Chapter 9

Hinila ko si Mark  sa likod ng building ng mga nursing. Doon kase may maliit na park na ginawa para sa mga gustong tumambay. Sakto lang at konti ang tao ngayon dito. Humarap ako sa kanya para kausapin siya. Funny nga dahil ako itong gusto siyang kausapin noon pero nawalan ako ng courage dahil sa mga narinig at nakita ko. Kaya this is my chance na para kausapin siya kasi siya na itong lumalapit. Nasuntok pa ni Aaron. Napabuntong hininga na lang ko nung makita ko ang pasa sa pisngi at bibig niya.

"Amara..." tanging salita na lumalabas sa bibig niya. Ang mga tingin niya ay halos parang nagmamakaawa. Para saan? Gusto kong tanungin. Pero ayoko ulit mag assume.

Hinila ko siya paupo doon sa isang upuan na may round table na kahoy.

"I know na naging malandi ako at parang tanga na nagpapapansin sayo. Ang mali ko ay sa messenger pa. akala ko binura mo na lahat iyon kasi sabi mo may girlfriend ka. Mark...." Nagsusumamong saad ko.

Umiling siya na parang tinatanggi ang kasalanang hindi niya ginawa. Nagulat pa ako nang hawakan niya ang kamay ko. Kung dati siguro na gustong-gusto ko siya ay baka hindi na naman ako patulugin ng saya ko dahil dito. Pero iba na ngayon eh. May lamat na. I tried my best to love him by just having him beside me as a friend or by watching him from afar. Kasi ayokong makasira ng relasiyon. Kasi alam kong hindi na pwede at mas lalong hindi pwede kasi siya na itong umiiwas. Kung sa panahon pa siguro na patay na patay ako sa kanya at kahit may girlfriend siya kung gusto niya rin yung ginagawa kong pagpapapansin sa kanya and he accepted me ay baka pinili kong pagbigyan ang bugso ng damdamin ko kahit pa maging isang third party. Pero hindi yun nangyari kasi alam niya ang ginagawa niya sa panahong hindi ko alam ang direksiyon na tinahak ko. Yun ang isa kung bakit kahit papano ay may respeto ako sa kanya. Kasi hindi niya hinayaan na matukso at patulan ako ng mga panahong iyon.

Sinubukan kong hilain ang kamay ko ngunit hindi niya iyon binitawan.

"wala akong alam. Wala akong ka-alam alam na nakita niya pala yung convo at iniscreenshot pa para ipost. I swear, saka ko lang nalaman na may ganong issue nung pinakita ni sandra sa akin yung post."

"sandra? Yung ex mo?"

Lumunok siya at alanganin na tumitig sa mga mata ko.

"o-oo. Pero matagal na. The relationship we had before is purely platonic. Kaya casual na magkaibigan lang kami ngayon."

"so siya yung nagpost?" mapait na tanong ko. "pero parang ayos lang sayo na pinagtatawanan ako habang binabasa yung convo sa harap mo?" naiiyak na sabi ko. kasi tangina naman. Ano pa ang purpose ng pag-uusap namin 'to kung parang wala rin naman pala sa kanya. Ano nandito siya para magsorry? Mag paliwanag? Ano pa? anong ipapaliwanag niya.

Yumuko siya.

"hinayaan ko sila kasi hindi ko kayang sitahin sila. Tsaka isa pa ay wala na rin naman akong maitatago, hindi ko rin alam paano iexplain sa kanila kung bakit----"

"p'tangina naman! Mark!" nagulat siya sa pagsigaw ko kaya nabitawan niya ang kamay ko nang hilain ko ito at lumayo sa kanya. Hindi ko parin alam kung bakit sa kabila ng sakit ay parang wala ng lumabas na luha ko. Sinubukan niyang lumapit sa akin pero lumayo ako sa kanya.

"maling mali ang pagkakakilala ko pala sayo! You're too kind.....too kind para hindi manlang malimitahan ang mga kaibigan mo sa pakikialam sa privacy mo. Hindi mo manlang sila mabawalan, and you...you don't know how to keep privacy either. Oo kasalanan ko, pero bakit kailangan pang ibroadcast? Paano nila nahanap kung dapat natabunan na iyon sa mga messages! tinigilan na kita eh. Ayos lang sana kung noong kinukulit pa lang kita saka nangyari 'to. Pero bakit ngayon pa na nakaka abante na ako."

"I'm sorry..." tanging saad niya sabay yuko. Mapait akong tumawa. Ganon naman talaga eh. Aside sa sorry ano pa ba ang dapat sabihin pag may mali kang nagawa? Pero nangyari na eh. Tapos na kaya walang magagawa kundi tanggapin na lang.

Kinalma ko ang sarili ko at lumapit ako sa kanya kaya napatingin siya sa akin.

"Mark, you have your girl right? Please reflect on this. Hindi lahat ng nangyayari sa buhay mo maging ang mga dapat sa inyo lang ng girlfriend mo na pinag-uusapan ay kailangan malaman ng mga kaibigan mo. You are too open to your friends to the point na wala ka nang privacy." Titig na titig siya sa akin habang sinasabi ko iyon.

"hindi pa kami but I already lost her." Tinutukoy niya yung girlfriend niya. Nagulat ako doon. How? Because of this? Of me?

Ngayon ako naman ang sorry.

"I'm sorry---"

"maniniwala ka ba kung sasabihin kong ikaw yun?" diretso na tanong niya to the point na hindi ko pa iyon na process agad. Natulala ako sa kanya. ilang minuto pa ay unti-unti akong natawa sa sinabi niya.

"Mark---"

"noong una oo, I don't feel anything. But you're too pesistent to the point na gustong-gusto kitang replyan pabalik noon. Pero hindi ko ginawa because I am enjoying the feeling of being chase by someone, and that time I also like someone else but only by just admiring her. Noong sinabi kong may girlfriend ako ay aaminin ko nadisappoint ako sa sarili ko kasi baka ititigil mo na. Pero nung hindi ka huminto, mas lalo akong nabuhayan ng loob. I still didn't accept you that time kasi masyado akong nakampante, na alam kong kapag ready na akong magcommit ay nandiyan ka pa rin."

Titig na titig ako sa kanya habang nakikinig. Nang makita niyang seryoso akong nakikinig sa mga sinasabi niya ay nagpatuloy siya. This is the answers to my questions. The painful truth, indeed.

"pero noong pasukan, na duwag ako. Lalo na nung makita kita ulit. I know we've been friends before bago ka pa umamin sa akin. Pero natatakot na ako baka bored ka lang nung panahon na iyon."

"but I still chased you in the first week of school days."

"yes, but that time I tried my best to avoid you. Kasi ayokong dumating yung point na nagsawa ka na habang ako ay hulog na hulog na. I'm afraid that the moment I've fallen for you will also the time you'll stop chasing me. I don't even know why are you chasing me neitherr. You're chasing me because you just want to, because you're just bored, or you have that feelings towards me?"

And that questions also makes me questioned myself. All this time, it's really my fault. Because the question why I am chasing him is I don't even know the answer myself. To hear his point of view is to answer all my questions. But hearing that will also lead me to another question, but this time, a question towards my myself.

"I tried to avoid you as much as I can. But I didn't expect that while doing the process will only lead me to think about you all day, all night. To the point that I realize that I have already fallen for you. Nung tumigil ka na mas lalo pa. Mas lalo pa nung sa bawat lugar na tatambayan namin ay ikaw lagi ang naririnig kong usapan ng mga nakapaligid na lalaking tumatamabay din. You are not aware that there is so much guys who like you. Araw-araw kitang pinagmamasadan sa malayo nang hindi mo alam. Lalo na yung isang nursing student. That nerd guy who like you trying his best to catch your attention by turning his self into normal." Huh? Sino yun? magkalapit lang kasi building namin sa nursing pero wala naman akong napapansin na ganon.

Nabasa niya siguro yung pagtatanong sa mukha ko kaya sinagot niya.

"I just suddenly realize na binabakuran na kita sa mga lalaking gustong lumapit sayo. But that Botany VIP student firmly didn't budge on my way. Amara, do you love him?"

Nagulat ako sa biglang tanong niyang yun. Love? What is it really? There are too many definition of love.

Umiling ako.

"Mark, for you what is love?" natulala siya.

Napangiti na lang ako ng tipid. Kasi alam kong ganon din ang reaksiyon ko.

"ironic right? There are so many theorists who defined love. But it is just a definition for them. It is just their own sbjective view, their own experience. But for an individual who still confuse to their feelings, it's hard for us to define love specially when we didn't even know how to name the feelings we have. If it just an admiration or just something comfortable we felt when we are with someone. So as of now, I can't answer your question."

I guess this talk is a good start. We settled those unsaid thoughts and unnamed feelings. I hope this will end as we both accept the fact that we are not meant to be one. Maybe we understand each other but being into relationship is not easy just because we have mutual feelings. It required positive commitment. We are already old enough to be in a relationship just to break in a month or even weeks.

"But are you comfortable with him? Do you have feelings for him deeper than the feelings you have for me before?" muling tanong niya.

Umiling ako. tsaka sumagot.

"I don't know, but I am comfortable with him. I feel like I can shows the real me when I am with him. He's not a psych student, Mark, but I feel like he is more understanding than us. He knows how to deal with my sudden emotion and knows how to handle my attitude towards him. From him, I felt how to be treated as someone's important to him. The feelings of being taking care not because they need to, but becase it's their involuntary action that didn't need to think about."

Ngumiti siya. Pero hindi abot tenga.

"guess I'm too late to make you feel those kind of feeling."

Tumititg ako sa kanya. At sa oras na 'to ay kahit papano ay natupad ang isa sa mga pangarap ko.

Lumapit ako at niyakap siya. Maybe this is my wish before when I am still into him, but now I didn't expect that this hug will gonna be the sign that I am already over him. He hugged me back. Too tight that I almost can't even breath. We both know that this will be the last contact we'll have. Maybe next day, we'll just pass each other and act like we don't know each other but in a casual way.

Lumayo na kami sa isa't-isa. Mukhang ayaw pa nga akong bitawan pero labag man sa loob ay kailangan. I just realize that while I am admiring him, he already have a deeper feeling towards me. But that feeling is combined with the thoughts of what if's. He also have his own insecurities and fears.

"ihahatid na kita. Kahit ngayon lang."

Muntik ko nang makalimutan na may klase pa akong 4-5. Bumuntong hininga ako.

"may 4-5 pa ako." I said while pouting like nothing happened.

Tumawa siya. Maaliwalas na tawa. Same with me, he also act like nothing happened emotionally and seriously earlier. Then this is good.

Tumingin siya sa relo niya.

"alas tres na. may isang oras pa naman. Tara muna sa canteen." He casually said. Para akong natanggalan ng ilang mga buhat buhat na problema dahil sa pag-uusap na ito. Atleast now, we are alreaady comfortable with each other. Happy and contented.

I laughed. "tara, libre mo ah!" he just laughed at nauna nang naglakad.

Pagkarating namin sa canteen ay dumeretso ako don sa may ice cream. Yung corneto na jumbo kinuha ko. Kumuha rin siya ng isa kaya I give him the 'gaya-gaya look.

Naghanap kami ng available na pwesto muna habang nagpapalipas ng oras.

"wala ka na bang gagawin?" tanong ko.

"wala na akong klase."

"Magkasama pala kayo." Napatingin ako ron at nakitang si Melody. Oo nga pala. Wala rin siyang alam don sa about sa amin ni Mark dati. Her expresion is parang ang laki ng kasalanan ko. Aaminin ko, hindi ko rin tinuring si Melody na kaibigan. You know the kind of friend na lalapitan mo pag may problema, mapagsasabihan mo ng mga hinanakit. For me I treat her only as a good acquaintance. Para sa akin kasi, hindi lahat kailangan mong ituring na kaibigan. Hindi porket you know each other at may ilang days or weeks na magkasama kayo, hindi porket close kayo is I'll regard him/her as a friend na. it's always only an acquaintances. A good one.

Inirapan ako ni Melody at lumapit kay Mark. Walang pake si Mark na tinitikman ang ice cream niya. Pinapanood ko lang si Mel na galit na lumapit kay Mark at nagulat na lang ako nang binatukan niya si Mark ng pagkalakas-lakas at sakto pa na isusubo sana yung ice cream.

"Melody!" galit na sigaw ni Mark.

"pffftt..." pagpipigil ko ng tawa. Parang batang naagawan ng ice cream kasi reaksyion ni Mark. Isa pa yung ice cream na nagkalat sa mukha niya. Inabutan ko siya ng tissue kaya galit na bumaling sa akin si Melody.

"Grabe! Grabe Amara!" reaksyon niya. Grabe ba ang landi ko? pang g-gaslight ko sa sarili.

"Grabeng rebelasiyon iyon! Bakit sa issueng post ko pa malalaman! Pwede mo naman sabihin sa akin tutulungan pa kita dito sa siraulong 'to! Matagal ko na kayong shiniship pero akala ko wala nang pag-asang lumutang ang barko ko pero malalaman kong may pag-asa pa pala!?"

Nakanganga at gulat akong nakatingin sa kanya. what...the.....sheeeshh? Anong ibig niyang sabihin? So she's not mad at me?

"I'm sorry to say pero yung barko mo wala nang pag-asang lumutang." Saad ni Mark kay Mel.

"ano!? Bakit wala? Eh ayos na kayo diba?"

Sasagot sana ako pero naunahn uli ako ni Mark.

"yes ayos na. Ayos na kaya huwag mo nang hungkatin pa."

Napakunot-noo si Mel at nagtatanong na tumingin sa akin. Binigyan ko lang siya ng tipid na ngiti.

Pagkatapos nun ay sinamahan nila akong dalawa papuntang classroom ko. Nakarinig naman ng maraming sermon si Mark kay Melody at ilang mga sapak. Kesyo daw ang tanga niya, ang bagal niyang kumilos, ang duwag niya at iba pa. Minsan talaga napapaisip na lang ako na paano sila naging ganon ka sobrang close samantala noon eh hindi sila ganyan ka komportable. Yung mag-uusapan lang about important matters. Maybe because of the days na lagi silang magkasama dahil sa research nila. Mas lalo nilang nakilala ang isa't-isa. Kaso nga lang they didn't develop that kind of romantic feelings. They are contented of being friends. Paano kaya kung sila na lang?

"what if kayo na lang kaya?" out of the blue na banggit ko habang pilit na umiiwas si Mark sa mga sapak ni Melody.

Napatigil sila saglit at parang napapaso sa isa't-isa.

"no way!" sigaw ni Melody.

"kahit pa magpalit mukha niyong dalawa hindiing-hindi pa rin pwede." Sagot naman ni Mark. Inirapan siya ni Melody kaya naparoll eyes din si Mark. Natawa ako kasi lalaking-lalaki na trying hard mag roll eyes, ginagaya yung ginawa ni Melody. Natawa rin si Melody kaya napuno ng tawa namin ang hallway dito sa labas bago ako pumasok sa room.

Habang seryosong nakikinig sa instructor ay tumunog ang messenger ko. Nakalimutan ko pa lang i-silent. Hindi naman iyon pinansin ng mga classmates ko at ni sir. Binuksan ko ang message. Si mama. I don't know why I am like disappointed. Dapat masaya nga ako eh dahil si mama iyon na minsan lang ako kamustahin. I am just expecting a different person.

[we will go home sweetheart this december.] Yun lang.

Ang layo pa ng december eh. Ang aga naman niya binalita. Wala naman akong pake kung uuwi sila o hindi. Uuwi lang naman sila para magbakasyon dito not because they miss me or they miss philippines. They are already settled down in Switzerland. Ah hindi pala. Halos wala naman silang maayos at tinatagalan na pinang stay-an. They are in Switerland this year kasi inaayos at inaahon nila yung Velins company na nabankcrupt noon sa Zurich.

[okay.] Reply ko.

[how's you studies there?] reply niya. Napataas ako ng kilay. Wow, hindi ba 'to busy? Nagagawa pang magreply sa anak niya na dapat inuuna niya yung trabaho niya.

[it's fine.] reply ko ulit. Doon ay hindi na siya nagreply pa. Tinago ko ang phone ko sa bag at nakinig sa intructor.

"Horney believed that each person begins life with the potential for healthy evelopment, but like other living organisms, people need favorable conditions for growth. These conditions must include a warm and loving environment yet one that is not overly permissive. Children need to experience both genuine love and healthy discipline. Such conditions provide them with feelings of safety and satisfaction and permit them to grow in accordance with their real self." Discuss ng instructor namin.

This is the psychoanalytic social theory of Horney. Itinukod ko ang siko ko sa may desk at pinatong ko ang mukha sa kamay para makinig sa instructor ng mabuti. Binuksan niya ang board marker at nagsulat sa white board. The basic hostility and the basic anxiety.

"Unfortunately, a multitude of adverse influences may interfere with these favorable conditions. Primary among these is the parents' inability or unwillingness to love their child. Because of their own neurotic needs, parents often dominate, neglect, overprotect, reject, or overindulge."

He then circled the word basic hostility in the white board and emphasize.

"If parents do not satisfy the child's needs for safety and satisfaction, the child develops feelings of basic hostility toward the parents." He emphasiez the basic hostility.

"However, children seldom overtly express this hostility as rage. Instead, they repress their hostility toward their parents and have no awareness of it. Repressed hostility then leads to profound feelings of insecurity and a vague sense of apprehension." He paused and roamed his eyes around us. Nang makita niyang seyoso kaming lahat na nakikinig ay nagpatuloy siya.

He then encircled too the word basic anxiety in the white board.

"This condition is called basic anxiety, which Horney defined as a feeling of being isolated and helpless in a world conceived as potentially hostile. But she gave a more graphic description, calling basic anxiety 'a feeling of being small, insignificant, helpless, deserted, endangered, in a world that is out to abuse, cheat, attack, humiliate, betray, and envy."

Humarap siya sa amin to continue what he is saying while playing his marker on his hand.

"basic anxiety can also contribute to feelings of hostility. As an example of how basic hostility can lead to anxiety....Horney wrote about a young man with repressed hostility who went on a hiking trip in the mountains with a young woman with whom he was deeply in love----" napantingin siya sa relo niya.

"oh it's time already. We'll continue the discussion next meeting."

"siiirr! Wala na kaming klase next class baka pwedeng ituloy na lang ngayon." Reklamo ng mga classmates ko. Mukhang katulad ko ay pati sila ay nahooked din sa topic at nabitin.

Natawa lang si sir.

"just read the book if you have vacant time. Wala kayong klase? Basahin niyo yung libro." He said with humor.

"aantukin lang kami sir pag binabasa. Mas maganda yung dinidiscuss mo, sir."

"then we'll discuss it next meeting. I still have my next class." He said at lumabas na pagkatapos maayos ang mga gamit sa table.

After that ay tulala akong lumabas ng room.

"ayos ka lang?" tanong ni Mark na naghihintay pala sa akin sa labas.

I snap on myself at binalingan siya.

"ah oo. Si Melody?"

"umalis na. diyan lang naman sa likod ng school boarding niya."

Tinitigan ako ni Mark na parang may gustong tanungin. But he chose not to. Kanina pa siya sa labas?

Tahimik lang ako habang naglalakad kami papunta sa pinag parking-an niya ng motor niya. At dahil tahimik ako ay tahimik din siya. Bumuntong hininga ako.

"how is he feeling of having a mother and father in your side watching you grow up?" napatigil siya. Pero agad din naman ngumit pero tipid lang.

"hindi naman pare-pareho." He said at tumingin sa harap na parang may interesting doon.

"I can say that I am lucky enough to have my parents beside me through my ups and downs. But that's all. Alam mo yung masakit pag lagi mo silang kasama? Yun ay ang makita sila na nag-aaway mismo sa harapan mo. Yung marinig lahat ng pinag-aawayan nila." Malamlam na tumitig siya sa mga mata ko.

"para sayo, you envy those who people who have parents beside them who loved them so much. But for them, yun na lang ang alas nila para mabuhay. Kasi kung papabayaan nila ang isa't-isa, they won't survive this cruel world. They have the love and support of the family. While you lack by parents love but you have live your stable life without thinking where will you get the food again and what would you eat the next day. Pero isipin mo. Pareho lang kayo na nagsisimula pa lamang. Those people who born in a normal family, thay just start first by being poor with care and compassion to each family members while pursuing a stable life. While you, you started in a stable life. And that your parents maybe trying their best to pursue a stable connections and loved by trying their best to provide what you need by working harder. May mga tao nga na nasa kanila na lahat. The wealth, the family's love pero hindi maiiwasan na there is this something na wala ka or hindi mo makuha. Maybe to be loved by that someone you loved the most, or a healthy living." Mahabang saad niya.

I understand what he said. Bumuntong hininga ulit ako ng malapit at tinanong siya.

"what about you?" tanong ko sa kanya.

Ngumit lang siya ng tipid at nilabas ang key sa pocket niya. Nandito na rin kasi kami sa motor niya.

"middle class lang. kaya kinakaya pa naman, unlike you." He said while showing that half side smile.

"hop in." nang makasakay ay agad din umalis. Pero bago kami makaalais ay hindi nakaligtas sa pangin ko si Hanimark na papasok ng building ng nursing.

Nakalimutan ko palang sabihin. Public school lang ako nag-aaral. At isa pa, kulang sa pasilidad kaya sa nursing lang merong laboratory. Kaya pati kami na psychology ay nahihirapan minsan makagamit ng laboratory kasi nakikigamit lang kami. Kung hindi mga agri ay mga nursing naman. Nagtataka kayo bakit hindi ako sa private pumasok? Simple lang, kasi ayokoong lumayo dito. Tsaka trip ko lang. Dito ko gusto mag-aral kasi si mama ay taga rito sa sa probinsiya. Nag-aral siya rito at dito nagtapos ng IT pero lumuwas siyang manila at doon niya nakilala si papa na isang IT din. My papa is a genius too in terms of technologies. He's a real talent to the point that he started his own business in computer repairing, until he met my mom and got married. Since they both have the same passion, they work together and founded the Synthex System Group. It is a large company that have a branches in different countries under a different company name. like Velin's company.

Nang makauwi ay niyaya ko pa siyang pumasok sa bahay pero tumanggi siya. Kaso lumabas si ate Merlin at halos pinuri si Mark dahil nga noong pumunta sila rito. Pinilit niya si Mark na papasukin para manlang mabigyan ng meryenda kasi nung last ay hindi na nagawa kasi nagmamadali siyang umalis. Hiyang-hiya si Mark na pumasok ng bahay at mukhang nagtataka kung bakit ganon na lamang ang reaksiyon sa kanya ni ate Merlin.

"nakakahiya naman." Bulong niya pero narinig iyon ni ate.

"ano ka ba! Bat ka pa mahihiya eh pumunta ka na rito dati diba? Tsaka pinapapasok ka naman ng may-ari ng bahay diba? parang hindi naman kayo magkaibigan ey!" natawa na lang ako.

Pagpasok namin sa bahay ay dumeretso muna ako dito sa kwarto para magpalit.

Pagkababa ko ay nandon na sila sa kusina. Hiyang-hiyang na talaga ang itsura ni Mark kasi kanina pa siya hindi tinitigilan ni ate.

"ate, pagpahingain mo naman siya. Parang siya na ang alaga mo ah. How about me where's my cake?" I said while pouting. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top