27. Her point of views
AFTER 4 MONTHS
I sighed before sipping my tea. Walang gana akong napatingin sa bintana ng kalesa.
Nakakatamad ang mga kaganapan ngayong nakaraang linggo. Ilang meeting ang pinuntahan ko na wala naman akong naintindihan. Maybe I really need a new secretary, since August is busy as a student too.
Kagagaling ko lang sa Nocturne Academy upang makibalita. It looks like that they're doing well.
Akmang hihigop na ulit ako ng tsaa nang matigilan ako. A scenario pops into my head.
Parang nawalan ako ng lakas at nabitawan ko ang hawak-hawak kong tasa.
"Stop!" sambit ko sa kutsero na kaagad nitong sinunod.
Bumigat ang paghinga ko at humigpit ang pagkahahawak ko sa pambaba ko.
Am I... just dreaming? Totoo ba ang nakita ko?
I saw a red hair. A girl with a red hair.
Hindi ako makapaniwala. Nanginginig ang mga kamay ko nang mapahawak ako sa bibig ko.
She's alive...
The daughter of Ethan and Prisma Portugal... was alive.
Muling nagsimulang umandar ang kalesa. Pero hindi katulad ng kanina ay pinababa ko ang kutsero at hinayaan kong maglakad mag-isa ang kabayo.
Nagpatuloy lang ang pag-andar ng kalesa hanggang nakaramdam ako ng presensya.
Tsk, this girl is underestimating me.
Kumurba ang labi ko sa isang ngisi. I see, looks like she took after from someone I know.
I felt my eyes changed.
Kasunod n'on ay ang pagbukas ko ng pinto. Kasabay ng paghampas ng puno sa hangin ay ang tuluyang paghinto ng oras.
"Tsk, tsk, tsk."
Tuluyan kong binuksan ang pinto. Sumalubong sa akin ang sinag ng ilaw ng buwan. Kumikislap dito ang pulang buhok na sumabay sa paghinto ng oras at nanatiling nakalutang sa hangin.
Lumambot ang puso ko nang magtama ang mga tingin namin. There are fire in her eyes.
She's using her gift.
For a moment, I thought I was looking to the first Scarlet Portugal that I met. Tanging ang pulang buhok lamang ang naiiba sa kanila.
Namilog ang mga mata ng babaeng kaharap ko na bakas sa mukha ang pagkabigla. This is our 'first' meeting after all...
"I'm Helena," pagpapakilala ko.
Iyon ang gabing nakilala ko si Scarlet Portugal. Ang unang anak ni Ethan at Prisma na inakalang matagal ng patay.
Hindi ko magawang sabihin pa kina Ethan ang nalaman ko lalo na't hindi pa 'ko sigurado sa kaligtasan ni Scarlet.
I'm not powerful like I was used to be. Hindi ko na ngayon basta-basta pwedeng galawin ang oras.
Kailangan ko munang malaman ang lahat. Kailangan kong siguraduhin at kilalanin ang taong makakalaban namin.
"She's also a code too, huh?" walang ekspresyon kong sambit sa lalaking kasama ko.
Uminom ako ng tsaa habang hawak-hawak ang dokumento na pinahanap ko. Nasa opisina ko rin ni Gin.
"Let me take care of this, Helena." Nangungusap na tumingin sa akin si Gin.
Kaagad akong umiling. "No. I will take care of this," ma-awtoridad na sambit ko.
Nagawa kong malaman kung sino ang nasa likod ng organisasyon na kinabibilangan ni Scarlet. Ang kupal na si Griko, alias Papa, ang taong sinusunod niya ngayon. Pero sigurado akong meron pang kasama rito.
Ayokong ibigay ang buong tungkulin kay Gin, lalo na't alam ko ang koneksyon na meron siya kay Griko.
After I learned about Papa, hindi ko na ipinagkait sa mga magulang ni Scarlet ang kaalaman na buhay siya.
I convinced the Grim Reapers to join the Clash of Guilds, where both of Scarlet's parents are coming.
Hanga ako kay Prisma dahil nagawa niyang pigilan ang sarili niya nang masilayan si Scarlet.
Sinabi ko sa kanila na hindi pa tama ang oras at kailangan muna nilang maghintay.
"I'll put my trust in you," sambit sa akin ni Ethan. Seryoso ako nitong tinignan habang akay-akay ang asawa niyang walang tigil sa pag-iyak nang makita si Scarlet.
Kumurba ang labi ko sa isang ngisi. "You should be. After all, I'm your guardian."
I prepared everything. I contacted Bora and asked him to lend me his support.
Dahil doon ay nagawa kong makausap ang mga Coders, a Guild from the Solar Academy.
And of course, my trusted Guild in the Nocturne Academy, the Deities.
Everything was all set.
Not until when I once again saw a glimpse of the future.
Humigpit ang pagkasasara ng kamao ko at nag-igting ang bagang ko. Pinilit ko ang sarili kong kumalma kahit sobrang bilis ng tibok ng puso ko at gusto kong sumabog.
"C-Cael..." sambit ko na puno ng galit.
Nabasag ko ang hawak-hawak kong tasa habang inaalala ang nakita ko sa hinaharap.
That freaking bastard. Nagbulag-bulagan ako dahil ayokong maniwala—na isa mismo sa pinoprotektahan ko ang tatraydor sa akin.
Ginawa ko lahat ng makakaya ko.
Para sa kanilang lahat.
Para sa mga taong importante sa akin.
Para hindi na sila mawala pa.
But just like what I've said... I'm not powerful like I was used to be.
"M-Mukhang hindi mo tuluyang napahinto ang oras, Helena," nahihirapang sambit ni Griko.
Unti-unting kumurba ang isang ngisi sa labi niya na kinatigil ko.
"May bombang nakalagay sa bulsa ko. At hindi ito basta-bastang bomba Helena. Kahit magawa mong pahintuin ang oras ay hindi mo kayang pahintuin ito nang matagal." Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
"Sapat na ang pagsabog nito para mabura ang buong bayan na malapit sa base," muling dagdag niya.
Humigpit ang pagkasasara ng kamao ko at tanging pag-ismid ang nagawa ko.
Minutes passed. Puro dada lang ang nagawa ni Cael at ni Griko.
Pasimple kong tinapunan ng tingin ang estudyanteng nasa likod ko. Kahit hindi mapakali ang puso ko at hindi ko mapigilang kabahan ay nagawa ko pa ring ngumiti.
Tila nagkaroon ng isang malaking orasan sa tinatapakan namin.
Hindi ko na pinakinggan pa ang mga sinasabi nila at pinagpatuloy ko ang ginagawa ko.
"N-Nababaliw ka na! Ang sabi ko ay hindi mo magagawang pahintuin ang oras ng bombang 'to!" giit ni Griko.
Kumurba ang labi ko sa isang ngisi. "Sinong nagsabing pahihintuin ko ang oras?" Ramdam ko ang pagtama sa akin ng hangin, at ang paglamig ng buo kong katawan.
"Pupunta tayo sa hinaharap... tayong tatlo lang."
"At tayong tatlo lang din ang matatamaan ng bomba."
Pinagpatuloy ko ang pagbuo ng orasan sa lupa. Nanatiling nandito ang atensyon ko nang biglang nagsalita si Scarlet na nasa likuran ko lang.
"Hindi! Kapag nangyari 'yon ay kasama ka sa pagsabog!" giit niya.
I was taken aback. Suddenly, my heart softened. I was determined to end this once and for all... but with just her voice—her words, my resolution weakened.
I tried to smirk and laugh.
"Oh come on, kid. When did you ever care for me?" I said without even glancing at her.
Thank you.
"Did you already forgot that you tried to kill me twice?" I don't want to look back... I might change my mind.
Thank you for being my student.
"Pero hiniling ko na nagawa mo kong patayin."
No, why am I saying this?
"Damn. But still, I'm grateful that I'm still alive until this day. I guess I'm still pretty lucky to have amazing students." I laughed again.
You're the best thing that ever happened to me.
Nagsimula ng umandar ang orasan sa lupa. Knowing that I can't stop now even though I change my mind, I did what I wanted to do.
Sa huling pagkakataon ay nagawa kong lingunin ang isa sa mga estudyante ko.
I guess I just can't leave... without seeing one of you.
"But believe me, kid. Dying is my greatest dream."
No. Having students like you was my greatest dream.
Thank you... for giving me the family I longed to have.
It's funny how I named the Guild the Grim Reapers. Dahil inakala ko na sila ang mga estudyanteng makapagpapatupad ng pangarap ko.
My dream to die.
But I was wrong.
Who would thought that they will be the reason why I would like to stay?
I want live.
Live for them.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top