SPECIAL CHAPTER


I'm casually sipping a tea while staring at the window. I heaved a sigh.

Ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng kapayapaan. Walang mga estudyante sa opisina ko, tapos na kong umattend ng mga meeting, at wala ring mga opisyal na nagungulit sa akin.


Prente akong sumandal sa upuan habang nakatingin sa magandang tanawin ng paaralan ko. Sana ay ganito na lang parati.

Muli dapat akong hihigop ng tsaa nang matigilan ako.



A scenario popped in my head.


Namilog ang mga mata ko at napaawang ang bibig ko. Nang muli akong nakabalik sa kasalukuyan ay kusang gumalaw ang katawan ko.

Saktong pag-galaw ko ay may bola ng baseball na tumama sa bintana ko.

Its the same scenario that I saw. Ang ipinagkaiba nga lang ay sa tasa ko sana tatama ang bola kung hindi ako naka-iwas.


I gritted my teeth as I held my cup like its the most precious thing in the world.


Nang akala kong naligtas ko ang tasa ko ay nagkamali ako. Masyado akong nadala ng inis at pagkabigla na hindi ko man lang napahinto ang oras.

Parang bumagal ang pagtakbo ng oras nang tignan ko ang bola ng baseball na dumeretso sa cabinet ko.


Ang cabinet kong lagayan ng lahat ng mga tasa ko sa loob ng ilang dekada.



"N-No!"



My eyes slowly widened as I watch my tea cups fell one by one. Tila nanghina ako at hindi ko man lang nagamit ang gift ko para iligtas ang iba.



Humigpit ang pagkakasara ng kamay ko at nanginginig ito sa galit. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko nang marinig ko ang pagkabasag ng huling tasa.

Tinapunan ko ng tingin ang mga salarin na nabigla rin sa pangyayari.

Sumalubong sa akin ang nakaawang na bibig ni Law na may suot na baseball glove, at ang hindi maipintang mukha ni Zeldrick na may hawak na baseball bat.

Kahit si Elroy na nakaupo lamang sa ilalim ng puno ay natigilan sa paglalaro nang masaksihan ang nangyari.



"FREAKING BRATS!!!"





Nakailang singhap at ismid na ko sa loob ng opisina ko. Pabalik-balik ako sa paglalakad habang may dalawang estudyanteng nakayuko sa harapan.

"S-Sorry-"


"Shut up." Walang kaemo-emosyong sambit ko kay Law.


Pareho silang nakayuko ni Zeldrick at hindi magawang makatingin sa akin. Matapos nilang mahagis ang bola sa opisina ko ay nagtulakan sila papunta rito.


Hinihintay namin ang taong inaasahan nilang makakaligtas sa kanila.


"Yosh! I'm here!"

Bumukas ang pinto at sumalubong sa amin ang isa pang kutong lupa. Ang guild's master nila.

Masiglang pumasok sa loob si Gin habang inililibot ang tingin sa silid. Naglaho ang ngiti niya sa labi nang mapako ang tingin niya sa mga basag na tasa.


"O-Oh..."


I gave him a serious look. Hindi ko napagagawang magsalita ay naunahan na ko Gin.


"I-I'm sorry Helena, babayaran na lang namin-"

"Babayaran?! Sa tingin niyo ba ay makakabili pa ko ng mga tasang ganiyan?!"




Napapikit si Gin nang umalingawngaw ang boses ko sa silid. Mas lalong bumaba ang pagkakayuko nina Law at Zeldrick.



"I-I'm sorry Principal! Masyado po kasing mataas ang pagkakahagis ni Law!" Natatakot na sambit ni Zeldrick.

Umangat si Law na nakakunot ang noo. "Oi, oi. Ang sabi mo sa akin ay taasan ko ang paghagis dahil gusto mong maghome run!"


Umangat na rin sa pagkakayuko si Zeldrick at hinarap nito ang kasama niya. "I told you to throw it in 45° angle! Not 80°!"


Nagsimulang mag-away ang dalawang bata sa harapan ko. Mas lalong humigpit ang pagkakasara ng kamao at hindi ko namalayan na hawak-hawak ko pa pala ang nag-iisang tasa na meron na lang ako.

Kapwa natigilan sina Zeldrick at Law nang marinig ang pagbasag ng tasa. Pare-parehong napaawang ang mga bibig namin nang makitang nabasag ang tasang hawak ko.


F-Fuck...


"H-Helena-"


"Get out."

Natikom ang bibig ni Gin nang walang ekspresyon ko silang tinapunan ng tingin.

"P-Principal-"

"I said, get the hell out!"


Tanging paglunok na lamang ng malalim ang nagawa nilang tatlo bago lumabas ng opisina ko.

Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili ko.

Shit.

Shit.

Shit!



I heaved a sigh. Umupo ako sa upuan upang kumalma kahit papaano.

Napahawak ako sa noo ko bago muling tapunan ng tingin ang mga tasang basag.


"Tsk,"

I went to my table to get some money before leaving the room.

Hindi pera ang problema rito kung hindi mismo ang mga tasa ko.

Inipon ko sila sa loob nang isang siglo. Hindi sila basta-basta mapapalitan.


Walang gana akong umalis ng Academy upang bumili ng panibagong set ng mga tasa. Wala naman nakong magagawa kung hindi bumili na lang ng bago.

Hindi ko sila mababalik sa pamamagitan ng pagsaway ko sa mga estudyante ko. At hindi rin ito ganun ka importante para ibalik ko ang nakaraan.


Nakatingin ako sa bintana at hindi ko mapigilang mapaisip.

Hindi na ko kasing lakas nang dati. Hindi ko na pwedeng galawin ang oras ng basta-basta.




I went to the most expensive tea set shop and bought a new set.

Palubog na rin ang araw nang makabalik ako sa academy. Wala akong balitang naririnig mula sa mga estudyante ko.


Napabuntong hininga ako habang dala-dala ang pinamili ko at papunta sa opisina ko.


Nang binuksan ko ang pinto ay hindi ko inaasahan ang bumungad sa akin. To my surprise, all of the Grim Reapers were here, waiting for me.


"We're really sorry, Principal!" Parehong sambit nina Law at Zeldrick.


Hindi ko magawang makasagot dahil sa pagkabigla. Natauhan na lang ako nang kunin sa akin ni Scarlet ang pinamili ko.

"They have a gift for you." Nakangiti niyang sambit sa akin.


Nakakunot noo kong tinignan ang dalawang estudyante ko. Bigla na lamang nag-abot sa akin si Law ng isang kahon.


They all waited for me to open it. Bakas sa mukha ni Zeldrick na mas excited pa itong buksan ito kaysa sa akin.

Hindi ko pinatagal ang oras at binuksan ko ang kahon. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa bumungad sa akin.


Its a set of tea cups..... for kids.


Iba't ibang disenyo ang nakalagay rito. May mga aso, rainbow, at maski unicorn.


"Woah!!! You liked it, right?! You liked it!" Masiglang sambit sa akin ni Zeldrick.

"Oi, oi. Syempre, ano ka ba. Tayo ata ung pumili." Pagmamalaki ni Law.


Nanatili akong tahimik. Nang makita nina Gin ang laman ng kahon ay hindi maipinta ang mga mukha nila.

"Idiot!"


Rinig ko ang paghampas ni Lemon sa dalawang lalaki na walang alam.

Napabuntong hininga na lamang ako bago sila harapin. Napalunok nang malalim si Elroy at bakas ang takot sa mukha sa Scarlet.


"H-Helena-"


"Thank you."

Natigilan ang mga estudyante ko sa reaksyon ko. I flashed a smile and showed them the tea cups.


"Thank you, I love it."




Natapos ang araw na iyon na buhay si Law at Zeldrick. I just can't get mad at them for so long. Kahit ginagago ako ng mga estudyante ko.


Balak ko na sanang magpahinga nang makarinig ako ng katok sa pintuan ng opisina ko.

My forehead furrowed. Sinong pupunta rito ng ganitong oras?


"Come in."

Unti-unting bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang taong hindi ko inaasahan.


"Bora." Pagtawag ko.


Casual itong pumasok sa opisina ko. The Principal of the Solar Academy is here.

"Anong ginagawa mo rito sa ganitong oras?" Muling sambit ko.



Nagbago ang ekspresyon ko nang nakitang seryoso ang itsura ni Bora. He's not in usual self.


"We need to talk Helena. Seryoso ito."



Naupo ako sa harapan ng lalaking kasama ko. Tumatama sa amin ang sinag ng dalawang buwan na tumatagos sa bintana. Tila nagkaroon ng tensyon sa silid.


"Nabanggit mo sa akin na meron kang estudyante na walang katawan, hindi ba?"


Nakuha ng sinabi Bora ang atensyon ko. Nabanggit ko sa kanila noon ang kaso ni Lemon Kievah.

"Anong meron sa kaniya?" Marahang tanong ko.


Malalim na huminga si Bora bago niya ko tapunan ng tingin.


"Hindi siya nag-iisa Helena. Maraming ganung kaso katulad sa kaniya."


Namilog ang mga mata ko at mahigpit akong napahawak sa pambaba ko.



"Merong paparating Helena. At hindi ko yun kayang pigilan mag-isa. It will be a battle between the Gifteds...."



"and a God itself."



•••

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top