6. New life

Walang buhay ang mga mata ko habang nakaangat ang tingin. Kahit deretso ang tingin ko ay parang wala akong nakikita... parang madilim pa rin ang paligid.

Mula no'ng araw na 'yon... nawalan na ng kulay ang mundo ko.

Hindi ko namalayan ang mga taon na lumipas. Matapos kong umalis sa bayan na kinalikahan ko ay nagpalaboy-laboy lamang ako.

Wala akong alam sa buhay sa labas. Hindi ko kayang mabuhay mag-isa. I've just found myself stealing foods just to stay alive.

Walang makatanda sa akin. Walang nakakaalam sa pangalan ko o sa itsura ko.

But one thing is for sure. On the day that I've met that woman, my whole life changed. Nagugulat na lang ako minsan ay nagbabago ang mga mata ko. Katulad ng mata na nakita ko sa kaniya noon.

Kasabay n'on ay ang pagtigil ng oras. Hindi ko pa ito tuluyang magamit at hindi ko rin alam kung ano pa ang mga kaya kong gawin.

Isa pa sa nangyari sa akin ay ang pagtigil ng pagtanda ko.

It's already been 12 years. I should be 24 years old this year. Yet, I still look like a 12 years old.

Parang namatay na 'ko noon. Wala ng nakatatanda sa akin at hindi na 'ko tumatanda.

Ano bang... klaseng sumpa 'tong napunta sa akin?

"H-Hindi ka ba nagtataka ha?!" Rinig kong sambit ng isang matandang babae.

"Apat na taon ng nakikitira sa atin 'yan! Pero hindi siya tumatanda! Tulad nang una natin siyang makita. Walang nagbago sa kaniya!"

Isang boses ng babae ang naririnig ko. Nakikipagtalo siya sa asawa niya. Sa kanila ako nakitira sa loob ng apat na taon. Kapalit ng pagnanakaw ko ay hinayaan nila 'kong tumira rito at pinakain ng mga tira-tira nila.

Wala akong kaemo-emosyong pumasok sa silid kung nasaan sila. Pareho silang natigilan sa pagpasok ko.

Before they can react, I felt my eyes changed. Bago pa sila magsalita ay ginawa ko ang dapat kong gawin. Binura ko ang mga oras na kasama nila 'ko.

Nang matapos kong gawin iyon ay lumabas ako ng bahay nila na para bang walang nangyari.

Wala ng bago kung burahin ko ang mga alaala nila. Nakalimutan naman na ako ng lahat ng mga taong nakakakilala sa akin.

It's just a cycle.

I'll find a place to live temoparily.

Wait until they realize that I don't grow old.

Then erase their memories and leave.

A... cycle.

Naglakad ako sa bayan na hindi ko alam kung ano ang pangalan. Kagaya nang nakaugalian ay naghanap ako ng taong mukhang mayaman.

Mabilis na napako ang tingin ko sa isang babaeng puno ng mga porselas. Pansin kong mukhang mamahalin ang suot nito. Hindi na 'ko nagdalawang isip pa.

Tutal sumpa naman para sa akin ang kakayahan na 'to. Susulitin ko na ang paggamit dito.

I felt my eyes changed. Tuluyang huminto ang oras. Kaswal akong naglakad malapit sa babae at walang kahirap-hirap na kinuha ang wallet niya sa bag.

Nang daanan ko siya ay muling bumalik sa pag-andar ang oras. Para bang walang nangyari.

Hawak-hawak ko ang wallet ng ninakawan ko na punong-puno ng pera. Mukhang hindi ako magugutom sa loob ng ilang araw.

Wala akong emosyon na naglalakad nang bigla may humarang sa harapan ko. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya.

Humakbang ako sa gilid niya pero ginaya niya lang ako at hinarangan niya ulit ako. Hindi ko mapigilang mairita sa ginagawa niya.

"Ano bang ginagawa mo, babae?" iritadong sambit ko.

Imbis na tumabi sa dinadaanan ko ay mas lalo pa 'kong hinarangan ng babae. Balak ko na sana ulit magreklamo nang yumuko siya para tignan ako.

"That wallet. Hindi sa'yo 'yan," sambit sa akin ng babae habang tinuro nito ang wallet na hawak ko.

Natigilan ako sa sinabi niya. I looked at her, dumbfounded.

Paano-

Mabilis kong iniba ang ekspresyon ko at hindi ko pinahalata ang pagkabigla ko. She... must be bluffing.

"Anong pinagsasabi mo? Tumabi ka na sa dinaraan ko," giit ko.

Hindi sumunod sa akin ang babae at nanatili itong nasa harapan ko.

"Masama 'yang ginagawa mo. Hindi ka ba tinuturuan ng mga magulang mo? Isauli mo 'yan," muling sambit niya sa akin.

Napaismid ako sa sinabi niya at matalim siyang tinignan sa mga mata. "Ano ang patunay mo na hindi nga sa akin ito?" tanong ko.

Hindi nakasagot sa akin ang babaeng kaharap ko. Dahil totoo naman ang sinabi ko. Wala siyang patunay at hindi siya magkakaroon pa.

Pinahinto ko ang oras. Walang makakaalam ng ginawa ko.

"I-I didn't saw how you did it. Pero nakita ko 'yang wallet na 'yan na hawak ng isang babae kanina. Kaya sigurado akong hindi sa'yo 'yan," sagot niya.

"Wala ka pa ring patunay. Kaya lubayan mo na 'ko," walang kaemo-emosyong sagot ko.

Dinaanan ko ang babae pero hindi pa rin ito nagpatinag sa akin.

"N-No! Stealing is bad! Gusto mo bang maging isang kriminal?!" muling sambit ng babae sa akin.

Hindi ko na natiis ang pagkairita niya sa akin. Napaismid ako at wala sa sarili kong tinapon sa kaniya ang wallet na hawak-hawak ko.

"Oh sa'yo na. Masaya ka na?" walang ganang sagot ko.

Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa at umalis na 'ko.

Bwisit! Ano bang problema ng babaeng iyon?

Ilang minuto rin bago ako makalayo sa kinaroroonan ko kanina nang may mamukhaan ako. Sinundan pa rin ako ng babae kanina.

Nagkunwari akong hindi siya napapansin at binilisan ko na lang ang paglalakad ko. Pero mukhang matibay talaga ang babaeng ito at nahabol niya pa rin ako.

"W-Wait lang!"

Iritado akong humarap sa kaniya. "Tsk! Ano bang problema mo, babae?! Binigay ko na sa'yo 'yong wallet!" inis na bungad ko sa kaniya.

Hindi kaagad nakasagot sa sinabi ko ang babae. Hingal na hingal itong lumapit sa akin.

"P-Pasensya na. Masyadong insensitive ang sinabi ko kanina. Wala naman talaga akong patunay na ginawa mo talaga 'yon," pagpapaumanhin niya sa akin.

Hindi kaagad ako nakasagot sa sinabi niya. I suddenly felt a warm feeling in my chest, but it faded in an instant. Nawalan ng buhay ang mga mata ko.

"Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Totoo ang sinabi mong ninakaw ko 'yon. Isa akong kriminal."

"Oh, okay ka na? Lubayan mo na 'ko," dagdag ko.

Balak ko na sanang maglakad papalayo nang muli akong pigilan ng babae.

"W-Wait! Just to make it up to you, ililibre na lang kita ng pagkain," nakangiting aniya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit ba ang kulit nitong babaeng ito? Masyado siyang mapilit. She didn't even waited for my answer and she handed me her hand.

"Nga pala, anong pangalan mo?" masiglang tanong niya sa akin.

Wala akong ganang tumingin sa kaniya. "Helena," wala sa sariling sagot ko.

Kumurba ang labi ng babaeng kaharap ko sa sinabi ko.

"Ah! Nice to meet you Helena! I'm Scarlet!"



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top