13. Nephew
I officially became a Portugal. Scarlet was 2 months pregnant. Matapos maayos ng mga papeles ay sapilitan akong sinama ni Scarlet para ipinta ang letrato namin.
Hindi na 'ko nakaangal sa kaniya dahil sama-sama na niya ang pintor.
It was our first and last picture together.
Pare-pareho kaming naging busy, lalo na si Evan na nagsilbing tagapangalaga rin ng Solar Academy dahil sa pagbubuntis ni Scarlet. We didn't even noticed that 7 months have already passed.
Scarlet gave birth to a healthy baby boy. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko nang mahawak ko ang bata.
To be honest, I've never been this happy before. Iba ang saya ko para kay Scarlet at Evan. Habang hawak-hawak ang bata ay roon ko tinatak sa isipan ko...
I'll protect this boy no matter what. Even if it costs my life.
Scarlet named her baby after me, Helen Evan Portugal. We call him El.
Nagpatuloy ang takbo ng oras at hindi ko namalayan na pitong taon na ang lumipas. Laging nasa Academy ang atensyon ko.
"Principal Helena." Rinig kong sambit ni Crimson.
Pumasok ito sa opisina ko na hindi maipinta ang mukha. Kahit hindi niya pa sabihin ay alam ko na ang gusto niyang iparating. Napabuntong-hininga na lamang ako bago tumayo at lumabas sa silid.
Pumunta ako sa bungad ng Academy at tama nga ang hinala ko. El was playing with some of my students. Mabilis siyang natigilan nang makita ako.
"Wah!! Auntie Helena!!" masiglang sambit ni El bago ako salubungin ng yakap.
Tinignan ko lang siyang nakayakap sa akin bago ako huminga nang malalim. "What are you doing here, El?" walang ganang tanong ko.
Nakangiting humarap sa akin ang pamangkin ko. "Hinatid ako rito ni dad!"
Tinapunan ko siya ng tingin. "Iyong totoo?"
Nawala ang ngiti ni El bago ito umiwas ng tingin sa akin. "Mom said I can play with you, kaya dinala niya po ako rito," mahinang sambit niya.
Napahawak na lamang ako sa mukha ko. Makunsinti talagang nanay si Scarlet. Ilang beses ko ng sinabi sa kaniya na 'wag dadalhin si El sa Academy ko. I'm not a babbysitter and this is not a safe place.
Kamukhang-kamukha ni El si Evan pero kasing ugali niya ang nanay niya.
"Go home. Ipahahatid kita kay Crimson," ma-awtoridad na sambit ko.
Sinimulan kong talikuran si El nang maramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko.
"But... I want to play with you aunt!" pagmamaktol niya.
Muli akong napabuntong-hininga at tinignan siya. "No," mariing sagot ko.
Natigilan ang batang nakakapit sa akin. Unti-unting lumuwag ang pagkahahawak niya sa akin. His eyes are starting to get teary as he pouts.
Napaismid na lamang ako. Talagang mag-ina sila ni Scarlet—pareho silang hindi ko matiis.
Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakaupo sa parke ng Academy habang pinapanood si El na maglaro.
"Auntie Helena! Call meteor! Call meteor!" masiglang sambit ni El.
Nakapatong ang baba ko sa palad habang walang buhay ang mga mata na nakatingin sa kaniya. "Meteor," walang ganang pag-summon ko.
Nakarinig kami ng dagundong sa gubat. Unti-unting gumalaw ang lupa at lumabas ang familiar ko.
Laking tuwa ni El nang makita ang T-rex. Ni hindi man lang 'to natakot o nag-alinlangan na lapitan ito. Bagkus ay dahan-dahan siyang sumakay.
"When I grow up, dito ako mag-aaral!" masayang aniya.
Umiling ako sa sinabi niya. "I won't let you, brat. Hindi ka pwede rito. Doon ka sa mga magulang mo," walang ganang sagot ko.
Hindi ako pinakinggan ni El. "Nope! I will study here!" masiglang sabat niya.
Napabuntong-hininga na lamang ako habang pinapanood ang batang nagsasaya.
You can't study here. I won't let anything happen to you, kid-
Kusang namilog ang mga mata ko nang bigla na lamang may pumasok sa isip ko.
A scenario. Nakasakay si El kay Meteor nang bigla na lamang may nagpaputok ng baril at tumama ito sa balikat niya.
Nang bumalik ako sa kasalukuyan ay mabilis akong napatingin kay El. Saktong pagtingin ko ay nakarinig ako ng pagputok ng baril.
I felt my eyes change.
Unti-unting bumagal ang oras sa paningin ko. Doon ko nakita ang balang dahan-dahang lumalapit kay El. Tuluyan kong pinahinto ang oras ng bala.
"Meteor," kalmado ngunit ma-awtoridad na sambit ko.
Mabilis akong naintindihan ng Familiar ko. Pinahinto ko ang oras ni El nang sa gano'n ay hindi siya mahulog sa biglaang pagtakbo ng T-rex.
Sinalo ko si El at tuluyang pumunta ang familiar ko sa kinaroroonan ng taong nagpaputok ng baril.
Matalim ang tingin ko sa lalaking nahuli ni Meteor. Kupal siya, isang invisibility ang gift niya.
Kaya siguro hindi siya napansin na pumasok sa Academy... pero maling tao ang binabangga niya.
"Papatayin ko ang mga taong mahalaga sa buhay mo Helena! Ibalik mo ang kapatid ko!" sambit ng lalaki.
Walang kaemo-emosyon akong tumingin sa kaniya. "Your sibling was a criminal. Trabaho ng Academy kong hulihin sila. Pero 'wag kang mag-alala. Makakasama mo rin siya."
Sinenyasan ko si Meteor na alisin sa harapan namin ang lalaki. Pasalamat siya at kasama ko si El. Kung wala rito ang bata ay pasasabugin ko ang bungo niya.
Naiwang tulala si El sa nangyari.
"Are you hurt, kid?" tanong ko.
Umiling sa akin si El at dahan-dahang tumingin sa akin. My expression softened. I guess he was scared... both at the criminal and at me.
Marahan ko siyang hinawakan ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa niya. Masigla niya 'kong niyakap.
"Da-best ka talaga, Auntie Helena!" masaya niyang sambit.
Natigilan ako. I just found myself smiling while patting his head.
"No one can hurt you, El. As long as I'm here."
Nagpatuloy sa paglalaro si El hanggang sa magsimulang dumilim. Hindi pa tuluyang bumababa ang araw ay may muling pumasok sa isipan ko.
"She's coming," walang ganang sambit ko.
Kumunot ang noo ng pamangkin ko. Bago niya pa magawang magtanong ng kung ano ang ibig sabihin ko ay bigla na lang siyang napatingin sa ere.
"Mommy!" masiglang sambit ni El kay Scarlet na lumilipad.
Masayang sinalubong ni Scarlet ang anak niya. "Did you had fun?" She smiled.
Isang tango ang sinagot ni El na kinaismid ko.
"How many times do I have to tell you? Bawal ang bata rito," walang ganang sambit ko.
Ngiti ang pinakita sa akin ni Scarlet. "Oh, come on. Alam kong hindi mo hahayaang mapano si El."
Muli akong umismid at hindi umimik. Nakapalumbaba akong nakatingin sa kanilang dalawa.
"We're going home na. Anong sasabihin mo kay Auntie?" marahang tanong ni Scarlet kay El.
Humarap sa akin ang bata na may malawak na ngiti.
"Until next time!"
Kumunot ang noo ko nang mapagtanto ko ang sinabi niya. "H-Hey there's no next-"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang natatawang lumipad papaalis si Scarlet kasama si El. Tanging pag-ismid na lang ang nagawa ko habang sinusundan sila ng tingin.
Hindi ko namalayan na lumapit na pala sa akin si Crimson na pinapanood din ang mag-ina paalis.
"Lagi mong sinasabi 'yan. Pero kapag nandito naman ang batang Portugal ay nakikipaglaro ka," natatawang sambit niya.
Sumimangot ako sa narinig. "Shut up." Hindi nawawala ang tingin ko sa dalawang nasa himpapawid.
"Of course I will. He's my nephew."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top