23. The masters

I was busy sipping tea when the door opened. Iniluwa nito ang mga pamilyar na estudyante.

"Yosh, bakit mo 'ko pinatawag Helena?" bungad sa akin ni Gin.

Pasimple akong napaismid sa sinabi niya. This brat, I told him to call me Principal.

Tinapunan ko ng tingin ang dalawang kasama niya. A girl with a blonde hair together with her cat, and a guy that I haven't seen before.

Malawak ang ngiti ni Lemon habang iniikot ang tingin niya sa opisina ko. Sa kabilang banda ang lalaking kasama niya ay nanatiling nakayuko at hindi ako magawang tignan.

"Who's the new kid?" tanong ko.

Nakuha ko ang pansin ni Gin at tinapunan niya ng tingin ang lalaking tinutukoy ko. "Oh, a new member of my Guild. Elroy," nakangising pagmamayabang na sagot niya.

Tsk. Look at this brat. Ayaw niya pa no'ng unang maging Guild's master pero ngayon ay tuwang-tuwa siya.

Lemon and this kid Elroy, are his first members.

"Anyways, bakit mo 'ko pinatawag Helena?" muling tanong ng estudyanteng kaharap ko.

Walang gana ko siyang tinignan bago sumipsip ng tsaa.

"Do you want to attend a competition?" tanong ko.

Gin's eyes widened as he looks at me. "E-Eh? Para saan?" balik na tanong niya.

Inikot ko ang swiveling chair at napaharap ako sa malaking bintana sa likod. "Two days from now, may gaganaping competition sa Nocturne Academy. Doon gaganapin ang test ng mga masters ngayong taon," pagpapaliwanag ko.

"Dahil isa ka naman ng ganap na senior, I was wondering if you want to take the test to be a master," dagdag ko.

Hindi kaagad nakasagot si Gin. Alam kong naguguluhan at nagdadalawang isip pa siya.

"K-Kailangan pa ba n'on? H-Helena-"

"You're already a Guild's master, Gin," pagsingit ko.

Alam kong hindi kinakabahan si Gin dahil sa kompetisyon kung hindi baka may makakilala sa kaniya. Natatakot siyang makilala ng ibang Guild at ayaw niya ring dungisan ang pangalan ko.

Tsk. This brat.

"At isa pa, you're my most trusted student here. You're already known as the executioner, and my right hand. Ano pang kinakabahala mo?" muli kong sambit.

Iinikot ko ulit ang inuupuan ko at muli silang hinarap.

"Show them what you've got, kid. As a child of Helena, the Principal of the Lunar Academy."

₪₪₪₪₪₪₪₪

Dalawang araw ang lumipas at natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakaupo sa isang malaking upuan. Nasa itaas kami ng entablado at tanaw na tanaw namin ang mga estudyanteng manlalahok sa ibaba.

I'm with the officials of the Academies and of course, the two Principals.

"Woah, it's Helena!" masiglang bati sa akin ng matandang lalaking katabi ko. Napatingin ako sa direksyon niya.

He has a long black beard—with a red hair, and he has many scars. Ang pinakaagaw pansin sa lahat ay ang putol niyang kaliwang paa. Isang bakal ang nagsisilbing tagaalalay niya sa pagtayo

Bora Portugal. The Principal of the Solar Academy.

Siya ang sinasabing pinakamalakas na Portugal sa henerasyon niya. Tho, hindi ko pa iyon talaga nakikita.

Ang balita ko lang ay kakaiba talaga ang gift niya.

"Mukhang kaabang-abang ang mga estudyante mo ngayong taon at nandito ka pa talaga para manood," natatawang dagdag ng lalaki sa kabilang gilid ko.

Ethan Portugal. The Principal of the Nocturne Academy.

Tawa lamang ang sinagot ko sa kanila bago muling tapunan ng tingin ang mga estudyante.

Some may say that I have my favorites but I don't care.

Bibihira lamang ako sumulpot sa mga ganitong okasyon. At ang dahilan ay walang iba kung hindi ang isang estudyante ko.

Gin, the Executioner.

Hindi namin kasama si Lemon at Elroy dahil mga rookies pa lamang sila. Pero dahil nandito si Gin ay hindi ko ito pwedeng palagpasin.

The Grim Reapers were the students that I've chosen.

My kids.

"Mukhang kayo ang mangunguna ngayong taon, Ethan," natatawang sambit ni Bora.

Pare-pareho naming pinapanood ang event na malapit ng magsimula.

"Lagi mong sinasabi 'yan Bora, pero mga masters ninyo palagi ang nangunguna kada taon," kumento ko na kinatawa niya lalo.

"Oh come on, seryoso ako ngayon. Ang balita ko maraming malalakas na heir at heiress sa mga Guild ng Nocturne ngayong taon," muling sambit ni Bora.

I chuckled... then someone popped in my mind. He's one of of those 'heir' that Bora is talking about.

Ang tumatawang si Ethan ay nagsimula na ring makisali sa usapan. "Speaking of Guilds. Ang balita ko ay may bago kang Guild, Principal Helena," aniya.

Isang tango ag pinakita ko. "Yes. They're going to be my pride."

Nagsimula ang event. Dahil sa Nocturne Academy ginanap ang event ay ang mga manlalahok nila ang naunang nagpakita.

"That's your students?" tanong ko kay Ethan na kapwa kong nakapako ang tingin sa mga estudyante.

Sinusundan ko sila ng tingin nang biglang nagbago ang pakiramdam ko. I automatically looked at the guy who has the outstanding aura.

"So, napansin mo rin?" natatawang sambit sa akin ni Ethan nang mapansin ang pagbago ng ekspresyon ko.

Pareho kaming nakatingin sa isang lalaki. He has an ash brown hair and he's just wearing a white plain shirt. He has a soft look on his face... which is deceiving.

It's not like he's a wolf on a sheep's clothing... rather, he's a lion... thinking that he's just a cat.

I slowly showed a smirk. A hidden talent... exciting.

"That's my student!" biglaang sambit ng isang babaeng bagong dating.

Hindi ko kaagad siya nakilala dahil hindi hamak na ang laki nang tinanda niya mula no'ng huli naming pagkikita. Pero kaagaw-agaw pansin pa rin ang pula niyang buhok.

At isa pa... ibang-iba na ang aura na meron siya ngayon. As if she was completely a different person... from 9 years ago.

"Xilah," pagtawag ko. Masigla itong lumapit sa akin habang nakatingin din sa lalaking tinitignan namin.

"The Guild members calls him King. Tho, hindi pa niya nakokontrol ang gift niya, isa siya sa pinagpipilian na magiging bagong Guild's master," pagpapakilala niya sa lalaki.

A senior who still can't control his gift? Yet, he has the alias King.

Really... interesting.

Nalipat ang tingin ko sa babaeng asul ang buhok. King has a different aura and so is she. Naghahalo ang aura nilang dalawa.

"And that's the queen. Poseidon's heiress. She has the ability to control any kind of liquid and turn it into solid," muling pagpapakilala ni Xilah.

I suddenly felt the excitement. This freaking Ethan has a new set of monsters.

Akala ko ay sila lang ang dapat na bantayan sa Nocturne Academy pero nagkamali ako.

Hindi ko maintindihan kung bakit sa tingin pa lang alam mo ng hindi siya basta-basta, pero hindi ko naramdaman ang presensya niya.

I honestly didn't noticed him at first.

"Oh, and of course. Hindi mo pwedeng makalimutan ang bumubuo sa kanilang tatlo. The fastest Gifted in his generation. Raven-"

"Zail," pagsingit ko.

Natigilan si Xilah sa pagpapakilala sa kaniya nang unahan ko siya.

Kumurba ang labi ko sa isang ngisi. That guy is no other than Zail. The little kid who always dissappear and appear out of nowhere.

Hindi rin nagpatalo ang mga Guilds sa Solar Academy at iba't ibang klase rin ang mga Gifteds na meron sila. Lalo na ang mga batang kabilang sa pamilya.

Freaking monsters, I guess it runs in the blood.

Ano pa bang aasahan dahil sa tatlong Academies ay ang Solar Academy ang pinakakilalang mahigpit at kinatatakutan.

Dahil mga Dark Guilds ang nakatoka sa kanila.

They're the tamers.

Narinig ko ang pagtawa ni Ethan sa gilid ko habang pinapanood ang mga estudyante.

"Looks like they're the generation of the Prodigies."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top