IKA-1
Kabanata 1.
“At sa babaeng ito nailipat ang kalahati sa kapangyarihan mo, tama?” seryoso munit may bahid ng awtoridad na saad ng isang matipunong lalaki na para bang nagsasalita ito sa ibang lengguwahe.
Huminga ito nang malalim saka marahang hinilot ang sintido niya. Gusto niyang magalit subalit mas nangibabaw ang pag-aalala nito sa kaniyang anak na lalaki.
Nakasuot ang lalaking 'to ng kulay abong coat, puting shirt na ipinares pa sa isang itim na pants at sapatos.
Matalim na tumitig ang nakatayong lalaki sa binatang nakaupo ngayon sa gitna nitong silid kung saan tanging mga kandila lamang ang nagsisilbi nilang mga ilaw.
Kapansin-pansin ang malaperas nilang mga kutis na animo’y ilan taon silang nakapagtago sa araw. Hindi mo makikitaan ng kahit na anong dumi ang kanilang mga katawan.
“Dahil kasi sa kahibangan mong makapangasawa ng hindi natin kauri, hayan. Ayan ang napapala ng batang pasaway,” panenermon muli ng lalaki.
At ang lalaking ito ay ang ama ng binata, ang punong-pinuno sa kanilang angkan na Macallizter.
Ang pamilyang Macallizter ay isa sa makapangyarihan at kilalang angkan na may pinakamalakas na mga taong lobo. Ang lahat ay napapasunod nila at kaya nilang pumaslang sa isang kislap-mata lamang.
Ang bawat pamilya may pinaglalabang rank kada taon. At sa bawat isang taon na 'yun ay makikita ang kagalingan, kaayusan, katapangan at kalakasan sa kanila. Kumbaga, matira ang matibay. Hindi ka maaari umaatras kapag may laban sapagkat kayo ay mayroong sumpaan na dapat gawin.
At ang Macallizter family ang nangunguna sa karamihan ng ranking at sila ang nakaupo sa trono ng mahigit sampung taon. Tinawag na rin silang “Allizt Clan o A.C.” na isang pinaikling tawag sa pamilya nila.
Sa kabilang banda, tanging ang mag-ama lamang ang nasa tagong silid ngayon. Kasalukuyan niyang sinesermunan ang kaniyang anak na lalaki na kung titingnan mo naman ang postura ngayon ay para bang balewala lang ang mga sinasabi nito sa kaniya.
Prenteng nakaupo sa kaniyang silya ang binata, nakapatong pa ang mga paa nito sa lamesa na pawang natutuwa pa dahil sa mga nasasabi ng isang tao na ngayon ay seryoso siyang tinititigan sa puwesto nito.
“Sinubukan ko lang siyang iligtas, okay? Hindi ko naman lubos akalain na may plano pala talaga ang kulelat na ‘yun,” depensa ng binata sa ama nito.
“Hindi ba’t nakailang ulit na akong nagsabi sa iyo na huwag kang pupunta sa mundo ng mga tao? Paano na lang kung may ginawa sila sa ‘yo, ha?”
“Kung gano’n man, e ‘di sana may pinaglalamayan na kayo ngayon,” walang emosyong saad ng binatilyo.
Dagliang tumaas ang dugo ng kaniyang ama dahil sa narinig na tugon ng anak nito ngunit, nilabanan pa rin niya ito at pinilit na magpakahinahon.
“Sa aming lahat, ikaw ang higit na nakakaalam kung gaano kadelikado para sa ating iba ang katauhan na makisalamuha sa mga mortal.” Sinserong wika ng ama ng binatilyo.
Walang imik pa rin ang binata, imbis na sumagot ay pinili na lamang nito na makipagtitigan sa dingding at kisame ng kuwarto kung nasaan siya ngayon.
“Clavion, kinakausap pa kita.” maawtoridad na tawag ni Cylaveno Macallizter, ang ama ng binata, kapitagang pinuno ng AC.
Nanatiling tahimik si Clavion. Hindi nito iniinda ang galit ng ama sapagkat sanay na ito sa gano'ng sitwasyon.
“Bakit ka pa kampante r'yan at walang ginagawa? Ano ng balak mo, ha?” Mula sa madilim na sulok ng kuwarto, may isang tinig na biglang nagpatigil sa dalawa.
“Clav, alam mong kailangan ka namin mas lalo na ngayong malapit na ulit ang full moon.” Sabay na napatingin sa pinto ang mag-ama nang marinig nila ang isang pamilyar na boses.
Doon iniluwa nito ang isang balingkinitang babae, hapit ang suot nitong kulay pulang dress na hanggang tuhod ang haba, may itim na belt at kulay itim na heels.
Mataman ang paningin nito sa dalawang lalaki at walang imik na naglakad palapit sa kanila.
“Mabuti naman at dumating ka na, Marcarie. Tulungan mo akong ayusin itong anak mo,” bungad ni Cylaveno sa babaeng nagngangalang Marcarie.
“Maayos naman siya, Cylaveno. Ikaw lang itong hindi,” tila walang ganang banat ni Marcarie sa lalaking sumalubong sa kaniya. Sila ang nagkupkop at tumatayong mga magulang ni Clavion.
Cylaveno Macallizter at Marcarie Jerrera. Kasal sila at parehong taong lobo. May tatlong anak, dalawang babae, isang lalaki. Si Clavion lamang ang nag-iisang anak na lalaki nila.
“Anong sinabi mo?” hindi makapaniwalang anas ni Cylaveno kay Marcarie ngunit imbis na sagutin siya nito'y natuon kay Clavion ang atensyon ng babae.
“Ano na, Clav?”
Huminga nang malalim si Clavion at handa na sanang magsalita kung hindi lang umentrada ang ama nito. Napailing na lamang ang binata sa dalawang matanda na nasa harapan niya ngayon, kapwa nagbabangayan.
“At talagang ayaw mo pa ako pansinin?”
“Hindi naman kasi ikaw 'yung pinunta ko rito, Cylaveno.”
“Tsk, wala ka talagang kuwentang asawa.”
“Mahal mo naman,” buo ang kompiyansang usal naman ni Marcarie.
“Mukha mo,” nasabi na lamang ni Cylaveno sa babae.
“So ano na, Clavion?” ani Marcarie na bahagya pang pinatunog ang suot niyang heels. Crossed arms at nanliliit ang mga matang tumitig sa binatilyo.
“Huwag kayo mag-aalala sapagkat may solusyon ako sa lahat,” Clavion said with an reassuring smile on his face.
Tumayo siya at tumalikod sa mga magulang niya. At kasabay sa pagpitik niya ng dalawang daliri nito ay ang kaniyang pagkawala na parang bula.
“Siguraduhin niya lang talaga na hindi siya uuwing bangkay sa pamamahay na 'to.” Marcarie said letting out a heavy sighed.
“Walang duda 'yan, malakas si Clavion kaya niya ang sarili niya at napatunayan na natin 'yun.”
Si Clavion kasi ang namumuno sa libo-libong sundalo na kalat sa paligid ng kanilang palasyo at ilang lupain na hawak din nila. Bukod-tanging siya lamang ang nakakakuha ng mataas na ranggo sa anak ng bawat pamilyang may lahing asong lobo.
Subalit madalas, ang binatang ito ay pinapangunahan ang desisyon ng kanyang ama maski ng kaniyang ina na si Marcarie.
“Oo nga pero ina ako, hindi ko maiwasang 'di mag-alala.” Sinserong sambit ni Marcarie sa kaniyang asawa.
“Ako rin naman, mahal. Ipasa-bathala na lamang natin ang kaligtasan niya.” Isang tango na lang ang iginanti ng asawa ni Cylaveno matapos niyang magsalita rito.
Sa kabilang dako, si Clavion ay napadpad sa labas ng kanilang palasyo. Pasimple pa itong nag-inat ng kaniyang mga braso. Suot ang isang kulay itim na hoodie, nagtago siya't lakad-takbong pumunta sa kagubatan.
At nang malaman nitong nasa gitna na siya ng malawak na kagubatan ay tumigil siya sa paglalakad at taimtim na sinuri ang paligid.
Ilang huni ng mga iba't ibang mga ibon ang naririnig niya pati ang paghampas ng hangin sa mga puno'y malinaw din sa tainga nito.
Daglian niyang ginamit ang kaniyang pang-amoy nang may napansin itong kahina-hinala. Naramdaman nito ang kauri niyang asong lobo rin sa paligid kung kaya't naging mapagmatiyag siya.
Ilang segundo pa lang ang lumipas ay nagpalabas na ng kulay pulang mata si Clavion at doo'y lumitaw naman ang inaasahan niyang tao.
Naibalik sa normal na kulay ang mga mata ni Clavion at kinausap ang isang punong-kawal kasama ng ilan pa nitong miyembro.
“Ano po ang inyong paglilingkod ko sa 'yo, mahal na Jerrera,” pagbibigay-galang ng punong-kawal sa katungkulan ni Clavion sa kanilang angkan.
Inilagay ng lalaki ang kamay nito sa bandang dibdib niya saka yumuko sa harapan ng binata.
Sa pagbibigay ng galang sa kinikilalang mataas na ranggong taong lobo, ang lahat ng nasa mababang lebel nila ay dapat silang tawagin sa gitnang pangalan nila.
Ito ay upang ipaalam at magbigay-pugay sa kanilang mga ina na nagpalaki, nagkupkop at nagluwal sa kanila.
Hindi maaaring tawagin sila sa mismong pangalan nila sapagkat tanging ang kadugo lamang ng pamilya ang maaaring tumawag nito.
Sinabi ni Clavion ang pakay niya sa kanila. May ilan umaayaw sa desisyon ng binata at nagkakatingan pa ang iba. Marahil siguro, alam nilang bawal na pinapagawa ng binata sa kanila.
“Gusto kong hanapin ninyo ang babaeng ito sa mundo ng mga tao, isa na siyang ganap na taong lobo at kasalukuyang pagala-gala roon.”
“Subalit, mahal na Jerrera...”
“Ngayon, buhay ninyo ang magiging kapalit kapag ang babae ay nasaktan o pinatay ng kalaban natin.”
Malamig ang mga tinging ibinato ni Clavion sa mga kawal na inutusan niya saka siya marahang lumapit at pasimpleng inilagay ang litrato ng babae sa bulsa ng punong-kawal.
Hindi linggid sa kaalaman ng lahat na mahigpit na ipinagbabawal sa kanila ang pagtungo sa ibang mundo.
Dahil ang lagusan na nagdurugtong sa mga ito ay maaaring makapagdulot ng hindi magandang pangitain o maging hugyat ito ng mga digmaan na siyang wawasak sa lahat ng uri ng kapayapaan na mayroon ang bawat mundo.
Nasa batas na nila ito at kung sino man ang mapangahas na gumawa nito'y hahatulan ng kamatayan.
“Hindi naman sa pinapangunahan ko po kita subalit, hindi po namin magagawa ang pinapagawa ninyo. Tiyak na mabubuksan naman ang tinatagong nakaraan sa matagal ng natapos,” pahayag ng lalaking naglakas-loob na lumabas sa dilim. Isa rin ito sa kumpol ng mga kawal na nandoon.
“Kung hindi ninyo gagawin ang pinapagawa ko, maaaring mapahamak ang inyong pamilya at kasamahan n'yo,” pagbabanta nito sa kanila.
Ang kaninang lalaki na naglakas na loob magsalita ay napaatras sa takot at tumingin sa kasamahan. Wala na silang magagawa kundi pumayag sa kagustuhan ng binata kahit na labag ito sa loob nila maski sa batas na mayroon sila sa kanilang mundo.
Hindi na nito pinakinggan ang magiging sagot ng lahat sapagkat umalis na rin si Clavion. Mataas ang kompansiya nito sa sarili na magiging maganda ang resulta ng pagpunta niya at hindi masasayang.
Nakarating ito sa templo ng mga asong lobo. Binuksan nito ang pinto at daluyan sa mundong ng mga tao. Luma at kapangyarihan ang pintong ito. Unti-unting lumalaki ang bilog na asul na daan sa mga tao. Wala itong alinlangan pumasok doon.
Lumabas ito sa gilid ng kalsada. Puro daga at maruming basura ang nakikita nito at naamoy.
Sa bawat paghakbang nito ay nabubulabong ang nakatira sa ilalim ng kanal. Kinuha nito ang bag sa ilalim ng damo at sinukbit sa isang balikat. Umalis kaagad ito sa lugar na 'yun at sumakay sa sasakyan, isang bisikleta na ninakaw lamang nito sa tabi-tabi.
Gumawa ng sariling paglalakbay ang binata para masiguradong mahanap iyong babaeng nakasama nito sa ritwal.
Habang suot ang kaniyang hoodie jacket na kulay itim, pinagana ni Clavion ang matalas nilang mata at pang-amoy at dahil nalapitan, nahawakan at nalagyan na niya ito ng marka, madali lang para kay Clavion na hanapin ang babaeng iyon.
Dala ang isang nakaw na bisikleta napadpad siya sa isang eskuwelahan. Pansamantala munang nagmasid ang binata bago tuluyang pumasok sa lugar.
Pagpasok nito sa school. Sinalubong siya ng iba't ibang estudyante na panay sulyap sa kaniya. May mga nagbubulungan, nagtutulakan at ilang tao naman na nagpipigil ng tili.
May isang babae na naglakas-loob na lapitan at kausapin siya ngunit hindi niya ito pinagtuonan ng pansin at dere-deretso lang sa paglalakad. Napabuntong-hininga ito at pinigilan ang sarili na sunggaban ang mga taong malapit sa kaniya.
Nakamulsa itong naglalakad sa hallway ng paaralan na para bang isa siyang modelo na makikita mong rumarampa sa telebisyon.
Subalit, napatigil ito sa paglalakad nang biglang may bumangga sa balikat nito. Huminga nang malalim si Clavion bago hinarap ang babae.
Mataman niya itong tinitigan at doo'y nakaramdam ng kakaibang nginig ang binata, para bang may kuryenteng dumaloy sa buong sistema nito dahilan para mabuhayan siya lalo.
“Hala, sorry po. Nagmamadali lang,” nakatungong usal nito saka nagpatuloy sa pagtakbo sa hallway dala ang ilang gamit nito na nasa bag niya't ilang libro na bitbit naman niya sa kaniyang braso.
Mukha man siyang ordinaryong tao ay bakas pa rin sa amoy nito ang kapangyarihang nawala sa binata at ramdam iyon ni Clavion. Napako siya sa kinatatayuan niya dahilan upang makalayo ang dalaga sa puwesto nito.
“Ang babaeng ‘yun...” Napangiti si Clavion nang mapagtanto kung sino ang babaeng nakabangga niya.
“Nahanap na rin kita sa wakas,” aniya saka taimtim na sinundan ang babae.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top