IKA-7
Nanahimik sila habang naglalakad sa bahay ni Derille. Ihahatid ni Clavion si Derille. Hindi alam niya kung saan magu-umpisa kaya pinili lang niya manahimik. Malalim na nag-iisip si Clavion na tila ba'y inaalala ang matanda na nagpapakita sa kanila.
"Magandang umaga!" masiglang bati ni Clavion sa dalaga. Masyado maganda ang ngiti nito na nagpatulala sa kanya.
"Morning," aniya saka lang nagproseso sa utak niya ang nakita nito.
Tumawa ito. "Ang ikli naman, lods." may halong birong usal niya.
Inilagay niya ang bag sa likod ng upuan na katabi saka umupo sa tabi nito. "Pasensiya na po." Sinakyan niya ang biro ng binata. Tinawanan lang siya ito. Nauna pumasok si Clavion bago ang dalaga.
Maya maya, napatingin sila lahat biglang may sumigaw.
"Nandyan na si Ma'am!" sigaw ng president ng klase nila. Mabilis ang paghinga nito tila malayo ang tinakbo. Mabilis nila inaayos ang upuan at pinulot ang kalat sa kanilang tabi.
"What our next lesson today?" tanong ni Mrs. Esmeralda. Sanay na ang lahat ng estudyante ang pagtatanong niya. Binaba niya ang aklat at box ng panulat sa pisara.
"Ma'am?" May nagtaas ng kamay dahilan upang manakaw nito ang atensyon ng kasalukuyang guro nila. Tumango lamang ito bilang pagtugon na maaari itong magsalita.
"Kung paano po nabubuo ang isang nilalang?" usisa ng isang mag-aaral.
"Your right, Mr. Gonzo. You may have a seat." She casually said. Sumunod naman ang estudyante, taimtim itong umupo sa kaniyang upuan.
Nagkatinginan sina Derille at Clavion sa malamang dahilan tila alam na nila ang iniisip ng bawat isa.
May alam na sila? anang niya sa isip. Kinakabahan si Derille sa totoo lang.
No, that was a lesson, okay. Just chill and don't be nervous. Pinilit nito pagaanin ang loob niya. Buntong-hininga siya at binabalik ang tingin sa unahan ngunit may bumabagabag sa isip pa rin niya.
Samantala nakatitig na si Clavion rito at mapait na ngunit. You will never safe this world hanggang nasa iyo pa rin ang kapangyarihan ko.
"Three or four days nabubuo ang isang nilalang sa tiyan ng ina."
Ginuhit ng guro ang itsura ng bata sa pisara. "Hindi lumalaki ang isang nilalang sa loob ng tiyan bagkus habang maliit pa sila ay inululuwal na sila sa mundong 'to." Gumuhit muli ang guro ng isang nilalang at binulugan iyon.
"Kapag sumapit ang gabi, doon na unti-unting silang lumalaki at nagiiba ang anyo. Halimbawa, ang kanilang mata ay nagkakaroon ng kulay. Pero ang magiiba ng kanilang anyo ay maari nilang itago o kayang itago."
"Ma'am, ibig sabihin mo po ba ay may kapangyarihan sila?" Isa sa honor student ang nagtanong.
Tumango ang guro at bumalik sa pagtuturo. "Oo. Tandaan ninyo mga bata, iba't ibang ang nilalang sa mundo natin. Maari hindi natin sila makita, nagtatago, ginagaya ang ating wagis at pwede din nagpapalit siya sa anyo tuwing sumasapit ang gabi. Kung mabu-buo ang isang nilalang ay nararapat na lagi siyang naka-dikit sa kanyang ina."
"Alam ninyo bakit?" Maraming sumagot na hindi maliban sa kanilang dalawa.
"May alam ka ba, Mr. Macallizter? May alam ka dahil sa pagiging tahimik mo lalo na ang katabi mong babae." Pagpuna ng guro sa kanilang dalawa. Napatingin ang lahat ng kaklase nila.
Walang imik na tumayo si Clavion. Nag-aalala tumingin si Derille sa binata. "Ang nilalang na isisilang ay nararapat na alagaan ng ina hanggang makakuha ang nilalang ng dugo or kahit ano galing sa ina sa gayong mabilis lumaki." He tried explained.
Nakita nila ang pagkamangha ng guro sa mukha. "Magalang ka, Mr. Macallizter." Walang halong sarkastikong usal ng guro nito.
"Maari na po ba ako umupo?" magalang na tanong ng binata. She just nodded as he sit down. Pasimpleng nakipagtitigan si Clavion saka nagpasalamat sa guro nito.
"Ikaw naman ano ang last name mo?" Bumaling ang guro kay Derille.
"Syvallena po." She respectfully answered her.
Mrs. Esmeralda is not contented in Clavion's answer. May gusto pa siyang marinig ukol dito. "Paano ginagawa ang isang nilalang?"
"Sumisipsip ang babaeng nilala sa asawa nila na kahit ano na maaring gawin na bata. Halimbawa po, ang dugo po nila ay sisipsipiin ng babae."
"Ang dugo po iyon ay unti-unting mabubuo magiging bilog sa t'yan ng babae at magkakaroon po ng nilalang ang t'yan nila. Doon po uumpisahan ang mag-asawa ang pagkakaisa ng kanilang katawan, tinawag po iyon sa mundo natin na sex."
"Very well, Ms. Syvallena. You may seat now." Iminuwestra ng guro ang upuan niya. Hindi nagpasalasamat ang dalaga at basta na lang umupo.
"Sana maraming kayong natutunan sa tinuturo ko. Bibigyan ko kayo ng by partner. Hindi report kundi presentation. Kukuha ako ng ibang details sa library at pag-aaralan ninyo ang iba't-ibang uri ng nilalang sa ating mundo."
"Class dismissed." Kaunting paalam ang ginagawa niya bago lumabas sa classroom.
"Are you okay?" Hindi na makatiis si Clavion na mag-tanong. May kung anong binulong ito nang hindi sumagot si Derille. "Kita mo nga hindi okay tapos tatanungin ko pa."
"Tuwing gabi ay nagpapalit anyo ako. Tama ang sinabi ni Mrs. Esmeralda. Nagpapalit ako ng kulay ng mata, balat, nag—"
Pinutol ni Clavion anumang sasabibin ni Derille. "Huwag kang magpadalos-dalos sa sinasabi mo. Malaki ang tinutulong sa 'yo iyan dahil kaya ka protektahan."
"Kung magpapalit ako, pakiramdam ko hindi na ako kabilang sa mundo ng mga tao. Samantala ka, tao ka at nagkapalit tayo."
Napalunok si Derille biglang dumilim ang mukha nito. Nag-lakad ito at kinain ang distansiya nila. Hinawakan nito ang kamay ni Derille.
"Hindi mo dapat ikumpara ang iyong sarili sa iba o sa 'kin. May special na abilidad ang tinatamasan mo. Ililigtas ka n'yan sa kalaban natin."
"I'm sorry." Yumuko siya na nagpa-ngiti kay Clavion.
Binitawan nito ang isang kamay niya at dahan-dahan tinaas ang baba ni Derille. "It nothing for me. Kunting oras na lang at nalalapit na ang kabilugan ng buwan." anas nito.
"Ha? What do you mean?" Derille asked confusedly.
"Tayong dalawa ang tatapos nito." Ang sinabi ni Clavion ang nagpatibok ng puso ni Derille. Ang tanging nararamdaman ni Derille ay kaba at may halong. . . takot.
Sa sumunod na bukas, maagang nagising si Derille. Diretso agad siya sa kusina upang batiin ang magulang niya. Natigilan siya sa pag-pasok dahil ang bumungad ang tahimik at tanging sticky note na nakadikit sa ref ang nakikita niya. Binasa niya iyon. Ayon sa sulat, mag-grocery ang magulang niya.
Mabilisan ligo ang ginawa niya. Sakto paglabas niya sa banyo ang pagkatok sa pinto. Pinatong niya ang tuwalya sa balikat at buksan ang pinto.
"Clavion?" Nagulat siya. Ang bumungad sa kanya si Clavion na nakamulsa.
"Maari mo ba ako papasukin?" Kinamot nito ang batok at hilaw na ngumiti.
"Oo naman." Tila natauhan siya at pinalaki na buksan ang pinto. Nauna siya pumasok.
"Ano'ng meron? At napadayo ka rito." May halong biro aniya. Kung hindi siya magbibiro tiyak ang kakalabasan ay awkward. Hindi pa naman siya sanay may bisita siyang lalaki.
"Yayain sana kita lumabas." Ngumiti ito na labas ang ngipin. Mas guma-guwapo ito sa paningin ng dalaga. "Kung gusto mo lang naman?" dagdag nito.
Natulala siya. "Kailan ba?" Tila'y lutang pa siya na ikinatawa nito.
"Ngayon sana." He looked at her with amusement.
Napakurap-kurap siya. "Sige. Hintayin mo lang ako rito." Bago pa magtanong si Clavion ay kumaripas ng takbo papasok siya sa kwarto at mabilisan na nagbihis.
"Bak— aray!" Nauntog ang noo niya sa gilid ng bintana. Bigla-bigla na lang nagpreno ang driver.
Napabungisngis si Clavion. "Halika ka rito." Hinawakan nito ang siko niya. Inisod niya ang katawan rito. Binaba nito ang bibig sa noo niya.
"May bukol," mahinang bulong nito at sinumulan na hipanin.
Nataranta naman siya. "Hala, ano ba kasi ang lakad na nito." Ngumuso ito.
Kinuha nito ang piso. Inilagay sa bukol at minasahe roon. "Secret." Kinindatan niya ito dahilan upang mapatulala naman ang taong kasama nito.
Namalayan na lang niya na may suot siyang sumbrero at naglalakad na sila sa maraming tao.
"Nasaan tayo?"
"Nandito tayo para mag-food trip. Nasa dapitan tayo." Tumigil ito sa paglalakad at napatigil din siya. Nilahad nito ang kamay.
"Akin na ang kamay mo."
Ngumiti siya at pinatong doon ang kamay niya. Pinanood niya kung paano magsiklop ang kanilang palad. Kumalampag ang kanilang puso, marahas itong tumibok.
"Ayaw ko mawala ka sa paningin ko."
Ngumiti naman ito. Nakita niya ang mapuputing ngipin nito. Nagkatingin sila at saka tumakbo sa stall kung saan doon sila mag-uumpisa kumain hanggang sunod-sunod.
"Ang tanong, bata pa ako?" reklamo ni Derille sa utak.
Nakatuon ang mata niya sa kamay nilang dalawa. Magaan ang pagkakahawak niya pero kay Clavion ay mahigpit at parang ayaw pakawalan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top