Element 1: Greya

The Four Elements

Element 1

5:30 PM

"Umalis ka na dito! Bwisit!"My aunt shouted at me as she threw all my bags and my stroller outside our house. What did I do to make her feel so furious? Well, I accidentally burned her favorite purse. I wasn't able to supress my powers because when I pointed it, it was already blazing on fire. The design was pretty good which made me point it. It's obvious that I am not an ordinary human. Who could make a purse burn by just pointing?

"Hindi ko naman po sinasadya 'yon, Auntie. Pasensya na po." Sagot ko. Hindi ko naman talaga sinasadya, eh. Ang ganda kaya nun kaya bakit ko namang sasadyaing masunog?

"Pasensya? Maibabalik ba ng paghingi mo ng pasensya yung bag ko?! Simula nung dinala ka dito ni Setrina, naging malas ang buhay ko! Umalis ka na! Wag na wag ka nang magpapakita saking bwisit na bata ka! Layas!" sigaw niya ulit habang pinagtutulakan ako. Sinarado naman niya yung gate.

Siguro nga, malas na akong maituturing. Pinagkalooban ako ng ganitong kakayahan ngunit hindi ko magamit sa tamang bagay. I have the four elements and my main element, which is visible in my eyes, is fire.

Hanep din 'to si Auntie. Parang ipinlano niyang palayasin talaga ako sa bahay nila, andito kasi lahat ng gamit ko pati wallet ko na naglalaman ng two hundred. May unan at kumot din. Pabebe din 'yung si Auntie, pusong mamon naman pala. But maybe she was thinking that I am still her sister's daughter so she should have a little mercy for me.

I just walked straight without even caring about my surroundings.

"May pagkain ka ba?" Nabigla naman ako nung may sumulpot na babae sa harapan ko. Di ko siya napansin, ah. Kung sabagay, sa lalim ba naman ng iniisip ko, baka kung di pa siya nagsalita nasagasaan nako dito. Nasa gitna kasi kami ng kalsada.

"Oo. Halika." sabi ko sa kanya. Ang ganda ng asul niyang mata, mukha siyang foreigner. Samantalang ako, kulay reddish-brown yung mata ko dahil nga sa main element ko ang fire.

Inabot ko naman sa kanya yung tuna paella sa bag ko. Tuna paella talaga, yung corned tuna. May kanin at isda na kasi yun, easy to open pa yung lata. Grabe si Auntie, may pagkain pa. Kumuha na din ako ng para sakin at nagsimula ng kumain.

"Sa-salamat dito." untag niya sabay ngiti. Natapos na kaming kumain, binigyan ko din siya ng tubig.

"Nako, wala yun... Ano pa lang pangalan mo?" tanong ko sa kanya.

"I'm Freeze. Nice to meet you, ikaw?"pagpapakilala niya.

"Ako naman si Greya. Nice to meet you din."

"Pano ka napunta sa district na 'to?"

"Huh? Lakad lang kasi ako ng lakad. Hindi na ba sa EastWood District 'to?"umiling naman siya.

"Hindi na. Nasa Element District ka, kung galing ka sa EastWood, ibig sabihin taga-don ka? Bakit ka andito?"

"Ahm, pinalayas kasi ako ng auntie ko. Nasunog ko kasi yung favorite purse niya."

"Literal ba na nasunog mo?"tanong nya ulit. Dami niyang tanong, ah? Ba't parang naging interesado siya bigla.

"Uh, oo?"

"Oh yes! May karamay na din ako!" Nalito naman ako sa kanya. Anong karamay?

"Ha?"

"You have fire element, right?" Teka, pano niya nalaman? "I have the ice element. That explains why my eyes are color blue." Woah, may ability din siya? Tapos yung second powerful element. Ang galing!

"Ah, ganun ba. It's a pleasure to meet you. I never had encounter someone who also have one of the elements."

"Oh, really?" I nodded. "Then, we should make our own guild!" dugtong niya.

"What is exactly a guild?"

"A guild is composed of two or more members. Maihahalintulad ang guild sa isang gang. Matagal na kong gustong magka-guild pero di ko magawagawa dahil mag-isa lang ako. Kala ko nga forever lonely ako, eh. Buti nalang at nakilala kita. So, ano? Payag ka?" sabi niya. Parang gang? Hmm, interesting.

"Okay then. But.."

"But?"

"San tayo matutulog?" Boink. Alam kong ang tungeks ko para tanungin sa kanya yan. Nag-aalala naman kasi ako, eh.

"I have my house. Medyo malamig nga lang yung temperature but I believe na kaya mong painitin yung temperature ng place mo. Hmm, we should have a fight with another guild at makakuha ng tatlong card."

"Fight? Isn't it too early?"tanong ko.

"The earlier, the better." sabi niya kaya tumango nalang ako.

"But for now, let's leave your things at my house." Tumango naman ako sa kanya. Nauna siyang maglakad since siya naman ang may alam kung asan ang bahay niya. Tinulungan naman niya akong magbuhat ng gamit ko kasi dalawang bag yung dala ko tas may maleta pa. Grabe talaga.

Maya-maya, tumigil naman kami sa isang di masyadong kalakihang bahay. Medyo maalikabok na din itong bahay na ito. I assume ito ang bahay ni Freeze?

"Doon ang magiging kwarto mo."sabi niya tapos tinuro niya yung kwarto sa bandang kanan. "You can put your things there." Tumango naman ako at pumasok na. Gaya naman ng sabi niya, malamig nga yung temperatura dito kaya naman ipinikit ko ang mata ko at nagconcentrate. Medyo naging mainit naman ang temperatura kaya lumabas na ako nadatnan ko si Freeze na nakaupo at tila may malalim na iniisip.

"Hey!" panggugulat ko sa kanya. Tinignan niya naman ako ng masama.

"Sorry pero gusto kong tignan yung extent ng abilities natin ngayon. My mom told me way back then about my element and explains me such things." sabi ko.

"Sure, pwede tayo sa garden." Tumungo na nga kami sa garden which is nasa likod ng bahay niya. Nagplano naman kami ng mga strategies or tactics. Kung may madatnan man kaming kalaban, yung gagawin namin ay titira ako ng fire balls tapos ifi-freeze niya iyun at makakagawa kami ng frozen fired ball. It sounds impossible cause the ice might melt but it didn't. Masakit yun pagnatamaan ka.

Next tactic is susuntukin namin sila pero dapat ay nakaconcentrate kami para uminit ang kamao ko habang siya naman ay lumamig.

Hindi namin namalayan sa sobrang pagpaplano namin ay inabot na kami ng 8 PM. Sabi naman niya ay dapat magpahinga muna kami saka kami maghahanap ng guild na pwedeng kuhanan ng cards. Kailangan daw yun para matawag ka na isang ganap na guild. Pagmakuha mo na din yung tatlo, gagawa ka na din ng sarili mong card na may sign ng guild niyo.

Nung nabalik na ulit ang mga energy namin, lumabas na kami. Lakad lang kami ng lakad hanggang sa may nakadaling lalake sakin.

"Wow. Dalawang chicks pare, oh. Swerte ata tayo ngayon."Hindi pala lahat ng andito ay may taglay na ability. Mukha kasing andaling lang mapatumba nitong mga lalakeng ito, e. Kahit apat sila, alam kong mapapatumba namin sila. Bumulong naman ako kay Freeze, "Don't use your ability. Masasayang lang ang lakas mo. Pwede natin silang tapatan gamit ang normal na lakas natin." Tumango naman siya.

"Sumama na kayo samin mga Miss. Sigurado akong masisiyahan kayo."sabay ngiti nung lalakeng mukhang bakulaw sakin.

"Talaga?"tas ngumiti ako na parang masaya ako sa narinig ko. Nakisabay din sa trip ko si Freeze. Tumango-tango naman yung mga lalake.

"Oo naman! Halika ka na, babe."sabi naman nung isa sabay akbay kay Freeze. Tinanguan naman niya ako, meaning sisimulan na namin ang pag-atake.

Pinulupot niya yung kamay nung lalakeng umakbay sa kanya habang ako naman ay sinikmuraan yung dalawang nasa harap ko. Napatumba sila pero nakalimutan kong may isa pa pala sa likod ko . Nakatutok yung blade niya sa leeg ko. Shet, konti na lang masusugatan ako kaya pumikit ako. As expected, nabitawan nung lalake yung blade dahil uminit yun. Kinuha ko naman yung blade at sa kanya itinutok.

"Lalaban ka?"sambit ko sabay ngiti ng nakakaakit. Naramdaman ko namang may aatake sa likod ko kaya bago pa niya matuloy yun, natumba na siya. I guess kailangan pa rin naming gamitin ni Freeze ang ability namin. Tinignan ko yung kalaban ni Freeze kanina, nawalan ng malay yung isa habang yung isa naman ay nakakadena gamit ang yelo.

"Nice one, Greya! Konti lang naman yung nagamit nating ability. Okay lang yun, saka mahuhuli na yan ng mga pulis."tumango naman ako at naglakad na kaming muli. Pinabayaan namin yung apat na lalakeng manyak. Nakarinig naman kami ng sirena ng mga pulis. Buti na lang pala at ginawa naming invisible yung fire at ice para di kami paghinalaan ng mga pulis.

Nadaan naman kami sa market nila dito, nalaman kong wala palang stock ng pagkain sa bahay ni Freeze kaya bumili ako. Dala ko rin naman yung pera ko saka walang problema kasi mura lang yung benta nila dito. Sa 200 pesos ko, may natira pang 50 pesos kahit andami naming binili. Ayos diba?

"Kuya!" Biglang sumigaw si Freeze. Oh, that's her brother? No doubt, they have the same features. Quite obvious that they're siblings.

"What?" Lumapit yung kuya niya. Kinuha nya yung mga dala ko at binigay kay kuya niya.

"Pauwi yan sa bahay! Siyanga pala, si Greya. Kasamahan ko sa guild." Pagpapakilala ni Freeze sakin sa kuya niya. Nagbow naman ako at ngumiti.

"Okay. Alis nako, goodluck sa guild niyo."walang ganang sabi ng kuya niya at naglakad na paalis.

"May ability ba yung kuya mo?" I asked. Curious lang.

"Ah, oo pero supporting element lang yun. Kaya niya magpagaling ng may sugat o injury."

"Oh, that's cool." She nodded at my statement.

"Anyways, may isang guild doon. Nasa assistant ng boss nila yung card ng guild nila." sabi niya. Tinanguan naman niya ako at ngumisi ako.

"Let's fight with them and get started!" I shouted and we attacked them.

***

A/N: This is my first time to write fantasy so I hope its alright. Dedicated to Cryss16. 



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top