Element 11: Katelyn
The Four Elements
Element 11
Hindi pa din ako makapaniwala. Yung gawa ko, yun yung may pinakamaraming votes nila. Yun yung magiging design ng guild card namin.
Ginagawa ko na 'yun ngayon. Tinatransfer ko na sa original guild card. Magagamit na kasi namin 'to dahil malapit na ang Showcase Battle, mga 1 week na lang din ang kulang. Todo ensayo sila ngayon habang ako pinagpapatuloy pa ito.
Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko ng maalala ko 'yung research ko nung isang araw. Gusto ko kasing malaman kung bakit nakompleto ni Leader ang Four Elements. Posible naman daw kasi na meron kang dalawa o tatlong elements sa apat or kumpleto mo ang supportive elements. Pero ang imposible ay yung hindi ka Element Superior/Crystal Royalty ay nakumpleto mo yung apat na elements. Tanging ang mga Crystal Royalties lang ang meron nun at ang natitirang Crystal Royalty na lang ay si ES Rhailenkhaniea. Sa pagre-research ko lumabas sa isipan ko na may possibility na isang Crystal Royalty si Leader.
Natapos ko na din ang ginagawa ko kaya inilagay ko muna sa mesa para tumuyo ito at nagpunta na din sa basement para makasali sa training.
"Oh, tapos mo na?"tanong ni Miruh sakin. Tinanguan ko na lang siya at nagsimula ng maglakad papunta sa spot ko. Nasa may pintuan kasi siya kaya madali niya akong nakita. Si Freeze at si ate naglalaban, mukhang yun ang task na binigay ni Leader sa kanila. Binasa ko 'yung nasa papel na bigay ni Leader.
Katelyn: 'You need to close your senses so that you can easily let out the weapon that your ability has. Try making a chain whip out of ice that lasts. I think that's the applicable weapon for you. Good luck.'
Kailangan ko daw subukang makagawa ng chain whip made of ice that lasts? Pano 'yun? Saka paano ko iko-close ang senses ko? Alam ko namang may malalim 'tong ibig sabihin, e. Di ko nga lang madali kung ano.
Nakakita ako ng posas at pinaikot yun sa hintuturo ko, iniisip ko parin kong paano mako-close ang senses at mapalabas ang weapon ng ability ko. Lalabas ba 'yun sa kamay ko? Tsk. Hindi ko pa talaga maintindihan.
Tinignan ko yung posas na kanina ko pang pinapaikot sa kamay ko. Pare-pareho sila ng features ng chain whip pero hindi ito nakakapahamak. Tanging pangposas lang to ng mga masasamang tao. Ang kaibahan nila ay ang circle enclosed na pwedeng pangshield kung babarilin ka. Parang sasaluhin niya yung bullets.
Nag-isip pa ako. Kung sasaluhin nung whip yung bullets, pwede din yung saluhin ang mga pana. Pwede din niyang i-slash ang kahoy. Pero kung isang ice chain whip ang gagawin, kahit sa tubig mo pa siya isa-slash, mahahati yun dahil automatic na yung magyeyelo. Tama! Nakuha ko na anong ibig sabihin!
Pinikit ko ang mata ko at hinayaang maglupasay ang katawan ko sa sahig. Malinis naman dito kaya okay lang. Nagconcentrate ako at pinakiramdaman ang paligid ko. Nakaramdam ako ng sudden vibration sa katawan ko at nag-init ang mga mata ko. Naririnig ko din na unti-unting nagka-crack yung posas na hawak-hawak ko pa rin hanggang sa idinilat ko na ang mata ko at wow! Bigla akong nagliwanag at nakalutang ako sa ere. Naramdaman kong parang may lalabas sa kamay ko kaya binuksan ko ang palad ko at pina-face ito paibaba. Tama nga ako, may lumabas na ice na nakapormang parang chain whip at lumipad din yung posas tapos maya-maya ay naging isa sila. Nawala na yung liwanag at unti-unti na akong nahuhulog. Hinayaan ko na lang ang sarili ko. Wala na din kasi akong lakas para gumawa ng isang ice carpet na sasalo sakin. Nakuha ko pa yung chain whip tapos iwinagasiwas yun. Hindi ko alam kung bakit ginawa ko 'yun pero hindi ako nahulog ng tuluyan. May ice carpet na sumalo sakin at tingin ko gawa yun nung whip ko.
"Nene! Napalabas mo na ang weapon of ability mo!"sigaw ni Freeze. Nagfe-feeling matanda na naman siya, tinatawag na naman akong nene.
"Leader!"tawag ni Desty kay Leader. Idinilat na din ni Leader ang mata niya at pagtingin ko, parang nahati sa apat ang kulay nang mga mata niya. There's red, green, purple and blue. Weird ang combination but it doesn't look scary it looks cool! It's the combination color of crystal! Ganyan din yung mata nung Crystal Royalty! I don't know pero sa research ko, sabi nila na kasamang namatay ang kapatid ng Great Mistress ang mama nila.
"Oh, nagawa mo na pala ang task ko sayo. Naunahan mo pa kami."parang wala lang na sabi ni Leader. Hindi niya ba ramdam na nag-iba ang kulay ng mata niya?
"Uhm, Greya, nahati sa apat yung kulay ng mata mo."sabi ni Freeze na ikinabigla ni Leader. Hinawakan niya ang gilid ng mata niya ay biglang may nagform na dotted ice crystals dun! Gaya nang isang Crystal Royalty! Unti-unti nang namuo ang konklusyon sa isipan ko. Kapag may sapat na pruweba na ako, sasabihin ko na sa kanila.
"W-wait,"napahawak si Leader sa may dibdib niya. Unti-unting nabalot ng kulay pulang yelo ang braso niya. Napaupo siya dahil siguro sa sakit tapos parang nagscatter yung red na ice at nagpunta sa palm niya. Naging matulis yon tapos tumayo siya at ginawa niyang tungkod yun para makatayo.
We we're all stunned for a moment cause there was a sword that is connected to her! It was made of ice but it's edge was so sharp na kahit ay madaplisan ka lang, malaking sugat ang matatamo mo!
"What the h-hell?"mukhang biglang-bigla talaga siya. Mukhang hindi talaga siya makapaniwala. Kahit naman kami hindi makapaniwala. Tinitignan pa rin namin siya habang nakapalibot lang kami sa kanya. We can't do even a single thing kahit nagsisigaw na siya sa sakit.
"AAAAH!"she shouted as loud as she can. Biglang may naganap na pagsabog kaya medyo nagpanic kami. Naging mahangin ang paligid at napuno ng ice ang training basement. The ice she produce are weird because it's color red, I think it's because of her fire element. Napaupo ulit siya habang nanghihina.
"Don't panic."Ang cold ng pagkakasabi ni kuya Ice. Naging literal ata sa kanya ang 'Cold as Ice'.
"Greya, control it! Kung hindi mo 'yan mako-control ng maayos, we might die all here!"sinigawan niya si Leader. Nag-echo ang boses niya, kaya napaatras kaming apat (Miruh, ako, Freeze, ate Desty). May lumipad na papel sa paanan ko kaya binasa ko 'yun.
Ice: 'You're radar isn't just about seeing a thing kilometers away. It's also about the voice and the hearing sense. Try making your voice echo that it can destroy a thing or make a person step backward. Good luck.'
So ibig sabihin, yun ang weapon of ability ni kuya ay ang senses lamang niya? I wonder how did Leader know but maybe it's because of her natural ability. Being the Crystal Royalty, I know she's a royalty. A normal immortal can't complete the four elements without a strong power.
"I-I'm tr--*gasp*--ying!"hirap na hirap na sigaw ni Leader. Nakasigaw pa siya niyan?
"UGGH!"kasabay ng pagdaing niya ay isinaksak niya ang ice sword na konektado sa kamay niya and a great impact happened at tumilapon kaming lahat sa pader ng sabay, including Leader.
Malakas ang pagkakauntog ng likod ko sa pader and considering na nanghihina pa ako dahil sa paglabas ng weapon of ability ko, nahilo ako pero pinipigilan kong mawalan ng malay.
Nabigla ako nung hawakan ni kuya Ice ang mata ko at naramdaman kong lumakas ako. Hindi man 100% ng energy ko ang nabalik pero 45% is enough to stand and walk.
"T-thanks."he just nodded. Nung ma-realize namin na sa sobrang lakas nung impact ay nagiba ang half ng basement at wala ng malay si Leader.
"G-Greya!"tumakbo agad si Freeze papunga sa direksyon ni Leader. Nakita kong unti-unting nagmelt yung ice sword sa kamay niya. Siguro ay hindi pa siya sanay sa paggamit nun. Pero kung ang weapon of ability ng IceElement palang ang napapalabas niya, may tatlong weapon pa ang lalabas sa kanya. Ang hirap naman 'nun, nakakapagod.
Umiiyak si Freeze 'nun, hindi ko alam kung anong nangyari pero hinawakan niya ang tiyan ni Leader at pumikit. Napadilat ng mabilis si Leader at mahinang hinampas si Freeze.
"W-wag mo ngang gamitin ang lightning e-elem--element m-mo."paputol-putol niyang wika.
"Greya! Akala ko hindi ka na magigising!"umiiyak pa rin si Freeze 'nun.
"A-ano k-a b-ba. T-that wo-wo-n't h-happen." Lumapit si kuya Ice sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Mukhang ginagamot ata niya si Leader.
"Y-you've go-got yo-your w-weapon of ab-ility, I-Ice."sabi ni leader kay kuya.
"Don't talk for awhile, Greya. It's for your fast recovery."pumikit naman si kuya tapos idinampi ang kamay ni Leader sa labi niya. Maybe it's part of healing? Nakita ko si ate Desty na napaiwas ng tingin. Don't tell me nagseselos siya?
"Ahm, kuya Ice. I know you told Leader na 'huwag munang magsalita but this question I'll ask is very important."nag-thumbs up naman at tumango si kuya sakin kaya itatanong ko na ang dapat kong gawin.
"What's your mom's name, Greya?"I'm serious, you can feel I am based on my voice. I saw my sister flinched and I know she feel nervous. I never use my seriousness in nonsense things.
"Why did you ask?"
"I'm asking Greya not you Freeze."still with my serious tone. Looks like even Freeze who's calling me 'nene' is also afraid of me? Well, she should.
"Setrina." Setrina? Element Superior mom's name is Haysetrina. So she's really a Crystal Royalty huh?
"You really are Crystal Royalty huh?"
"Anong ibig mong sabihin, Lyn?"tanong ni Miruh sakin.
"I'm kinda' curious about your case, Leader, so I researched. Only those immortals that has a blood of a Royalty completes the Four Elements, for short that is called the Crystal Element. To make it all convincing, your sister which is Element Superior Great Mistress Rhailenkhaniea Gem Lorraine Helmmingjens is an Crystal Royalty."
"W-what? Yung niresearch natin, Greya..."sabi ni Freeze.
Leader let out a big sigh. "Kakaalam ko lang din na kapatid ko ang natitirang Crystal Royalty. Like you Kae, nagresearch din ako kasi na-confuse ako nung nabasa ko ang pangalan ng lolo ko sa libro. Yung san nakasulat ang makasaysayang pagsagip niya ng titulo ng Element District. He was the one who won the Battle of Elements. Natalo niya ang Dark District na sumubok kunin ang bounties ng Element District. I was curious kung kapangalan lang ba pero hindi, pagkasearch ko, napagalaman kong si lolo nga iyon dahil sa pangalan ay nakalagay na pangalan dun ay anak niya si mama which is Element Superior Queen Haysetrina Kathryn Lorainne. B-bago mamatay si mama, sabi niya na gawin na lang daw na Greya Haiyens ang pangalan ko."We we're all shocked when we saw a tear fell from Leader's eye. Saka straight na ang pagsasalita niya, umepekto na agad ang gamot na inilagay ni kuya Ice.
"Guys, my full name is Greyalinkhaniea Jem Katrraine Helmmingjens."Leader looks so sad na parang hindi siya masaya sa balitang nalaman niya.
"Young Mistress."sabi ni ate Desty kaya sabay-sabay kaming nagbow.
"Ano ba! Hanggang Leader muna ako ng guild na to! Gusto ko pang sumali sa Showcase Battle! Please..." this is the first time Leader say "please". Maybe she's not ready to face her real life.
"Kahit sino ka man, tanggap ka namin!"sabi ni Freeze at tinapik ang balikat ni Leader.
"Sa-salamat.."tinitigan ako ng straight sa mata ni Leader. "Balik tayong lahat sa training. Walang aalis hanggang di niyo nagagawa 'yun." Woah, cool. Bumalik sa bossy at cold na Leader, ang galing. Ambilis niyang magchange ng mood!
Bumalik na ulit kami sa training spot namin. Nakipag-away ako dun sa mga manequins, may dala silang sword. De-machine yung mga manequins na yun kaya gumalaw yun. Tumalon ako dahil muntik na akong matusok, I slashed my whip at tumilapon yung sword at tumalon ako ng may kasamang ikot sa ere. Oyeah! Nakuha ko yung sword! Yahoo~
Si Leader naman ay nakita kong nako-control na ang lumalabas sa kanya. Ang weapon ng Ice Element niya ay sword, sa wind ay chain rope, sa water ay needles at sa fire ay wala. Walang lumabas dahil yun na ang natural ability niya, kaya niyang magpalabas ng extent nila ng sabay-sabay pero ang kailangan na lang niyang pag-aralin ay kung paano niya mako-control 'yun dahil delikado ito.
Ang weapon ni Miruh ay arnis stick, hindi niya daw alam pero ang iniisip niya lang nun ay dalhin sa kanya ang weapon of ability niya at ang napunta sa kanya ay arnis stick. Si Desty naman ay knives, hindi basta-bastang kutsilyo yun dahil iced na ang egde nun. Si Freeze naman, siguro sa aming tatlo na Ice Element lang ang meron, siya ang pinakacool. Pangsecond na siguro siya ni Leader. Ang weapon of ability niya ay isang arrows with sharped edges. Kung dati ay needles 'yun, naging arrow na. Gaya kay Leader ay natural weapon na niya ang needles kaya kung gusto niya pa rin magtira ng needles ay kaya niya pa rin. Pasok ang bio ni Freeze na maging direct descendant/protector ng Royalty Family. Ang lakas din niya! Walang kupas! No wonder close sila ni Leader. Parehas ang ku-cool at masters, e!
***
A/N: Yay! 368 reads! Thank you for reading! I labyow! ~RALLEN
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top