IKA-4


Kabanata 4.


“Hi, brother.”

Mabilis hinanap ni Clavion ang pamilyar na tinig na iyon. Batid n’ya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na siyang malinaw niyang narinig mula sa kaniyang tainga.

Dagliang nakipagtitigan ang binata sa mga punong kasalukuyan ay nakasunod sa hampas ng hangin. Mabilis na dumilim ang buong paligid at sa isang iglap lang ay may ilang lumitaw na mga tao mula rito.

“Anong ginagawa n’yo rito?”

Unang napansin ni Clavion ang presensiya ni Akiesha Luna, nakataas ang isang kilay nito, naka-cross arm din na animo'y nais nitong mang-asar.

“Eshalu?”

Kaagad nagbago ang itsura ni Akiesha, mula sa mataray nitong tindig naging seryoso ito at matalim na tumitig kay Clavion.

“Yuck. I really don’t want to hear my nickname from your mouth, tss.”

Isang babaeng may pagkakulot ang buhok, blonde at naka-dress ito, kulay lila. May itim na sinturon na ipinares pa sa kulay itim nitong takong na nasa 4 inches ang taas. Kasalukuyan itong nakatayo sa sangga ng puno at nakasandal sa gilid nito.

Sa tabi naman nito'y makikitang walang imik na naka-upo si Hailey Luxwel sa damuhan, kumakain ng popcorn na para bang nanonood lang ito sa sinehan.

“Haix,” ani Clavion sa palayaw nito.

“Yes, Kuya?”

“I don’t think it’s a right place to eat that kind of stuff...” alanganing wika ng binata sa babaeng kasalukuyang kausap nito.

“Well, desisyon ako. Hindi naman siguro naka-ban ang popcorn sa gubat, ‘di ba?”

Kabaliktaran ito ni Akiesha. Naka-black pants ito, puting shirt at puting rubber shoes. May kulay gintong kuwintas na siyang suot nito at naka-round eye glasses din. Makikita sa tangkad nito na nasa labing isang taon na gulang pa lamang siya.

Samantala, taas-noo namang lumabas mula sa isang matandang puno si Marcarie, ang ina ni Clavion. Malapad siyang ngumiti nang makitang ligtas ang kaisa-isa nilang anak na lalaki.

“Marcarie...” wala sa wisyong bulong ni Derille saka pasimpleng yumuko sa babaeng nakapulang dress, hapit ito kaya kitang-kita ang magandang hubog ng katawan ng ina ni Clavion.

Ngumiti si Marcarie kay Derille, kinausap niya ito sa pamamagitan ng kanilang mga mata.

‘Maraming salamat,’ ani Marcarie na siyang dahilan upang ngumiti nang tuluyan si Derille.

‘Walang anuman, tugon ng dalaga rito.

Sa kabilang banda, walang imik ding nakatayo si Cylaveno Macallizer sa likod mismo ni Clavion. Nahihiyang umatras si Derille sa nakapaligid sa binata.

“Anong pakay n’yo at talagang nagpunta pa kayo rito?” kunot-noo si Clavion habang isa-isang tiningnan ang puwesto ng kaniyang pamilya.

Pinasadahan niya ng tingin ang mga ito, mula sa kaniyang dalawang kapatid hanggang sa mga magulang nito. Ito ang kabuuan ng Jerrera-Macallizter family, the “Allizt Clan o A.C.”

“Syempre, nag-aalala rin kami sa ‘yo. Ilang buwan ka ng wala sa mundo natin. Alam mo namang iba ang oras dito sa oras natin,” may bakas ng awtoridad na bulong ni Cylaveno kay Clavion.

“Sumama ka sa ‘min,” malumanay na sambit ni Marcarie kay Derille. Mabilis itong nakalapit sa kinaroroonan ng mag-ama kung kaya’t gano’n na lamang kung makautos ito.

Isang tango na lamang ang iginawad ng dalaga at hindi na nagdalawang-isip pa na tumanggi sa imbitasyong ibinigay sa kaniya.

Ngumiti na muna si Marcarie bago niya itinaas ang kanang kamay nito. She snapped her fingers and from there, everything went dark. Sa isang iglap lang nagbago ang lugar na kinatatayuan nila kani-kanina lang.

“Nasaan tayo?” pabulong na usisa ni Derille kay Clavion.

“We’re home,” tipid na sagot ng binata sa kaniya.

Napaawang ang labi ni Derille sa kasalukuyan nitong nakikita. Malalaking chandelier, mga nakasinding kandila na siyang nakapaligid ngayon sa buong silid.

Isang parihabang lamesa ang nagbigay ng distansya sa bawat isa. Ang lahat ay nakaupo sa kani-kaniyang mga silya.

Mabilis iniwan ni Haix ang pagkain at tumabi kay Eshalu. Nakahilera ang pamilya ni Clavion sa harapan ni Derille.

Masamang aura ang nararamdaman ngayon ni Derille mula sa pamilya ni Clavion subalit oras na ngumiti ang mga ito ay para bang ang bilis nitong mawala.

“Meet my family, Dannilean Erille. The Allizt Clan,” mababang boses na siyang panimula ni Clavion.

Saglit na nagtaka si Derille dahil sa pagbigkas ni Clavion ng buong pangalan niya. Nakaramdam ng pagkailang ang dalaga dahil hindi ito ang nakasanayan niya.

Ilang minuto lang ay may biglang nagsalita maliban sa binata. “Hi! Hailey Luxwel Macallizer, ang bunso sa pamilyang ‘to. You can call me, Hailey or Haix!”

Mabilis na nakalapit si Haix sa tabi ni Derille, ngumiti ito at naglahad ng kamay sa dalaga na siyang inabot din nito at saka nagpasalamat. Tumango sila sa isa’t isa.

“Hey, girl. Akiesha Luna Macallizer. I’m the first born and the eldest sister among them,” walang ganang saad ni Akeisha sabay turo sa dalawa pa niyang kapatid. Napunta sa kaniya ang atensyon ni Derille.

“Eshalu ang palaya-”

“Don’t say anything, Clav. I can hear it,” mataray na komento ni Akiesha dahilan upang hindi matuloy ng binata ang nais nitong sabihin.

“Oh, really?” nang-aasar na tono ang inilabas ni Clav saka pilyong tumingin sa kapatid nito.

“Stop it. You look like a dumb, idiot!”

“What!?”

“Enough already,” ani Cylaveno.

“As you know, Marcarie Jerrera Macallizer is our mother. Iyong katabi niya, si Master Cylaveno. . . he is our father.”

Si Hailey na mismo ang nagturo sa isang lalaki na ngayon ay taimtim na nagmamasid sa kanilang paligid. Nakasuot ito ng coat na kulay caramel, black turtle neck sweater ang pangtaas nito, black pants at itim na sapatos. Maskulado ito at kita sa kabuuan nito ang awtoridad na mayroon siya.

Kaagad sinamaan ng tingin ni Cylaveno si Marcarie nang bigla itong nanlambing sa kaniya sa harap ng pagkain nila. Nakabalot ang dalawang kamay ni Marcarie sa kanang braso ni Cylaveno dahilan upang hindi ito makakain nang maayos.

“Kunwari ka pa, gusto mo rin naman.”

“Magtigil ka nga, Marcarie. Wala ka sa lugar,” anas ni Cylaveno sa kaniyang asawa.

“Kapag ako nainis, papahirapan na talaga kitang suyuin ako. Sige, try me.”

“Sa ‘kin ka pa rin naman bibigay, Marcarie.”

“Ang yaban-” Parehong natigilan ang mag-asawa nang may biglang nagsalita.

“N-nice to meet you all, po...” singit ni Derille.

“Dannilean Erille Syvallena. . . Derille na lang po,” pakilala naman nito sa kaniyang sarili.

Taas-noo siyang nakipagtitigan sa Allizt Clan. Hindi niya pinahalatang kabado siya. Napalunok na lamang din ito nang bumalot ang katamihikan sa kanilang lugar.

Nanuyot ang kalamnan nito kung kaya’t pasimple siyang uminom ng tubig na siyang katabi lang ng plato nito na hugis bilog at mukhang babasagin pa.

Ilang minuto lang ay may nagsalita na rin pagkatapos ni Derille. “Nice to meet you too, Dannilean girl.” waring sarkastikong sambit ni Akiesha.

Walang anu-ano’y tinaasan niya ng kilay si Derille, namutla naman ang dalaga dahil sa ginawa ng ate ni Clavion.

“Ate naman,” reklamo ni Clavion kay Akiesha nang makita niya ang inasta nito kay Derille.

“What?”

Inosenteng binalingan ni Akiesha ang lalaking kapatid nito ngunit bakas sa mukha niya ang pagkapilya at para bang normal na lang din kay Akiesha na manaray.

Inirapan lang siya ni Clavion. Gumanti ng irap din si Akiesha. Ayaw magpatalo ang dalawa hangga’t hindi pa sila sasawayin ng kanilang mga magulang.

“Ahm...” nahihiyang sabat ni Derille sa kanila. “Maaari na ba tayong kumain?” dagdag pa ng dalaga.

Nakaramdam siya lalo ng hiya sapagkat biglang pumalakpak si Hailey sa tuwa at lumundag pa na animo’y masaya siya sa narinig nito mula kay Derille.

“Yes, of course! Let’s eat and enjoy the meal.” N

Marahang nilapitan ni Marcarie si Derille at hinawakan ang magkabilang balikat nito. Napagitla sa gulat ang dalaga.

“Dear, relax. Masyado kang intense,” natatawang bulong ni Marcarie sa dalaga. Tipid na ngumiti si Derille dahil sa narinig nito.

Pagkatapos nito ay bumalik na rin sa silya si Marcarie at muling pumulupot sa tabi ng kaniyang asawa.

Nagsimula na silang kumain lahat, not until Akiesha raised her hand para kausapin ang ina nito.

“I think we need some waiters here, Mom.”

“Why?”

“I—”

“Tamad kasi siyang kumuha ng pagkain,” malamig na sabat ni Clavion sa usapan ng mag-ina.

“Ang kapal ng mukh-”

“We’ll take our leave first, after this family dinner.”

Mabilis nagbago ang atmospera nila dahil sa sinabing iyon ni Clav. Natahimik si Akiesha. Si Haix naman ay nagpatuloy lang sa kaniyang pagkain. Si Marcarie ay napahinto sa pagnguya habang ang asawa naman niya’y tumikhim lamang.

“I think you have a wrong idea in your mind, son.”

“Wala akong alam sa kung bakit kayo biglang sumulpot at nagpakilala ngayon kay Derille pero isa lang alam ko, hindi pa ako puwedeng umuwi unless I’m done with my work.” Seryosong tumingin si Clavion sa kaniyang mga magulang.

Batid ng lahat, maliban kay Derille ang nais ipahiwatig ng binata sa kaniyang pamilya.

“Sige,” tipid na tugon ni Cylaveno at doo’y tinapos na nga nila ang biglaang family dinner.

Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam na sina Clavion at Derille saka sila magkasunod na lumabas sa silid kung saan sila dinala ni Marcarie.

“I never thought that you will introduce your family to me,” wala sa wisyong komento ni Derille sa katabi nitong binata, si Clav.

“It’s because...” you’re too special to me, Derille.

“Because?” usisa ni Derille saka takang tumingin sa gawi ng binata.

“Wala,” tugon nito. Sandaling katahimikan ang bumalot sa pagitan nilang dalawa not until nagsalita muli si Clavion.

“Give me your hand,” utos ng binata sa dalagang kausap nito.

“And why would I give my hand to you?”

“Just give me,” anas ni Clavion.

Hindi na muling tinanong pa ni Derille ang binata, hinayaan niyang kunin nito ang kaniyang kamay. Ang hindi niya alam ay nais lamang hawakan ni Clavion ang kamay niya.

“W-what is the meaning of this?”

Nakaramdam ng kakaibang kuryente sa katawan ang dalaga nang tuluyan na ngang nahawakan ni Clavion ang kamay nito.

“Let me show you something,” sinserong saad ni Clav. “But close your eyes first,” utos pa muli nito.

“What!? E, paano ko makikita ‘yung gusto mong ipakita ‘di ba?”

“Huwag na muna maraming tanong. I don’t want to spoil you. I want you to take it as a surprise from me. Hayaan mong ako ang gumabay sa ‘yo habang nakapikit ka, Derille.”

Pagkatapos magsalita ni Clavion ay deretso siyang tumingin sa kabuuan ng mukha ni Derille. Doon ay nagtama ang kanilang mga paningin, sandali silang nagkatitigan.

Dagliang pinutol ng dalaga ang tinginan nilang iyon at napilitang sumunod kay Clavion.

“Babanatan talaga kita kapag hinayaan mo akong matumba habang naglalakad.”

“Kung sakali ngang matumba ka man, sasaluhin kita.” at parati kitang sasaluhin, piliin mo man ako o hindi sa huli.

Naglabas ng panyong kulay puti si Clavion saka pinasuot kay Derille. Doon ay gumawa ng isang black hole ang binata mula sa kapangyarihan nito. Hawak ang kamay ni Derille ay inalalayan niya ito papasok sa gawa nitong hole.

Huminga nang malalim si Clavion bago inalis ang panyong nagtatakip sa mga mata ng dalaga.

“Ito na,” bungad ni Clav nang tuluyan ng ibinuka ni Derille ang talukap ng mga mata nito.

“W-what the...”

“This is now my thank you gift that I made, just for you.”

“Pero bakit?”

“For saving my life, two times.”

Dalawang beses na kinurap ng dalaga ang mga mata nito at hindi na nga niya napigilang ngumiti sa kasalukuyan nitong nakikita.

“It’s really a tree house...”

“Why? You don’t like it?”

“No! I mean, yes. . . I really do like it. It just that, it’s my first time to see it personally.”

“Puwede kang pumunta rito if you want, total ginawa ko naman ito para maging tambayan mo talaga.”

“Tambayan ko lang ba talaga?”

“Can I say, tambayan nating dalawa?”

“Ahm...”

“Mukhang nagdadalawang-isip ka pa, ah.”

“Medyo, joke. Sure, why not?”

Ngumiti si Clavion kay Derille dahilan upang makaramdam ito ng kakaibang saya na ‘di niya kayang ipaliwanag. Umiwas ng tingin ang dalaga.

Hindi kalakihan ang tree house na ito ngunit maayos ito at walang sira. Bakas sa istilo nito na bago lang ito at kagagawa lamang.

Palihim na ngumiti muli si Clav at niyaya niyang pumasok si Derille. Kailangan nila muna umakyat sa hagdan bago makapasok sa mismong tree house.

Iba't ibang pintura ang ginamit sa tree house na siyang makikita naman sa dingding nito na gawa sa kahoy. May foam na nakalatag. Sa tabi ng bintana, nakalagay doon ang mesa at nakapatong doon ang extension ng saksakan ng kuryente.

Nasa maayos naman ang pagkakalagay ng ilang mga libro sa maliit na book shelf na makikita naman sa gilid ng pintuan.

Mayroon ding maliit na kulay tsokolateng cabinet na pinaglalagyan ng pagkain kagaya ng snack at iba pang pagkain na naka-pack.

Makikita sa tapat ng book shelf ang isang maliit na open box, doon nakalagay ang dalawang magkapares na tsinelas. Doon sila nagpalit ng sapatos.

Suot ang tsinelas na nanggaling sa kahon ay pumasok na sila sa tree house. Kahit may basahan sa pintuan ay ayaw madumihan ni Derille ang lapag. Nilalampaso pa niya ng basang basahan at pinatuyuan.

“Sino ang gumawa nito?” Bakas sa mukha ni Derille ang pagkamangha. Kumikinang ang mga mata nito at 'di maipinta ang mukha sa sobrang pagkatuwa.

Bibihira magkaroon ng ganito ang mga tao at bibihira din ang gumagawa nito. Mahirap naman gumawa nito at kailangan may tiyaga ka bago matapos.

“Ako,” tipid na tugon ng binata. Mabilis naging emosyonal si Derille.

“Sana magustuhan mo, ikaw ang unang dinala ko rito.”

Umupo ang binata sa foam at ginaya din ito ni Derille ngunit ang paraan ng pag-upo niya ay indian seat.

“Oo naman, nagustuhan ko. . . sobra. Ngayon lang kasi ako nakapasok sa ganitong uri ng bahay.” Nililibot nito ang tingin sa bahay.

“How’s your study? Hectic schedule? More activity? More homework? More projects? More assignment?”

“Ay, sobrang dami! Lalo na, projects. Kada isang araw yata kami binibigyan, e. Sa assignment naman ay bibihira lamang pero kailangan din namin backread sa lesson kasi pagdating ng umaga, magugulat ka na lang may pa-suprise quiz,” kuwento ni Derille na animo’y komportable siya kay Clavion.

Walang imik at nakangiting pinagmasdan siya ng binata.

“Ewan ko ba sa mga teacher na yan. Parang laging galit sa estudyante,” aniya saka nagbuntong-hininga.

“Ikaw, kumusta ang schedule mo?” Nagkibit-balikat lang si Clavion sa naging tanong ni Derille sa kaniya.

“Nothing changes to my schedule. Kakaunti na lang ang gagawin namin ngayon. Wala kaming quizzes katulad ng sinasabi mo, siguro bihira lang depende sa prof.”

“More on disscussion lang about sa lessons then pagawa kaagad gano’n sila. Mabuti na lang nakakapagpasa pa rin ako, on time. Nagsasaulo kami ng iba’t ibang plates, size and how it must be draw, etc.”

Ngumuso siya, “Mas mahirap pala ‘yung sa ‘yo.” Natawa ang binata sa tinuran ng dalaga.

“Life must go on. . . ang sabi nga, ang buhay natin ay parang tubig. Patuloy na umaagos at walang tigil.”

“Ay wow, may qoutes.” Nagkunwari siyang nagulat na nagpatawa nang mahina kay Clavion.

“Bakit parang kampante ka?” usisa pa ni Derille sa binata.

“Saulo ko na kasi ang lahat. Ikaw ba naman, araw-araw mong ginagawa, hindi ka pa ba masasanay?” patanong nitong saad.

“Oo nga ‘no?” waring walang ideayang tugon na lang din ng dalaga. Nagpatuloy pa sila sa kanilang kuwentuhan hanggang sa...

‘How I wish that time can be slow during this time. I will always be yours, Derille.’

Wala sa sariling hinawakan ni Clavion ang magkabilang pisngi ni Derille dahilan upang mapako ang paningin nila sa isa't isa.

“I love you...”




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top