10. Academies
Hindi ako makapaniwala sa nagawa ko. I manage to stop the T-rex. It stopped moving.
Nakaawang ang mga bibig ng dalawang babaeng nasa likod ko.
"Wo-Woah," hindi makapaniwalang reaksyon ni Scarlet.
Hindi rin nagtagal ay nagsidatingan sina Evan kasama ang mga kliyente namin. Pare-pareho silang nabigla at natigilan nang makita ang nilalang na nakatayo sa harapan namin.
"I-It's true!" namamanghang sambit ng nakasalamin. "S-Sinong nakapagpahinahon sa Tyrannosaurus rex?" dagdag niya.
Parehong nagsitinginan sa akin ang dalawang babaeng kasama ko. Lahat ng tingin ay napunta sa akin.
"Wah! Totoo nga ang nasa libro!" namamanghang sambit ng isa sa mga kliyente namin.
"Isang tagapagmana ni Cronus ang hinihintay ng T-rex!"
Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. "W-Why?" tanong ko.
Kumurba ang labi sa isang ngiti ng kliyente namin bago sumagot.
"Because the Tyrannosaurus rex was the familiar of the first Heir of Cronus who has the Time Control gift."
₪₪₪₪₪₪₪₪
Maraming nangyari sa loob ng maikling oras. Hindi pa rin nakasusunod ang utak ko sa mga pangyayari. Marahan akong napahawak sa noo ko.
Ang mahalaga, nagawa naming iwasan ang paglamon sa amin ng T-rex na kusang nawala bigla sa hindi ko malamang dahilan. Dahil doon ay nagpatuloy kami sa misyon namin.
Hindi nagtagal ay narating namin ang sinasabi ng kliyente naming mansyon.
Hindi ako makapaniwala. Totoo ngang may mansyon sa gitna ng gubat na ito. At kagaya nga ng impormasyon na nakuha ng mga kliyente namin ay bumungad sa amin ang kayamanan na hinahanap nila.
My jaw literally dropped after seeing the treasures. The room was filled with golds and jewelries. Pero ang pinakakinabigla ko ay ang inakto ng grupong kasama namin.
Nakasunod ang mga tingin namin sa kanila nang pumila sila ng magkakatabi sa harap ko. They all bowed at me.
"Thank you for letting us witnessed this incredible event! You're the rightful owner of this mansion and treasures! It's an honor seeing you!" sabay-sabay nilang bigkas.
Pare-pareho kaming nabigla nina Scarlet at Evan sa sinabi nila.
"W-Wait, no. Nagkataon lang na ako ang naging owner ng T-rex. Misyon pa rin namin na samahan kayo. Sa inyo ang mga 'yan," sagot ko.
Nakangiting umiling sa sinabi ko ang nerd na nakasalamin.
"Hindi ang kayamanan ang gusto namin— kung hindi ang kaalaman. Babaunin namin sa buong buhay namin ang pangyayari na ito. Maramang salamat!"
Naiwang nakaawang ang mga bibig namin sa sinabi nila. Pinilit namin silang kunin ang kalahati ng mga kayamanan ngunit agad silang tumanggi.
Wala kaming nagawa kung hindi tanggapin ang desisyon nila—ako,wala akong nagawa.
Matapos ihatid ni Evan ang mga kliyente namin papalabas sa tunnel ay tatlo kaming naiwan sa mansyon.
"The heck... paano umabot sa ganito," walang ganang sambit ko. Napahawak na lamang ako sa noo habang nakaupo sa isang solo sofa.
Sa kabilang banda ay inililibot ni Scarlet ang tingin niya sa mansyon na hangang-hanga sa mga nakikita.
"Wah! Helena! You're so rich!" masiglang aniya.
Napabuntong-hinigna ako sa sinabi niya. "Oh, come on. Sa inyo na 'yang mga kayamanan. Wala akong gagawin diyan, kahit itong mansyon. Anong gagawin ng isang bata rito?" walang kaemo-emosyong sambit ko.
Kumunot ang noo ni Scarlet at nakasimangot na humarap sa akin. "Hey! Dapat nga ay maging masaya ka! Marami kang na-achieved ngayon. You have your own familiar, money, and a mansion!" giit niya.
Napabuntong-hininga na lang ako ulit at tumango. As always—all I have to do is to agree.
"Nga pala, Helana," pag-iiba ni Scarlet.
Nabigla ako nang nakangiti siyang lumapit sa akin. Bigla niya na lang akong niyakap.
"Thank you so much for helping me earlier," she giggly said.
Napangiti ako sa inakto niya. "Of course, I will always, no matter what and when, help you if you needed it."
Hindi nagtagal ay pumasok si Evan sa silid habang pinagmamasdan ito. "Well, mabuti na rin na tayo ang naunang nakahanap nito. Mahirap na kung isang dark Guild ang nauna, baka kung saan pa nila gamitin ang mga ginto," biglaang sambit niya.
Natawa si Scarlet sa sinabi niya. "But now they can't! Lalo na ngayon, na si Helena na ang may pagmamay-ari ng lugar na 'to," pagmamalaki niya na muling kinabuntong-hininga ko.
"Kung pupunta sila rito ay hahayaan ko silang kunin ang mga ginto. As if may laban ako sa mga dark Guilds. Ni hindi ko nga nagawang pahintuin ang T-rex kanina. Kung hindi lang ako ang owner niya ay malamang nasa tiyan niya na 'ko ngayon," walang ganang sagot ko.
Sumimangot sa sinabi ko si Scarlet. "Then train more! Pag-aralan mo pa mabuti ang gift mo," giit niya.
Napaismid ako. "Kung sana gano'n lang kadali 'yon. Ni hindi nga tinuturo sa ordinaryong paaralan ang mga gifts," sarkastikong sambit ko.
Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan. Natauhan na lang ako nang marinig ko ang pagsigaw ni Scarlet.
"That's it! Iyon ang kailangan natin!" masigla niyang sambit.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Anong pinagsasabi mo?"
Malawak ang ngiti ni Scarlet nang humarap siya sa akin.
"We're going to make an Academy!"
Her eyes are sparkling once again. Hindi kaagad naproseso ng utak ko ang sinabi niya. Kapwa ko ay nabigla rin si Evan sa sinabi ng babaeng kasama namin.
"E-Eh?"
Scarlet was full of excitement. "Gamit ang mga ginto ay magagawa nating gumawa ng paaralan! Para sa susunod na henerasyon ng mga Gifteds!" pangunguna niya.
Umiwas ako ng tingin at sinandal ko ang baba ko sa kanan kong kamay na nakalagay sa arm chair. "Fine, fine. Do what you want. I'm not interested," walang gana kong kumento.
"Oh come on Helena! You're going to be a Principal!"
Kunot noo akong humarap sa kaniya. "Huh? Bakit ako? Isa akong magnanakaw, isang kriminal. Anong alam ko sa pagiging Principal?" sarkastikong dahilan ko.
Muling sumimangot si Scarlet. Tumingin ito kay Evan upang maghanap ng kakampe pero natatawa ring umiling si Evan.
"Tama si Helena, mahal. Wala tayong alam sa pagpapatakbo ng paaralan. Okay na sa akin ang gumawa na lang ng mga missions kasama kayo," sagot niya.
Tumahimik si Scarlet. Pasimple ko siyang sinulyapan para makita ang parang batang natalo sa isang laro. Akala ko ay tuluyan na siyang sumuko. Pero napaawang na lang ang bibig ko sa sunod niyang sinabi.
"Yosh! It's been decided! We're going to make three academies! Each one for us to lead!" masigla niyang sambit.
Pareho kaming nabigla ni Evan. "H-Hey! I told you that I won't going a Principal!" giit ko.
Hindi pinakinggan ni Scarlet ang sinabi ko at tawa lang ang sinagot niya sa akin. "Don't worry! You're both free to do whatever you want!" She smiled.
"I'm going to be your guardian angel! Ang Academy ko ang bahala sa mga Dark Guilds!"
Napsinghap kaming dalawa ni Evan, kasunod ng pagbutong-hininga. Kapwa kaming walang magagawa kung hindi sumang-ayon na lang sa gusto ni Scarlet. Gano'n siya kahalaga sa amin.
"Tsk, suit yourself," sagot ko.
"Anything for you," natatawang dagdag ni Evan.
Muling ngumiti si Scarlet sa mga sinagot namin.
"Okay! It's official! We are going to be the Principals of the first three Academy for the Gifteds!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top