18. Future

AFTER 4 YEARS

Isa-isa kong tinignan ang mga papeles na binigay sa akin ni Ethan. Mga listahan ng mga wanted na Gifteds.

Ito ang mga magsisilbing missions ng mga estudyante ko. Magkaharap kami ngayon na nakaupo sa opisina niya para kunin ang mga ito.

"As always, thank you for the information, Ethan," sambit ko.

He smiled. "Oh, come on. Iyan na lang ang mababawi namin sa'yo sa mga ginagawa mo para sa amin at sa mga Academy," nakangiting sagot niya. "Dapat pa nga akong humingi ng pasensya dahil ikaw pa ang kailangang pumunta rito sa Nocturne Academy. If I'm not just busy, I'll personally hand these to you instead."

Napabuntong-hininga ako bago ilagay ang mga papeles sa envelope.

Sa lahat ng mga Portugal na nakilala ko ay si Ethan ang pinaka-humble—parang hindi siya galing sa mga matitigas at mahihigpit na Portugal. Siya rin ang pinaka naging kamukha ni Evan sa panahon ko.

"You don't have to, ako na lang ang pupunta, mas marami akong oras," sagot ko. "Well then, aalis na 'ko."

Hindi pa 'ko nakatatayo ay may pahabol na sambit ang lalaking kasama ko.

"W-Wait Helena," pagpigil niya.

Tinapunan ko siya ng tingin habang may kinukuha siya sa ilalim ng lamesa niya. Kumunot ang noo ko nang makitang isang regalo ito.

Nakangiti niya itong inabot sa akin. "For you."

Tinignan ko siya na para bang may mali sa ginawa niya. "For what?" tanong ko.

Mapait na napangiti si Ethan. "You're a part of our family, you know? Pero ni isang beses mula nang magkaisip ako ay hindi kita nakikitang mag-celebrate ng kaarawan mo. Hindi ka na nasanay, kada taon kitang binibigyan ng regalo. Iba't ibang araw, dahil hindi ko alam kung kailan ang kaarawan mo." Ethan showed me a soft smile.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Ang huling beses na nagdiwang ako ng kaarawan ko ay may mga taong nawala sa akin. Iyon na rin ang huling beses na dumagdag ang edad ko. Matapos n'on ay hindi na 'ko tumanda pa.

Ang kaarawan ko ang araw na ayokong dumadating o iniisip.

Anong silbi ng pag-celebrate pa ng kaarawan ko?

Inabot ko ang regalong binigay niya sa akin. "Thank you," tipid na sagot ko.

"You're welcome. Sana dumating ang araw na sabay-sabay nating i-celebrate ang birthday mo," nakangiting sambit ni Ethan. For a moment, I think I saw Evan.

Isang mapait lang na ngiti ang sinagot ko sa kaniya bago tuluyang umalis. Lumabas ako ng opisina ni Ethan at naglakad papalabas sa Academy. Saktong paglabas ko ay bumungad sa akin ang mga batang nagtatakbuhan.

"Hey wait!-"

Natigilan ang batang babae sa paghabol sa kasama niya nang mapunta ang tingin niya sa akin.

"Wah!!! Helena!" masiglang sambit ni Xilah.

Napaismid ako sa sarili ko. Kung kailan uwing-uwi na 'ko at gusto ko ng makainom ng tsaa ay may sakit sa ulo pang sumagabal.

"What are you doing here?" marahang tanong niya sa akin. Kaunting nakaangat ang tingin niya sa akin, malapit na niyang maabutan ang tangkad ko.

Walang gana ko siyang tinapunan ng tingin. "Ikaw, anong ginagawa mo rito? Hindi pwedeng maglaro ang mga bata sa Academy," walang ganang sambit ko.

Sumimangot sa sinabi ko si Xilah. Sunod kong tinapunan ng tingin ang batang lalaking hinahabol niya.

Tila natigilan ako nang makilala ito.

"Oh, Zail. What are you doing here?" tanong ko. Nahihiya siyang tumingin sa akin habang magkahawak ang dalawang kamay.

Si Xilah ang sumagot sa sinabi ko. " We are playing!" masiglang sambit niya.

Hindi maipinta ang mukha ko. That doesn't look like it. Hinahabol niya si Zail para makipaglaro sa kaniya. "Tsk. You're already 9, Xilah. Stop playing with a 4 year old," walang kaemo-emosyong sambit ko.

"Hmp! Eh ayaw mo namang makipaglaro sa akin!"

"U-Uhm. It's fine, Principal Helena..." mahinang sambit ni Zail.

Muli ko siyang tinignan. Now he's looking at the ground—shy. He might not look like it but I'm sure that he'll be on the top in his generation.

At the age of four, Zail had already awakened his gift. Ang balita ko ay bigla-bigla na lamang siyang nawawala at sumusulpot sa kung saan.

As of now, he's the youngest Gifted I know.

"Zail!" Rinig kong sambit ng isang pamilyar na boses.

Pare-parehong kaming napatingin sa babaeng tumawag kay Zail.

Kahit na may anak na siya ay hindi pa rin talaga kumukupas ang ganda niya. Lalo na ngayon na kapansin-pansin din ang nakaumbok niyang tyan.

It's Zail's mom, Cresza.

"Ma!" masiglang sambit ni Zail na kaagad na lumiwanag ang mukha, habang tumatakbo papunta sa ina niya.

Doon ko napansin na may puting lobo na sumunod kay Cresza. Her familiar, Delilah.

Mabilis din akong napansin ni Cresza. Agad niya 'kong nginitian at kinawayan.

"Woah, Principal Helena. Nandito ka pala," makangiting bati sa akin niya sa akin.

Kumurba ang labi ko sa isang ngiti. "Yeah, may dinaanan lang."

Napunta ang tingin ko sa tyan niya. Agad naman itong napansin ni Cresza.

"Oh, it's your first time seeing her, right?" aniya habang hawak-hawak ang tyan niya.

"It's our baby girl, Cleofa." She smiled, while introducing her second baby.

Napangiti ako sa sinabi niya. Balak ko sanang magsalita nang matigilan ako.

Naglaho ang ngiti ko sa labi nang may pumasok sa isip ko. Parang bumagal ang oras, nang hindi lang iisang taon—kung hindi isang dekada sa hinaharap ang nakita ko.

Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko at namutla ako. Nanikip ang dibdib ko at nahirapan ako biglang huminga.

It's been a long time... since I felt this-

Dahil siguro na kapwa ko heiress ni Cronus si Cresza ay nakita ko ang buong hinaharap niya.

Mas lalong sumikip ang dibdib ko at kumirot ang puso ko.

"Helena?"

Tila natauhan ako nang hawakan ako ni Cresza. Muli akong bumalik sa kasalukuyan.

"Okay ka lang?" marahang tanong niya sa akin.

Hindi ko pa nagagawang makasagot ay mukhang nabasa na ng babaeng kaharap ko ang ekspresyon ko. Her expression also changed. She knew that I can see a glimpse of the future.

Little did she know, I already saw her future. Every part of it.

"O-Oh. Mukhang hindi maganda ang nakita mo ah," pilit na ngiting sambit niya sa akin.

Nag-aalala akong tumingin sa kaniya. Pero hindi ko pa nagagawang makasagot ay mabilis niya 'kong naunahan na para bang alam na niya kung ano ang nakita ko.

"Don't worry.... Everything is going to be fine. Kung ano man ang nakita mo, sinisisgurado ko sa 'yong wala akong pinagsisihan sa mga ginawa ko," nakangiting sambit niya sa akin.

Hindi ako naka-react sa sinabi niya. Tanging pagkagat na lamang sa ibabang labi ang nagawa ko. Humigpit ang pagkasasara ng kamao ko.

Indeed... I saw a terrible future... but what can I do?

"C-Cresza..."

Cresza smiled at me, knowing that her future won't be the way she wanted it... yet, she already accepted it herself.

Muli kong tinapunan ng tingin si Zail.

As Cresza's friend, I will not let anything happen to her children.

This is the only thing I can do for her... for I can't change her future—her destiny. But I can... change her children's fate.

I promise that when the time comes and they'll need my help...

I'm willing to give them my time.

"Oh sya, mauuna na kami, Principal. It's nice seeing you again," nakangiting pagpapalam sa akin ni Cresza.

Kumaway siya papaalis sa akin pati na rin si Zail na nakasakay kay Delilah.

Hindi mawala-wala ang kirot sa puso ko habang tinitignan siya paalis. Hindi ko mapigilang makita sa kaniya si Scarlet.

They know... that I can help.

That with just one call—one 'help'... I can do anything for them.

But... they just accepted their fates.

"Hey, Helena. Anong pinagsasabi ninyo?" biglaang tanong ng batang katabi ko.

Hindi ko namalayan na nandito pa pala ang sakit sa ulo na si Xilah. Napaismid ako sa tanong niya at hindi ko siya sinagot.

Kumunot ang noo nito sa inakto ko. Bago niya magawang makapagsalita ulit ay may tumawag sa kaniya.

"Xilah!" sambit ng isang babae.

Lumiwanag ang ekspresyon ni Xilah nang makita ang babaeng tumawag sa kaniya. "Tita Prisma!" masigla niyang sambit.

Sinalubong kami ni Prisma, Ethan's wife.

Doon ko rin napansin na nakaumbok din ang tyan niya.

"Ginugulo mo na naman si Principal Helena," natatawang sambit ni Prisma kay Xilah.

"Nasanay na 'ko," walang gana kong sambit na kinasimangot ng batang babae.

"Anyways, congrats. I was too busy that I didn't knew you that you were pregnant," pag-iiba ko.

Kumurba ang isang ngiti sa labi ni Prisma sa sinabi ko.

"Oh, thank you, Principal. We're expecting a girl," nakangiti niyang sagot.

"And we're planning to name her Scarlet."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top