IKA-6
Nahanap na nga nila ang tao sa likod ng paggawa ng ritwal kina Clavion at Derille subalit hindi nila ito maalala kung sino.
“May naalala ka ba noong naging asong lobo ka?” pasimpleng usisa ni Clavion habang naglalakad ito kasabay ng isang dalaga.
Palaisipan pa rin kasi sa binata ang pagkawala ng alaala ng babaeng kasama niya, si Derille. Bukas ang mga mata nito nang maisagawa ng ‘di pamilyar na tao ang isang proseso sa kung papaano naging taong lobo ang dalaga.
“Alin ba ro’n?” Nag-isip naman nang malalim si Derille. Hindi niya alam ang tamang sagot mula sa katanungan ng binata.
Nagkibit-balikat lamang si Clavion at pinaandar muli ang bike. Hindi nito pinahalata na malalim ang kaniyang iniisip. Binalik nito ang pangyayaring iyon, subalit kapag nasa gitna na ito ay nawawala at nabubura na lamang.
Hindi rin makita nito ang mga mukha na gumawa ng ritwal, masyado itong malabo sa kaniyang alaala. Ganoon din ang ginawa ni Derille.
Ang katotohanan sa likod ng pagiging asong lobo ni Derille ay bumalik sa alaala ni Clavion noong gabing pinasa ng mga matatanda ang pagiging asong lobo nito sa dalagang noon pa ma’y bantay-sarado niya.
“Hindi ka maari umupo sa trono ng iyong ama tiyak manganganib lamang kami,” paulit-ulit sinabi ng mga matatanda ang salitang iyon habang bumulong, sinasabayan pa ng ritwal.
“A-ano ibig sabihin ninyo?” Hinihigop ang lakas ni Clavion, palit nang palit ang kulay ng mata nito: pula at ordinaryong mata, kulay itim.
“Ikaw ang isang kapahamakan sa aming lahat maski sa ninuno mo.”
Umikot sila naglalakad sa harapan nina Derille na natutulog at Clavion na nalilito. May sinasamba sila habang bumulong ng ibang lengguwahe. Ang mga matatandang ‘to ang nakikita ang pakitain sa mangyayari. Masyado nababahala sila sa maaaring mangyari.
Hindi nito maintindihan ang lahat, naguguluhan at nalilito si Clavion.
“H-hindi ko alam ang sinasabi.”
Hindi na nito naituloy ang sasabihin biglang lumabas sa katawan nito ang nangangalaga sa kaniyang pagiging asong lobo. Kapag nakikipagsanib ito kay Black. Black and Clavion shifted together.
“Black.”
Masyadong malabo ang mga mata nito kaya hindi nito maaninang ang nasa taas.
“Help me!” sigaw ni Black na naghihingi ng tulong sa isip ni Clavion. Nasa iisang katawan lamang sila, maari sila mag-usap gamit ang isip.
“A-Anong nangyayari?”
Nagsimula na itong marindi sa bulungan sa paligid. Bago si Clavion mawalan nang malay narinig nito ang kataga sa mga matatanda.
“Ikaw ang papatay sa kalahi mo at ang babaing ‘to ang magbabago sa propesiya.”
“Ayos ka lang ba?” nag-alaalang tanong ni Derille na nagpabalik sa ulirat ni Clavion.
“O-oo. Ayos lang ako. Salamat.” Ngumiti ito sa dalaga.
“Tara, balik na tayo sa school. Malapit na mag-start ang panghuling subject natin,” paanyaya nito na tinugunan naman ni Derille.
Dumating sila sa kanilang kasalukuyang paaran sa tamang oras bago tuluyang magsimula ang klase. Nakatulala si Clavion sa kawalan, malalim ang iniisip. Kanina pa napapansin ni Derille ang pagiging tulala ng katabi nitong lalakk.
Sa tuwing tinatawag kasi si Clavion ng professor, kailangan pa niya tawagin ito nang maraming beses.
“Una na ako. Hintayin kita sa labas.” Nagmamadaling inayos ni Clavion ang mga gamit nito.
“Ha?” wala sa wisyong sambit ng dalaga saka kinuha ang bag sa upuan at sinukbit sa balikat nito.
“Hintay...” pabulong niyang sinabi nang mabilis lumakad si Clavion palabas ng classroom.
“Kumusta?”
Nagulat si Derille nang sumulpot bigla si Chantel Bryce Montessori, ang isa niyang kaibigan. Lumingon siya ritk at naglakad sila nang sabay palabas ng kanilang silid.
“Ayos lang. May naalala ka ba kung bakit ka nagpapalit ng anyo?”
Napahinto sa paglalakad si Derille dahil sa ‘di niya inaasahang komento ng kaniyang kaibigan.
“Alam mo?” usisa pa nito.Tumango lamang si Chantel.
Base sa pagkakaalala ng dalaga, wala naman siyang pinagsasabihan kaya paano naman iyon ng kaniyang kaibigan. Nagtataka siya sa lahat. Hindi nito alam ang kasalukuyang nangyayari.
Inayos ni Chantel ang kaniyang tindig. Humarap siya kay Derille. “Oo naman, matagal na. Alam ko ang pagpapalit mo ng anyo. Subalit, bukod-tanging sa parte lang na iyon ang hindi mo maalala, iyon lamang ang alaala mong nawawala.”
“Alaala kong nawawala?”
“Iyong dahilan kung bakit ka naging asong lobo.”
“Hindi kita maintindihan,” pagpapakatotoong sambit ni Derille sa kasama nito.
“Hindi ka ba nagtataka na sa tuwing sumasagi ang isang pangyayari na hindi mo naman alam kung bakit mo nakikita ay naroon ka’t pakiramdam mo totoo siyang nangyayari?”
“Nagtataka syempre. Hindi ko ginusto na malagay sa sitwasyon na ‘to sapagkat mas lalong hindi na naging normal ang buhay ko mula noon.”
“Ikaw ang hinirang na magbabago sa kasalukuyan,” direktang saad ni Chantel. Seryoso niyang tinitigan si Derille.
“Hinirang? Na ano?”
“Magbabago sa mundo ng mga asong lobo. Ikaw ang pinili. Ewan ko ba kung bakit ikaw ang pinili sa dami ng mas magagaling pa sa ‘yo.”
“Because they have a reason they choose me.” Ngumiti silang dalawa sa isa’t isa. “Pagkagising ko ay wala akong maalala...” Itigil niya ang sasabihin dahil hindi alam ang isusunod.
“Binura ang ilang alaala mo no’ng ginagawa ng ritwal.” Kumunot ang noo ni Chantel sa nakikita sa malayo.
“Binura? Ngunit bakit at sa paanong paraan nabura?”
Sinundan niya ang tinitingnan ng kaibigan. Nakatayo si Clavion sa waiting shed at nakasuksok ang mga kamay sa bulsa. Naka-side view ang mukha at katawan nito.
“Dahil ayaw nila makita mo ang mukha nila. Alam mo naman ang tungkol sa pagsasagawa ng ritwal, ‘di ba?” Tumango si Derille sa winika ni Chantel.
“Alalaahin mo rin tungkol sa ugnayan ninyo ng lalaking iyon sa ‘yo.” Nginuso niya si Clavion.
“T-Teka. . . ano—” Pipigilan sana niya ang kaibigan pero tumakbo ito palayo sa puwesto nila at umangas sa likod na nagba-bike na lalaki. Nagtungo siya kung nasaan si Clavion.
“Ano ba ang intension mo sa ‘kin?” Seryosong munit kalmadong tanong ni Derille na nagpaharap mismo kay Clavion.
Maski si Clavion ay nagulat. “Hayaan mo ako gumawa ng paraan para makaalala ka. Trust me.”
Ang salita ng nito ay nagpasunod nang ganu'n kadali kay Derille. Tahimik sila naglalakad. Naiilang siya sa tuwing sumusulyap si Clavion sa kaniya.
“Hindi maaari...”
Kaba at gulat niya nang matanaw ang paparating na sasakyan sa bulag na babae naglalakad sa overpass. Tinakbo nito ang distansiya ng babae at tinulak palayo. Napaupo ang babae sa gilid ng kalsada.
“Clavion!” sigaw ni Derille may halong takot. Nakita niya ang sasalubungin ito ng sasakay at maaring si Clavion ang mabunggo.
Ngumiti si Clavion. “Sabi ko sa iyo, magtiwala ka sa ‘kin.” Kasabay nang sinabi nito ay nag-teleport ito sa tabi ni Derille.
“Clav—” Niyakap siya ng binata, isang yakap na ramdam mong may seguridad. Binaon doon ang mukha nito at umiyak sa dibdib ng binata. Ngayon lang siya nakaramdam ng takot at kaba sa taong hindi pa niya kilala masyado.
“Tiwala lang ang kailangan ko sa ‘yo.” Niyakap siya pabalik ang dalaga. Naririnig nito ang malakas na pintig ng puso ng dalaga.
Nagpapahiwatig na may epekto na si Clavion kay Derille.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top