IKA-2

Kabanata 2.



Dagliang nagtungo sa isang locker room ang babae nang maramdaman nitong may sumusunod sa kaniya. Napangisi ito dahil ang taong hinahanap niya ay kusa na rin pa lang lalapit sa dalaga.

“I thought, I wouldn't find you here...” mahinang bulong pa ng babae sa kaniyang sarili saka nagpanggap na may kukuning gamit mula sa kaniyang locker. At doo'y tahimik siyang nagtago sa likod ng pinto nito.

“He has a very special scent that is so rare to smell,” dagdag muli ng dalaga saka ngumiti dahil sa isipang hindi na ito mahihirapan pa sa trabahong inatasan sa kaniya. 

“Nasaan na kaya 'yon?” kunot-noong usisa ng lalaki no'ng tumakbo siya't hindi na nasundan pa 'yung pamilyar na babae.

Gamit ang kulay pula nitong panyo, mabilis pa sa kamay ng orasan ay natakpan na ng babae ang bibig ng lalaking sumunod sa kaniya.

Niyakap niya ito mula sa likod saka marahang ipinasok sa loob ng locker room. Pagkatapos ay naglakas-loob ang babae na humarap sa lalaki habang nakatakip pa rin ang bibig nito ng pulang panyo.

“It's you...” wala sa wisyong sambit ni Clavion nang makita niya ang kabuuan ng babae.

Huminga muna nang malalim ang babae saka pinakawalan ang binata. Pansamantala namang naging tuod si Clavion dahil sa kakaibang aura na ngayo'y nakikita niya sa dalagang hinahanap nito.

“Are you Clavion?” direktang tanong ng dalaga sa binata.

“Yes I am... wait— what?”

“I'm Derille,” naglahad ng kamay ang dalaga na siyang inabot naman ng lalaki.

“Oh,” nasabi na lang ni Clavion sa biglaang pagpapakilala ng babae sa kaniya at piniling hindi makipag-shake hands sa dalaga.

“H-how do you know me then?” 'di makapaniwalang saad ng binata sa taong kaharap nito.

“Pinadala ako para protektahan ka,” walang emosyong usal ng babae.

“H-ha?” parang baliktad yata? -bulong ng lalaki sa kaniyang sarili.

“I'm here to protect you,” pag-uulit ng babae sa naunang sinabi nito.

“You're just translating it,” kunot-noong tugon naman ni Clavion.

“Nakakaintindi ka naman pala e,” preskong reply ni Derille saka ngumisi sa harap ng binata.

“What I mean is...” bakit ako 'yung kailangan mong protektahan? Geez. —ani ng lalaki sa kaniyang isip.

“Is what?”

“Wala, wala.” Napakamot na lamang sa batok ang lalaki at umiwas ng tingin sa kaharap nito.

“I know your mom,” anas muli nito na naging dahilan upang sabay na namilog ang dalawang mata ni Clavion.

“Marcarie Jerrera, right?” dagdag pa ni Derille.

“What? But how? When did you know her?”

“I don't know the exact date but I've already known her... half of my age?” hindi siguradong tugon ng dalaga sa binata.

“Ah, okay.” nasambit na lamang ni Clavion na ngayon ay hinahayaan pa ang isip nito na magproseso.

“Alam kasi ng iyong ina na pupunta ka rito sa mundo ng mga tao, kaya ito... napilitan akong mag-enroll dito sa school dahil sabi niya, dito ka raw pumapasok.”

“Kahit kailan talaga ang babaeng 'yu—”

“Don't worry, I won't do anything to harm you.”

“Ha? E 'di ba tao ka?”

“Pfft,” nagpalabas lang siya ng tipid na tawa saka muling humarap sa 'kin.

“Bakit ka tumatawa?”

“You'll see...”

Pansamantalang nag-isip ng paraan si Clavion kung papaano ipapakita kay Derille na totoo ang impormasyong nasagap nito. Kasalukuyan na silang nasa labas ng locker room.

Sa katunayan kasi, hindi naman talaga nag-aaral si Clavion. Pangalawa, si Derille ang pinuntahan niya at sinong mag-aakala na siya rin pala ang hinahanap nito. Pangatlo, bakit parang may mali sa pagkikita nilang dalawa?

Panay ang buntong-hininga ni Clavion habang taimtim na nag-iisip at naglalakad sa hallway, kasabay niya si Derille na animo'y handa na talagang pumasok sa klase. Tumikhim ang binata at pasimpleng nagtanong sa dalaga.

“May I know kung nasaan ang klase mo?”

“Ahm...” ani Derille saka ipinakita kay Clavion ang class schedule niya. At kahit na nakita na ito ng binata, mababakas pa rin sa mukha nito ang kalituhan niya sa nangyayari ngayon.

“T-teka, bakit puro about sa science itong mga subject mo?” usisa pa ng lalaki.

“Because I'm taking a science-related course, actually. . . I've find it interesting, mas lalo na no'ng sinabi ng iba rito na maganda ang pagtuturo ng mga tao sa kung paano dapat manggamot ng kapwa nila.”

“A-ah...” nasabi na lang ni Clavion sabay tango, kunwari naiintindihan talaga 'yung sinabi ni Derille.

“How 'bout you? Aren't you taking a science-related course din? Engineer ba 'yun or something?”

Dagliang sumilay ang ngisi sa labi ni Clavion. Mabuti naman at kusang sinasabi ng babae sa kaniya ang ilang mga impormasyon na kasalukuyan nitong alam.

Ang galing talaga gumawa ng kuwento ni Marcarie, tss. -komento ni Clavion sa isip niya. Wala sa sariling napailing pa ito.

“Bakit ka umiiling? Hindi ka ba engineer?”

“Hindi pero mukhang mapipilitan ako,” makabuluhang saad ng binata sa kausap nito.

“Ha?”

“Wala, wala. Sige, mauna ka na sa klase mo.”

“Okay then... don't hesistate to call my name if you want a help. Remember me, Dannilean Erille. Derille for short.” Kumindat ang dalaga kay Clavion saka patakbong umalis sa harapan ng binata.

“I think, I must accept the changes. I guess she doesn't even remember me now, sayang ang pagpaparamdam na ginawa ko noon sa kaniya...” nalulungkot na tumingin sa bintana si Clavion. “But for sure, I will make you mine this time... Derille.”



----



Bumaba ang labi nito. Dahan-dahan nilapit nito ang bibig sa tabi ng tainga ko. Ngumisi siya’t tinitigan ako, mata sa mata.

“Are you Dannilean Erille Alforte Syvallena” mataas ang kompansiya nito sa sarili, and based his voice...

It feels like, matagal ko na siyang kilala. . . but

Namilog ang dalawang mata ko dulot ng pagkalito. Tinaas nito ang kamay at hinimas ang buhok ko. Hinigpitan ko ang kapit sa palda, alerto ang aking pandinig sa kaluskus sa paligid at para bang may nagmamasid sa amin.

“Don’t worry too much because I’m here to protect you whatever happened. Just run and hide now,” bulong nito sa ‘kin dahilan para makalma ko ang nginginig kong mga katawan.

Hinila ko ang necktie niya upang makalapit sa ‘kin. Naamoy ko ang panlalaking pabango nito, matapang. Tinago ko ang panginginig ko sa kamay ko.

“Who are you? Sino ka ba talaga sa buhay ko?”

“Hmm... it’s a good question to ask, love.” Inaamoy-amoy niya ang aking buhok na parang sanay na ito sa ginagawa niya. Nanghina ako kung kaya’t nabitawan ko ang necktie niyang hinawakan ko kani-kanina lang.

“Who am I? I’m Clavein Jailexion Jerrera Macallizter, your savior.” May halos pang-aakit nitong sambit at sa isang iglap lang ay bigla na lang itong nawala sa harapan ko.

Luminga-linga ako sa paligid. Nasa likod ako ng puno dinala ng lalaking...

Ano nga ulit pangalan niya?

Sumilip ako't nakita ko ulit siya sa isa sa pinakamatandang punong nakatanim dito. At dahil sa kalayuan, hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila pati ang kausap niya'y 'di ko rin makita. Nakatalikod sa akin ang lalaki dahilan upang matakpan ang mukha ng kausap nito na isang lalaki rin.

Ibinaba ko ang paningin ko sa kamay niyang nakayukom na. Napatakip ako ng bibig nang biglang sumugod siya sa lalaki. Nakatutok ang patalim nito sa binata.

Umilag ka, please.

“Of course, baby love.”

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig niyang sinabi ng binata. Ibig sabihin, nababasa nito ang iniisip ko. Mabilis itong umilag na siyang ikinainis ng kalaban nito.

Nakita ko kung paano nag-iba ang mata ng lalaking kausap ko lang kanina. Sa isang kurap lang ay napunta na ang binata sa likod ng taong kausap nito at may binulong siya rito na nagpamutla sa taong ‘yun. Sinundan ko na lamang nang tingin ang pagkaripas ng takbo ng lalaking hindi ko alam kung sino.

“As what I’ve said earlier to you, I will protect you no matter what happened. This is a promise that I have in you ‘till the very end of my breath.”

Ilang beses akong kumurap dahil sa narinig ko. Kasalukuyan na siyang nasa likuran ko. Grabe, ang bilis niya. Tumingin ako sa gawi nito na parang kanina lang ay nasa malayo itong puwesto ngunit nawala siya ulit.

Haharap sana ako nang biglang niyakap ako nito sa likod at saka malapad na ngumiti sa gawi ko.





.
.
.





Dagliang nangunot ang noo ni Derille mula sa isang wirdong alaala na 'di niya alam kung saan nanggaling o sa kung paano siya nagkaroon nito. Bigla na lang din kasing pumasok sa isip niya iyon kaya nagtataka ang dalaga.

“Anong kababalaghan ang ibig sabihin no'n? And who is that weird guy? B-bakit parang magaan ang pakiramdam ko sa kaniya?” kunot-noong tinanong ni Derille ang sarili niya habang nakatitig sa salamin. Nasa cr siya ngayon ng school at kasalukuyang naka-break time.

At sakto naman sa paglabas nito, nakita niyang nasa labas ng building itong si Clavion. Kasalukuyang nagtatago sa puno na sobrang pamilyar din sa dalaga. Nang mapansin niya ito'y tiningnan niya ang paligid at doo'y napag-alaman niyang may kauri siyang nakapasok sa school nila.

Patakbong lumabas si Derille saka lumapit kay Clavion.

“Are you okay?” bungad nito nang tuluyan na siyang nakalapit sa binata.

“Yes I am, I just can't...” use my power right now kasi bawal iyon at may kapalit na parusa sa mundo namin. —bulong muli ni Clavion sa kaniyang sarili.

Tumango lang ang dalaga sa kaniya at hinayaan ang sarili niyang kumalma. “Stay here,” utos ni Derille na siyang sinunod ni Clavion.

“I can't afford to lose you,” dagdag pa ng dalaga na siyang nagpahinto sa lalaki na mag-isip ng kung ano-ano. Sabay inilagay ni Derille ang kamay niya sa magkabilaang balikat ng binata.

“Ikaw na lang ang tanging dahilan kung bakit nakatanggap ako ng tiwala at sisiguraduhin kong hindi ko sisirain ang tiwalang iyon.” Seryosong tumingin si Derille kay Clavion.

“O-okay...”

Huminga nang malalim si Derille bago ngumiti sa binata. Iniwan na niya ito sa puno at matalim na nakipagtitigan sa kauri nitong tao.

Sa isang iglap, nagawang maging taong lobo ni Derille gayundin ang kalaban nito na nag-aabang na masunggaban si Clavion.

Sa sobrang curious ay hindi napigilan ni Clavion na 'di manood sa kasalukuyang nangyayari.

“What kind of— kaya mong mag-transform as a wolf!?” bakas ang pagkagulat ng binata sa nakita nito.

Kailan pa siya natutong ilabas 'yan? At sa paanong paraan niya pinag-aralan 'to!? -bulalas ni Clavion sa kaniyang isip.

Kumindat ang babaeng si Derille kay Clavion at sa isang wasiwas lamang ng kaniyang matutulis na kuko, namatay na ang taong lobo na gustong ipahamak si Clavion.

“H-hindi ako makapaniwala...” napaawang ang labi ni Clavion at tila ba'y naging tuod na nakatitig ngayon kay Derille.

“Impressed already?” Lihim na ngumiti ang binata at dagliang tumanggi sa tanong ng dalaga.

“Aren't you afraid?” may halong pagdududa na usisa ni Derille kay Clavion.

“Medyo...” sambit ni Clavion na umakting pa na parang natatakot talaga kahit hindi. Nag-tranform na bilang tao ang dalaga at marahan lumapit muli sa binatang iniligtas nito.

“Oh, I see. Nagpapanggap ka lang na hindi ka takot 'no?” Napalunok ang binata sa nasabi ng dalaga sa kaniya.

“Actually... I'm a—”

Hindi naituloy ni Clavion ang dapat na sasabihin niya nang biglang tumunog ang bell ng school nila.

“I guess, next time na lang?”

“Ang alin?”

“My thank you gift for you,” usal ni Clavion saka nakangiting tumitig kay Derille dahilan upang dagliang umiwas ng tingin ang dalaga.








Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top