26. I'm here

AFTER 1 YEAR

Kaswal akong humigop ng tsaa habang walang ganang nakatingin sa lalaking nasa opisina ko.

Nakataas ang paa niya sa lamesa at nagbabasa siya ng libro.

"Hey Gin. Wala ka bang mission?" iritadong tanong ko.

Isang ngisi ang pinakita niya sa akin. "Come on, Helena. Ginawa na ng mga myembro ng Guild ang mga missions," sagot niya.

Napaismid na lamang ako bago humigop ulit ng tsaa. Hindi ko pa ito nalulunok nang biglang bumukas ng pinto sa opisina ko.

Iniluwa nito si August na namumutla at parang nakakita ng multo. Hindi kaagad ito makapagsalita nang magtama ang mga tingin namin.

"P-Principal. A-A letter from the Nocturne Academy."

Tila nagbago ang ekspresyon ko sa sinabi niya. Naramdaman ko ang pagbigat ng paghinga ko.

Maski si Gin ay bakas sa mukha ang kaba sa narinig.

"W-What does it say?" marahang tanong ko.

Kinakabahang tumingin sa akin ang estudyante ko. "T-The Deities fought the T-Trejon Guild," panimula niya.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Kapwa namilog ang mga mata namin ni Gin.

"Two of them died. And one is in a critical condition," dagdag ni Auust.

Kahit parang natuyo ang lalamunan ko ay pilit akong nagsalita. "W-Who died?

Tumagal ng ilang segundo bago sumagot si August.

"A-A rookie and,"

"Their Guild's Master. King."

₪₪₪₪₪₪₪₪

Walang imik ako habang nakasakay sa kalesa. I'm on my way to Nocturne Academy.

Nagpumilit pang sumama sa akin si Gin pero tumanggi ako. Alam kong maghahanap lang siya ng gulo roon.

He's a close friend of Keon. It's only natural for him to act that way.

Kaya gusto kong iwasan na mangyari 'yon. Gusto ko munang malaman ang totoong nangyari.

Bumungad sa akin ang mataas na gate ng Nocturne Academy nang makarating ako rito. The atmosphere feels different.

Hindi ito katulad dati kapag pumupunta ako rito.

"Woah, Helena!" masayang bungad sa akin ni Xilah.

Nakaabang ito sa harapan ng gate. Walang bakas ng lungkot sa mukha niya. Her eyes were not swollen like what I've expected.

"Tara," pag-aya niya sa akin.

Imbis sa loob ng Academy ay sa ibang direksyon naglakad si Xilah—papunta sa gitna ng city. I glanced at the Academy first before following her. The lively aura of the school was gone. Wala akong nakikitang ni isang estudyante sa paligid.

"How are you feeling?" I started a conversation.

Isang malawak na ngiti ang ipinakita sa akin ng babaeng kasama ko. "I'm fine of course," masigla niyang sagot.

"It's only normal. Hindi na bago ito sa mga Guilds," dagdag pa niya.

Hindi na 'ko sumagot. Nanatili kaming tahimik sa paglalakad.

Dinala ako ni Xilah sa gitna ng city—close to the statue of the Greek God, Poseidon. Ang mga estudyanteng hinahanap ko kanina ay rito nagkumpulan.

Rookies, seniors, and masters from different kinds of Guilds are here.

Tila bumigat ang pakiramdam ko nang makita ang iniiyakan nila.

There are two tombstone at the middle of the crowd, below of the golden oak tree. Kumirot ang puso ko nang makita ang punong ito.

Seeing this oak tree, reminds me of the two... Gifteds who were buried under the same golden tree.

Walang ekspresyon si Xilah nang masilayan ulit ang libing. Kita ko ang walang buhay na mga mata niya sa kabila ng masaya niyang ekspresyon.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Nabigla siya nang marahan kong hinawakan ang kamay niya.

"There's no need to hold back," sambit ko.

"I know that you're already a teacher. Pero hindi ibig sabihin n'on ay kaya mong maging malakas sa lahat ng oras."

"For me, you're still a kid. It's okay to cry."

Tumagal ng ilang segundong katahimikan nang bigla kong maramdaman ang mahigpit na pagyakap sa akin ni Xilah. Nagsimula itong umiyak na para bang bata.

"H-Helena. I let my students d-die!" naiiyak na sambit niya. Wala siyang tigil sa paghagulgol.

"Z-Zail is in critical condition! A-Anong sasabihin sa akin ni teacher C-Cresza?! Helena."

Naramdaman ko ang pagbasa ng kaliwa kong balikat. Tanging paghimas lang ng likod niya ang nagawa ko.

"Tsk, it's okay, brat. Nandito na 'ko. There's no need to worry."

Walang tigil pa rin ito sa paghikbi. "K-Kung kailan kasama na ni Zail ang kapatid niya..."

Nawala ang seryosong ekspresyon ko at nakuha ni Xilah ang atensyon ko. Parehong umangat ang dalawang kilay ko. "K-Kapatid niya?"

"She's here... Zail's little sister—Cleofa."

₪₪₪₪₪₪₪₪

Tahimik akong pumasok sa Guild ng mga deities. Hinayaan ko munang kumalma si Xilah kasama ang ibang opisyales ng Academy.

I must say that this place looks great. King did a well job in leading this Guild as their Guild's master.

Dumagdag pa lalo ang mga dahilan kung bakit hindi siya pwedeng mawala.

Naagaw ang pansin ko nang may pumasok sa loob. Pareho kaming nagkatinginan sa isa't isa. Napako kaagad ang tingin ko sa kaniya, kaunting namimilog ang mga mata.

I thought that I was looking at Cresza. She had the same face like hers when she was still alive.

Ang pinagkaiba nga lang ay namumugto ang mga mata niya sa kaiiyak.

"Why are you crying?" bungad ko sa kaniya.

"Just because they died?" dagdag ko.

Her expression changed. Looks like I've touched a nerve.

Itinaas niya ang kamay niya na akmang sasampalin niya 'ko. "J-Just because they died?!"

Hindi ako nagpatinag at nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Punong-puno ng galit ang mga tingin niya sa akin at mariin ang pagkakakagat niya sa ngipin.

Ngunit mabilis din siyang natauhan at nagawa niyang pakalmahin ang sarili niya.

Just like Cresza.

"Tsk, umalis ka na. Bawal ang bata rito," seryosong sambit niya sa akin.

Ibinaba niya ang kamay niya at nagsimula na siyang umalis nang hindi ko mapigilang matawa.

"Hays, that's not the right way to treat someone who's older than you."

Natigilan sa paglalakad si Cleofa at bumungad sa akin ang nakakunot niyang noo. Tinignan niya 'ko mula ulo hanggang paa.

"Kahit saan ko tignan ay walang dudang mas matanda ako sa'yo."

Kumurba ang labi ko sa isang ngisi. "Kahit saan ko tignan ay walang dudang mas matanda ako sa'yo," pag-uulit ko.

Napaismid siya sa sinabi ko. Iritado siyang tumalikod sa akin. "Tsk, bahala ka sa buhay mo."

Hindi pa siya nakahahakbang paalis nang muli akong nagsalita. "I'm still talking to you, Cleofa."

Natigilan siya paglalakad. Hindi siya makapaniwalang humarap sa akin. Dumbfounded, and confused.

"Who are you? Paano mo nakilala?" tanong niya.

Kumurba ang labi ko sa isang ngiti. I felt my eyes changed.

"I forgot to introduce my self,"

"I'm Helena, Principal of the Lunar Academy."

₪₪₪₪₪₪₪₪

I did what I need to do. Kahit alam kong sa akin babalik ang consequences sa oras na galawin ko ang takbo ng oras at ng hinaharap.

May kapalit ang bawat ginagawa ko, lalo na kung pinapalitan ko ang dapat na mangyayari sa hinaharap.

That day when I let Cleofa adopt my gift, I almost lost half of my strength.

But it's fine.

Ito lang ang magagawa ko para sa kanila.

No matter what happens.

I'm always here.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top