IKA-3

Kabanata 3.



“Soon,” dugtong ni Clavion sa dalaga. Palihim na ngumiti si Clavion dahil nakita nitong reaksyon mula sa mukha ni Derille.

Sa isip-isip pa nito ay may epekto pa rin pala ang ginawa ng binata sa dalagang napupusuan nito.

Ilang segundo sila nagkatitigan hanggang si Derille na mismo ang unang bumitaw at nag-iwas nang tingin. May kung ano'ng nararamdaman si Derille kay Clavion na hindi maipaliwanag nang maayos.

“Kita tayo sa dating tagpuan, dating gawi.” pasabol mensahe pa ng binata ang nagpataka sa dalaga. Isang malabo at weirdong memorya ang sumagi sa isip ni Derille.





“Huwag...” naghihinang sambit ng binata.

Sapo din ang tagiliran, umaagos ang walang tigil na dugo. Nakapanghihina ang sitwasyon nila. Pinilit niyang abutin upang mahawakan nang mahigpit ang kamay ng dalaga.

“H-huwag ninyong ipasa sa kaniya...” habol-hiningang wika pa nito.

Hindi pa rin tumitigil sa paggawa ng paraan ang binata upang sirain ang ritwal na kasalukuyang ginagawa ng kapwa nitong asong lobo.

“Hindi nararapat ang kapangyarihan na ‘to na ibinigay ng bathala sa ‘yo,” paulit-ulit sinabi ng mga matandang ginang na ‘yun sa binata.

Maging sa pandinig ng binata ay umuulit at ume-echo ang mga salitang binitawan nito.

Nakahiga ngayon ang isang dalagang nakasuot ng itim na dress, pinares pa nito sa puti niyang rubber shoes. Nakalugay ang bagsak at hanggang balikat nitong buhok, nakakalat ang hibla ng mga ito sa semento.

Nasa gitna ng isang bilog na may triangulong simbolo ang babae na ‘yun, lila naman ang kulay simbolong iyon hanggang sa bigla itong naging kulay pula sa ‘di maipaliwanag na dahilan.

Ang katawan naman nito’y mahimbing na natutulog habang ang kaluluwa ng dalaga ay nakalabas na sa pisikal nitong pangangatawan, walang imik na umiiyak habang pinapanood ang binata na nahihirapang isalba siya.

“Hindi ninyo maaaring gawin siyang kauri natin dahil isang ordinaryang tao lamang siya,” giit ng binata sa mga taong gumagawa ng ritwal.

Inalis nito ang nakapalibot na gamit sa ritwal. Nagpatuloy ang mga matanda sa pagbulong sa hangin at pagsamba na tila ba’y nanalangin sila. Sa katunayan nga ay kanina pa nila inumpisahan ang nasabing ritwal. . . ang pagpapalit ng asong lobo sa tao.

“Kapag bumalik muli kami sa umpisa. Sisiguraduhin ko sa inyo na magbabayad kayo,” umalingangaw ang sigaw ng binata sa kagubatan at kasabay ang pagkulog sa kalangitan.








“Grabe, ang init talaga rito. Mukhang nasobrahan na naman sa liwanag ang araw ngayon, ah?” wala sa wisyong saad ng binatang ngayon ay nakatingin sa kalangitan.

Ang mga katagang 'yun ang nagbalik sa katinuan ni Derille. Saglit pang tiningnan ng dalaga ang tindig at mukha ni Clavion saka agad na umiwas ng tingin bago pa man siya mahuli ng binata na pasimpleng sinulyapan niya ito.

‘bakit parang pamilyar ang lahat?’ nagtatakang tanong pa ng dalaga sa kaniyang isip.

“Oo, sige. Sa dating gawi tayo,” usal ni Derille dahilan upang matigilan si Clavion.

Tumango na lamang si Derille sa harap ng binata, isang senyales na siya'y magpapaalam na.

“Kitakits na lang, sige na.”

Nauna sa paglalakad palayo si Derille habang si Clavion naman ay nakapamulsang nakatingin sa dalaga. Ilang minuto lang ang lumipas ay nagtungo na rin ito sa kaniyang klase.

Mabilis natapos ang apat na klase ni Derille at ngayon ay tutungo naman siya sa panghuli nitong klase.

Kahit na may bumabagabag sa utak ng dalaga ay pinilit pa rin niyang makinig sa klase at nag-focus. Mabilis siyang kumilos para ligpitin ang mga gamit nitong nakakalat sa mesa at patakbong lumabas sa silid.

Samantala, kasalukuyang nililibot ni Clavion ang paligid, kumbaga parang nag-cutting nga ito. Marahil siguro ay nakararamdam siya ng kakaiba rito, para bang may darating na panganib anumang oras.

Huminto sa paglalakad ang binata at napagpasyahan na lamang nito na gamitin ang kaniyang kapangyarihan.

Sa pamamagitan ng kaniyang dalawang mata, iginala niya ito hanggang sa kasulok-sulokan ng school building kung nasaan siya ngayon. . . ngunit hindi gumagalaw ang ulo nito tanging mata lamang. Para siyang naging estatwa pansamantala habang minamanmanan ang buong paligid nito.

Humihip ang masamang hangin sa gusaling kinaroroonan ni Clavion, senyales na para bang may gustong magparamdam sa kaniya. Nararamdaman din ng binata na tila ba'y may nakatingin at nagmamasid sa bawat galaw nito.

Pinilit nitong maging normal at 'wag magpalamon sa kaba at takot na kasalukuyang bumabalot sa puso nito.

Naglakad na siyang muli na animo'y normal lang siyang estudyante at pasimpleng bumabati sa kapwa rin nitong estudyante. Kaswal itong pumunta sa pinag-usapan nila ni Derille kani-kanina lamang.

Batid kasi ni Clavion na kailangan nilang magsanib-puwersa ng dalagang ilang araw na rin niyang nakakasama.

Sa kabilang dako, hindi makapakali sa upuan si Derille. Nakatuon ang mga mata niya sa unahan subalit ang utak naman niya ay lumilipad at binabasa ang nararamdaman ng isang tao malayo sa kaniya.

Tinago niya ang kamay sa ilalim ng desk at pumitik sa hangin, mabilis at parang naging robot ang lahat pawang mga hindi na gumagalaw. Pansamantala niyang pinatigilan ang paggalaw ng orasan dahilan para maging tuod ang mga tao. Tumayo siya mula sa pagkakaupo nito sa kaniyang silya at dagliang tumakbo palabas ng gusali.

Iniisip nito ang kalagayan ni Clavion. Tumigil siya sa gitna ng field at napaisip kung saan niya ito hahanapin. Biglang may bumbilyang umilaw sa tuktok ng ulo niya na nakapagbigay ng ideya sa kaniya.

“Sa dating tagpuan...”

Ngumisi siya sa kaniyang naisip at muling kumilos nang matulin. Ilang minuto lang ay naamoy niya ang natatanging amoy ng binata. Kaagad siyang nagtungo sa lugar kung saan nanggaling 'yung amoy.

Napadpad siya sa isang pamilyar na gubat. Doon ay naabutan niya si Clavion na tagaktak ang pawis at panay ang takbo ang ginagawa niya. Kitang-kita sa mukha ng binata ang pagkairita nito sa kasalukuyang sitwasyon nito.

“Oh, bakit ka tumatakbo? Hindi ba’t isa ka sa pinakamalakas sa amin? Bakit hindi mo ipakita sa ‘kin ang galing mo?”

Nakakikilabot na mga ngiti sa labi ang makikita sa mukha ng kalaban. Nakapapanindig-balahibo ang pulang mata nito at ang nakalitaw na matutulis na kuko, parang anumang oras ay ora-mismo ay susunggabin ka.

‘Kung puwede ko lang gamitin ang kapangyarihan ko ngayon, paniguradong tapos ka sa ‘king hayop ka.’ ani ng binata sa kaniyang isip.

Matalim na napatitig si Clavion sa dinadaanan nitong mga damo't punong kahoy. Nais niya sanang labanan ito subalit dahil nasa babae ang kalahati sa kapangyarihan niya'y nagdadalawang-isip siyang gawin ito.

Ngunit, naantala ang pag-iisip ng binata nang maramdaman nito ang presensiya ni Derille sa paligid napalinga ito ay doon ay natagpuan nga niya ang seryosong awra ng babae na ngayon ay nasa kalaban ang buong atensyon.

“Sino ka?” walang emosyon ang mukha ng dalaga, walang takot ang makikita sa mukha nito.

Walang inilabas na salita ang kalaban at bigla na lang ding sumugod sa gawi niya.

Daglian siyang umiwas sa pagsugod nito at hinawakan ang kamay ni Clavion, dahilan upang makaramdam ng kuryente sa katawan ang binata. Walang sinayang na oras si Derille upang patabihin ang kalaban nito.

“Dito ka lang, ah? Tatapusin ko lang ang sinimulan mo. I’ll be right back,” sinserong sabi ni Derille kay Clavion.

Hindi pa man nakatango si Clavion bigla na lang naglaho ang babae at natagpuan niya ito sa mismong likuran ng kalaban. Nakita ni Clavion kung paano nagpalit ang sa ibang anyo ang dalaga, mula sa isang normal na tao, naging asong lobo ito na may gintong mata.

Nanliliksik ang mata ng kalaban habang sumusugod. Puro iwas naman si Derille. Sa tuwing kumukuha siya ng tyempo upang ibaon ang kuko at ginuhit ng pahaba ang kuko sa balat ng kalaban, sanhi para umalulong sa sakit ito at pumapatak ang dugo sa lupa.

Hindi makapaniwala si Clavion sa kaniyang nasaksihan. Sinundan ng mga mata ni Clavion ang dugo ng kalaban. Paikot na may salitang nabubuo. A-anong...

Sinadya ba ni Derille o nagkataon lamang? namamanghang usal ni Clavion sa isip.

Nagulat ito biglang lumingon si Derille sa gawi nito at kumikislap ang mga ginto nitong mata. Ibinalik din niya ang paningin nito sa kalaban.

Dagliang dinambahan ni Derille ang likod nito kung kaya't napasubsob ito at napahiga ang katawan ng kalaban sa lupa.

Nagliparan pa ang alikabok sa hangin dahil sa lakas ng pagkakatumba nito. Inilabas ni Derille ang kuko at itinapat ito sa leeg ng kalaban. Ramdam niya ang pagpipigil hininga ng kalaban.

Akmang ilalapat na sana ni Derille ang mahahaba at matutulis niyang kuko nang biglang nagsalita ang kalaban.

“Babalikan ko muli kayo at matatapon ang lahat ng pinaghirapan ninyo, itaga n’yo ‘yan.” Isang nakakikilabot na boses ang ipinalabas ng kalaban mula sa bibig nito.

Hindi naman nagdalawang-isip si Derille na kitilin ang buhay nito upang patahimikin at doo'y tuluyan na itong nawalang ng malay.

Lumapit si Clavion sa likod ng dalaga at kaagad na inalalayan. Naghahabol ng hininga ang dalaga. Ngayon lang nakaramdam ng pagod si Derille dahil sa kaniyang ginagawa. Napanood ng binatang kasama nito ang pagbabalik anyo niya, mula sa pagiging lobo, naging mortal ito.

“A-ayos ka lang ba?” nag-a-alalang tanong ni Clavion.

Hindi sumagot ang dalaga at nakatulala lamang sa kawalan, marahil siguro, iniisip nito ang sinasabi ng kalaban kanina. Bumunot si Clavion ng panyo mula sa bulsa nito at pinunasan ang kamay ni Derille.

Bumaba ang paningin si Derille at ngumiti sa gawi ni Clavion, tila'y napawi ang problema niya sa simpleng ginawa ng binata.

Umangat ang tingin ni Clavion na nagtama ang kanilang mata at nagkatitigan. Nangungusap ang kanilang mata at para bang may sarili silang mundo.

'Di namalayan ni Clavion na tumigil ito sa kaniyang ginagawa. Si Derille ang unang umiwas ng tingin, naiilang ang dalaga sa kasalukuyang puwesto nila ng binata. Tumikhim si Clavion at tumalikod para itago ang ngiti sa labi.

Napunta ang mga mata ni Derille sa kakahuyan nang bigla itong dumilim. Kasalukuyang sumasayaw ang mga sanga ng puno na animo'y sumasabay sa lakas ng hampas ng hangin na nagmumula sa kung saan.

“How sweet naman,” malambing na sambit ng isang babae na kung saan, puno ng sarkastiko ang pananalita nito.

Mabilis hinanap ni Clavion ang boses na iyon. Kilala nito ang boses at sobrang pamilyar pa sa binata. Mabilis dumapo ang paningin nito sa punong kung saan nakatingin din si Derille.

“A-Anong ginagawa ninyo rito!?”






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top