4. The queen
Isang linggo na matapos kumalat ang balita. Namatay na ang hari at reyna. Lahat ng nasasakupan ni ama at ina ay nagsipuntahan sa libing nila upang magbigay galang.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses ng pinagaan ng mga tao ang loob ko. Mga salitang kanilang binitawan, at iilang regalo para pasayahin kami... pero wala pa ring nangyari.
Nanlalamig pa rin ang buong katawan ko hanggang ngayon. Paulit-ulit na nag-e-echo sa tenga ko ang mga salitang binitawan sa akin ng lalaking pumunta sa kaarawan ko.
Wala na ang mga magulang ko. Iniwan nila kaming dalawa ng kapatid ko.
Tahimik akong naglalakad sa mahabang pasilyo ng kastilyo. Natigilan ako sa paglalakad nang makarinig ako ng pag-uusap sa isang silid.
"Hindi natin pwedeng gawing reyna si Prinsesa Helena! Wala pa siya sa tamang edad!" Rinig kong sambit ng isang lalaki.
"Anong gusto mong mangyari?! Kailangan ng bayan na 'to ng pinuno! They need a queen! Si Prinsesa Helena ang unang anak at ang nararapat!" sagot sa kaniya ng isa.
Bumigat ang pakiramdam ko sa narinig. Mabilis akong tumakbo sa kwarto ko. Agad akong pumunta sa kama at nagtaklob ng kumot.
Nagtatalo na ngayon ang mga opisyales. Ano ang gagawin ko?-
Bago ako tuluyang lamunin ng kalungkutan ay nabigla ako nang makarinig ng pagtama ng bato sa bintana. Kunot noo akong lumapit dito at tila gumaan ang pakiramdam ko nang makilala ang lalaking gumawa n'on.
"E-Evan," pagtawag ko.
Sinenyasan ako nitong sumunod sa kaniya. Hindi ako nagdalawang isip na bumaba at lumabas para puntahan siya.
Kagaya ng nakaugalian, nagkita kami sa hardin ng palasyo. Naabutan ko siyang naghihintay sa akin sa tabi ng isang bench.
Nang mapansin niya 'ko ay mabilis niya 'kong tinapunan ng tingin. Nag-aalala niya 'kong tinignan at nilapitan.
"H-Helena, kinalukungkot ko ang nangayari sa mga magulang mo."
Bumaba ang tingin ko. "S-Salamat."
Pareho kaming umupo sa bench. Walang makagawang makapagsalita sa amin. Ito ang unang pagkikita namin ni Evan mula no'ng kaarawan ko.
Hindi hinayaan ng mga opisyales na magpapasok ng kung sino sa palasyo para na rin sa kaligtasan namin.
"E-Evan. Natatakot ako," pagbasag ko ng katahimikan.
"H-Hindi ko kaya. Hindi ko kayang maging isang reyna. Hindi ko pa kayang mamuno," dagdag ko.
Naramdaman kong tutulo na ang mga luha ko at walang tigil sa panginginig ang mga kamay ko.
"Helena."
Naramdaman ko ang marahang paghawak ni Evan sa magkabilang balikat ko na kinabigla ko. Deretso niya 'kong tinignan sa mga mata.
"Kakayanin mo 'yan! Ikaw lang ang nararapat na maging reyna, Helena," parang mainit, pero magaan sa pakiramdam ang boses niya.
"Wag kang mag-aalala. Tutulungan kita. Hindi kita hahayaan mag-isa," dagdag niya.
Niyakap niya ako nang mariin at nagsimula ng magsituluan ang mga luha ko.
Ang panahon na kinailangan ko ng tulong... ang mga oras na kailangan ko ng kasama.
Si Evan ang nasa tabi ko—wala ng iba.
₪₪₪₪₪₪₪₪
Matapos ng isang buwang pagluluksa ay muling nagbukas ang palasyo. Ipinakilala ako bilang panibagong reyna. Lahat ng mga tao ay na sa akin ang suporta kaya hindi ko naramdamang manghina. Lalo na't alam kong maraming nasa tabi ko.
"Ate! Gusto kong sumama!" tawag sa akin ni Noah.
Ngumiti ako sa sinabi niya at umiling. "Hindi pwede. Pupunta lang kami sa bayan para tignan ang pamumuhay ng mga tao. Dapat nandito ka lang kung sakaling may mangyaring masama sa 'kin," sagot ko.
Nagbago ang ekspresyon ni Noah at mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.
"Walang mangyayari sa'yo hindi ba? Hindi mo rin ako iiwan, hindi ba?" Nangungusap ang mga mata niya nang magtama ang mga tingin namin.
Natigilan ako at hindi ako nakasagot kaagad. Pilit akong ngumiti at hinawakan ang buhok niya.
"Hindi ako mawawala. Nandito lang ako," nakangiting sagot ko.
₪₪₪₪₪₪₪₪
Nakasakay ako sa kalesa habang may mga nakasunod sa akin na mga gwardya at tagasilbi. Nilibot namin ang buong bayan para tignan ang pangangailangan ng mga tao.
"Maraming salamat, reyna Helena. Sigurado akong masaya ngayon ang hari at reyna kung nakikita ka nila," nakangiting sambit sa akin ng matanda.
Isang mapait na ngiti ang sinagot ko sa kaniya. Ito na ang huling tindahan dito sa bayan na pupuntahan namin. Lumabas na 'ko habang nanatiling nakikipag-usap pa ang mga opisyales na kasama ko.
Makulimlim ang kalangitan, mukhang paulan. Balak ko na sanang bumalik sa loob ng kalesa nang makuha ng atensyon ko ang isang babaeng pumunta sa isang eskinita.
Hawak-hawak nito ang sikmura niyang walang tigil sa pagdurugo.
Nabigla ako sa nakita at hindi ako nagdalawang isip na sundan siya. Mabilis akong tumakbo papunta sa eskinita na pinuntahan niya at bumungad sa akin ang isang babaeng nakaupo sa gilid.
Kulay tsokolateng buhok na may pagkakulot, namumutlang balat, at katamtamang laki ng katawan. Nakasuot siya ng damit na hindi ako gaanong pamilyar sa disenyo.
Patuloy sa pagdugo ang sikmura niya at bakas sa mukha niya ang panghihina.
"A-Anong nangyari sa'yo?!" biglaang sambit ko.
Lumapit ako sa kaniya at doon ko nakita nang malapitan ang sugat niya sa sikmura.
"S-Sandali lang. Hihingi ako ng tulong."
Balisa akong nagsalita. Balak ko na sanang tumayo at tumakbo para humingi ng tulong nang mabilis na hinawakan ng babae ang kamay ko.
"H-Hindi na kailangan," aniya.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Anong hindi?! Malala ang natamo mo. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa nasasakupan ko," mariin na sagot ko.
Kumurba ang labi ng babaeng kaharap ko sa sinabi ko.
"Please. There's no need to get help. I've lived long enough."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Kabaliktaran ng sinasabi niya ang pinapakita niya sa akin. Kahit nakangiti siya ay walang tigil sa pagluha ang mga mata niya.
"Walang taong gustong mamatay. Hihingi ako ng tulong," seryoso kong sambit.
Nabigla ako nang hawakan ng babae ang pisngi ko at inilapit nito ang noo niya sa akin. Ramdam ko ang marahang paghawak ng nanlalamig niyang palad sa balat ko.
Tuluyang nagbago ang ekspresyon ko at nanlambot ang buo kong katawan.
"I'm sorry. I can't take it anymore. I've done enough..."
"Hate me all you want. I'm so sorry."
Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. "B-Bakit ka humihingi ng tawad sa 'kin?" naguguluhang tanong ko.
Inilayo sa akin ng babae ang noo niya at deretso akong tinignan sa mga mata. Nabigla ako nang magbago ang mga ito.
Naging orasan... ang mga mata niya.
"I'm passing you my gift. I'm sorry. I know you're still young but I can't take it anymore."
"For me, it's a curse."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top