12. The promise
Ginampanan ko ang trabaho ko bilang isang Principal. And before I knew it, I'm kinda getting used to this job.
Tho, minsan napapaisip ako kung tama ba ang naging desisyon ko sa pagpili ng mga estudyante ko. Araw-araw na lang akong may nababalitaan na may nag-aaway o nagsasaksakan. But so far, wala pa namang namamatay.
Wala akong paki sa mga ginagawa nila sa buhay. As long as nagagawa nila ang mga trabaho at missions ay wala akong problema sa kanila.
Kaswal akong naglakad sa campus, lahat ng madadaanan kong estudyante ay may kumento o sinasabi sa akin.
"Hey, Principal Helena! Kailan mo ba ako ulit lalabanan ha? Tara na!" Rinig kong sambit ng isa kong estudyante.
Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya. "Next time, Julius," walang ganang sagot ko.
"Principal! Principal! Naputulan ko ng paa 'yong kliyente namin kanina!" muling sambit ng isa.
Napasinghap ako sa narinig at kunot noong sinundan siya ng tingin. "Talk to your Guild's master about that, Andrea."
Marami pang tumawag sa akin pero isa-isa ko lang silang dinaanan. Pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng mga anak ng wala sa oras.
Nagpatuloy ako sa paglalakad nang may narinig na naman akong tumawag sa akin.
"Principal Helena!"
Napaismid ako bago lumingon kay Crimson. Walang gana ko itong tinignan. "What? Kung tungkol sa Academy 'yan, kaya mo na 'yan."
Kumunot ang noo ni Crimson bago sumimangot sa sinabi ko. "Gusto ko lang sabihin na nasa Rosa ngayon si Miss Scarlet and Sir Evan Portugal," sagot niya.
Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. Evan and Scarlet?
Anong ginagawa nila sa Rosa?
Matagal-tagal na rin nang huli kaming nagkita-kita. Pare-pareho kaming naging busy sa pagpapatakbo ng mga eskwelahan namin.
Tinanggihan din nila ang alok ko na kunin ang mansyon sa Rosa. Kaya medyo hindi kami nagkaroon ng komunikasyon.
Kaya palaisipan sa akin ang dahilan kung bakit sila nasa Rosa ngayon. Pwede naman silang pumunta rito sa Academy kaysa sa bahay ko.
Maaga akong nagpaalam kay Crimson na mauuna na muna akong umuwi. Ipinaubaya ko na sa kaniya ang Lunar Academy.
Nakasakay ako sa kalesa pabalik sa Rosa, nakapatong ang baba sa palad at nakasandal sa bintana. Iniisip ko pa rin ang dahilan kung bakit biglaan akong pinuntahan nina Scarlet at Evan.
Hindi rin nagtagal ay pumasok na kami sa tunnel. Sa kabilang labasan nito ay sumalubong sa akin ang gubat. Dahil sa dami ng puno ay sa bungad lang ako naihatid ng kutsero.
As always, I walked by myself throught the forest. Tahimik lang akong naglakad sa kalagitnaan ng gubat... sobrang tahimik.
Ang tunog ng mga kuliglig lang ang ingay, at mga dahon na naghahampasan sa isa't isa.
Dahil sa katahimikan, nangibabaw ang ingay sa isipan ko. Pagmamay-ari ko ang lugar na ito. Mayroon akong mansyon, mayroon din akong kayamanan, pero hindi ko lubusang maisip kung bakit ni isang beses ay hindi ko naramdamang sumaya.
Mayroon din akong ganito rati. Nakukuha ko ang lahat ng gusto ko.
I was once a princess, a queen to be exact.
Pero kumpara dati, I feel more lonely now.
Ngayon ko lang na-realize na mas maganda na rin pa lang may bumubunganga sa akin araw-araw. Hindi ko napansin na nakakurba na pala ang labi ko. Maybe having an Academy was not bad after all.
Natauhan na lang ako nang matagpuan ko na ang sarili ko sa harap ng mansion. Kaswal akong pumasok sa loob at tumungo sa salas.
Sumalubong sa akin ang dalawang pamilyar na mukha na parang kahapon ko lang nakita.
"Helena!" masiglang bungad sa akin ni Scarlet. Isang ngiti rin ang pinakita sa akin ni Evan.
"Come in!" dagdag ng babaeng kaharap ko.
"Of course I will, this is my house." I chuckled.
Pareho silang natawa sa sagot ko. Umupo ako sa harap nina Scarlet at ni Evan. Ang solo sofa na madalas kong upuan, at katapat ng bintana.
Hindi pinalagpas ni Scarlet ang pagdating ko at pasimple ako nitong inabutan ng tasa.
"Bulok na 'yang style mo," walang gana kong sambit na kinatigil niya.
"Hmp. Dali na! Ngayon lang!"
Napabuntong-hininga na lamang ako bago kunin ang tasa at sumipsip ng tsaa. Dahil sa ilang beses na 'kong pinapatikim ni Scarlet nito ay unti-unti na rin akong nasasanay at habang tumatagal ay nagiging okay na rin ito sa panlasa ko.
But still, I don't like teas.
"So? What brings you here?" pag-iiba ko. Umangat ang tingin ko sa kanilang dalawa.
Pareho kong tinignan si Evan at Scarlet na natigilan at nagkatinginan. Kumunot ang noo ko. Mas lalo akong nagtaka sa inasal nila.
"U-Uhm," nahihiyang tumingin sa akin si Scarlet. Umiwas siya ng tingin sa akin na mas lalong nagpadagdag ng kuryusidad ko.
"Oh, come on. Ikaw ang nakaisip ng pagpapatayo ng mga paaralan. Ano pang ikabibigla ko sa sasabihin mo?" natatawang tanong ko.
Muli akong sumipsip sa tasa. Tumagal ng ilang segundo bago muling magsalita si Scarlet.
"Helena."
"I'm pregnant."
Natigilan ako sa pag-inom ng tsaa. Hindi kaagad naproseso ng utak ko ang sinabi niya.
Dahan-dahan akong napatingin ulit sa kanilang dalawa ni Evan. Unti-unting namilog ang mga mata ko.
"P-Pregnant?" hindi makapaniwalang sambit ko.
Nakangiting tumango si Evan at Scarlet. Marahang hinawakan ni Scarlet ang tyan niya na sinundan ko ng tingin.
Hindi ako makapaniwala. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko...
Sobrang saya ko para sa kanila.
Sobrang saya ko...
Pero hindi ko alam kung bakit...
Sa kaloob-looban ko, walang tigil ang pagdurog ng puso ko.
Diniinan ko ang pagkahahawak ko sa tasa, pakiramdam ko ay mababagsak ko ito.
"C-Congrats."
Pinilit kong ngumiti. Iyon lang ang nagawa kong masabi sa kanila. Sa ngayon, 'yon lang ang kaya kong panghawakan.
I can't fully say that I'm happy for them if I'm really not.
Parehong napangiti si Scarlet at Evan sa sinabi ko. Nagtaka ako nang nanatili silang nakatingin sa akin na para bang may gusto pa silang sabihin.
"M-May nakalimutan pa ba kayong sabihin?" marahang tanong ko.
Pasimple kong hinawakan nang mahigpit ang pambaba ko. I need to stop myself from crying—hindi pwedeng sa harapan nila...
"Actually, may gusto pa kaming sabihin sa'yo," sambit ni Evan sa akin.
Nabigla ako nang lumapit sa akin si Scarlet. Evan also kneeled in front of me.
"You see, I don't have any siblings, nor Scarlet." Magkapantay kami ngayon ni Evan dahil nakaluhod siya.
Nangungusap ang mga mata ko habang magkatama ang mga tingin namin sa isa't isa.
"So we're wondering, will you be our son's auntie? Will you be my sister, Helena?"
"Will you be a Portugal?"
Parang tumigil sa pag-andar ang oras kahit hindi ko ginagamit ang gift ko. Tanging ang paggalaw lamang ng kurtina na sumasabay sa hangin ang nakikitang gumagalaw.
Hindi kaagad ako nakasagot sa sinabi ni Evan. Ang luhang pinipigilan ko ay unti-unting nagsituluan. Parang natuyo ang lalamunan ko pero pinilit kong sumagot. Kumurba ang labi ko sa isang ngiti at dahan-dahan akong tumango.
"I'm honored to be a Portugal."
Hindi ko mailarawan kung gaano kasaya si Scarlet at Evan sa sinagot ko. Akala nila ay dahil din sa kasiyahan ang pag-iyak ko.
Maski ako ay inakala ko ring dahil ito sa saya. But I don't know if I'm really happy or not.
He fulfilled his promise, and at the same time, didn't.
I'm happy because even if Evan doesn't remember me, He still fulfilled his promise.
He really did made me a Portugal.
But not the way he promised it.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top