IKA-5
Awkward nag-iwas ng tingin si Derille sa binata at madiing kinagat ang ibabang labi nito.
‘bakit ganito ang nararamdaman ko?’ bulong pa nito sa kaniyang sarili.
Tumayo si Clavion at saglit na tinitigan ang mukha ng dalaga. Tinatagaan naman ni Derille na tumingin sa malayo at mahigpit na kumapit sa palda ng kaniyang uniporme.
Pakiramdam niya hinihigop ng binatang kasama niya ang kaniyang pagkatao at binabasa ang iniisip nito kaya gano'n na lang ang pagkabog ng puso niya. Suminghap si Clavion ilang minuto lang, umiwas din ito ng tingin sa dalaga.
‘Babalik ka rin sa ‘kin katulad ng dati,’ bulong ni Clavion sa kaniyang isipan.
Ilan araw na ang nakalipas, hindi nakikita ni Derille sa buong campus si Clavion at hindi na rin ito nagpaparamdam pa sa kaniya. Alam niya ang dahilan pero itinatanggi niya sa kaniyang isip.
Umaakto siyang normal sa lahat pero sa kaloob-looban niya ay may gusto siyang makita at hanapin. Parang puzzle lang, kailangan lang buoin at hanapin ang nawawala.
Umiling si Derille sa kaniyang naisip at inayos ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagsampal sa magkabilaang pisngi nito.
At dahil sa napagtanto niya kung saan talaga siya interesado ay nagpunta sa principal's office si Derille. Nilakasan nito ang kaniyang loob. Naging desidido kasi ito na magpalit ng kurso. “Mas maigi ng mag-Architect ako kaysa med.” aniya.
Huminga siya nang malalim at nagpaliwanag sa principal. Tinanggap naman nito ang alok ng dalaga sa kadahilanang hindi pa naman gano'n katagal mula noong nagsimula ang klase. Mas mahirap na raw kasing mag-shift kung nasa kalagitnaan na ng sem.
Mula sa pagpayag ng principal ay inalalayan niya ang dalaga sa kung paano ba mag-shift ng course. Hanggang sa tuluyan na nga itong nakapagpalit.
“Pagbutihin mo at huwag ka ng papalit-palit. Mahirap maghabol sa oras ng graduation, hija.” Ngumiti si Derille sa nasabi ng matandang babae sa kaniya saka tumango.
“Opo, maraming salamat.”
Lumabas na mula sa register room si Derille at nagtungo sa bago niyang classroom. Hinanap nito ang kaniyang silid-aralan. Bumuntong-hininga siya nang matagpuan ito. Pumasok na siya roon at kumuha ng bakanteng upuan.
Umayos siya ng upo nang pumasok ang professor nila. Ang kaninang maingay na room sa isang iglap tumahimik. Ang kaninang nagbabatuhan ng papel ay tinago at tinapon na sa basuran.
Ang kaninang nakakalat na mga libro, ngayon ay nakasalansan na. Maayos na nakahilera sa mga locker na nasa likod lamang ng upuan. Pinanood nila ang tahimik na guro na kasalukuyang naglalapag ng ilang libro at chalkboard sa teacher's desk.
Ang professor na si Mr. Sanchez, kilala bilang istrikto at mapagmasid sa paligid. Kapag nagbigay ito ng iba't-ibang plates at ng kung ano pa man ay dapat maipasa agad sa takdang araw, kung kailan ang deadline.
Ang sabi raw ay nagbabagsak din ito ng estudyante kahit matalino man o hindi.
“Good morning, everyone.” Tiningnan nito ang bawat isang estudyante, sinusuri kung maayos ang lahat at walang liban. Saulo din nito ang attendance sheet.
Panandalian itong napatitig sa akin. “Are you a new student or something?” Tumango ako bago sumagot.
“Yes, Sir. New student.”
“And your name is?”
“Dannilean Erille Alforte Syvallena.”
“Nagpakilala ka na ba sa mga kaklase mo?” Umiling ako bilang tugon. “Okay, go. Introduce yourself.”
Tumayo ako at tumingin sa paligid. Lahat sila ay nasa akin ang paningin. Lumunok ako ng sarili kong laway saka huminga nang malalim.
“I’m Dannilean Erille Alforte Syvallena, from med I shifted to this course because I suddenly see myself enjoying the view of the buildings from drawing it. I would love to know more about it.”
Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng palakpak mula sa mga kaklase ko. Ngumiti ang guro namin saka tumango at muling pumunta sa lamesa nito.
“Okay, before I start. I have an announcement to all of you.”
Napuno ng ingay ang buong paligid, may ilan na nagbubulungan sa katabi at may ilan din nagpupustahan kung babae ba o lalaki, exam ba o project. Mayroon silang kani-kaniyang opinyon ukol dito.
Tanging si Derille lamang ang tahimik sa kanila subalit nag-iingay din ang kaniyang utak sa kakaisip kung sino o anong klaseng announcement kaya ito.
Nagbuntong-hininga si Mr. Sanchez, wari'y naiinis sa kaingayan ng kaniyang mga estudyante. “Enough.” May halong pagbabanta ang tinig nito dahilan upang magsitahimik ang mga mag-aaral.
“Total may new student naman ng nakapasok sa klase ko, I will introduce one more student.” Umugong muli ang bulungan sa klase.
“Come in, Mr. Macallizter.” paanyaya nito sa binata. Napaawang ang labi ni Derille nang marinig ito.
Sinulyapan nila ang bagong estudyante. Nalaglag ang panga ng mga kaklase ni Derille nang tuluyan ng pumasok sa silid nila si Clavion. Walang ka-emosyon ang mukha. Maski si Derille, hindi rin ito inaasahan. Muntikan pa siyang mahulog sa kinauupuan kung hindi lang siya kumapit sa arm chair nito at inayo ang kaniyang pagkakaupo.
Kampanteng naglalakad si Clavion at ang dalawang kamay ay nakasuksok sa pants ng uniporme. Humarap ito sa bagong kaklase.
“Pinalipat siya ng principal para gabayan kayo sa pag-aaral. Dito din pinalipat siya upang mahaasa ang kanyang kaalaman.” Tumigil si Mr. Sanchez at pinukol ang tingin sa grupong kababaihan sa gitna ng upuan na kanina pang nagbubulungan, nagtitilian at nag-papacute.
“If hindi kayo tumigil sa ginawa nito ay ibabagsak ko kayo sa subject ko. Major n’yo pa naman ako.”
Namutla ang mga kababaihan. Luminga linga sila sa paligid. Nasa kanila ang attention ng lahat. May ilan sinasamaan sila ng tingin sa digusto nakikita. Humingi sila ng paumanhin. Tumango lamang ang guro at nagpatuloy sa sasabihin.
Nang nagtama ang kanilang mata ni Clavion ay napairap si Derille sa hangin at nginguso ang teacher. Pasimple si Clavion nagkibit-balikat at ngumiti ng tipid, parang sinasabi nito ay wala itong kasalan.
“You can seat beside Ms. Syvallena,” utos ni Mr. Sanchez. Pa-cool pa itong tumango sa nasabi ng guro namin. Tinaas ni Derille ang kamay pawang sinabi na nandito siya at sinenyasan niya ang bakanteng upuan.
Nagtungo ito sa dalaga at umupo na. Nagsimula mag-turo muli ang guro. Inilabas ni Derille ang aklat at inilagay iyon sa gitna.
“Share na lang tayo, ah.” Masiglang sambit pa niya sa kaniyang katabi. Mabuti na lang at nakakuha siya ng ilang libro mula sa register office kanina.
Tumango ito at sinaulo ang topic. Hindi pa natatapos ang sasabihin ng guro ay nagtaas ng kamay ito. Talagang kahanga-hanga ang mga matatalinong nilalang.
Hindi na sumingit pa si Derille sa pagsagot. Hinahayaan lamang niya sumagot ang binata at pinapanood rin, puno ng paghanga at namamanghang napatitig ito sa kaniya.
“You’re answer is correct,” saad nito saka ipinaliwanag ng guro ang kahalagahan at mabuting idudulot ng paggawa ng mga plates.
“You can seat now, hijo.” Tumango si Clavion at sinunod ang utos ng kasalukuyang guro nila.
“Ang talino mo pala,” pabulong niyang komento sa binata at sinulyapan pa nang mabuti ang kanilang guro. Sinigurado niyang hindi sila mahuhuli na magkausap.
“Hindi naman. Nag-aaral lang nang mabuti.” Tuktok na tuktok ang mata nito sa harap.
“Kung gusto mo talaga ang isang bagay, pangarap man ito o ano ay dapat magsumikap tayo at tumayo sa sarili natin mga paa.”
“Kapag may porsige ka ay dapat may utak ka. Iyan ang magiging puhunan natin bilang mag-aaral,” usal pa nito.
Napatingin si Derille biglang nagsalita ang guro. Bahagya pa itong nagulat sa narinig niya. “You can pass the portfolio except for the two new students,” pahayag ng guro sa lahat.
Nagsilabasan ng iba't ibang klaseng portfolio ang mga estudyante maliban lang kina Clavion at Derille.
“For the two of you, Ms. Syvallena and Mr. Macallizter. I just want to inform you na same kayo ng due date. Kailangan n’yo ring magpasa ng portfolio next week.”
“Ang portfolio na kailangan ninyong gawin ay naglalaman ng mga layout, design sheet, resume, presentation pati cover ninyo.”
“Dapat naglalaman ng 20-40 pages ang mga porfolio ninyo. I will send a format sa inyong dalawa through email so don’t forget to message me there para maalala ko.”
Nang makapagpasa na ang lahat ay nagpaalam ang guro at nagpahayag na tapos na ang kaniyang klase sa araw na ito bago iwan sila.
“Ang hirap pala maging architect.” Nakahinga nang maluwag ang dalaga saka nag-inat.
Iniisip nito kung ilang araw at gabi kaya niya magagawa itong portfolio. Paniguradong puyatan ang mangyayari nito. Napaisip si Clavion at tumayo.
“Tara,” paanyaya pa nito sa dalaga. Inilahad nito ang kaniyang kamay sa harapan ni Derille.
Napakunot ang noo nito at matamang tinitigan ang nakalahad na kamay ni Clavion. “Saan naman ‘yan?”
“Sa park, tuturuan kitang mag-bike,” sinserong sambit nito na nagpaingay sa ilang tao na nakapaligid sa kanila ngayon.
Hindi pa man sila nakakalabas ng klase ay ramdam na nilang marami ang naiingit na kanilang mga kamag-aral dahil sa senaryo nilang dalawa.
Ngumiti siya at tinanggap ang kamay ng binata. Naglakad sila nang sabay palabas ng classroom hanggang sa gate ng school nila. At hindi nila binibitawan ang kanilang magkahawak na kamay.
Sa bawat madaanan nila ang pagtingin sa nakasiklop na kamay ay nagbibigay din ng issue. Subalit, pinasawalang-bahala lamang ito ng dalawa.
Sumakay sila ng isang pampasaherong dyip at nagpahatid sa kanilang pupuntahan. Paglabas nila ng jeep, sinalubong sila ng sariwang hangin.
Napangiti ang dalaga dahil sa presko ito sa pakiramdam. Iginala ni Derille ang kaniyang paningin sa kadahilanang hindi pa siya nakakapunta rito at ito ang unang pagkakataon niya na masilayan ito.
“Hintayin mo ako rito,” aniya. Tumango si Derille sa utos ni Clavion. Nagmadaling umalis ito. Wala pang kalahating oras ay nakabalik agad si Clavion at dala ang dalawang bike.
“Saan mo naman nakuha iyan?” Kinuha ni Derille ang pink na bike.
“Nagrenta lang ako. May alam kasi akong malapit na tindahan dito,” tugon ni Clavion. Sumampa agad sila at nagpidal.
Nadaanan nila ang playground, naroon ang mga bata kasama ang kanilang mga yaya o dili kaya ay ang mga magulang nila. Parehong tumigil sina Derille at Clavion sa nagtitinda ng sorbetes at bumili ng ice cream.
“Sigurado ka bang hindi ka taga-rito?” kunot-noong usisa ni Derille kay Clavion saka nito dinilaan ang kaniyang ice cream.
“Bakit mo naman naitanong ‘yan,” natatawang wika ni Clavion. Nang natapos ito kumain ay nagpunas ng kamay sa tissue.
“Daig mo pa ako. Kabisado mo ang lahat tungkol sa mundo ko.” Hindi pinahalata ni Derille mapait na ngumiti. Sa tuwing naalala niya ang pagpapalit niyang anyo. Pakiramdam niya hindi na siyang normal na tao.
‘Tao pa nga ba ako?’ Laging tinatanong ni Derille sa sarili. Tanging ang isasagot niya ay buntong-hininga.
“Pinag-aralan ko ang lahat tungkol sa iyo bago ako pumasok dito. Hindi naman kayo mahirap pakisamahan. Bukod sa mabait, pala-kaibigan at matulungin ay kayo lang ang nagbubukod ng anyo sa pagkatao ninyo,” mahabang paliwanang pa nito.
Natameme si Derille sa narinig. Pagkatapos nila kumain ng sorbetes, nagbisikleta muli sila. At sa kalagitnan ng kanilang pagbibisikleta ay natanaw nila ang isang pamilyar na tao. Natigilan silang dalawa.
“Nakikita mo ba ang nakikita ko?” tanong ni Derille at nakatutok ang mata sa isang ginang. Tumango ito bilang pagsang-ayon.
Hindi nila namalayan tumigil sila sa pag-bike. Abala sila sa pagtingin sa ginang. Inayos ng ginang ang itim na balabal sa ulo at nagmadaling umalis. Samantala, sina Derille at Clavion ay nagkatingin. Iisa lang ang iniisip nila.
Nahanap nila ang gumawa ng ritwal.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top