8. Wedding

Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko sa narinig. Hindi mawala ang ngiti ni Scarlet habang nakayakap kay Evan. Kapwa niya ay mawalak din ang ngiti ng lalaking tinitignan ko.

"Evan! Bakit hindi ka naman nagsabi na pupunta ka?" nakangiting tanong ni Scarlet.

Napakamot sa ulo si Evan bago tumawa. "Gusto kitang surpresahin," sagot niya.

Habang masaya silang nag-uusap ay nanatili akong nakatulala. Hindi maproseso ng utak ko ang mga nangyayari. Nagtatalo ang puso ko at ang isip ko. Gusto kong isiping kapangalan lang at kamukha ng lalaking yakap-yakap ni Scarlet ang lalaking nakasama ko noon.

Ang lalaking nakasama kong lumaki.

Ang nag-iisang kaibigan ko sa labas ng palasyo.

Ang lalaking nangako sa akin ng kasal.

Pero habang tinitignan ko ang lalaking kasama ni Scarlet ay hindi ko na kaya pang itanggi.

The way he talks. The way he laughs.

There's no mistaking it.

He's Evan Portugal.

My first love.

"Evan! I want you to meet my new friend!" masiglang sambit ni Scarlet.

Natauhan ako sa narinig ko. Mabilis akong bumalik sa katinuan.

Masayang hinila ni Scarlet si Evan papalapit sa akin.

Hindi ko magawang makakurap nang maayos. Parang tutulo ang mga luha ko nang mapunta sa harap ko sina Evan at Scarlet, habang magkahawak ang kamay.

"Hey! Evan, this is Helena. Helena, this is Evan, my fiance." Pagpapakilala sa akin ni Scarlet.

Napunta sa akin ang tingin ni Evan. Iba ang pakiramdam ko nang magtama ang mga tingin namin. 12 years din ang lumipas mula no'ng huli kaming nagkita.

He definitely grew taller. His voice is deeper now. Ang haba at gupit ng buhok niya ay iba na rin.

Pero ang mapupungay niyang mga mata ay gano'n pa rin. Ang paraan niya ng pagtawa ay hindi nagbago. Ang paniningkit ng mga mata niya kada ngingiti siya ay katulad pa rin ng dati.

Even if 12 years have already past... he's still the Evan I knew.

And my feelings didn't changed... I guess it will never change.

Inilahad sa akin ni Evan ang kamay niya.

"Hi, I'm Evan. Evan Portugal."

Nanatili akong nakatingin sa kamay niyang nakalahad sa akin. Sumagi sa isipan ko ang unang beses na nagpakilala siya sa akin. Hindi ko maipaliwanag kung gaano kasakit ang pagkirot ng puso ko.

"Helena?" pagtataka ni Scarlet.

Natauhan ako sa pagtawag niya. Pasimple kong iniling ang ulo ko at kinamayan si Evan.

"H-Hello. I'm Helena. Just Helena."

I glanced at his eyes. Did he remembered? Just... a little bit?

Nang binanggkit ko ang pangalan ko, may naramdaman ba siya?

Ngumiti sa akin si Evan bago bitawan ang kamay ko. Pasimpleng naging mapait ang ngiti ko.

Of course... he didn't.

"Evan alam mo ba? Helena is also 24 years old! She's an heiress of Cronus!" masiglang sambit ni Scarlet.

Bakas sa mukha ni Evan ang pagkahanga sa narinig.

"Woah. Ngayon lang ako nakakilala ng tagapagmana ni Cronus," namamanghang sambit ni Evan. Muli ako nitong tinapunan ng tingin.

"By the way, Thank you for companying Scarlet during her mission. Alam kong makulit siya minsan but I hope you'll stay friends with her," pagpapasalamat sa aking lalaking kaharap ko.

Mapait akong napangiti sa sinabi niya. I closed my eyes while smiling... my eyes are getting teary.

"N-No need to say thanks. Masaya akong kasama siya."

Napuno sila nang kasiyahan buong araw. Kabaliktaran ko na hindi alam ang magiging reaskyon. Pasimple kong tinitignan si Evan kasama si Scarlet. They are both laughing.

I can't help but to get jealous.

The guy who promised to be my prince...

Is now a king to someone else.

I can't help but to wonder. Kung hindi ba ako naging isang Gifted at naging tagapagmana ni Cronus, kami kaya ang ikakasal?

I will still be a queen until now. Everyone is going to be invited. You will be my king, Evan...

But I guess... it will just remain as a 'what if'.

₪₪₪₪₪₪₪₪

Hindi ko namalayan na isang linggo na pala ang lumipas. Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakaupo sa bangko at nakatingin sa bagong kasal.

Everyone is cheering them. I showed a smile.

Sobrang saya ko para kay Scarlet. She was my first friend after being a Gifted. Alam kong ito ang pinakamasayang araw para sa kaniya. I can't describe how beautiful she is today.

Nagagawa kong ngumiti at ipanikita sa kanila na masaya ako.

But inside, I'm falling apart.

My first friend married my first love.

Sumabay ako sa palakpakan ng mga tao. Both of them stated their vows.

Everything is so magical. A wedding on a garden with a theme of white, violet, and pink. Iba't ibang klaseng bulaklak ang nakadikit sa mga upuan. Mga magagandang disenyo sa kada daanan at magagandang kulay ng mga paruparo ang mga pinapalipad.

Ang paraan na nakatingin si Evan kay Scarlet ay parang ito lang ang nag-iisang babae para sa kaniya.

The same way he looked at me before.

After they exchanged I do's, they sealed it with a kiss.

Mas lalong lumakas ang hiyawan at ang mga palakpakan. Tila parang bumagal ang oras para sa akin habang naglalakad sina Evan at Scarlet at hinahagisan sila ng mga petals ng mga bulaklak.

Habang naglalakad sila pareho ay bumalik ang mga alaala ko kasama noon si Evan.

Ang una naming pagkikita. Ang araw kung kailan ipinangako niya sa akin na pakakasalan niya ako. Lagi rin kaming nagkikita noon sa hardin ng palasyo.

He loves giving me roses... now that I think about it, maybe he loves flowers. Kinasal din siya sa isang hardin.

I kept smiling and clapping my hands— while reminiscing the past.

I kept seeing and remembering the time we spent together.

The promises he said.

My last birthday with him.

Hindi ko namalayan na nagsisimula ng magsituluan ang mga luha ko. Natauhan na lamang ako nang huminto sa harapan ko sina Scarlet at Evan.

"O-Oh, bakit ka umiiyak Helena?" nag-aalalang sambit ni Scarlet nang makita niya 'ko.

Lumapit pa siya sa akin at tinignan kung meron bang nangyari sa akin.

Hindi ko mapigilang matawa sa sarili ko.

How can I hate this woman?

Umiling ako sa tanong ng babaeng kaharap ko. Kumurba sa isang ngiti ang labi ko.

"Nothing Scarlet, I'm just too happy. Congratulations."

Napangiti sa sinabi ko si Scarlet. Kapwa niya ay gano'n din si Evan.

"Aw! Thank you!" nakangiting sagot niya sa akin.

Nagsimula na ulit silang maglakad hanggang sa madaanan nila ako. Sa muling pagkakataon ay tinignan ko si Evan.

Alam kong hindi niya 'ko naalala, kaya wala na 'kong magagawa roon.

I can't stop loving him... but I will let him go.

Evan, you made me the happiest.

I hope that you'll make Scarlet happy too.

Even though it will break my heart into a thousand pieces.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top