22. The Guild
Tinitignan ko ang sarili kong repeklesyon sa lawa. Hanggang ngayon ay nananatiling misteryo sa akin ang lawa na ito. Nandito na siya mula noong itinayo ang Academy.
"Tsk. Helena, sinabi ko na sa'yo. Ayoko ngang sumali sa Guild. Bakit mo pa ako dinala sa Sacred Lake?" Rinig kong reklamo ng lalaking kasama ko.
"Sapat na sa akin na sa'yo nanggagaling ang mga missions ko. Hindi ko kailangan ng Guild," dagdag niya.
Napabuntong-hininga ako sa sinabi ni Gin. Tinignan ko siya at wala niyang ganang pinagsisipa ang walang kamalay-malay na mga bato. Dahil hapon na rin at palubog na ang araw ay unti-unting lumilitaw ang dalawang buwan.
Nagsisilabasan na rin ang iba't ibang kulay na mga alitaptap.
Muli kong tinapunan ng tingin ang lawa at tinignan ang repleksyon ko. This lake symbolizes me, myself. Ito ang tumutulong sa akin sa Academy.
The lake chooses the students and their Guilds.
Huminga ako nang malalim bago mahigpit na hinawakan ang tasang dala-dala ko.
"Tara na Helena-"
Hindi na naituloy ni Gin ang sasabihin niya nang makita niya ang gagawin ko.
"H-Hey!"
Sinubukan niya 'kong lapitan pero hindi na siya umabot. Binasag ko ang tasang hawak-hawak ko at napuno ng bubog ang palad ko.
Diniinan ko ang palad kong patuloy sa pagdurugo at itinapat ito sa lawa.
My blood will be the indication of the new Guild that will rise. If the lake will turned into a pool of blood, it means that he/she is a student that I've chosen.
Rise. The students that I've been waiting for a long time.
Ipapangalan ko sa kanila ang nilalang na matagal ko ng hinihiling na sunduin ako.
The Grim Reapers.
"Tsk! Ano ba 'yang ginawa mo, Helena?!" giit ng lalaking kasama ko.
Tinignan niya ang palad kong nagdurugo na puno ng irita at pag-aalala.
"Hey, Gin."
Hindi niya 'ko pinansin at sinimulan niyang punitin ang t-shirt na suot niya upang takpan ang sugat ko.
"Shh! Ano bang trip mo? Imbis ikaw ang mag-alaga sa anak mo ay ako pa ang mag-aalaga sa'yo," pagsermon niya sa akin na kinanuot ng noo ko.
"Hey, brat," muling pagtawag ko. Nagawa na niya 'kong tapunan ng tingin.
Nakaangat ang tingin ko sa kaniya, dahil hindi hamak na mas matangkad na siya sa akin. Kahit hindi ako nagpapakita ng emosyon, sapat na ang tingin ko para makita ang sinseridad na meron ako.
"Will you be officially my right hand? The person that I will trust the most. The Guild's Master of the Guild that I will make?" seryosong sambit ko.
Natigilan si Gin at hindi kaagad nakasagot. "H-Huh? Bakit ako? Alam mo kung sino ako, Helena. Hindi ako ang klase ng taong mapagkakatiwalaan mo," sagot niya. Umiwas siya ng tingin sa akin.
Kumurba ang labi ko sa isang ngiti. Kahit na mas matangakad sa akin si Gin ay nagawa kong hawakan ang ulo niya na kinabigla niya
"You're my kid.... Of course I will trust you."
₪₪₪₪₪₪₪₪
Kinabukasan ay pumunta kami ni Cora sa Solar Academy para kausapin ang isa sa mga opisyales nito. Matagal na nila 'kong pinapapunta rito, at sigurado akong napupuno na sila dahil sa mga dahilan ko.
"P-Principal Helena, please naman. Kausapin mo ang mga estudyante mo," halos magmaka-awang sambit ni Rego. Isa sa mga opisyales ng Solar Academy.
"Pinagkakamalan ng Dark Guild ang mga Guild sa paaralan mo! Mas marami pa ang nasisira nila kaysa sa naayos! Sinong kumukuha ng trabaho tapos sasaksakin ang client?!" muli niyang sambit. Nakahawak ito sa noo niya na mukhang problemadong-problemado.
Nagkrus ang dalawa kong braso at walang buhay ang mga mata ko siyang tinignan. "So? Nagawa naman ng mga estudyante ko ang trabaho hindi ba? At nakaligtas naman ang client. Hindi ko masisisi ang mga estudyante ko kung nairita sila rito at sinaksak nila iyon," walang gana kong sambit.
Napaawang ang bibig ng lalaking kaharap ko at huminga nang malalim upang pakalmahin ang sarili niya. Dahil doon ay si Cora na lamang ang kumausap sa kaniya at umalis na ako sa silid.
Kahit anong reklamo nila sa mga estudyante ko ay wala silang magagawa. Hindi nila ito pwedeng hawakan o galawin man lang dahil ako ang makakalaban nila.
"P-P-Principal, w-we should t-t-take the Solar A-a-Academy s-seriously. S-Sila ang t-taga b-bantay ng mga D-dark Guilds," paalala sa akin ni Cora habang naglalakad kami palabas.
I clicked my tongue. "Fine, fine."
Naghintay kami sa labas ng Academy ng kalesa. Inaabangan ni Cora ang sasakayan namin habang inililibot ko ang tingin ko sa paligid.
I don't know why, but my instinct is telling me to walk instead.
"P-P-Principal, t-tara-"
"You can go Cora, mauna na kayo. May pupuntahan lang ako," pagsingit ko.
Hindi ko na hinintay pang makasagot pa si Cora at nauna na akong maglakad. Suddenly, I felt something strange.
I continued walking until I passed by the tunnel, and an ordinary forest greeted me.
Kaswal lang akong naglalakad nang may masilayan akong isang babae. She has a short blonde hair and she's wearing a marguerite dress.
And on the top of that, she's holding a white cat.
Hindi ko alam kung bakit iba ang pakiramdam ko nang tumama ang tingin ko sa mga mata niya. They're blinking, but at the same time, it doesn't look like they're real.
Nang makalapit ako sa kaniya ay sadya ko siyang sinangga.
"Ops, sorry!" nakangiting niyang pagpapaumanhin sa akin.
Nagtama ang tingin namin at tila natigilan ako. She probably thinks I'm a weird kid because I kept staring at her.
Nanatili lang akong nakatingin sa mga mata niya at natauhan ako.
This girl...
She's not real...
"What's her name?" biglaang sambit ko.
Hindi kaagad nakasagot sa akin ang babae nang mabigla ito sa sinabi ko. "Oh! She's Chelsea-"
"I'm not talking to you," pagsingit ko.
Hindi nakaimik ang babae. Nabigla siya nang makitang nakatingin ako sa hawak-hawak niya.
The white cat.
I don't know why or how. But it feels like this cat has a soul.
The girl that is holding her is not real. In short, it's just a mere puppet.
"What's her name? Your puppet?" pag-uulit ko.
Hindi makapaniwalang tumingin sa akin ang babaeng kaharap ko. Nabigla na lamang ako nang bigla ako nitong niyakap.
"H-Hey! What are you doing?!"
Hindi ako binitawan ng babae.
"I-I can't cry. So can I hug you instead?"
Natigilan ako sa sinabi niya. Natagpuan ko na lamang ang sarili kong niyakap siya pabalik.
That was the day I met Lemon Kievah Charlotte. A cat that controls puppets.
Ito ang unang beses na nakaalam ako ng gano'ng klase katulad sa kaniya.
She told me that she sold her body to a demon but I didn't believe it.
Sigurado akong hindi isang demonyo ang nakausap ni Lemon. And whatever it is, I will find it.
I will bring my student's body back.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top