SIMULA
“What are you doing here?”
Napaatras ang isang babae nang masilayan niya ang isang lalaki na nakaharang ngayon sa pinto kung saan dapat ay papasok siya.
“J-Just, checking? I guess...”
“Do you know where you are, right now?”
“Exactly! That’s the reason why I want to open the door cause I want to know where am I.” depensa ng dalaga sa lalaking ngayon ay mataman ang paningin sa kaniya.
“Isang kasalanan na buksan ang pintong ito, binibini.”
‘What the. Marunong naman pala siya mag-Tagalog pinahirapan pa ako.’ bulong ng babae sa kaniyang isip.
“Kagaya nga ng nasabi ko, gusto kong alamin kung nasaan ako.” pagmamatigas muli ng dalaga dahilan para hilahin siya ng lalaki papasok sa loob.
“A-ano ba!”
Bago pa man makapagreklamo ang babae ay naglabas ng panggil ang lalaking naghila sa kaniya papasok sa isang kuwarto.
Walang ilaw kaya nababalot ng kadiliman ang silid. Tanging ang hininga lamang ng lalaki ang nagsisilbing palatandaan ng babae na may kasama siya sa loob ng kuwartong iyon.
“A-ano ‘to?”
“This is your home,” tugon ng lalaki sa kaniya dahilan para magsitaasan ang balahibo ng babae.
‘home!?’ bulalas ng dalaga mula sa isip nito.
At wala pa ngang isang minuto ay inilapit ng binata ang mukha nito sa babae at dahil naramdaman ito ng dalaga ay napaatras siya.
Ngunit dahil sa pag-atras na iyon, napilitan ang lalaki na hilahin dalaga palapit sa kaniya at doo'y nagtapat ang kanilang mga labi. Doon lang napagtanto ng babae na nahalikan na siya nito.
Habol ang hiningang napabalikwas ng bangon ang isang dalaga, nakasuot ito ng pajama, nakasando at kasalukuyang nakabalot ang kumot nito sa katawan niya.
Daglian itong napahawak sa kaniyang tainga na animo'y may nararamdaman siyang kakaiba, para bang may malamig na hininga ang tumama sa bandang batok nito.
"Anong klaseng panaginip iyon?" sambit niya sa kaniyang sarili.
Tanging ang hampas ng hangin at pag-awit ng ilang mga ibon ang sumagot sa kaniyang tanong.
Sinubukan nitong ikalma ang kaniyang sarili, iniayos nito ang paraan ng pagkakaupo niya saka walang emosyong inilibot ang paningin nito sa paligid.
Doon niya napagtanto na nakatulog naman siya sa ilalim ng puno.
Oh, wait. How did I get here?
Muling ineksamin ng dalaga ang sarili. "Kung tama ang pagkakaalala ko, nasa dorm ako kanina pero bakit at sa paanong paraan ako napadpad rito? At talagang may dala pa akong kumot," wala sa wisyong saad ng dalaga na para bang may kausap siya pero wala.
Bakas sa pagkunot ng kaniyang noo ang pagtataka nito sa nangyari, subalit hindi lingid sa kaalaman nito na may gumagawa nito sa kaniya.
"Kung sino ka mang nilalang ka na parati akong dinadala sa ilalim ng puno na 'to, tumigil ka na." malamig na sambit ng dalaga.
Ilang minuto lang ay may naaninag siyang isang lalaki na nakatayo sa malayo, nakahawak sa sanga ng isa sa mga pinakamatandang puno na nakatanim doon sa gubat.
Ngunit kahit malayo ito sa kinaroroonan ng dalaga. Tanaw na tanaw pa rin nito ang malarosas nitong mga mata na para bang kaya siya nitong kainin nang buhay.
Nanliliit ang mga matang tinitigan pa ng babae ang lalaking 'yun subalit sakto no'ng kumurap na siya'y bigla naman itong nawala.
Wala sa sariling napatingin sa mayabong na mga damo ang dalaga at nang ibalik niya ang tingin nito roon ay tuluyan na nga talagang nawala ang lalaking may kulay rosas na mga mata.
"S-sino kaya 'yun? Hindi naman siguro siya multo 'di ba?" pabulong na sabi ng dalaga sa kaniyang sarili.
Napagpasyahan ng dalaga na hayaan na lamang ito at inisip na guni-guni niya lang iyon. Subalit sa 'di inaasahan, sa muling pagsarado niya ng talukap ng kaniyang dalawang mata ay dinapuan siya ng antok at nilamon ng dilim.
.
.
.
.
.
Nang muling binuksan ng dalaga ang kaniyang paningin, natatakpan na ng hamog ang buong paligid.
‘Nasaan na ako?’ mahinang usisa ng dalaga mula sa kaniyang isip.
Walang imik siyang naglakad sa gubat na ngayon ay nababalutan na ng 'di matukoy na awra. Kasalukuyang natatakpan ng kakaibang hamog ang paligid dahilan para hindi makita nang malinaw ng dalaga ang daan.
Nagpatuloy pa rin ito sa paglalakad hanggang sa makita muli nito ang lalaking may pulang mata.
"The rose-colored eye man," walang emosyong wika ng dalaga na para bang normal lang sa kaniya na makakita ng gano'n.
Inapakan ng 'di kilalang lalaki ang leeg ng ginang na nagmamatigas na tumitig sa tindig ng lalaki.
At ang hindi nila alam, pinapanood sila ng dalaga mula sa malayo na animo'y nanonood lang siya ng isang eksena sa telebisyon.
"Sige, patayin mo ako!" mariing utos at walang bahid ng takot na sigaw ng isang ginang sa lalaki.
Napaawang naman ang labi ng dalaga dahil sa narinig nito.
‘P-patayin?’ garalgal na sambit muli ng dalaga sa kaniyang isip.
Aapila na sana ang dalaga ngunit napaatras siya sapagkat may kung anong lumabas mula sa mga kamay ng lalaki. Mga matutulis na kuko.
"Ayan ba ang..."
Sa 'di maipaliwanag na dahilan, nangilid ang luha ng dalaga nang makita niyang itinapat ng lalaki ang dulo ng mga kuko nito sa leeg ng ginang.
Napalunok ang dalaga, parang may kung anong matulis na bagay ang nakabara ngayon sa leeg niya.
Nanlalamig ang buong kalamnan nito at sa sobrang pag-aalala na baka mawalan siya ng boses ay pinilit ng babae na sumigaw at dahil doon, nakuha niya ang atensyon ng dalawang tao na kanina lang ay pinapanood niya.
Sabay na lumingon sa direksyon niya ang ginang at lalaki. Nagkatitigan sila sa isa't isa.
Ang hindi nila alam ay gumagawa na ng isang ritwal ang ginang mula sa mga salita nito na kanina pa niya ibinubulong sa isipan niya.
Napangiti ang ginang sa kasalukuyang sitwasyon nilang tatlo, "sa wakas, gumana rin ang plano ko."
Bawat parte ng katawan pati mukha ng dalaga ay napalitan. Tuluyan na ngang nag-iba ang anyo nito. Napatingin ang lalaki sa katawan nito at gano'n na lamang ang gulat niya nang makitang nagtagumpay nga sa plano ang ginang na kanina pa niya pinagbabantaan.
"What the h***!" sabay na ani ng lalaki at dalaga.
Narinig ng dalaga ang sinabi ng binata, muli silang tumingin sa isa't isa. Ngayon ay nasa katawan ng dalaga ang isa sa pinakatatagong katangian ng lalaki.
At dahil sa nangyari, napabitaw ang binata sa hawak nitong ginang dahilan upang mabilis na tumakbo ito at naglaho na parang bula.
Ang ritwal na iyon ang dahilan kung bakit nagkapalit sila ng puwesto. Ang lalaki ay naging tao at ang babae naman ay naging asong lobo na.
"Anong ibig sabihin nito? Anong nangyayari!" Hindi makapaniwalang anas ng dalaga, daglian siyang hinawakan ng lalaki.
"Huwag kang gagalaw, tutulungan kita."
"Sino ka!?"
"Isang nilalang na 'di mo na dapat pang makilala," tugon ng lalaki sa kaniya.
"A-Ano!?"
"Patawad, binibini."
"H-Hooy! Anong gagawin mo? Lumayo ka nga sa 'kin — aah!" Isang matinis na hiyaw ang inilabas ng babae matapos siyang kagatin ng lalaki sa bandang leeg nito.
Tuluyan na ngang nagbago ang mundo para sa kanilang dalawa. "Magkikita tayo muli at sisiguraduhin kong makababalik ka sa dati mong anyo kapag dumating ang panahon na iyon," sinserong saad ng lalaki sa dalaga bago niya ito iwan sa puno kung saan niya laging dinadala ang dalaga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top