 'yun kung nahihirapan akong palabasin yun? So I came up with such idea, ngayong gabi, pag-aaralan ko kung paano ko palalabasin ng sabay ang lahat ng iyon ng hindi nahihirapan. Ewan ko kung paano pero malalaman ko din yan pagnasimulan ko na.

Nagluluto ako ng hapunan namin ngayon, usual naman 'to kasi di talaga marunong magluto yung iba maliban kay Miruh pero tamad yung lalakeng 'yun, e.

Chicken cordon bleau' yung ginagawa ko. Yung ingredients nito ay chicken at ham kaya nagpiprito ako ng ham habang stini-steam ko yung natirang fried chicken kaninang lunch. Hinimay-himay ko yung manok tapos chi-nop ko into cubes yung ham. Pagkatapos ay tinusok ko yung manok, ham at cheese sa stick (kasinglaki nang thumb) and repeat the procedure. Lol, mga twenty-five pieces ata ang nagawa ko kaya nung na-satisfy na ako, itinransfer ko na sila galing sa tray papunta sa plato . Nagdice naman ako ng carrots tapos iminince yung cabbage tapos inilagay sa gilid, may catsup sa top nila. Side dish kumbaga, may plating pa talaga ako. Hehe.

"Aba boss, ayos ah! Saktong-sakto, luto na din 'tong kanin. Gutom nako."sabi ni Miruh sakin.

"Buti naman. Tara, kain na tayo."tumango naman siya. Inilagay ko na sa mesa yung ulam tapos dumating na din si Miruh na may dala-dalang isang malaking plato na may kanin. Tinawag ko na din si Freeze using my mind.

'Freeze, sabihin mo sa iba na bumaba na. Kakain na tayo.'

'okay, Greya!'

I'm glad na hindi na siya nahihirapan makipag-communicate using her mind. She's improving, well, lahat kami may improvements. And I'm very happy for it.

"Hay nako, ang sarap na naman ng niluto ni Chef Greya!"napalingon naman ako sa nagsalita though alam kong si Desty 'yun kahit di ko pa siya nalingon.

"Andyan ka na pala, kain na tayo."tumango na siya tapos maya-maya ay nagsidatingan na sila lahat.

"Desty...can we talk about it?.."I'm pretty shocked dahil minsanan lang nagsasalita si Ice, kapag importante lang. I guess, napaka-importante talaga 'nun.

If you're gonna say why aren't I reading his mind, it's because I want to give them some privacy. Besides, I deactivated my reading senses awhile kaya hindi ko nababasa ang isip niya agad.

Tinignan naman ako ni Ice as if he was asking me if it's alright to let them go. Kaya naman I nodded at them. Umalis na din si Ice habang hila-hila si Desty na nagpupumiglas. Ano bang meron sakanila? Nah, wala akong panahon para sa love stories. All I wanna do now is EAT.

Kumain na ako ng mabilis para makapagsimula na ako ng maaga. It's still 6:30 PM, maaga lang talaga kaming maghapunan.

Matapos kong uminom ng tubig, nagpaalam ako sa kanila na magpapahangin ako. Di ko sinabing magte-training ako kasi once na sasabihan ko sila, sasali din sila sa pagte-traning. Hindi naman sa ayaw ko pero nadidistract kasi ako pag-andyan sila. Chinicheck ko kasi kung tama yung ginagawa nila kaya in the end, hindi ako nakakapagfocus.

Pumunta na ako sa garden dahil kung sa training basement ako, aka makasira na naman ako ng gamit. Madalas kasing pagsabog na nangyayari kada magpapalabas ako ng mga weapons ko kaya delikado. Tch.

Tahimik lang akong lumabas sa back door and I open my ability censor. I can check if there is someone within this area. Nararamdaman ko ang flow ng energy nila.

Mukhang wala namang tao kaya sisimulan ko na ang training. I let all my elements flow in one catch. I can feel the vibration, masyadong malakas yung vibration to the point na nakikiliti ako. Hindi ko na lang yun pinansin, pumikit na lang ako at inisip na gawing isa ang weapons ko.

Gumawa ako ng isang ice rectangle, siguro mga kasinlaki ng pinto. Pagkatapos nun ay tinadtad ko iyon ng tira gamit ang fire balls ko tapos ini-swush ko yun gamit ang Wind element ko at nagpalabas ng clouds sa parteng yun at dun lang umuulan.

Mukhang ewan yung ice rectangle. Hindi ko alam kung bakit ko yun ginawa. Mahawakan nga.

As I touch it, I suddenly felt a cold vibration current and it hurts me! A lot! Nabitawan ko tuloy yun.

Nag-aaway ang mga elements ko sa loob! Bigla na lang akong magpapalabas ng apoy, tas mafe-freeze yun tapos papaliparin yun tas ipapalutang sa tubig. All in all, ang tawag dito ay 'I'M LOSING MY CONTROL!'

Nagpa-panic na ako pero biglang lumabas sa isipan ko ito. 'Calm down, Greya. Don't let your elements kill you.' That line, t'was from Ice. He told that to me the moment he healed me at the training basement. He just whispered that so that's why I'm just the only one who heard that.

Suddenly, naramdaman kong nagiging maayos na ang pakiramdam ko. I tried making a scarecrow, using my plant element, sinipa sipa ko yun at sinuntok suntok. Kailangan maging physically at mentally prepared ako para sa guild battle.

My eyes suddenly heat up and I think my eye color changed. Naging apat na naman ata ang kulay ng mata ko. Whenever I shut my abilities, bumabalik sa pagka-reddish gray ang mata ko kaya pagbinubuksan ko naman sila, lumalabas din ang apat na divided colors ng mata ko.

My ice sword suddenly went out together with the chain rope and the water needles. Biglang nag-iba yung weapons ko. Parang naging curve sword ito na may chain rope sa gilid at may water needles sa edges and a blue fire came out from it. It looks like the weapon's 'aura'. So the combination of my elements are pretty cool huh.

Kinuha ko na yung katsuri (name of the sword) na nabuo dun sa sahig at inislash-slash ko yung hangin. May time na parang ituturo ko siya tapos parang may sinasaksak ako. Pabalik-balik lang na ganun hanggang sa mapagod ako at hinayaan na ang wind element ko na dalhin ako sa kwarto. Nabigla pa nga si Freeze pagkapasok ko sa kwarto namin eh.

"Sabi na nga ba, nagtraining ka talaga at hindi lang nagpahangin."sabi niya. Inayos naman niya yung higaan namin kaya nahiga na ako at mabilis lang akong nakatulog.

~

Kinabukasan, ganun pa din ang routine. But this time, inutusan ko si Freeze na siya ang maghandle sa ginagawa nung iba. Nasa training basement sila samantalang nasa garden naman ako. Marami na akong natututunang techniques at style sa paggamit ng katsuri ko. Napaghiwa-hiwalay ko pa rin naman sila kahit papaano kaya apat parin ang weapons ko.

Wala pa rin silang alam tungkol sa katsuri ko maliban kay Freeze. Sinabi ko kasi sa kanya kaninang umaga eh. Na-weirduhan nga siya sakin kasi nagiging pula ang kulay ng ice na ginagawa ko at blue ang apoy na napapalabas ko. Siguro ganun ang epekto ng pagkahalo-halo ng abilities ko. Okay lang din naman, buti walang side effects. Medyo nakakapagod lang talagang magtraining dahil nababawasan ng konti yung energy ko. Well, normal namang mabawasan ang energy eh. Hahaha!

~

Lumipas na ang one week at Showcase Battle na. Andito na kami sa arena kung saan gaganapin ang greatest guild batþle. Andami-dami nilang dala, mga pagkain raw. Hay nako naman, pati sa guild battle pagkain pa rin nasa kukote nila. Pero alam ko namang may ibubuga sila, malalakas naman kami kahit di halata eh.

Lumingon ako sa paligid para tignan kung andito na ba ang Great Mistress pero bigla akong may narinig na boses.

'Searchin for me my sister? I'm here at the top.' I'm pretty sure I don't know that voice pero tumingin ako sa taas at nakita ko ang Great Mistress na kumakain ng sushi dun. Hindi siya napapansin ng mga tao dahil busy sila sa kani-kanilang business.

'How'd you know I'm your sister? Saka, anong ginagawa mo dyan?'

'Sister's instinct, Jem. Nah, kumakain ako saka ayaw ko pang magpakita sa kanila.' Sister's instinct? May ganun ba? Pauso din tong 'ATE' ko eh.

'I can clearly read what you said kanina Greya. Meron naman talaga, kakasabi ko lang. Ay tehehe! Better go, catch you later. Ba-bye!' Then she flew....away. Nakita kong pumunta siya ulit dun sa couch kung saan siya iniwan nung butler kanina.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top