9. Familiar
Nakaharap ako sa quest board at isa-isang binabasa ang mga papel na nakapaskil dito. I'm looking for a new mission.
"May nahanap ka na?" biglaang sambit ni Scarlet. Tumabi ito sa akin at inabutan ako ng tasa.
Hindi ako nagdalawang isip na kunin ito at inumin. Hindi ko na 'to nagawang tignan dahil busy ako sa pagtingin sa mga missions.
Natauhan na lang ako nang malasahan 'to. Hindi maipinta ang mukha ko nang malasahan ang nakalagay sa tasa.
It's a freaking tea.
Iritado akong humarap kay Scarlet. "How many times do I have to tell you, that I hate teas?!" giit ko.
Lagi niya na lang akong binibigyan at pinapainom nito kapag nagkaroon siya ng chansa.
Nagmamaang-maangan na humarap sa akin ang babaeng katabi ko.
"Oh, sorry. Akala ko coffee, hehe," kaswal na sambit niya bago kunin sa akin ang tasa.
Napabuntong-hininga na lamang ako. Her usual reason.
Pinunta ko na lang ulit ang atensyon ko sa mga mission.
"Oh, look. Mukhang maganda ito," biglaang sambit ni Evan. Kapwa ko ay tumitingin din ito ng missions.
Pareho kaming napatingin ni Scarlet sa tinuro niya.
'Wanted. Gifteds. Need to escort us in finding a lost treasure. Price: Half of the treasure.'
Kumunot ang noo ko sa nabasa. There is no way that this is real. Lost treasures are just for kids. Sinong Gifted ang-
"Wah!!! Tara! Gawin natin 'yong mission! Exciting!" masiglang sambit ni Scarlet.
Napangiwi ako sa sinabi niya, kahit na inaasahan ko na rin naman 'yon.
"Lost treasures are just legends. They're not true." Inilipat ko ang tingin ko sa ibang bagay.
Nakangising humarap sa akin si Scarlet. "The same as phoenix. But I exist."
She looks so proud while pointing at herself. Napabuntong-hininga na lang ako at hindi na sumagot. Isang tango ang ipinakita ko kay Scarlet na mas lalong kinasaya niya. Hindi ko siya kayang hindian.
Kinuha naming tatlo nina Scarlet at Evan ang mission. Kailangan naming samahan ang isang grupo ng mga ordinaryong tao.
There are six of them. Para silang magma-mountain hike dahil sa mga suot nila. It looks like they're pretty serious about this.
We went to a town called Rosa.
Hindi ko alam kung town ba talaga ang tawag dito. Napalilibutan ng kagubatan ang buong lugar. Mukhang walang sibilisasyon dito.
"Sigurado ba kayong nandito talaga 'yong treasure na sinasabi ninyo? Tsaka, saan niyo ba nakuha 'yong information na 'yan?" tanong ko.
This group is a bunch of nerds. Hindi na 'ko nagtataka na naniwala sila sa information na nakuha nila.
"I've read it from a book! Isang dinosaur daw ang nagbabantay sa Treasure!" namamanghang sambit ng isa sa kanila.
Mabilis kong pinigilan ang sarili kong tumawa. Napasobra na nga ata siya sa libro.
"W-Woah! Talaga?!" hindi makapaniwalang sambit ni Scarlet. Manghang-mangha siya sa narinig.
Isang tango ang sinagot sa kaniya ng nerd na kausap ko. Inayos niya ang suot niyang salamin at naglabas ng isang libro sa backpack niya.
Kung hindi ka ba naman nagpapatawa. Sinong magdadala ng libro sa ganitong panahon. Imbis pagkain na lang or weapon kung sakaling may mangyari sa amin ang dalhin niya. Anong maitutulong ng libro?
"Sabi rito na isang 80-million-year-old na Tyrannosaurus rex ang nagbabantay sa treasure. Mayroon daw itong hinihintay na owner," pagpapaliwanag ng nerd.
Napabuntong-hininga na lamang ako habang inilibot ang tingin. Hindi ako interesado sa kwento niya.
"Weh? Sino 'yong owner niya?" namamanghang tanong ni Scarlet. Para kumikislap ang mga mata niya habang nakikinig sa kliyente namin.
"Well, ang sabi sa libro ay makikilala lang ang owner niya kapag binigkas ang mga salitang 'sas kaló ypálliló mou.' Kapag ang tamang tao ang bumanggit nito ay mananatiling tapat sa kaniya ang T-rex. It will be his/her familiar for the rest of his/her life," dagdag ng nerd.
Umawang ang bibig ni Scarlet sa narinig. "Wah! Familiar! Narinig niyo 'yon?! Tayong mga Gifteds ang may kakayahang magkaroon ng familiar! Baka isang Gifted ang hinihintay ng T-rex!"
Malalim akong huminga at tumango. All I have to do is agree.
Scarlet mentioned to me that before. May kakayahan ang mga Gifteds na magkaroon ng isang familiar or isang loyal companion. But neither of us have that. Dahil hindi namin alam kung paano makakuha nito.
"Okay na, okay na. Pwede na ba tayo mauna," walang ganang sambit ko.
Tawa ang sinagot nila sa akin bago kami nagpatuloy sa paglalakad.
Wala akong makitang bakanteng pwesto sa lugar na ito. Lahat ay pinalilibutan ng mga puno.
We continued walking until we heard a loud roar coming from the forest. Nagsiliparan ang mga ibon. Everyone stopped moving.
Maski ako ay natigilan sa pwesto ko. Hindi iyon tunog ng isang hayop sa gubat....
Napalunok ako nang malalim. I hate to admit it but I think I'm starting to believe in that nerd.
"Sir, saan po ba nakalagay ang treasure?" kalmadong tanong ni Evan.
Natauhan sa sinabi niya ang isa sa mga kliyente namin. "A-Ah. Sabi rito sa libro na nakatago raw sa isang mansyon ang mga kayamanan," sagot ng isa sa kanila.
Kumunot ang noo ko. "The heck? May nakikita ka man lang ba na patag na lugar dito? Sa tingin mo magkakamansyon pa?" iritadong kumento ko.
Naging balisa sila sa sinabi ko. Balak na sanang magsalita ng isa sa kanila nang maunahan siya ng kasama niya.
"S-Si Jessie! Nawawala si Jessie!" biglaang sambit nito.
Pareho-pareho kaming nabigla. Doon ko lang napansin na lima na lang pala sila. What the heck?! Para saan pa na kinuha nila kami rito sa trabaho kung kikilos din sila mag-isa?!
Bago ako maka-react ay nabigla ako nang nagbago ang mga mata ni Scarlet. She turned her hands into wings.
"I'll go find her!" sambit ng babaeng kasama ko.
"H-Hey! Hindi pa natin alam kung ano ang nando'n!-" giit ni Evan.
Hindi kami pinakinggan ni Scarlet at lumipad na ito palayo. Napaismid na lamang ako. This woman!
Akmang susundan siya ni Evan nang mabilis ko itong pigilan.
"Stay with them, Evan. Ako na ang susunod sa kaniya," ma-awtoridad na sambit ko.
Natigilan si Evan sa sinabi ko. Alam kong nag-aalala siya pero isang tango ang sinagot niya sa akin.
Mabilis kong sinundan si Scarlet. Kahit kailan talaga ang babae na iyon—she's too kind that she thinks about others first before herself!
Habang tumatakbo ay narinig ko ang pagtawag ni Scarlet kay Jessie. Agad ko itong sinundan.
Sa dami ng puno at mga naglalakihang dahon na tumatama sa akin sa pagtakbo, hindi nagtagal ay bumungad sa akin si Scarlet at isang babae sa likod niya. Mabilis ko na sana silang lalapitan nang matauhan ako kung ano ang tinitignan nila.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang sumalubong sa akin ang isang napakalaking nilalang.
It's freaking real. There really is a T-rex here.
Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Pero ang mas lalong nagpahina sa akin ay ang dahan-dahang paglapit ni Scarlet sa nilalang.
"S-Scarlet!" mahinang pagsuway ko.
Napaismid ako nang hindi ako nito pinakinggan.
Maingat na lumapit si Scarlet sa T-rex. "sas kaló ypálliló mou," kalmado niyang sambit.
Pare-pareho naming hinintay ang mangyayari. Biglaang nagkaroon ng sandaling katahimikan sa punto na ang pagtibok lang ng puso ko ang naririnig ko. Only seconds have passed when the dinosaur suddenly roared.
Mabilis kaming natauhan. I felt my eyes changed.
Agad akong lumapit kina Scarlet. Bago pa man isubo ng T-rex ang babaeng kasama ko ay mabilis itong huminto—tumigil ang oras.
"H-Helena."
"Hurry up and go! I can't fully control my gift yet!" giit ko.
Hindi nawawala ang tingin ko sa nilalang na nakanganga sa harapan ko. Hindi ko pa nagawang magpahinto ng T-rex noon. Hindi ko pa tuluyang kontrolado ang kakayahan na 'to. I'm not sure for how long I can stop it.
"Pero Helena-"
Napaismid na lang ako nang hindi pa rin kumikilos sa likod ko si Scarlet. Unti-unti ko ng nararamdaman na malapit na gumalaw ang T-rex.
Sobrang bilis ng pangyayari, pero parang mabagal ang pagtakbo ng oras. Nang saktong umandar ulit ay oras ay tila sumagi sa isip ko ang ginawa kanina ni Scarlet. Wala na 'kong magagawa ngayon kung hindi subukan 'yon.
Nakangangang sumugod sa amin ang T-rex. Mabilis kong binanggit ang mga salita.
"sas kaló ypálliló mou."
Napapikit na lamang ako. Hinintay kong lamunin ako nito pero walang nangyari. Nang minulat ko ang mga mata ko ay nabigla ako nang huminto ang malaking T-rex.
Hindi lamang ako kung hindi na rin ang mga kasama ko. Hindi makapaniwalang lumapit sa akin si Scarlet.
"Y-You're his owner. He's your familiar."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top